You are on page 1of 1

Internet Connection nasaan na raw? Nasaan na, naligaw?

"

Tayo ay nasa panahon ng halos kompleto nang inobasyon. Mula sa iba't ibang mga
gamit pansarili hanggang sa mga gamit pambahay ay bago at moderno na rin! Sa
paglipas ng panahon, marami at marami pa ang madidiskubre. Marami pa ang pag-
uukulan ng pansin sa pag-iisip na ang mga pag-unlad na teknolohikal na ito ay
mapapaunlad din ang buhay ng bawat isa.
Pamilyar ang lahat sa tinawatag na internet. Para saan nga ba raw ang internet?
Ang internet ay isa sa mga sangkap na ginagamit halos lahat ng mga tao ngayon, bata
man o matanda. Ginagamit nila ito sa iba't ibang mga bagay gaya ng upang magkaroon
ng madaliang komunikasyon. Dagdag pa rito ginagamit ito sa pananaliksik at sa
paggawa ng mga disertasyon ng mga estudyante at ginagamit naman ng mga empleyado sa
kani-kanilang mga trabaho.
Ngunit, ano raw itong sinasabing mahina ang serbisyo ng iba't ibang mga internet
o telecommunication companies dito sa ating bansa? Maraming mga tao ang lubos na
naaapektuhan-ang kanilang trabaho pati na rin ang pag-aaral. Paano raw ang gagawin
dito?
Sa SONA o State of the Nation Address ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte,
sinabi niya ang tungkol sa mahinang internet na kinakaharap at tinitiis ng mga
mamamayang Pilipino ngayon. Hiniling niya sa iba't ibang mga ahensiyang kinauukulan
ang tungkol sa pagpapaunlad dito ngunit, wala raw pagbabago?
Tugon naman ng CEO ng Globe Telecommunications Technology sa isang panayam sa
GMA Public Affairs na ang kalakaran nila sa nakaraang mga panahon ay naging maayos
naman dahil sa pag-usbong ng 4G. Sinabi niya na upang maisagawa ito ay
kinakailangang maibalik sa kanila ang revenue. Dagdag pa rito, inamin ni Cu na
halos 20,000 cell sites pa lamang ang mayroon sa ating bansa kaya para sa kaniya
kaya kinakailangan na raw talagang masulosyunan ito sa pamamagitan ng pagtatayo na
ng mga towers. Ea kabila nito, nangangamba siyang baka hindi ito maisagawa nang
maayos dahil sa mahirap daw itong gawin at itayo sa mga hanggang sa mas maliliit na
mga area o lugar.
Para naman sa

You might also like