Professional Documents
Culture Documents
I. Panimula
Siyensiyang Panlipunan. Ang larangang tumutuon sa lipunan ng mga tao. Umiiral ang
mga penomenong panlipunan dulot o resulta ng interbensiyon at interaksyon ng mga tao sa
lipunan. Bagamat magkahiwalay, may mahalagang elementong sangkot sa dalawang larangan---
ang tao. Tao ang nakikinabang, gumaganap, at nabubuhay sa mga elemento ng kalikasan, at tao
rin ang bumubuo sa lipunan. Sa pag-aaral na ito, nangangailangan din ito ng siyentipikong pag-
aaral upang malutas at masuri ng maigi ang mga teorya bago makabuo ng malinaw at magandang
paliwanag.
Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadadagdagan ang ating
kaalaman dito. Sa kabilang banda, ang sining ang siyang mismong obheto o layunin nito--- isang
paglikha upang muling makabuo ng isang ideya o interpretasyon mula sa babasa, titingin, o
makikinig dito. Ang isang mahalagang naililikha ng sining ay ang emosyon. Gayundin, tao pa rin
ang nagsisilibing mahalaga para sa larangang ito. Ang sining ay kaakibat ng personal na pananaw
ng isang tao, ang kanyang nararamdaman at iniisip na nananatiling mabisa sa pagpapanatili ng
moralidad, pagsulong ng kaalaman, pagpapatatag ng kalagayan sa lipunan, tagapagbandila ng
kultura ng isang bansa at tagapag-ugnay ng tao sa kaniyang manlilikha.
II. Nilalaman
3. Pisika- mula sa salitang griyego na physike na ang ibig sabihin ay kaalaman sa kalikasan, natural
na agham na pinag-aaralan ang bagay at mga paggalaw at pag-uugali nito sa pamamagitan ng
espasyo at oras at pag-aaral ng mga kaugnay na entidad ng enerhiya at puwersa. Pangunahing
layunin nito ay upang maunawaan kung paano kumikilos ang uniberso.
4. Heolohiya- agham na sumasaklaw sa pag-aaral ng mundo, ang mga bato na kung saan ito ay
binubuo, at mga proseso kung saan nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang heolohiya ay maaari
ring sumangguni sa pag-aaral ng mga katangian ng anumang terrestrial na planeta o natural na
satelayt tulad ng buwan.
5. Astronomiya- pag-aaral ito ng mga bagay na selesziyal- mga kometa, planeta, galaxy, bituin,
at penomenang pangkalawakan. Agham na nag-aaral sa mga bagay na nasa langit.
Agham Panlipunan
Tulad ng naunang mga disiplina, paktuwal din ang mga impormasyong laman ng mga
tekstong kabilang sa Agham Panlipunan. Gamitin sa larangang ito sa paraan ng paglalahad ng mga
kaisipan ang pagpapaliwanag at pangangatuwiran. Hindi rin ekslusibo sa isang disiplina ang isang
termino dahil maaari rin itong gamitin sa ibang kaugnay na disiplina tulad ng mga disiplinang
Sosyolohiya, Antropolohiya at Lingguwistiks; Akawntansi, Ekonomiks at Pamamahala ng
Pananalapi; at Abogasya at Agham Panlipunan.
Mahalaga ang pag-aaral ng agham at teknolohiya sa lahat ng panahon dahil ito ang susi sa
pag-unlad ng bansa. Ngunit kadalasan ang wikang Ingles ang ginagamit sa pagtuturo nito, mula sa
antas ng hayskul hanggang sa kolehiyo, bihira ang guro or propesor na gumagamit ng sariling wika
sa pagtuturo nito.
Gayunpaman gumagamit si Dr. Fortunato Sevilla III, ang direktor ng UST Office for
Research and Development (ORD) ng wikang Filipino sa pagtalakay ng mga liksyon sa mga
klaseng kemistri sa Kolehiyo ng Agham.
Ayon sa kanya, mas malaya ang pagtatanong at mas buhay ang talakayan sa ganoong
paraan. Mas madaling naiintindihan ng mga estudyante ang mga konseptong teknikal na
pinapaliwanag niya.
Para sa kanya, kailangang batay sa kakayahang intelektwal at hindi lamang sa wika ang
pag-aaral sa kemistri dahil hindi naman lahat ng estudyante ay magaling mag-Ingles.
"Kung sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon, Korea, Taiwan,
Tsina, Germany, Pransiya, España at iba pang bansa na gamit ang sariling wika, bakit hindi
paunlarin ang sariling wika para maging matatas din ang mga Pinoy sa agham?” ani ni Sevilla III.
Ayon sa Third International Matehmatics and Science Study na lumabas noong 1997,
nahuhuli ang Pilipinas sa larangang ito.
Sinisikap ni Dr. Sevilla III na hikayatin ang mga guro at mananaliksik na gumamit ng
Filipino sa talakayan, maging sa klase man o sa pag-uulat ng kanilang saliksik sa mga panayam.
Hindi ang nilalaman ng kanilang panayam kundi ang paglahad nito sa sariling wika ang
pinaghahandaan ng mga tagapagsalita. Nakikipag-ugnayan sila sa isang guro mula sa
Departamento ng Wika upang masigurong wasto ang ginagamit na salitang Filipino.
Sa pisika naman, bilis ang speed at tulin kung saan may direksiyon ang paggalaw sa
velocity.
May iba’t ibang paraan ang pagsalin ng mga salitang Ingles sa Filipino. Una rito ang
paggamit ng salitang Kastila. Kabilang dito ang siyensya, kimika, pisika, biyolohiya, matematika,
metal, likido, solido, produkto at iba pa.
Pangalawa, ang pag-uugnay ng mga katutubong salita para makabuo ng bagong salita.
Halimbawa, kapnayan (galing sa salitang sangkap at hanayan para sa chemistry); haynayan,
(buhay + hanayan sa biology) at liknayan (likas + hanayan sa physics); at mulapik ( mulaang +
butil para sa molecule).
Ang paghahalo ng wikang Ingles at Filipino nang wlang pagbabago ang huling paraan.
Halimbawa, bumibilis ang takbo ng mga molecule kung tataasan ang temperature. Ayon kay
Sevilla III, mas mainam itong gamitin sa mga talakayan sa klase, dahil malapit itosa
pangkaraniwang paraan ng pag-uusap.
Subalit, tutol ang ibang siyentipiko sa paggamit ng Filipino. Makapipigil raw ito sa
pagiging globally competitive ng mga estudyante dahil Ingles ang ginagamit na lingua franca o
medium of communication sa mundo. Bukod sa kailangan ito para sa mabilis na pag-unlad., ito
rin ang paraan para makakuha ng pinakabagong kaalaman sa agham at teknolohiya.
Nagiging mahirap din ang pagsulong ng agham sa Filipino dahil sa kakulangan ng mga
materyales tulad ng babasahin at mga librong pang-agham na maaaring gamitin ng mga
estudyante.
Mayroong diksyunaryo na nabuo ng mga siyentipiko noong dekada sisenta at isa naman sa
dekada otsenta. “Ang Talahuluganang Pang-Agham: Ingles Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose
Sytangco, isang manggagamot mula sa UST; at ang English-Pilipino Vocabulary for Chemistry na
nilikha ng mag-asawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, mga propesor ng kemistri sa
Unibersidad ng Pilipinas.
Sa ngayon, ang UP Diliman lamang ang may librong pang-agham sa Filipino dahil sa
panghikayat na binigay ng Sentro ng Wikang Filipino dito. Gayunpaman, sa UST, Ingles ang
ginagamit na libro, at nasa wikang Ingles ang mga pagsusulit.
Madalas na ipahayag sa Ingles ang agham at teknolohiya. Dahil dito, naniniwala ang mga
siyentista na kailangan din ito ituro sa Ingles. Ngunit s panahon ngayon, matindi ang
pangangailangan ng mga kabataan na matuto ng makabagong agham para makasulong sa
edukasyon.
At kung nahihirapan ang karamihan sa pag-unawa ng Ingles, paano nila mapag-aaralan ang
mga teknikal na konsepto sa agham na pawang Ingles lamang? Dahil dito, mahalaga ang pagbuo
ng bokabularyong agham at teknolohiya sa wikang Filipino.
III. Konklusyon
Mahalaga rin ang siyensya at teknolohiya sa usaping progreso ng bansa dahil maaring
magamit ang mga bagong kaalamang likha sa pagtaas ng ekonomiya. Ang siyensya at teknolohiya
ay mayroong mga disiplina, may kani-kaniyang gamit at kahalagahan sa mundo kaya naman mas
naging maalam at napadali ang pamumuhay ng bawat tao.
I. Panimula
II. Nilalaman
“Hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao”. Iyan ang
pangunahing layunin ng larangan ng humanidades, kung saan nangangahulugan na ang tao – ang
kanyang kaisipan, kalagayan, at kultura – ang binibigyang-tuon sa larangang ito. Ang
humanidades ay tumutukoy sa mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao (humanities sa
ingles at pagkatao sa tagalog). Umusbong ang larangang ito bilang reaksiyon sa iskolatisismo sa
panahon ng mga Gyiyego at Romano kung saan inihahanda ang mga tao na maging doctor,
abogado at mga kursong praktikal, propesyonal at siyentipiko. Inilunsad ang larangang ito upang
bumuo ng mga mamamayang mahuhusay sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, at aktibo’t
makabuluhang miyembro ng lipunan.
Panitikan
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping
"pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura,
na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang
may kaugnay ng iba't ibang klase ng damdamin. Ang halimbawa nito ay ang pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Uri ng Panitikan
Ang panitikan ay may dalawang uri, ito ang tuluyan at patula. Ang tuluyan o prosa na sa
salitang Ingles ay prose. Ito ay maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Pilosopiya
Ang pilosopiya ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na
maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong
malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan,
tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na
binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng
pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa
mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran.
Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philia" at "Sophia". Ang
"Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Kung
pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang
nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag
ng karunungan sa nagtatanong.
Sining
Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal
na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhang pag iisip, o
teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito
mag pa antig ng damdamin. Ang mga gawain na ito ay maaring pag likha ng sining, kritisismo ng
sining, pag aaral sa kasaysayan ng sining, at ang astetikong paglaganap ng sining.
Musika, teatro, pelikula, sayaw at iba pang uri ng pagtanghal kasama narin ang literatura
at iba pang uri ng media ay saklaw sa malawak na kahulugan ng sining. Noong ika-17 na siglo,
ang sining ay kahit anong kahusayan o kadalubhasaan at di na-iiba sa agham at pag likha. Sa
modernong panahanon pag tapos ng ika-17 na siglo, ang sining ay nag bibigay ng malaking pag
papahalaga sa astetikong pinapakita nito. Ang pinong sining ay naibuklod sa pandekorasyon na
sining.
7. George Buchanan - kilala bilang isang ay Zhuang Zhou. Ang kaniyang mga turo ay
Tinatawag na mga humanista o "maka-pantao" (iba mula sa salitang makatao) ang mga
dalubhasang nag-aaral ng mga araling pantao. Naging popular ang pag-aaral pantao noong mga
kapanahunan ng Renaissance ("muling pagsilang", "pagbabalik", o "muling pagkabuhay" ng mga
pag-aaral ng mga klasiko o sinaunang kalinangan at sining), isang panahon kung kailan
nakahiligan ng mga mamamayan ang pagiging likas ng tao o "likas na katangian ng tao".
Samakatuwid, matatawag din ang pag-aaral na ito bilang mga araling hinggil
sa sangkatauhan, pag-aaral ng (likas na) pagkatao (ng tao), o pag-aaral ng pagiging tao (ng
tao). Naganap ang panahon ng "Muling Pagsilang" sa Europa, nagsimula sa Italya, mula ika-14
hanggang ika-16 na dantaon. Ang panahong ito ang naging marka o pananda sa transisyon o
pagpapalit ng kapanahunan mula sa midyebal (panggitna) patungong makabago o modernong
panahon.
Metodolohiya at Estratehiya
Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagsulat kung saan ang mga sulating nasusulat sa
paraang ito ay nagpapahayag ng iba’t ibang kaisipan, damdamin, karanasan, at pakikipag-ugnayan
-ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan na nagsasangkot ng matatayog at maguni-guning
imahinasyon.
1. Patula- karaniwang may sukat, tugma at may talinghaga. Maraming paggamit ng patayutay na
pananalita. Mga simbolong malalalim ang kahulugan. Halimbawa nito ay ang epiko, oda, liriko,
balagtasan, pastoral, awit, at korido.
Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham (soft sciences) ang mga agham
panlipunan sa pag-aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng lipunan.
Salungat ito sa mga matitigas na agham (hard sciences) na maaaring eksklusibong nakatuon sa
obhektibong aspeto ng kalikasan. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa
halip nagbibigay diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng
ebidensya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang nabibilang (kwantitatibo)
at pangkatangian (kwalitatibo). Makatotohanan at makabuluhang pag-aaral, pagsusuri, at pag-
unawa sa lipunan ayon sa kapookan, pagpapakahulugan, at talastasang Pilipino.
• Sosyolohiya (Sociology)- pag-aaral ng kilos at gawi ng mga tao sa lipunan, ang mga pinagmulan,
pag-unlad, at pagkabuo ng mga samahan at instutusyong panlipunan.
• Heograpiya (Geography)– pag-aaral sa mga lupaing sakop ng mundo upang maunawaan ang
masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago rito, kasama na ang
epekto nito sa tao.
• Antropolohiya (Anthropology) - pag-aaral ng mga tao sa iba't ibang panahon ng pag-iral upang
maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura.
Pamamaraang Historikal
Nauukol ito sa pag-aaral sa mga bagay o isyu ng nakaraan. Kung may pagdududa sa isang
pangyayari sa nakaraan, maaaring pag-aralan ang mga pangyayari sa likod nito at sa mga
pangyayari na bumabalot dito.
Pamamaraang Deskriptibo
Pinag-aaralan ang kasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan. Tumutugon ito sa
tanong na sino, ano, paano at kailan na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral.
simple naglalahad
nanghihikayat
sanaysay biyograpiya
abstrak editorial
artikulo talumpati
adbertisment
proposal sa pananaliksik
komersiyal sa telebisyon
testimonyal
Proseso ng Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna, at wakas) angkop,
sapat, at wastong paraan ng pagsulat.
III. Konklusyon
Magkaiba man ang larangang Humanidades at Agham Panlipunan pareho naman sila ng
layunin at iyon ay ang makatulong sa tao. Pareho nilang pinag aaralan ang mga pag-uugali at kung
paano makitungo ang mga tao sa bawat Isa, kung paano makitungo at mamuhay ang tao sa lipunan
maging sa Pokitikal na adhikain. Isa ring kahalagahan ng Humanidades at Agham Panlipunan ay
ang pagiging-pokus nito sa kasaysayan o mga kaganapan sa nakalipas na panahon mula sa maliit
hanggang sa pinakamalaking isyu sapagkat ang mga ito ay may malaking epekto o malaking
impact na maaaring makatulong sa mga kasalukuyang kaganapan o current events at maaring
maagapan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari.
I. PANIMULA
Marxismo - ito ang sistema ng teorya na pinalaki ni Marx at Engels. Ang dialektikong
materyalismo, makasaysayang materyalismo, at economics (Marxian economics) na summarized sa
"capital theory" at iba pa ay nakasentro, at ang kontradiksyon ng lipunan kapitalista at ang
pangangailangan ng sosyalistang lipunan ay nilinaw.
II. NILALAMAN
- Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to and
from” na maiiugnay sa pasalita at pasulat na komunikasyon.
- ito ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita. Ito rin ay
pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa
isang paksa.
NASYONALISMO
House Bill 6643 - "An act enhancing the Philippine Basic Education system by strengthening its
curriculum and increasing the number of year for basic education, appropriating funds therefore
and for other purposes."
Senate Bill 3286 – magkakaroon nang 12 years in basic education kung saan na kailangang dumaan
ang estudyante sa Senior High.
Sinasabi lang dito na kung hindi nasyonalista ang K-12, dapat itong isantabi at palitan ng isang
programang pang-edukasyon na progresibo at nasyonalista.
- Jose Rizal
- Andres Bonifacio
- Emilio Jacinto
- Renato Constantino
Sinasabing isa sa mga magandang halimbawa ng pag didiskurso sa nasyonalismo ay ang akda ni
Renato Constantinona na “MISEDUCATION OF THE FILIPINO”, sinusuri lamang nito ang kalagayang
pang edukasyon kung saan nakita ni Constantino na kinakailangan itransporma angs istemang
pang edukasyon sapagkat ito ang magiging susi upang mapaunlad ang bansang Pilipinas.
- Sa buong kasaysayan ng tao, ang nasyonalismo ay nag dalang hindimabilang na pasakit at kumitil
ng ilang milyong buhay saiba’t ibang panig ng mundo. Dahil sa mataas na nasyonalismong mga
bansang mayroong imperyo, hindi na nag-isip ang mga pinuno at sundalo nito na mangapi,
pumatay, mang-agaw ng lupain at magnakaw ng likas yamanng kanilang mga nasasakupan. Ang
pang yayaring ito ay nag papatuloy hanggang sa kasalukuyan.
Sa maikling salita, ang globalisasyon ay ang pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang
malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa.
3 KONSEPTO NG GLOBALISASYON
Ang proseso ng pakikipag-ugnayan at pagsasama sa pagitan ng mga tao, mga kumpanya, at mga
pamahalaan sa buong mundo. Ito ay ang konsepto ng mas malawak na pagkakaugnay-ugnay ng
iba't ibang bansa sa mundo, pagkalat ng mga produkto, teknolohiya, impormasyon at trabaho sa
iba't ibang mga bansa at kultura. Ang globalisasyon ang dahilan ng patuloy na pagliit ng mundo sa
aspeto ng pangangalakal, komunikasyon at iba pa.
Inilahad ni Thomas Fiedman sa kanyang librong pinamagatang “The Lexus and the Olive Tree:
Understanding Globalization”: na ang glabalisasyon ay ang konekonektadong merkadoo,
teknolohiya, sistemang impormasyon at sistemang telekomunikasyon na kahit paano ay
nagpapaliit ng mundo mula sa katamtaman ang laki papunta sa maliit na sukat na lamang, kung
saan mas magiging madali para sa mga tao na magkaroon ng koneksyon at marating ang ibang
bansa.
Ayon naman kay Martin Wolf, “ang globalisasyon ang pinakamalaking pangyayari sa ekonomiya
sa ating kapanahunan, nagbibigay ito ng walang kaparis na oportunidad sa bilyun-bilyong tao sa
buong mundo” Ang globalisasyon ay may tatlong konsepto; Pribatisasyon, Deregulasyon, at
Liberalisasyon.
Ayon kay Hargrave, M., ang pribatisasyon ay nagyayari kapag ang isang negosyo, operasyon o
pag-aari na sakop ng gobyerno ay magiging pagaari ng ng isang pribado at non-government na
organinisasyon. Inilalarawan din ng pribatisasyon ang paglipat ng isang kumpanya mula sa publiko
sa pagiging pribado.
Ayon kay Francis, J., ang deregulasyon ay nagyayari kapag tinanggal o binawabawasan ng
goyerno ang mga regulasyon sa isang particular na industriya upang mapabuti ang mga operasyon
sa negosyo. Tinatanggal ng gobyerno ang ilang mga regulasyon kapag nagrereklamo ang mga
negosyo tungkol sa kung paano pinipigilan ng regulasyon ang kanilang kakayahang
makipagkumpetensya. Ito ay karaniwang nagyayari kung mayroong pandaigdigang kompetisyon
sa isang particular na idustriya.
C. USAPIN NG MARXISMO
MARXISMO
Bourgeoisie o Bourgeois – grupo ng mga kapitalistaang mga taong nasa gitnang antas ng lipunan
nanaging makapangyarihan.
III. KONKLUSYON
Ang Nasyunalismo ay may dalawang kahulugan, ang una ay ito ang itinatawag sa isang pangkat na may
isang lahi at ang pangalawa ay ito ay isang uri ng pagmamahal sa bansa na kinabibilangan ng isang lahi
Ang globalisasyon ay isang tulay. Isang tulay na nag kokonekta sa bawat bansa sa mundo upang itong
mga bansang ito ay mag tulungan at mag palitan ng mga produkto
Ang Marxismo naman ay kabaliktaran ng kapitalismo. Ito ay naka pokus na magkaroon ng pantay
pantay na kita at ariarian ang mga tao.
MGA TEORYANG ANGKOP SA MAKA-PILIPINONG PANANALIKSIK
I. Panimula
Ayon kay Nuncio (2004), magkasalikop lagi ang teorya at ang pananaliksik. Sa
pamamagitan ng pananaliksik ay nakabubuo ng teorya. Mahalaga naman ang teorya sa
pananaliksik sapagkat sa pamamagitan ng teorya ay masusuri at maipaliliwanag ang relasyon ng
mga konsepto at panlipunang realidad. Mapatutunayan lamang ang halaga ng isang teorya kung
magiging gabay ito sa ginagawang pananaliksik at bise-bersa.
II. Nilalaman
Pagbaklas
Ayon kay Edward Said, kailangang dagdag sa pasaning ito na ang posisyon ng mambabasa
ay hindi lamang readerly, na magbasa at namnamin ang diwang kanyang binabasa. Ito rin ay
writerly, ang muling pag-asembleyo ng naratibo ng kahulugan ng akda sa kaniyang utak, at kung
magpagayon, ito man ay magiging mala-manunulat na rin.
Pagbagtas
Ang Pantayong Pananaw ni Zeus A. Salazar ay isang diskurso bilang tugon sa iba’t-ibang
pananaw sa pag-aaral ng kasaysayan sa Pilipinas. Nakalathala rito ang aspeto ng pagsulat sa
kasaysayan ng mga Pilipino noon. Ang ibig ipakahulugan ng akdang ito ay nasa panloob na
pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan,
hangarin, kaugalian, pag-aaral, at karanasan ng isang kabuuang pagkalinangan. Ayon kay Salazar,
mahalaga na pagyamanin ang kaalaman ukol sa pinanggalingan upang higit na maunawaan ang
mga bagay-bagay na may kinalaman sa agos ng pamumuhay. Isa sa layon ng akdang ito, ay upang
lalo pa nating yakapin ang orihinal na pagkatao bilang isang Pilipino. Ayon rin sa kanya, mas
binibigyang importansya ng mga kababayan nating Pilipino noon ang pananaw sa kanila ng mga
banyaga. Ibig ipakahulugan, tayong mga Pilipino ay nailantad na sa westernized na pagsasalaysay
ng sarili nating kasaysayan. Kung ating iispin ang mga Pilipino noon ay mahilig magpabilib sa
mga tao lalo na noong dumating ang mga banyaga. Hindi nila iniisip ang pag-unawa sa sarili nating
kasaysayan at karanasang pangkalinangan. Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Propesor Clemen
Aquino na tungkol sa kultura ng palay sa Asya, (Palay at Buhay: Mga Kuwento Mula sa isang
Nayon sa Laguna)maaari nating makita ang pagkakaiba ng mga konsepto ng “bigay”, “palay”, at
“kanin” na kung isasalin wikang Ingles ay iisang konsepto lamang na “rice”. Makakamit lamang
ang Pantayong Pananaw ng kasaysayan kung gagamitin natin ang iisang wika at isasalaysay ang
ating sariling kultura sa mga kababayan nating Pilipino.
Si Dr. Virgilio G. Enriquez ang ama ng Sikolohiyang Pilipino (1942-1994). tubong Bigaa,
Bulakan, isinilang si Virgilio Gaspar Enriquez noong 24 Nobyembre 1942. Bunso siya sa limang
anak nina Arsenio Libiran Enriquez at Rosario Galvez Gaspar. Nakatatanda niyang kapatid sina
Corazon, Manuel, Conchita, at Mabini. Sa gulang na anim na taon, pumasok si “Ver” sa Primary
Grade School Department ng Manila Central University kung saan niya tinapos ang kanyang
primaryang edukasyon bago lumipat sa Espiritu Santo Parochial School kung saan naman niya
tinapos ang kanyang elementaryang edukasyon. Para sa sekondaryang edukasyon, pumasok siya
sa Colegio de San Juan de Letran kung saan siya nagtapos na kabilang sa 15ng pinakamataas sa
250ng nagsipagtapos na estudyante.
Mula pa sa mga panahong ito ng kanyang pagkabata, sinanay na siya ng kanyang ama sa
mahusay na pagpapahayag at pagsasalita sa katutubong wika. Hindi nawawalan ng panahon ang
kanyang ama na makipagtalakayan sa kanya sa wikang Pilipino. Halimbawa, malakas na
pinababasa sa kanya ang peryodikong Ingles sa wikang Pilipino na para bagang sa katutubong
wika ito orihinal na sinulat.
Sa kolehiyo, nagtapos siya ng A.B. Philosophy sa University of the Philippines (UP) noong
1961. Kumuha rin siya ng mga gradwadong kurso sa Sikolohiya sa naturang unibersidad. Habang
estudyante, naging abala rin siya sa iba’t ibang gawaing akademiko at extra-kurikular bilang
President ng UP Psychology Society (UP Psychsoc); Public Relations Officer ng UP Mathematics
Club (UP Math Club); Charter Member ng UP Philosophical Society (UP Philosoc); at Elected
Member ng Rizal Center Honor Society, Philippine Statistical Association (PSA). Naging Student
Assistant in Philosophy rin siya sa University College sa UP noong 1961. Hindi nagtagal, naging
Teaching Assistant in Philosophy siya sa University College sa UP noong 1961-1963 kung kailan
naging Assistant Instructor in Philosophy rin siya sa UP Baguio College sa Summer Institute
noong 1962.
Sikolohiyang Pilipino
Hal. Ang kulturang ipinapairal ng isang pamilya sa kanilang tahanan ay ang batayan sa
Sikolohiyang Pilipino.
Kasaysayan
Pakikitungo
Pakikisalamuha
Pakikilahok
Pakikibagay
Pakikisama
Pakikipagpalagayang-loob
Pakikisangkot
Pakikipagkaisa
Pakiramdam: Ibahagi ang sariling kaisipan. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng damdam, o ang
sariling kaisipan sa damdamin ng iba, bilang pangunahing kasangkapan sa kanyang pakikitungo
sa kapwa tao.
III. Konklusyon
Ang mga teorya ay madalas nating inaaral dahil ang mga ito ay nagsisilbing batayan ng
mga mahahalagang konsepto. Gaya na lamang ng teoryang pagbaklas na tungo sa
pagbubuyangyang sa panitikan, at maging sa kasaysayan at lipunan bilang panlipunang
konstruksiyon at teoryang pagbagtas na pinapakita ang marahas at hindi makatarungang
kasalukuyan at ang inaasam na mapagpalayang hinaharap. Nilalayon ng pantayong pananaw na
maisalaysay sa atin ang ating kasaysayan mula sa ating sariling pananaw, para sa sarili nating
kalinangan at hindi nang sa mga banyaga. Ang sikolohiyang pilipino ay isang mahalagang paraan
para suriin at maunawaan ang ating pag-uugali at pagkilos. Sa pag-aangkop nito sa ating konteksto,
magiging mas makabuluhan ang ating kaalaman tungkol sa ating kultura at bansa.
I.PANIMULA
Habang tumatanda ang bawat tao, lalo din lumalawak ang pag-iisip ng mga ito. Kaya
naman nangangalap sila ng mga impormasyon na maaring makatulong sa kanila o masagot ang
mga katanungan sa kanilang buhay. Maaari rin na may mga interesado silang isyu na gusto nilang
malaman ang magiging pangyayari o kahihinatnan ng isang bagay. Dito pumapasok ang
pananaliksik na kung saan ang mga tao ay nangangalap ng mga impormasyon upang masagot ang
kanilang mga iniisip na mga pangyayari na hindi nila masagot dahil walang makakapagpatunay
kung hindi sila mangangalap ng impormasyon o mga ebidensya.
II. NILALAMAN
Ayon kay BUCK (2017), Ang pagmamapang kultural ay napakahalaga at may potensyal
na isakatuparan ang pagpapanatili ng pangunawang interkultural, bigyang karapatan at
kahalagahan ang bawat teritoryo ang mga katutubong pangkat sapagkat isa ito sa mga suliranin ng
mga katutubong naninirahan sa probinsya o kapatagan. Sinasabi din ditto na kailangang
ipagpatuloy at pangalagaan ang mga nakaugaliang gawi at kaalaman (katutubong identidad o
indigenous knowledge) sa isang lugar o sa buong mundo. Tinatalakay din dito ang pagalam sa sa
iba pang mga organisasyon na magkaroon ng komprehensibong kaalaman sa iba't ibang uri ng
pamumuhay (biodiversity) na mayroon sa nakaraan at sa kasalukuyan. Na dapat maipakita na ang
mga katutubong kasanayan at kultura ay isang yaman ng isang pangkat o lugar.
PANANALIKSIK NA ETNOGRAPIYA
Ang etnograpiya ay nagmula sa salitang griyego na ‘ethnos’na nag ibig sabihin ay 'mga
tao' at ‘grapia’ na ang ibig sabihin naman ay 'pagsusulat'. Isang metodolohiya na ginagamit sa
agham ng pananaliksik-panlipunan. Nakabase ito sa personal na karanasan at pakikipag-ugnayan
sa pamamagitan ng paglahok, pagmamasid at pakikipamuhay ng mga mananaliksik samga taong
nasabing pamayanan
Ayon kay Weston (2017), ang pananaliksik etnograpiya ay isang uri ng kwalitatibong
pananaliksik na nauukol sa obserbasyon at interaksyon ng mga sangkot na mananaliksik at
tagatugon sa tiyak na kaligiran ng pag aaral. Ginagamit ito madalas ng mga antropologo at madalas
isinasakatuparan sa larangan ng agham.
May mga tiyak na layunin sa pag-aaral ng etnograpiko, ito ay upang mapalalim ang
kaalaman ukol sa gawi ng isang pangkat, upang mailahad ang mga kultura na katangian at mga
isyung kinahaharap ng isang pangkat at upang makapagdisenyo ng angkop na estratehiya upang
malutas ang mga suliranin.
► Individual Approach
► Survey
► Pakikisalamuha
► Pakikipamuhay
Ang di mabuting dulot nito ay nangangailangan ito ng madaming oras dahil hindi ito
makakakuha ng datos ng ganon lang kadali. Kinakailangan ang pasensya sa paraan na ito upang
masubaybayan ng isang antropolohikal etnograpiko ang kilos, pananalita, gawi at kultura ng isang
pangkat. Sa tagal ng panahon na gugugulin sa paraan na ito matagal din maibibigay ang datos na
makakalap ng isang antropolohikal etnograpiko.
PANANALIKSIK NA LEKSIKOGRAPIKO
Ang Leksikograpiko ay mula sa salitang Griyego na lexicographos. Ang leksikograpiko ay
pinagsamang salita na lexikos (salita o pananalita) at grapho (isulat o iukit) at sa Ingles ay
Lexicography na ibig sabihin ay naukit na nasulat na pananalita o ang pag cocompile ng
diksyonaryo. Ang awtor o editor ng isang diksyonaryo ay tinatawag na Lexicographer. Isang
kilalang halimbawa ng isang lexicographer ay si Webster.
III. KONKLUSYON
Maraming maaaring maging kahulugan ang salitang 'kultura' spaagkat maraming kultura ang
naitala ang karamihan sa mga ito ay kasalukuyan paring isinasagawa sa iba't-ibang parte ng mundo.
Ginagamit ang salitang 'kultura' sa pagmamapang kultural sa konteksto ng pagkakakilanlan na
maaaring personal, o 'corporate'. Ang pagmamapang kultural ay isang sistematikong kasangkapan
na nakatutulong upang maibilang at maitala ang lokal na kultura ng mga komunidad, at magamit
ang mga impormasyon at kaalamang ito para sa stratehiya, proseso ng pagpa-plano, at iba pang
inisyatibo. Maaaring magamit ang impormasyong ito upang malaman ang iba't-ibang uri ng maaari
nitong kalabasan, o 'outcome' sa Ingles. Sa maikli, pagmamapang kultural ang tawag sa malawak
na saklaw ng mga kasangkapan at pamamaraan ng pananaliksik na ginagamit sa pagmamapa ng
'tangible' at 'intangible' na kultural na nag-aari o pamana (cultural heritage o cultural assets) na
sakop ng lokal na ispesipikong lugar.
Sa pananaliksik etnograpiya, gumagamit ng mga metodo upang malutas ang mga suliranin
para sa isang pangkat o komunidad. Nagoobserba, nakikisalamuha at nag-iimbestiga ang
mananaliksik upang matukoy ang mga suliranin na nakapaloob sa kinabibilangang pangkat ng mga
tagatugon atr kung paano ito malulutas. Ito ay nangangailangan ng matapat na ulat ng karanasan
at mga naobserbahan ng mananaliksik. Nakaugnay ito sa panlipunang pananaliksik dahil sa paraan
ng metodolohiya na ito mas maiintindihan ng bawat tao ang isang lipunan. Dito mas maibabahagi
ang pananaw, gawi at kaugalian ng isang pangkat sa lipunan na hindi alam ng ibang tao sa lipunan.
Ang Pananaliksik Etnograpiya ay makakatulong sa masusi at mapagkakatiwalaang impormasyon
para sa panlipunang pananaliksik dahil maninirahan at mamumuhay mismo sa isang pangkat ang
isang antropolohikal etnograpiko sa isang lugar na siyang pag-aaralan at pagtutuunan ng pansin.
Mas maipapaliwanag ng antropolohikal etnograpiko ang kultura, gawi, kilos, pananalita at pag-
uugali ng isang pangkat dahil sa paraan na ito. Mas mapagkakatiwalaan ang mga magiging datos
ng antropolohikal etnograpiko sa paraan na ito dahil ito ay kaniyang pagtutuunan ng pansin sa isa
o mahigit pang taon upang mas makilala at maipaliwanag ang paraan ng pamumuhay ng isang
pangkat.
Ang layunin ng obserbasyon na ito ay upang magkaroon ang mananaliksik ng malalim na pang-
unawa sa isang pagkat ng inbidibwal at maging pamilyar sa kanilang mga kultura, paniniwala at
pamamaraan ng pamumuhay. Ang mga kadalasang pokus ng kanilang pag-aaral ay ang mga
subculture ng malalaking kultura katulad ng relihiyon, hanapbuhay, o isang particular na pangkat
sa isang komunidad.
Ang paraan ng pananaliksik na ito ay unang ginawa ng isang antropologo na si Malinowski Franz
Boas.
1. Subjective Participant
- Ang mananaliksik ay nakakuha ng mga impormasyon sa pamamagitan ng
pakikisangkot sa aktibidad ng pangkat ng mga indibidwal at nakikipag-ugnayan sa
mga ito upang magkaroon pa ng karagdagang kaalaman at access sa grupo. Ngunit ang
tagamasid na ito ay nagbibigay ng kulang na impormasyon o data dahil hindi siya
nagsasagawa ng sarbey.
2. Objective Participant
- Ang mananaliksik ay nagmamasid at itinatala ang lahat ng kanyang nakikita. Hindi
siya nagpapaapekto sa damdamin at emosyon na nakaiimpluwensya sa kanilang
obserbasyon at natuklasan mula sa pangkat.
Kalakasan
- Nagbibigay ito ng mas malalim na kaalaman sa mga mananaliksik dahil nagkakaroon
sila ng mas malalim na pang-unawa sa ibat ibang pangkat sa komunidad. Nakakaroon
din sila ng mga pananaw o perspetibo mula sa mga umuusbong na suliranin sa araw-
araw ng iba’t ibang pangkat ng tao.
Kahinaan
KWENTONG BUHAY
I. PANIMULA
II. NILALAMAN
KWENTONG-BUHAY
Paggamit ng tape recorder sa halip na kumuha ng mga detalyadong nota at isaayos ito ng
mananaliksik bilang kanyang talaang datos ay itinuturing na direkta at sariling paglalahad ng
nagbabahagi ngunit kung titignan, ang datos ay bunga ng interaksyon sa pagitan ng
mananaliksik at nagbabahagi (Bertaux, 1981).
Mayroong ilang mahahalagang bagay na dapat gawin bago gamitin ang pangalawang
data sa pagtatasa. Dahil hindi kinokolekta ng researcher ang data, mahalaga para sa kanya na
maging pamilyar sa hanay ng data: kung paano nakolekta ang data, kung ano ang mga kategorya
ng tugon para sa bawat tanong, kung kailangan o hindi ang mga talim ay kailangang ipatupad sa
panahon ng pagtatasa, kung o hindi kailangang kumpunihin ang mga kumpol o pagsasanib, kung
sino ang populasyon ng pag-aaral, at higit pa.
1. Economics
Ang pinakamalaking bentahe ng paggamit ng pangalawang data ay economics.
May iba pa na nakolekta na ang data, kaya ang researcher ay hindi kailangang italaga ang
pera, oras, enerhiya at mga mapagkukunan sa yugtong ito ng pananaliksik. Minsan ay
dapat bilhin ang pangalawang data set, ngunit ang gastos ay halos laging mas mababa
kaysa sa gastos ng pagkolekta ng katulad na hanay ng data mula sa simula, na kadalasang
kinukuha ng mga suweldo, paglalakbay at transportasyon, espasyo ng opisina, kagamitan,
at iba pang mga gastos sa ibabaw. Bilang karagdagan, dahil ang data ay nakolekta at
karaniwang nalinis at naka-imbak sa elektronikong format, ang tagapagpananaliksik ay
maaaring gumastos ng karamihan sa kanyang oras na pag-aaral ng data sa halip ng
pagkuha ng data na handa para sa pagtatasa.
2. Ang tagapagpananaliksik ay hindi alam eksakto kung paano ang proseso ng pagkolekta
ng datos ay tapos na at kung gaano kahusay ito ay natupad.
PANANALIKSIK NA EKSPERIMENTAL