You are on page 1of 1

Division Science Quest

Sa nakalipas na mga siglo ng ating kasaysayan, ang sangkatauhan ay nagpatuloy na mamuhay sa


pinaka-payak na pamamaraan gamit ang munting kaalaman sa teknolohiya. Kasabay ng pag-ikot ng
mundo, ang pagsulong ng mga oportunidad na may kaugnayan sa larangan ng siyensya at teknolohiya,
na siya naming pinaka lundo ng ating mga kinakaharap na problema sa ating lipunan. Sa gitna ng mga
suliraning panlipunang ito, kalakip ng pagsulong ng pamumuhay ng tao, hanggang saan tayo puwedeng
dalhin ng ating kaalaman sa siyensya at teknolohiya?

Kasing bilis ng pagdating ng modernisasyon, ang pagsulong ng ating nasyon at paglago ng


kaalaman ng tao. Marahil sa iba, ito ay isang adhikain na kailangang isakatuparan, at isa ring pagtugon sa
mga hamon ng buhay. Ang mundo ay maihahalintulad sa isang kanlungan ng globalisasyon, na kung saan
bawat isa sa atin ay binibigyan ng pagkakataon na masilayan kung ano ang mga kainaman na naidudulot
ng teknolohiya sa iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao. Ang teknolohiya ay ating nadarama at
nasisilayan sa bawat gusali na itinatayo, sa bawat butil ng pagkain na binabayo ng makabagong paraan
ng pagsasaka, at sa pag-usbong ng mga siyudad alinsunod sa modernong panahon. Tunay nga na ang tao
ay may kakayahang tumugon sa tawag ng globalisasyon.

Higit pa ditto, ang pagsulong ng teknolohiya rin and siyang nag-udyok sa pag-angat at pagsulong
ng ating nasyon. Karagdagan pa dito, ang layunin nitong baguhin ang lumang konsepto ng tao na may
kinalaman sa pananaliksik, at bigyang daan ang pag-angat ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Ang
modernong kaalaman din ng tao ang nagging susi sa pagsulong ng ating pakikipag-ugnayan sa ibang mga
bansa na sakop ng United Nations. Kaya naman, ito ay pinaka-kritikal ngunit pinaka-mahalaga na
pagtuunan ng pansin sa ating pagpasok sa mundo ng globalisasyon.

Kung ating susriin, ang pagdating ng makabagong teknolohiya ay naging isang malaking daluyan
ng pang-malawakang pag-asenso at pag-unlad gamit ang makabagong paraan ng pananalisik. Tunay nga
na ang mga nakamamanghang imbensyon na dulot ng makabangong teknolohiya ay maiuugnay sa
patuloy at walang sawang paghahanap at pananaliksik ng tao sa mga kasagutan at posibilidad, na siyang
nagpapamalas sa kanilang taglay na karunungan ---ang siyang pinaka-pangunahing sanhi ng paglago at
pag-unlad ng teknolohiya.

You might also like