You are on page 1of 18

“Kahalagahan ng Online na trabaho sa mga taong may kapansanan”

Erwin John V. Sicat


Leomar W. Aquino
BSIT 2B
Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligiran

Panimula
Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na ‘globalisasyon’, at patuloy

na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay

masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa

Ang makabagong teknolohiya ay isa ng bahagi ng pang araw-araw na buhay ng isang tao.

Ginagamit natin ang teknolohiya sa halos lahat ng dako. Cellphone, kompyuter, laptop, smart

boards, mga sistema ng GPS, at iba pa. Lahat ng iyan ay nagmula sa teknolohiya. Ito ay tumutulong

sa atin araw-araw, sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng impormasyon at maginhawang

pamumuhay. Ang teknolohiya ay mabilis at ito ay tumutulong sa ating ekonomiya.

Dahil sa makabagong teknolohiya, naging mas madali ang pagtuklas sa mga kaugnay na

impormasyon sa anumang oras at kahit saan. Ito ay naging posible dahil sa mga makabagong

teknolohiya tulad ng broadband internet. Ang impormasyon ay ang kapangyarihan, at ang mga

taong makakahanap ng impormasyon at gagamitin ito ng mahusay, ay laging magtatagumpay.

Hinihikayat ng makabagong teknolohiya ang mga makabagong ideya at ang pagiging

pagkamalikhain. Ito ang nagsisilbing ilaw ng isipan upang gumana sa buong potensyal nito. Sa

nakaraan, mahirap maghanap ng trabaho. Ngayon, ang paghahanap ng trabaho ay napakadali na

lamang magkakahap ka lamang mga naka post na trabaho sa mga Online Job Site sa pamamagitan

ng Internet.

Ang makabagong teknolohiya ay nakakatulong ng malaki sa mga taong mayroong

kapansanan. Hindi na kailangan pang lumabas ng bahay para maghanap ng trabaho. Hindi na

kailangang mausukan sa labas o mahirapan sa kanilang pagbibyahe lalo na hadlang ang kanilang

kapansanan sa paghahanap ng trabaho. Dahil sa isang pindot mo lang sa internet ay makakakita


kana ng magandang trabaho at binibigyan pa ng importansya ang mga taong mayroong

kapansanan.

Ayon sa interbyu ng programang TV Patrol sa isang PWD na si Darlito Palermo (2015)

nagtapos ng Electronics and Communications Engineering, nahihirapan parin siyang makakuha

ng trabaho ang mga katulad niyang may kapansanan. Kaya malaking tulong para kay Palermo ang

programang binuo ng National Council on Disability Affairs (NCDA) na naglalayong mabigyan

ng mas maraming oportunidad ang Persons with Disabilities (PWD) sa Pilipinas.

Sa online program ng NCDA, maaaring makapagtrabaho ang mga PWD kahit nasa bahay

lamang. Tulad ng graphic designer, web designer, transcriptionist, encoder, virtual assistants at

call center job partnerships para sa mga kompanyang tumatanggap kahit may kapansanan. Kaya

hinihikayat ng NCDA ang lahat ng mga may kapansanan na gamitin ang oportunidad na kumita

kahit nasa bahay lang. Kailangan lang magrehistro online sa kanilang website para malaman ang

inaalok na training at job opportunities sa mga PWD.

Ayon kay DOLE (2011) sa SunStar Manila na ang mga taong may kapansanan ay maaaring

maging karapat-dapat sa mga bakanteng posisyon dahil naka saad sa RA 10524, ang mga ahensya

ng gubyerno ay inatasan na gumamit ng mga taong may kapansanan na binubuo ng kahit isang

porsiyento ng kanilang mga empleyado, habang nagbibigay ito ng mga insentibo sa mga pribadong

kumpanya na may higit sa 100 empleyado na kumukuha ng mga may kapansanan na tao sa

kanilang kumpanya.

Ayon kay Patty Pasion MANILA, Philippines (2012) - Itinutulak ng National Council on

Disability Affairs (NCDA) ang pagtatatag ng pambansang libreng Wi-Fi sa publiko upang

magkaroon ng mas mahusay na access sa mga online na trabaho ang mga taong may kapansanan

(PWD). Sa paglunsad ng 39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, sinabi ng

NCDA Director Carmen Zubiaga na ngayon ay inaasikaso nila ang pagtulong sa mga PWD na
makakuha ng trabaho na nagpapahintulot sa kanila na magtrabaho mula sa bahay upang hindi na

sila mahirapan pa sa araw-araw na byahe.

Ang NCDA ay nagbibigay ng pagsasanay para sa mga PWD upang maaari silang maging

karapat-dapat para sa mga online na trabaho. Kabilang dito ang mga post tulad ng mga virtual

assistant, encoder, at transcriptionist at marami pang iba.

Ayon kay Angelo Brian Peliño sa ulat ni Vina Araneta-Pilapil DAVAO CITY (2013) - ay

bulag sa loob ng 12 taon. Siya rin ay may sakit sa pandinig. Ngunit ang kanyang kalagayan ay

hindi naging hadlang upang matupad ang kanyang mga pinapangarap.

Natapos ni Angelo ang Bachelor’s Degree sa Psychology, ngunit ang paghahanap ng

trabaho ay naging mahirap dahil sa kanyang kapansanan. Kaya naman ginamit niya ang kanyang

talento sa pagsulat upang makapagtrabaho sa Online Job.

Si Angelo ay naging online na manunulat at ang kanyang sweldo ay 2,500 to 3,500 kada

linggo o 14,000 kada buwan bukod sa kanyang online na trabaho, mayroon din siyang blog na

tumutugma sa kanyang kondisyon. Sa pamamagitan ng isang Screen Reader Software, madaling

gamitin ni Angelo Brian ang kanyang Laptop at Cellphone.

Siya ay masipag na magtrabaho sa kabila ng kanyang kalagayan, tinanggap niya muna ang

kanyang sariling kondisyon bago niya nagawa ito. Kaya ninanais ni Angelo tulungan ang iba pang

mga kagaya niyang PWD na magkaroon ng inspirasyon upang makamit din nila ang kanilang mag

pangarap sa buhay.

Ayon naman kay Mina Aquino (2017) Naghanda ang DOLE ng isang Job Fair para lamang

sa mga may kapansanan sa Metro Manila upang bigyan ng oportunidad na magkatrabaho,

kabuhayan at pagsasanay ang mga may kapansanan. Maraming pribadong konpanya at ahensya

ng gubyerno ang lumahok at handang tumanggap ng mga PWD.


Magbibigay din ng tulong pangkabuhayan at libreng pagsasanay ang DTI at TESDA para

sa mga taong may kapansanan, upang magiging handa sila kung paano magtrabaho sa online job.

Ayon sa balita sa DZRH Dagupan (2018) Naghihintay na ang mga trabaho at

pangkabuhayan para sa mga may kapansanan sa pangangasiwa ng Pangasinan Provincial

Employment and Services office (PESO) kaakibat ang Provincial Social Welfare and Development

Office (PSWDO) at ng Federation of Person with Disabilities of Pangasinan (FPWDP). Naging

mabunga ang isinagawang “Employer and PESO managers disability forum” na ginanap sa bayan

ng linggayen

Ayon kay PESO Chief Alex Ferrer, maraming kompanya ang nagsusulong ng home-based

online job ang nangakong tutulong sa mga kababayang mayroong kapansanan at marami ding

foreign employers na nagbibigay ng trabaho na maaaring gawin lamang sa bahay at kumikita ng

dolyares, kaya marami talagang matutulungan ang mga kumpanyang ito sa ating bayan lalo sa mga

taong may kapansanan.


Saklaw at limitasyon

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay malilimitahan lamang para sa limangpung taong

may kapansanan sa Mabalacat, Pampanga.

Nakatuon din ang pananaliksik na ito sa mga PED kung papaano sila matutulungan ng

makabagong teknolohiya at kung paano nila mapapalawak ang kanilang abilidad upang maging

kwalipikado at makapagtrabaho sa Home Based Online Job.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang resulta ng pananaliksik na ito at makakatulong sa mga sumusunod:

PWD – Mahalagang malaman ng mga PWD ang mga pangunahing maidudulot ng paggamit ng

makapagong teknolohiya upang magkaroon sila ng mga trabaho at upang maibahagi sa kanila ang

mga mabuting balita ng gobyerno sa katulad nilang mayroong kapansanan.

Kabataan – Mahalagang malaman ng mga kabataang PWD na nawawalan ng pag-asa dahil sa

kanilang kapansanan na mayroong magandang kinabukasan ang naghihintay sa kanila sa tulong

ng makabagong teknolohiya.

Magulang – Para maipaalam sa kanila na kahit mayroon silang mga anak na PWD ay mayroong

naghihintay na magandang trabahong hatid ng gobyerno at mga pribadong kumpanya na

nagtitiwala sa mga kakayahan ng mga PWD.


Kabanata II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Pag-aaral
Ayon kay Roshan Perera (2016) na isang freelance writer at blogger at isang tagapagtatag

ng FreelacingHacks.com na ang freelance ay ang magandang paraan upang maghanap buhay sa

bahay, lalo na para sa mga kapansanan. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho ng full-tie bilang isang

Manunulat at siya ang tumutustos sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Maraming mga madadaling trabaho para sa mga taong may kapansan at ang freelancing

ay isa na sa mga ito. Upang maging Freelancer, dapat ay mayroon kang talentng maaari mong

ipagbili. Gagamitin mo ang iyong talento upang makagawa ng serbisyo na maaari mong ipagbili

sa mga kliyente.

Kung ikaw ay marunong magsulat ng mga libro, maaari kang mag-alok ng serbisyong

sumulat ng mga eBooks. Kung marunong ka naman ng Computer Languages o Programming

maaari kang mag-alok ng serbisyong Web Developer at App Developer. At kung ikaw ang

magaling naman sa Abobe, maaari kang mag-alok ng serbiyong Graphic Artist.

Ayon kay William Osler (2017) Mahalaga sa kanya ang kanyang trabaho bilang isang

Graphic Artist sa Online Job dahil siya at isang PWD. Nakakapagtrabaho siya ng hindi na

kailangang umalis pa ng bahay. Dati siya ay isang empleyado sa isang kumpanya bilang isang

Graphic Artist din, araw-araw siyang nahihirapan sa pag byahe dahil malayo ang kanyang trabaho

sa bahay, tinitiis niya ito kahit na mayroon siyang kapansanan dahil kalangan niyang kumite upang

matustusan ang kanyang pamilya.

Noong nadiskubre niya ang Online Job naglakas loob siyang humanap ng mga kliyente at

dahil sa karanasan niya sa larangang Graphics agad siyang nagkaroon ng maraming kliyente. Kaya

malaking tulong sa kanya ang Online Job dahil hawak niya ang kanyang oras sa pagtatrabaho at
mas nagkakaroon siya ng mas maraming oras para sa kanyang pamilya. Kaya hinihikayat niya ang

mga kagaya niyang PWD na humanap ng trabaho sa Online Job dahil mas maganda ang

magtrabaho sa Online at maraming kliyente na mas gusto nila ang mga PWD sa kanilang

kumpanya.

Ayon kay Darlito Palermo (2017) isang PWD at nagtapos ng Electronics and

Communications Engineering na mahirap ang makipag sapalaran ng trabaho sa mga kumpanya sa

Pilipinas dahil sa kaniyang kalagayan, dahil nararamdaman niyang hindi siya binibigyan ng tyansa

na ipakita ang kaniyang talent sa trabaho.

Kaya nabuhayan siya ng pag-asa na magkatrabaho dahil sa programa ng National Council

on Disability Affairs o NCDA nagbigay sila ng libreng training sa mga katulad niyang may

kapansanan malaking tulong ang programang ito sa katulad niyang PWD dahil magkakaroon na

sila ng patas na trabaho sa tulad niyang PWD. At laking tulong din nito dahil maaari silang

magtrbaho sa bahay lamang maari silang magtrabaho ng full-time o part-time lamang tulad ng Call

Center Agent, Translator, English Teacher at marami pang iba.

Ayon naman kay Che Y. Formilleza (2017) Pitong taon na siyang nakaratay sa higaan

simula nung dumating sa buhay niya ang isang pagsubok na siya’y naging paralitiko.

Napanghinaan na siya ng loob simula nung siya ay nagkaroon ng kapagsubukan sa buhay.

Naglakas loob siyang maghanap ng trabaho, at natanggap naman siya sa isang kilalang

restawran sa bayan ng Odiongan, laking pasasalamat niya sa mag-asawang Fiedacan na may ari

ng Laszahi Grill, ipinagkatiwala sa kanya ang Bookepping at mas post ng mga patalastas sa Social

Media ng mga pagkain na itinitinda nila sa restawran. Doon siya nagsimulang manood ng Youtube

kung paano gumawa ng mga lagayan ng Cellphone, Bracelet at maliliit na bag, at binebenta niya

ang kanyang mga sariling gawa sa pamamagitan ng pag post sa social media. Kaya napaka

importante ng Social Media para sa kanya dahil dumagdag ang kanyang kita bukod pa sa kinikita

niya sa trabaho niya sa restawran.


Ayon din sa NCDA o National Council on Disability Affairs (2015) Maaaring pakipag-

ugnayan ang mga taong may kapansanan upang mabigyan sila ng mga libreng training para maging

kwalipikado sa mga bakanteng Online Job at nagbigay din sila ng mga trabahong maaari nilang

makuha tulad ng pagsusulat ng Blog, Maging Virtual Assistant, Tester ng mga Mobile App,

Maging Voice-Over Artist, Customer Service, Translator at English Tutor. Ang lahat ng mga

nasabing trabaho ay maaaring makuhang trabaho ng mga tao may kapansanan. Ngunit dapat ay

dumalo muna sila sa mga training kung ano man ang kanilang gustong maging trabaho. Kaya

magiging malaking tulong ito sa mga taong may kapansanan.

Kaugnay na Literatura
Isang job fair ang ikinasa ng Department of Labor and Employment o DOLE para sa mga

taong my kapansanan kung saan nasa isang libong trabaho ang iaalok sa lungsod ng Quezon City

Hall upang ganapin ang isang job fair para sa mga taong may kapansanan at higit 300 mga tagapag

empleyo ang sasali. Nakasaad kasi sa Republic Act 10524 na dapat isulong ang paglalaan ng di

bababa sa isang porsiyento ng mga posisyon para sa mga may kapansanan kung ang kompanya ay

may higit 100 empleyado.

Isa si Carla dela Cruz, na ipinanganak na may diperensya sa binti at paa sa nagpapatunay

na walang naiiba sa kanilang pamumuhay kompara sa ibang mga tao honor student siya mula

elementary at cum laude pa noong college at ngayon ay isa nang teacher si Carla Cruz sa

pampublikong paaralan sabi niya ay hindi siya nakaramdam ng awa sa sarili. Kasi yun ang

kalamangan kapag lumaki ka sa isang napapabilang na komunidad kase ay nasasanay ka yung

kumpinyasa mo sarili ay nabubuo pagmamalaki niyang sinabi. Ayon sa National Council for

Disability Affairs mas maganda sana kung hindi na ihihiwalay ang job fair para sa mga taong may

kapansanan dapat ipakita ng DOLE na pantay-pantay ang oportunidad sa lahat ng naghahanap ng

trabaho. Naniniwala naman si Dela Cruz na maganda ang hangarin ng job fair kaya nagpayo na

lamang siya sa mga nais lumahok ditto ay tiwala lang sa sarili sabi niya.
Ayon naman sa DOLE, gagawin ang espesyal na job fair dahil gusto nilang bigyan ng

oportunidad ang taong may talento at may pagpupursigo na makahanap ng trabaho.Nilinaw din

nila na lahat ng job fair nila ay maaaring salihan ng mga taong may kapansanan dahil may espesyal

lane silang nakalaan palagi.


Paglalahad ng Suliranin
Layunin ng pananaliksik na ito upang alamin kung paano nakakatulong ang Online Job sa

mga taong mayroong kapansanan (PWD) nag naglalayong matugunan ang mga sumusunod na

tanong:

1. Paano nakakatulong ang Online Job sa mga taong may kapansanan?

a. Ano ang mga Online Jobs na maaaring pasukan ng mga may kapansanan?

b. Ano ang mga benipisyo na maaaring makamit nila sa Online Job?

2. Ano ang kahalagahan ng Online Job sa mga taong may kapansanan?


Kabanata III
Metodolohiya

A. Nilalaman at Pagsulat

Ang pananaliksik na ito ay ang Online na Trabaho para sa mga taong may kapansanan,
matutulungan ng pananaliksik na ito ang mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng mga
trabahong handog ng gubyerno nakapaloob din sa pananaliksik na ito ang mga pagsasanay upang
maging madali ang pagtatrabaho sa mga kumpanyang pinagtatrabauhan. Kaya makakatulong ang
pananaliksik na ito lalo na sa mga kabataan na nahihiyang makipag salamuha sa mga tao.

B. Paraan ng pangangalap ng datos

Pagkatapos makapili ng tiyak na paksa para sa pananaliksik, kaming mga mananaliksik ay


nangalap ng datos buhat sa mga balita na may kinalaman sa aming paksa. Kaming mga
mananaliksik ay nakapangalap din ng datos mula sa iba’t ibang websayt sa internet na maaaring
iunay sa aming napiling paksa.

Matapos pagtibayin ang paksa, ito ang naging batayan naming mga mananaliksik para
makabuo ng mga talatanungan. Bumuo kaming mga mananaliksik ng limang katanungan upang
maging batayan ng magiging kabuuan ng tesis.

C. Estadistiko ng paglalapat ng datos.


9 na mga sumagot
X100 = 100
9 na mga respondente
Kabanata IV
Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mgamga datos

na nakalap tungkol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral. Angpagtatalakay sa mga sagot ay

ibinatay sa pagkakaayos ng mga katanungan sa unangkabanata.

Kasarian ng Respondente Kalimitan Bahagdan

Lalake 7 80%
Babae 2 20%
Kabuuan 9 100%

Kapansanan ng mga Respondente Kalimitan Bahagdan

Putol ang Paa/Kamay 3 35%


Pilay (Hindi pantay ang Paa) 1 10%
Ngongo 3 35%
Bulag 1 10%
Pipi 1 10%
Kabuuan 9 100%

Suliranin 1: Sumasang-ayon kaba na nakakatulong ang Online na Trabaho sa mga taong may
kapansanan?

Jessie:
Sagot: Oo, dahil sa katulad kong hindi pantay ang aking mga paa malaking tulong ang makapagtrabaho
ako sa online upang hindi na ako mapagod maglakad at bumyahe papuntang trabaho.

Tots:
Sagot: Oo, dahil mas lalong mapapabilis ang paghahanap ko ng trabaho.

Melanie Malig:
Sagot: Oo, makakatulong ito sakin lalo na hindi ako nakakapagsalita, nahihirapan akong maghanap ng
trabaho dahil sa aking kalagayan.
Niel:
Sagot: Oo, makakatulong dahil nahihiya akong makipagtrabaho dahil sa aking kapansanan.

Maymay:
Sagot: Oo, makakatulong sakin ito.

Josh:
Sagot: Oo, makakatulong ito sa akin lalo na nahihirapan maintindihan ng aking mga katrabaho ang aking
pagsasalita.

Dike:
Sagot: Oo, dahil madalas ako ma bully sa trabaho pero tinatawanan ko nalang at makakatulong talaga ang
Online na Trabaho sa akin dahil mahilig ako sa Kompyuter.

Respondente 8:
Sagot: Oo, makakatulong ito sa tulad kong hirap maglakad sa paghahanap ng trabaho at madalas
hindi ako natatanggap dahil sa aking kalagayan.

Respondente 9:
Sagot: Oo, kaso matanda nako bulag ang isa kong mata, makakatulong itong Online na Trabaho
sa mga taong kagaya kong may kapansanan lalo na sa panahong ngayon marami ng marunong
gumamit ng kompyuter.

Suliranin 2: Pumili kung ano ang gustong mong maging trabaho sa Online na Trabaho?
Mga klase ng Trabaho Kalimitan Bahagdan

Virtual Assistant 0 0%
Blogger 0 0%
Mobile App Tester 4 40%
Voice-over Artist 1 10%
Customer Service 0 0%
English Tutor 2 20%
Graphic Artist 3 30%
Web Developer 0 0%
Kabuuan 10 100%
Suliranin 3: Anong mga Benipisyong iyong nakikita sa Online na Trabaho?

Jessie:
Sagot: Hindi kana bibili ng mamahaling mga damit dahil kahit naka pambahay ka lamang ay maaari kang
mag trabaho, at magagamit pa yun sa mga gastusin sa bahay.

Tots:
Sagot: Mas maraming oras sa Pamilya.

Melanie Malig:
Sagot: Makakakain ng maayos at siguradong malinis ang kakainin, dahil hindi natin alam kung pano
niluluto ang mga pagkain sa mga canteen pero sa bahay makakasigurado kang malinis ang pagkakaluto.

Niel:
Sagot: Hindi ako mahihirapan sa pag cocommute at lagi kong makakasama ang aking pamilya.

Maymay:
Sagot: Hindi na mahihirapan mag Commute lalo na kapag ganitong panahon maulan mahirap sumakay sa
jeep dahil napakaraming tao.

Josh:
Sagot: Kahit saan makakapagtrabaho ka basta may Internet at laptop, kahit nasa bakasyon pwede parin
magtrabaho.

Dike:
Sagot: Makakapagtrabaho ng maayos, kase tahimik at hindi ma stress sa mga katrabaho. Tipid sa pamasahe
at pagkain.

Respondente 8:
Sagot: Hindi ako ma lalate kase isang hakbang lang nasa kompyuter nako. Iwas makisiksikan sa
jeep at makakatipid sa pamasahe

Respondente 9:
Sagot: Hindi mauubos ang oras sa commute at magagamit pa ito para sa pamilya, makakatipid sa
pamasahe at pwedeng umalis lalo na pag may emergency, halimbawa dadalhin ko anak ko o asawa
ko sa hospital pwedeng pwede akong umalis.
Suliranin 4: Mahalaga ba ang Online na Trabaho sa mga taong may kapansanan?

Jessie:
Sagot: Oo naman mahalaga ito dahil nakakatulong ito samin na magkaroon ng trabaho.

Tots:
Sagot: Mahalaga dahil nakakatulong ito para magkaroon kame ng trabaho.

Melanie Malig:
Sagot: Oo dahil mahirap kameng makahanap ng trabaho e.

Niel:
Sagot: Oo kase ang hirap ng makahanap ng trabaho e kapag may diperensya ka sa katawan.

Maymay:
Sagot: Oo dahil mahirap kaseng makahanap ng trabaho kapag may kapansanan ka. //Wa naman ng kasakit
kasing mantun obra patche tin kang kapansanan e.

Josh:
Sagot: Wa. Ng kasakit mantun obra patche PWD ka alang tatanggap keka kayapin okay ya yan importanti
ya kekaming PWD yan. // Oo. Dahil ang hirap humahanap ng trabaho kapag PWD ka walang tumatanggap
sayo kaya nga importante samin yan na PWD.

Dike:
Sagot: Oo Lalo na sa kalagayan kong putol isang paa dahil di ako matanggap sa trabaho sa kalagayan kong
ito.

Respondente 8:
Sagot: Oo dahil mas mapapadali Ang paghahanap namin ng trabaho at makakatulong din ito para
magkaroon ng trabaho ang kamukha kong may kapansanan.

Respondente 9:
Sagot: Oo dahil makakuha kame ng trabaho na nasa bahay lang at di nakame magpapagod pang
mag biyahe sulit ito dahil kahit may kapansanan kame at magkakaroon kame ng trabaho na nasa
bahay lang.
Kabanata V
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang Kahalagahan ng Online na Trabaho
sa mga taong may kapansanan. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon sa mga
taong may kapansanan.

Upang matukoy ang mga Kagalagahan ng Online na Trabaha sa mga taong may
kapansanan, ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan o survey questionnaire para sa
mga taong may kapansanan na sasagot. Ang mga datos na natipon ay nagsilbi bilang pangunahing
nakalap na kasagutan ng pag-aaral na kung saan ay maingat na iniharap at nasuri ng maayos.

Konklusyon

Ang mga sumusunod na detalye ay patungkol sa interpretasyon o pahayag batay sa mga


datos sa aming nakalap sa isinagawang pananaliksik:

A. Na iilan pa lamang ang mga nagsasagawa ng pag-aaral sa ideyang ito, karamihan sa


pag-aaral ay sumuri lamang sa dami ng mga taong tumatangkilik dito.

B. Karapatdapat na pag-aralan o saliksikin ito dahil maraming mga taong may kapansanan
ay walang trabaho. Sa tulong ng pananaliksik na ito maraming mga taong may kapansanan ang
mabibigyan ng trabaho.

C. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito makakatalong tayo sa Gobyerno na


mababawasan ang mga taong walang trabaho, magkakaroon din ang mga taong may kapansanan
ng ambag upang lumago ang ating bansa.

D. Ang pananaliksik na ito ay matutulungang mapagaan ang pagtatrabaho ng ating mga


kababayan na mayroong kapansanan.
Rekomendasyon

Matapos ng isinagawang pagsusuri at pag-aaral sa ikauunlad ng pananaliksik tungkol sa


Kahalagahan ng Online na Trabaho sa mga taong may kapansanan, iminumungkahi ang mga
sumusunod:

A. Sa mga Taong may Kapansanan. Huwag kayong mawalang ng pag-asa sa buhay dahil
mas marami pang oportunidad ang naghihintay sa inyo sa maraming larangan ng pagtatrabaho,
pumunta kayo sa mga free training ng mga Gobyerno at mga Kumpanyang nagbibigay ng
oportunidad sa mga taong may kapansanan.

B. Sa Gobyerno. Bigyan niyo pa ng mas maraming libreng pagsasanay ang mga taong
may kapansanan upang magkaroon sila ng kasanayan patungkol sa pagtatrabaho online dahil
marami sa mga taong may kapansanan ay nawawalan ng kumpyansa sa sarili dahil sa kanilang
kalagayan, mapapaliit din nito ang bilang ng mga taong walang trabaho.

C. Sa mga Kumpanya. Huwag sanang pagkaitan ng trabaho ang mga taong may
kapansanan dahil marami sa mga taong may kapansanan ay mas angat sila sa mga ibang talento
kaysa sa mga taong walang kapansanan.

D. Sa mga iba pang mananaliksik. Ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo
sa pagtuklas ng mas marami at higit pang relebant ng mga datos o impormasyon maaring
makatulong sa pagtuklas ng mga suliraning kaugnay ng pananaliksik na ito, dahil maraming mga
taong may kapansanan ang matutulungan ng pananaliksik na ito.

You might also like