You are on page 1of 3

KAPALARAN

(Ang mahalagang papel ng BATELEC I at ng Programang Pang-Elektripikasyong


Pangnayon sapanahon ng Pandemya)

Isang umagang walang kasiguraduhan, nabalot ng takot, pangamba, at kilabot ang


bawat isa, nagdulot ng kisapmatang pagbabago at ninakaw ang pag asa ng bawat tao. Kalaban
na patalikod kung kumitil ng buhay at walang pinipiling edad o kasarian, at nagpantay sa estado
ng mahirap at mayaman. Isang liwanag ang nagsisilbing pag asa sa dilim na dulot ng
pandemya.

Pagbabago, dulot ng pandemyang kinakaharap natin ngayon, kaakibat nito ang mga
pagbabagong nagbago sa ikot ng mundo, mapasyudad man o nayon lahat ay apektado.

BATELEC o Batangas Electric Cooperative Inc., isa sa mga kooperatibang nagbibigay


ng serbisyong pang elektripikasyon sa ating bansa. Lingid sa aking kaalaman, hindi
maitatanggi ang laki ng responsibilidad, parte, at importansya ng BATELEC sa pandemyang
ating kinakaharap. Elektrisidad ang serbisyong pinapalawig ng BATELEC at isa ang elektrisidad
sa pinakamahalagang pangangailangan ng isang tao o komunidad sa pang araw-araw na
pamumuhay. Ito ang nagbibigay liwanag sa madilim na tahanan, pumapawi sa kabagutan at
kalungkutan, nagdudulot ng aliw at kasiyahan, at nagbibigay trabaho sa mga uring
manggagawa.

Batid sa ating kaalaman, tayo ay nasa tinatawag na "New Normal" kung saan ang mga
tao ay nakaHome Quarantine at Work from home ang paraan ng pagtatrabaho. Tila isang
panaginip ang nangyari, biglang usbong ang iba't ibang Online Selling, Online Business, E-
commerce at Online Services, mapasyudad o nayon man. Nagbago rin ang ihip ng hangin
pagdating sa porma ng edukasyon, naging Online Classes na rin ito. Sa aking pagmumuni
muni, dito ko napagtanto ang halaga at importansya ng elektrisidad na naibibigay ng BATELEC,
tila ba walang saysay ang lahat ng ito kung walang elektrisidad.

Higit na napakahalaga nang parte ng BATELEC at ng serbisyong pang-elektripikasyong


pangnayon, sapagkat nariyan ang kanilang mabilis at maayos na pagresponde sa mga
pagkakataong nagkakaaberya, higit na kailangan natin ngayong may pandemya sapagkat halos
lahat tayo ay gumagamit ng mga gadgets at nakaasa sa online services. Nariyan din ang
maagap na paraan ng pag aanunsyo pagdating sa mga power interruptions upang mas maging
handa ang bawat isa at ang kalidad na serbisyo para sa mga nasasakupan nito.
Lubhang napakalaking tulong ng elektrisidad na serbisyo ng BATELEC sa maraming
aspekto ng pamumuhay. Sa isang mag-aaral na sasalang sa makapagbagong pamamaraan ng
pagtuturo, higit na kinakailangan ang elektrisidad para sa gadgets, internet connections, at
appliances. Isa na rito ang paggamit ng cellular phones sa mga online classes, magagawa
lamang ito kung may sapat na baterya ang cellular phones na dulot ng elektrisidad. Dagdag pa
rito, ang mga mag-aaral na naninirahan sa nayon o bukirin na naaabot ng elektrisidad, malaking
tulong ito sa ganon ay may sapat na pa-ilaw sa gabi upang mas makapag-aral ng matiwasay at
makapagpahinga ng maayos.

Bukod dito, sa mga uring manggagawa o mga naka Work from home ang estado ng
trabaho, isa na rito ang mga butihing guro na naninirahan sa nayon o bukirin, malaking tulong
ang matiwasay na elektrisidad sa mga nayon o bukirin upang mas makapagbigay ng maayos
na trabaho at kalidad na serbisyo ang mga guro at ang iba pang mga propesyon o
manggagawa. Sa kabilang dako, malaking tulong rin ang pang-elektripikasyong pangnayon sa
mga matatanda o may edad na, sapagkat sa tulong ng elektrisidad nalilibang at naaaliw sila sa
panonood ng telebisyon at pakikinig sa radyo. Isa pa rito, nakakapangalap din sila ng mga balita
sa telebisyon at radyo patungkol sa bagyo, krisis, sakuna at sa pandemyang kinakaharap
ngayon.

Masasabing isang mahalagang sangkap sa pag-unlad ng kanayunan ang


elektripikasyon, sapagkat ang pagkakaroon ng elektrisidad ay nagsisilbing gabay at tulong
upang magkaroon ng malinis na tubig, sanitasyon, epektibong serbisyong pangkalusugan, pa-
ilaw, pagpapatakbo ng mga makinarya, transportasyon at komunikasyon ang mga
mamamayan.

Ayon kay Mesina (2015), sa kasalukuyan, mahigit 1.4 bilyong katao ang walang
modernong serbiyong pang-enerhiyang natatamasa. Sa Pilipinas naman, mahigit 2.2 milyong
kabahayan ang wala pa ring kuryente. Isinulong ng pamahalaan at dating Presidente Noynoy
Aquino ang elektripikasyon sa kanayunan bilang isang sangkap ng Millennium Development
Goals ng Pilipinas. Ang planong ito ay ginagabayan ng Electric Power Industry Reform Act
(EPIRA) na isinabatas noong 2001. Isa ito sa halimbawa at patunay na napakahalagang tulong
ang naibibigay ng elekripikasyon pangnayon sa masang Pilipino at sa kanayunan lalo't higit
ngayon na may pandemya, sapagkat hirap silang maabot ng elektrisidad at apektado ang
pamumuhay, kaya napakahalagang maipatupad at masunod ang nasabing batas upang mas
gumanda at umunlad ang pamumuhay sa kanayunan at muling makabangon sa pagkadapa.
Source:

Mesina, A. J. (2015). Journal ng Wikang Filipino. Issue 2, p150-166

You might also like