You are on page 1of 12

Preliminaries

Module Title: Ang Mundo ng Agham, Teknolohiya at Lipunan


Course Title: Agham, Teknolohiya at Lipunan
Course Number: GE 101
Course Description:Tumatalakay ang kurso sa mga interaksiyon sa pagitan ng agham
at teknolohiya at lipunan, kultural, politikal, at kontekstong pang-ekonomiya
na humuhubog at nalilikha ng mga ito. (CMO blg. 20, serye 2013)
Nahihimok ang mga mag-aaral sa interdisiplinaryong kursong ito na harapin
ang mga realidad bunsod ng agham at teknolohiya sa lipunan. Ang ganitong
katotohanan na nakaaapekto sa pansarili, pampubliko, at ang aspektong
pangglobal ng ating pamumuhay at mahigpit na b ahagi na ng pag- unlad ng
tao. Nangyayari ang karunungang pansiyentipiko at penteknolohikal sa
konteksto ng lipunan kasama lahat nito ang sosyo-politikal, kultural,
ekonomika, at mga pilosopikal na kaisipan na pinagsama-sama. Nilalayon ng
kursong ito na itanim ang mareplektibong karunungan sa mga mag- aaral na
makapamuhay nang mabuti at nakapagpapamalas nang etikal na pagpapasiya
sa harap ng siyentipiko at teknolohikal na pagsulong.
Total Learning Hours: 18 hours
Pre-requisite:None

Overview:
Ang agham, teknolohiya at lipunan (Ingles: science, technology and society, dinadaglat
bilang STS), na tinatawag ding araling pang-agham, pangteknolohiya at panlipunan, ay
ang pag-aaral ng kung paano nakakaapekto ang mga pagpapahalaga na
pangpakikipagkapuwa, panlipunan, pampolitika, at pangkultura sa pananaliksik na pang-
agham at inobasyong pangteknolohiya; at kung paano naman naaapektuhan ng pananaliksik
na pang-agham at inobasyong pangteknolohiya ang lipunan, politika at kultura. Ang mga
dalubhasa sa larangang ito ay nakatuon sa sari-saring mga suliranin na kinabibilangan ng
ugnayan sa pagitan ng mga inobasyon na pang-agham at pangteknolohiya at ng lipunan, at sa
mga kinapupuntahan at mga panganib ng agham at teknolohiya. Mayroong mahigit sa
dalawang dosenang mga pamantasan sa buong mundo ang nag-aalok ng mga degring
pambatsilyerato sa STS. Tinatayang kalahati ng mga ito ang nag-aalok din ng mga degring
pangduktoral at pangmaster. Ang isang modelo ng STS ay nilikha at pinaunlad ng mga
iskolar upang isaalang-alang ang mga epektong panloob at panlabas.

Learning Outcomes
At the end of the chapter the students must have:

1. Naipapaliwanag ang agham, teknolohiya at lipunan sa mabisang paraan.


2. Nahihimay-himay ang mga usaping may kaugnayan sa agham at teknolohiya.
3. Makagagawa ng isang pagsusuri batay sa pagbabago ng agham sa nakalpias na panahon.
Indicative Content
The following are the sub-topics included in this lesson:
 Ang Mundo ng Agham
 Ang Ugnayan ng Agham sa Lipunan
 AngmgaPagbabagongParadimasaKasalukuyan
 AngTeknolohiya

ANG MUNDO NG AGHAM.


Ang agham, ito ang sistema ng kaalaman na naghatid sa tao mula
sa pagiging sinauna hanggang sa pagiging moderno. Ngunit sa
kabila ng ginhawang inihahatid ng agham madami sa atin ang
walang interes dito.
Sino bang hindi mag-aakila na parusa ang pag-aaral ng chemistry,
ng physics, at lahat ng branches ng science? Sabi nga natin nung
tayo'y estudyante pa, ginagamit ba ang science at math ng mga
magtataho, tindera, at karpintero? Sabagay may tama tayo doon.
Sapagkat madami sa propesyon ngayon ay hindi nangangailangan ng experimentations at
equations.

Mahirap at tila walang paggagamitan ang pag-aaral ng agham ngunit sana ay hindi natin
makalimutan ang totoong layunin nito. Kailangan natin malaman na ang siyensya ay hindi
lamang para sa paggawa ng gadgets, o sa pagusulat ng mga komplikadong formulas, o sa
pagpapahaba ng buhay.
Ang agham ay binuo ng tao para sa mas mahalagang dahilan. Iyon ay upang alamin kung
paano gumagana at tumatakbo ang mundo. Ang kuryosidad ng tao ay walang tigil. Paano
nagsimula ang lahat? Paano nabuo ang buhay? Ano ang purpose ng tao sa mundo? Saan tayo
dapat tumungo?

Ang dami ng hirap ang pinagdaanan ng tao para masagot lang ang mga ito at ang produkto,
ang mga kaalamang nagbibigay ng malaking pagbabago. Walang sinuman ang may
kakayahang baguhin ang mundo kung walang nakakaalam kung paano ito tumatakbo. Kapag
mas madami ang kaalaman ng isang tao, mas lumalawak ang kanyang pang-unawa at mas
madami syang magagawa.

Marahil nga walang silbi ang agham sa mga magtataho, managers, agents, artista, editors, at
sa masa. Ngunit para sa mga taong gustong gumawa ng totoong pagbabago sa sarili, sa
kapwa, sa kapaligiran, at sa lipunan, ang agham ang pinakamahalagang instrumento para
makamit ito.

Ang Ugnayan ng Agham sa Lipunan

Sa agham napag-aaralan natin ang likas na kayamanan sa ating kapiligiran — ang


kalikasan — mula sa lupang ating kinatatayuan at sa dagat na pumapaligid sa atin patungo sa
kalangitang tahanan ng bituin
Sa agham lumalalim ang ating ugnayan sa kalikasan — mula sa pag-iwas at pag-agap sa
dalang panganib ng baha at pag-alaga at pagpalaki ng manok at mga itlog nito hanggang sa
pagpapatibay ng ating kalusugan sa pamamagitan ng DNA at ibang molecules sa ating
katawan.

Sa agham nakikita natin ang epekto ng mga interaksyon na ito sa ating kultura — mula sa
ekonomiya at hanabuhay na pinapatakbo ng modernong teknolohiya at sa napapanood nating
balita sa telebisyon at YouTube hanggang sa tinuturo ng ating mga guro sa atin sa eskwela.
Sa lahat ng ito — mula sa kalikasan hanggang sa ating kultura — mahalaga ang agham.
Una, maraming larangan sa agham. Maraming mapag-aaralan. Hindi lang biology, chemistry,
at physics kung hindi ang pagsama-sama nito. Sa bawat tanong tungkol sa ating sarili at sa
mundong ito may mapag-aaralan. Ito ang interdisciplinarity ng agham.
Pangalawa, maraming paraan upang maka-ambag sa halagang binibigay sa atin ng agham.
Mula sa komunikasyon at pagpopondo hanggang sa pagtuturo nito, lahat tayo ay may
maibabahagi. Hindi kailangang maging scientist upang makatulong sa agham sa Pilipinas,
ngunit sa mga scientist nagsisimula ito. Mula roon kinakailangan ang tulong ng gobyerno,
negosyante, artista, magulang, at iba pang mga kabihasnan, karanasan, at perspektibo.
Huli, hindi talaga maiiwasan ang agham. Bahagi ito ng ating pang-araw-araw na pamumuhay
kaya’t hindi tayo dapat matakot na alamin ang katotohanan, unawaan ang impormasyon, at
ibahagi ang ating nalalaman tungkol sa agham at ang kahalagahan nito sa ating lipunan.
Madaling sumuko at hindi maging mapanuri sa nababalita natin, ngunit sa pagtingin at
pagtanong matatanggap natin ang matamis na bunga ng agham — ang pag-unawa sa
kahalagahan ng kaalamang iyon sa ating buhay.
Kaya higit sa pagkilala sa agham, dapat makilala rin natin ang ating sarili. Ano ang ating mga
kakayahan at kahinaan? Ano ang ating hilig? Paano tayo makakatulong sa agham sa
Pilipinas? Sa pagkilala sa ating sarili, masasagot natin ang mga tanong na iyon.

Kasaysayan ng Agham

Ang kasaysayan ng agham ay ang pag-aaral ng kaunlarang pangkasaysayan ng pagkaunawa


ng tao sa likas na mundo o kalikasan at sa mga nasasakupan o mga dominyo ng mga agham
na panlipunan (agham ng pakikipagkapwa). Ang kasaysayan ng sining at araling pantao ay
tinatawag na kasaysayan ng kadalubhasaan. Hanggang sa pagsapit ng ika-20 daantaon, ang
kasaysayan ng agham lalo na ang mga agham na pisikal at pambiyolohiya, ay tinitingnan
bilang isang salaysay na nagdiriwang ng pagtatagumpay ng tunay na mga teoriya o hinuha
hinggil sa mga hindi totoong mga teoriya. Inilalarawan ang agham bilang isang pangunahing
dimensiyon ng progreso ng kabihasnan. Sa loob ng kamakailang mga dekada, mga pananaw
pagkalipas na kamodernuhan (post-moderno), na natatanging naimpluwensiyahan ni Thomas
Kuhn ng kanyang The Structure of Scientific Revolutions ("Ang Kayarian ng mga
Rebolusyong Makaagham", 1962), ang kasaysayan ay tinatanaw bilang nasa nagtutunggaling
mga paradigmo o mga sistemang pandiwa o konseptuwal na naglalaban-laban o nakikibaka
para sa pangingibabaw na pang-intelehensiya (intelektuwal) na nasa loob ng isang mas
malawak na "matris" na kinabibilangan ng mga temang pangkarunungan, pangkalinangan,
pangkabuhayan (ekonomiko), at pampolitika na nasa labas ng dalisay na agham. Isang
bagong pagpansin ang itinoon sa agham o siyensiya na nasa labas ng diwa o konteksto
ng Kanlurang Europa. Ang cute ko dai alam mo yon

Ayon kay Thomas Samuel Kuhn,[1] ang bawat isang bagong paradigmo ay muling sumusulat
ng kasaysayan ng agham nito upang iharap sa pamamagitan ng pagpili o seleksiyon at
distorsiyon (pagbaluktot at pagpilipit) ng nauna o dating paradigmo bilang ninuno nito.

Ang agham ay isang katawan ng kaalamang empirikal, teoritikal, at praktikal (may mga
hakbang) hinggil sa likas na mundo, na nililikha ng mga mananaliksik na gumagamit ng
mga pamamaraang pang-agham, na nagbibigay ng diin sa pagmamasid
(obserbasyon), pagpapaliwanag, at panghuhula (prediksiyon o pagtantiya)
ng kababalaghan sa tunay na mundo sa pamamagitan ng eksperimento. Dahil sa dalawang
kalagayan ng agham bilang kaalamang obhektibo at bilang isang gawa ng tao, ang
mabuting historyograpiya ng ay kumukuha mula sa mga pamamaraang
pangkasaysayan ng kasaysayang intelektuwal at ng kasaysayang panlipunan.

Ang pagbabakas ng tumpak na mga simulain ng makabagong agham ay maaaring gawin sa


pamamagitan ng maraming mahahalagang mga tekstong nakaligtas at nananatili pa magmula
noong kapanahunan ng klasikal na mundo. Subalit, ang salitang siyentipiko (na scientist sa
Ingles) kung tutuusin ay kamakailan lamang, na unang ginamit (o inimbento) ni William
Whewell noong ika-19 daantaon. Noong dati, ang mga taong nag-iimbistiga ng kalikasan
(sumisiyasat sa kalikasan) ay tinatawag ang kanilang mga sarili bilang mga pilosopong
pangkalikasan o makakalikasan.

Ang mga pamamaraang pang-agham ay itinuturing na napakapundamental o "likas na


pundasyon" ng moderno o makabagong agham kung kaya't ang ilan — partikular na ang
mga pilosopo ng agham at mga siyentipikong masisigla sa kanilang larangan — ay
nagtuturing sa mas maaga at mas naunang mga pagsisiyasat at pag-uusisa ng kalikasan
bilang pre-siyentipiko o "nauna sa pagiging makaagham". Sa nakaugalian, ang mga
manunulat ng kasaysayan ng agham ay nakapagbigay ng sapat na malawak na kahulugan ng
agham upang maisama ang mga pagsisiyasat na iyon."[
Ang mga Pagbabagong Paradima sa Kasalukuyan

Alam namin na ang mundo na nilikha namin ay hindi mapanatili: kailangan namin ng
bagong pag-iisip upang maiwasan ang pagbagsak at itakda sa amin sa kurso para sa isang
sustainable at thriving lipunan. Ang inspirasyon para sa bagong pag-iisip ay maaaring
magmula sa agham ngunit hindi, o hindi lamang, mula sa agham bilang pinagkukunan ng
mga bagong teknolohiya. Sa halip, kailangan nating tingnan ang agham bilang
pinagmumulan ng oryentasyon at patnubay, bilang isang bukal ng mapagkakatiwalaang mga
ideya para muling matuklasang muli ang ating mga relasyon sa isa't isa at sa uniberso. Ang
rebolusyon sa ilalim ng agham ay nag-aalok ng isang paradaym na maaaring punan ang
pangangailangan na ito.

Ang isang Bagong Paradigm Well Beyond Science

A paradaym sa agham ay ang minsan ay walang saysay ngunit palaging epektibong


pundasyon ng paraan ng mga siyentipiko na maisip ang mundo, kabilang ang mga bagay at
mga proseso na kanilang sinisiyasat. Ang isang bagong paradaym ay isang mahalagang
pagbabago sa agham: pinapayagan nito ang mga siyentipiko na magkasama ang mga
umuusbong na elemento ng pang-agham na kaalaman at mapansin ang makabuluhang
kabuuan na pinagbabatayan ng masalimuot na mosaic ng datos, teorya, at aplikasyon.

Ang isang bagong paradaym ay may kahulugan at interes na higit pa sa agham. Nagbibigay
ito ng isang holistic, integral view ng buhay at uniberso, ang pag-aangat ng mga tanawin
mula sa larangan ng haka-haka patungo sa domain ng maingat na pagmamasid at mahigpit na
pangangatuwiran. Kahit na batay sa mga sopistikadong mga teoryang at malawak na mga
obserbasyon, ang kasalukuyang umuusbong na paradaym ay karaniwang simple at likas na
makabuluhan.

Hinahamon ang Tunay na Pundasyon ng Agham


Ang ganitong uri ng gusot ay hindi limitado sa domain ng kabuuan: lumalabas din ito
sa mga antas ng macroscopic. Hindi magiging posible ang buhay sa kawalan nito. Sa katawan
ng tao, halimbawa, ang trillions ng mga cell ay kailangang ganap at tumpak na nauugnay sa
pagpapanatili ng organismo sa pisikal na lubos na malamang buhay na estado. Ang
panawagan para sa quasi-instant multidimensional na koneksyon sa buong organismo.

Ang paradaym na lumilitaw sa agham sa ikalawang dekada ng siglong ito ay nagpapahiwatig


ng isang malaking pagbabago sa worldview ng agham. Ito ay isang paglipat mula sa
dominanteng tularan ng ikadalawampu siglo, kung saan ang mga kaganapan at mga
pakikipag-ugnayan ay pinaniniwalaan na maganap sa espasyo at oras at itinuturing na mga
lokal at maihihiwalay, sa isang siglo na siglo na tularan na kinikilala na mayroong mas
malalim na sukat na lampas sa espasyo at oras at na ang koneksyon, pagkakaugnay-ugnay, at
pag-uusapan na pinanood natin sa mundo ng mahayag ay naka-code sa integral na domain ng
mas malalim na dimensyon.

Pangkalahatang-ideya

Ang Science (mula sa Latin na siyentipiko , nangangahulugang "kaalaman") ay isang


sistematikong enterprise na nagtatayo at nag-aayos ng kaalaman sa anyo ng mga nasusubok
na paliwanag at hula tungkol sa uniberso.
Ang pinakamaagang mga ugat ng agham ay maaaring masubaybayan sa mga gawa ng mga
Ancient Egyptian at Mesopotamian, na ang mga kontribusyon ay pumasok at may hugis ng
natural na pilosopiyang Griyego sa klasikong sinaunang panahon. Matapos ang pagbagsak ng
Kanlurang Imperyong Romano, ang agham ng agham ng Gresya ay lumala sa Kanlurang
Europa sa panahon ng Middle Ages ngunit umunlad sa Islamic Golden Age. Ang pagbawi at
paglagom ng agham ng Griyego at Islam sa Kanlurang Europa noong ika-10 hanggang ika-13
na siglo ang humantong sa muling pagbabangon ng natural na pilosopiya sa Kanluran, na
nagpatuloy sa pag-unlad nito bilang pasimula ng natural na agham mula sa Renaissance
hanggang sa ika-19 siglo. Noong ika-17 at ika-18 siglo, lalong hinangad ng mga siyentipiko
na bumuo ng kaalaman sa mga tuntunin ng mga batas ng kalikasan . Sa paglipas ng panahon,
ang terminong agham ay nauugnay sa pang-agham na pamamaraan, isang sistematikong
paraan ng pag-aaral sa natural na mundo at lalo na noong ika-19 na siglo, ang maraming
makikilala na mga katangian ng kontemporaryong modernong agham ay nagsimulang
maghugis.

Ang modernong agham ay karaniwang nahahati sa tatlong pangunahing sangay na binubuo


ng mga natural na agham (eg biology, chemistry, physics), na nag-aaral ng kalikasan sa
pinakamalawak na kahulugan; ang mga agham panlipunan (eg sikolohiya, sosyolohiya,
ekonomiya), na pag-aaral ng mga indibidwal at lipunan; at ang mga pormal na siyensiya (hal.
matematika, lohika, teoretikal na agham ng computer), na pinag-aaralan ang mga konsepto ng
abstract. Gayunman, mayroong hindi pagkakasundo, kung ang mga siyentipikong pormal na
bumubuo ng isang agham dahil hindi sila umaasa sa katibayan ng empiryo. Ang mga
disiplina na gumagamit ng agham, tulad ng engineering at gamot, ay inilarawan bilang mga
agham na inilapat.

Ang agham ay may kaugnayan sa pananaliksik at karaniwang inorganisa ng mga institusyong


pang-akademiko at pananaliksik pati na rin ang mga ahensya ng pamahalaan at mga
kumpanya. Ang praktikal na epekto ng siyentipikong pananaliksik ay humantong sa paglitaw
ng mga patakaran sa agham na nagsisikap na maimpluwensiyahan ang pang-agham na
enterprise sa pamamagitan ng pagpuna sa pagpapaunlad ng mga komersyal na produkto,
armaments, pangangalaga sa kalusugan, at proteksyon sa kapaligiran.

Mayroon ding mga pangalang tinawag na humanities at agham panlipunan. Orihinal na isang
salita na ginawa sa Japan sa pagtatapos ng ika-19 na siglo bilang isang pagsasalin ng agham
sa Ingles (o Pranses), kalaunan ay na-import sa China. Ang siyensya ay orihinal na
ipinanganak mula sa salitang Latin para sa scientia, o kaalaman. Bilang isang wika sa Europa,
mabilis itong pinagtibay sa Pranses, at itinatag ito bilang Ingles noong unang bahagi ng ika-
17 siglo. Sa Aleman, ito ay isinalin sa Wissenschaft. Samakatuwid, ang kahulugan ng
nagsasalita ng Pranses, nagsasalita ng Ingles, nagsasalita ng Aleman, at kahit na ang mga oras
ay magkakaiba-iba. Ang sitwasyon sa Japan na isinalin ang lahat ng ito sa "agham" ay dapat
ding isaalang-alang.

Samakatuwid, ang agham na naglalayong objectivity ay karaniwang may isang


materyalistikong tendensya. Ang agham ay tungkol sa likas na katangian, ngunit natural na
kasama nito ang mga tao. Samakatuwid, ang pang-agham na pakikipagsapalaran ng tao ay
nagsisimula sa paghahanap ng tao bilang isang bagay. Ang isa sa mga katangian ng nilalaman
ng agham ay lilitaw dito.

Ang Teknolohiya

Kasabay ng mabilis na pag-usad ng panahon ang mabilis na pagbabago sa mundo pati


na rin sa saloobin at kaluluwa ng tao. Ang pagkahayok ng bawat isa sa pagbabago ang siyang
sanhi ng pagkasilang ng teknolohiya. Hindi maikakailang lumawak na ang kaalaman tungkol
sa mundo at ito ay dahil sa modernong panahon na kinabibilangan natin ngayon. Gaano na
nga ba kalayo ang ating nilakbay at tila ba nakalimutan na ng mga kabataan sa kasalukuyan
ang mga bagay na kinagigiliwan nating gawin sa mga nakalipas na panahon?

Pagbalik tanaw sa mga larong Pinoy katulad na lamang ng bahay-bahayan, langit lupa,
patintero at iba pa na dating nagbibigay buhay sa lansangan at bumabasag sa nakabibinging
katahimikan ng kapaligiran. Salungat sa kasalukuyang ganap ng mga kabataan pagdating sa
paglalaro. Kahit saan tayo lumingon bakas ang pagbago ng teknolohiya sa mundo at kasabay
nito ang malaking pagbabago ng kabataan. Halos hindi mabitawan ang mga gadgets na mas
madaming oras pa ang inilalaan kaysa makipag interaksyon o gumawa ng mas makabuluhang
bagay

Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng


mga magaaral sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer , at
projectors. at sa pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong
impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga
kailangang impormasyon. sa madaling sabi ang teknolohiya ay nakatutulong sa atin dahil
napapabilis nito ang iba’t ibang gawain ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga
aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong teknolohiya simula pa noong mga
nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang kompyuter kung saan ay maari kang
mag suri , mag siyasat at mag saliksik ng mga bagay na ninanais mong nalaman o
kinakailangan sa eskwelahan. Ngunit sa makabagong panahon ngayon , ang pinakamalawak
at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaring
maka-access ng internet. Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay
di mo magagamit ang kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag siyasat ng iyong
hinahanap. Mas epektibong naibabahagi ng mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil
sa internet.
MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na ‘globalisasyon’, at


patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng
teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng
mauunlad na bansa

Ang makabagong teknolohiya ay isa ng bahagi ng pang araw-araw na buhay ng isang tao.
Ginagamit natin ang teknolohiya sa halos lahat ng dako. Cell phone, computer, laptop, smart
boards, mga sistema ng GPS, at iba pa. Lahat ng iyan ay nagmula sa teknolohiya. Ito ay
tumutulong sa atin araw-araw, sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng impormasyon at
maginhawang pamumuhay. Ang teknolohiya ay mabilis at ito ay tumutulong sa ating
ekonomiya.

Dahil sa makabagong teknolohiya, naging mas madali ang pagtuklas sa mga kaugnay na
impormasyon sa anumang oras at kahit saan. Ito ay naging posible dahil sa mga makabagong
teknolohiya tulad ng broadband internet. Ang impormasyon ay ang kapangyarihan, at ang
mga taong makakahanap ng impormasyon at gagamitin ito ng mahusay, ay laging
magtatagumpay.

Hinihikayat ng makabagong teknolohiya ang mga makabagong ideya at ang pagiging


pagkamalikhain. Ito ang nagsisilbing ilaw ng isipan upang gumana sa buong potensyal nito. Sa
nakaraan, mahirap magsimula ng negosyo. Ngayon, ang pagsimula ng negosyo ay napakadali na
lamang at pwede kang magkaroon ng negosyo habang ikaw ay nasa bahay lamang.
Ang computer ay nakatulong ng malaki sa ating mga mag-aaral lalung-lalo na sa aspeto ng
pananaliksik at pagtuklas. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para
kumuha ng mga kakarampot na impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang maghalungkat
sa maalikabok na mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na kinakailangan sa iyong takdang
aralin. Puntahan mo lang ang google, iencode mo lang ang topik na hinahanap mo, mag-antay ka lang
ng ilang sandali, at makikita mo na ang iyong hinahanap.

Nawa’y matutunan ng mga kabataang gamitin ang mga makabagong teknolohiya tungo sa
kaunlaran. Nawa’y gamitin ng mga kabataan ang mga teknolohiyang ito sa edukasyon. Hindi
ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang
natatanging pananggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Ang isang taong edukado ay isang
taong maalam sa buhay.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng
kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito
ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring
makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang
paraan.
KAHALAGAHAN NG TEKNOLOHIYA SA
EDUKASYON

Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng


mga magaaral sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer , at
projectors. at sa pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong
impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga
kailangang impormasyon. sa madaling sabi ang teknolohiya ay nakatutulong sa atin dahil
napapabilis nito ang iba’t ibang gawain ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga
aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong teknolohiya simula pa noong mga
nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang kompyuter kung saan ay maari kang
mag suri , mag siyasat at mag saliksik ng mga bagay na ninanais mong nalaman o
kinakailangan sa eskwelahan. Ngunit sa makabagong panahon ngayon , ang pinakamalawak
at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaring
maka-access ng internet. Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay
di mo magagamit ang kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag siyasat ng iyong
hinahanap. Mas epektibong naibabahagi ng mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil
sa internet.

Ang makabagong teknolohiya ay ginawa para sa ipapadali ng buhay ng tao lalong lalo
sa mga estudyante. Hindi ito ginawa para makagawa o magbunga ng kasamaan. Maaring may
masamang epekto ito sa kabataan ngunit kung ang paggamit ng mga teknolohiyang ito ay
may kasamang disiplina , maari itong maiwasan.
Exercises/Drills

Perform our class activities for this lesson via our learning groupusing the class code
given to your section at the beginning of this semester.

Evaluation
1. Gumawa ng isang pagsusuri batay sa pagbabago ng agham sa mga nakaraang
panahon.

Additional Reading
See the following attachments for reference.

1. Reading Material: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina


2. Rubriks sa Paggawa ng Pagsusuri

References

Agham, Teknolohiya at Lipunan


Dr. Mario H. Maranan.

Online link:
http://www.bulatlat.com/news/3-7/3-7-wika.html
https://www.youtube.com/watch?v=k30Cou71xdNM
https://Academia.edu.com

Rubriks sa Pagawa ng Pagsusuri

Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan ng


(10) (8) (6) pagsasanay
(4)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal
makahulugan ang makahulugan ang lalim ang kabuuan ang kabuuan ng
kabuuan ng Pagsusuri kabuuan ng pagsusuri ng pagsusuri Pagsusuri.
Gumagamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo/pahiwatig simbolismi/pahiwatig simbolismo na pagtatangkang
na nakapagisip sa mga na bahagyang nakalito sa mga ginawa upang
manunuod. Piling-pili nagpaisip sa mga mambabasa. Ang makagamit ng
ang mga salita at mambabasa. May mga salita ay di- simbolismo.
pariralang ginamit. ilang piling salita at gaanong pili.
pariralang ginamit.

DEADLINE: 0CTOBER 22, 2020

You might also like