You are on page 1of 1

Tayoto, July Rhayne N.

9:30-10:30 MWF

BS Accountancy 1

Magandang umaga sa ating lahat. Sa ating panahon ngayon, kapansin-pansin ang pag-
unlad ng paraan ng pamumuhay ng ating tinatamasa kumpara sa ating mga ninuno. Hindi
maitatanggi na kalimitan sa mga pagbabagong ito ay bunga ng modernong teknolohiya. Sa
simula ay sapat ito at kuntento tayo sa biyayang dulot nito sa ating buhay, subalit sa paglipas ng
panahon, dumarami ang ating mga pangangailangan. Ito ang naging dahilan upang umisip ng
paraan ang tao kung paano matutugunan ang mga pangangailangang ito. Ang mga imbentor ay
walang humpay sa paglikha dahil hindi nauubos ang pangangailangan ng tao.

Sa tulong ng makabagong siyensiya at teknolohiya, nagbabago ang pamamaraan ng ating


buhay pati na rin ang ating kapaligiran. Nakapaglalakbay ang tao sa kalawakan at narating din
ang ilalim ng karagatan. Sa isang saglit, agad naipaparating ang mga kaganapan saan mang sulok
ng mundo sa pamamagitan ng internet at satellite. Kung ating nanaisin ay maaari tayong
makipag-ugnayan sa taong nais nating makausap dahil mayroon na ngayong cellphone.

Iba’t-ibang gamut na panlunas sa mga nakamamatay na karamdaman ang nalikha dahil sa


makabagong teknolohiya. Dahil din sa agham at teknolohiya kung bakit umunlad ang mga
industriya na lumilikha ng iba’t-ibang gamit sa paghahanapbuhay at lumikha din ito ng mga
trabaho para sa maraming tao. Ang kalikasan ay naging mas kapakipakinabang dahil sa
modernong teknolohiya. Isang halimbawa ang mga talon o falls na pinalilinangan ng
hydroelectric energy. Ang mga bulkan ay napagkukunan ng geothermal energy na pinagmumulan
ng elektrisidad. Ang mga enerhiyang ito ay renewable, kaya samakatuwid, ito ay matipid at di
nakasisira sa kapaligiran.

Ang kapakanan ng kapaligiran ay dapat laging isinasaalang-alang sa bawat paglikhang


isinasagawa. Dapat ang mga ito ay environment-friendly. Hindi dapat malagay sa panganib ang
buhay at kalusugan ng mga mamamayan at hindi makakasira sa ating kalikasan.

Ang pagreresiklo ng mga waste materials ay isa sa pinakamahalagang solusyong


magagawa sa pagbabawas ng basura. Bukod sa maiiwasan din nito ang polusyon at mga sakit, ito
ay makapagbibigay pa ng kabuhayan sa mga tao.

Ang pagsulong ng makabagong teknolohiya ay maraming benepisyong naidudulot sa tao.


Ito ay nangangahulugan din ng kaunlaran. Ngunit, kaakibat nito ay ang responsibilidad sa ating
kapaligiran. Dapat sa pag-unlad ng tao ay ang pag-unlad din ng kalikasan. Huwag natin itong
hayaang masira o ipagsawalang-bahala dahil sa kagustuhan natin na mapagaan ang ating buhay.
Ang mundo ay iisa lamang at ito ang ating tahanan.

Maraming salamat po.

You might also like