You are on page 1of 5

Pagdaragdag ng Bagong Telekomunikasyong Kompanya sa Pilipinas: Sang-ayon

Belencion, Christine Mae S.

Matienzo, Yula Rae B.


2019

I. Panimula

a. Ang komunikasyon ay isang bagay na kailanman ay hindi mawawala sa pang

araw-araw na pamumuhay mapa- tao man o hayop. Gumagamit ng komunikasyon

upang ilahad ang mga saloobin at magbigay impormasyon. Maraming paraan

upang makipagkomunika, ito ay sa pamamagitan ng simbolo, tunog, pagsulat,

pananalita at marami pang iba. Dahil sa mabilis na pagkilos ng teknolohiya, naging

mas simple, mabilis at epektibo ang paghahatid ng impormasyon. Isa ang

telekomunikasyon sa maraming bagay na naiambag ng teknolohiya at agham sa

Pilipinas. Ang telekomunikasyon ay nabuo sa tulong ng agham at teknolohiya ito ay

isang uri ng pangkomunikasyon na ginagamit sa malayuang distansya. Nagsimula

ito noong 1890, sa administrasyon ni Gobernador-Hernal Valeriano Meyler y

Nicolano, ang kauna-unang telephone system ay itinatag. Simula noon, unti-unting

umusbong ang mga telekomunikasyong kompanya sa Pilipinas at lumawak rin ang

mga serbisyong ibinibigay nito sa publiko gaya ng loading at paglalaan ng internet.

b. Isang mainit na usapin sa publiko ang pagdaragdag ng bagong telcom sa

Pilipinas dahil isa ito sa mga bansang may pinaka mabagal na internet. Ayon

kay Presidential Spokesperson Harry Roque, alam ng Pangulo na palpak ang


serbisyo ng telco provider na kasalukuyang namamayagpag sa Pilipinas kung kaya’t

kailangan na may ibang magbigay ng mas mabilis na internet connection sa mga

Pilipino. Dagdag pa rito, China Telecom ang nais ng mahal na Pangulo na maging

bagong telcommunication player ng bansa. Ito ay isang mahalagang paksa na

dapat talakayin dahil malaki ang parte na ginagampanan ng internet sa Pilipinas,

gaya sa edukasyon. Sa panahon ngayon, dumadami na ang mga paaralang

gumagamit ng e-learning sites gaya ng Edmodo isang halimbawa nito ay upang

magsagawa ng mga online quiz. Gumagamit rin ang mga guro at estudyante ng

internet upang mas mapadali ang pakikipag komunika sa bawat isa.

c. Naniniwala ang mga estudyante sa likod ng posisyong papel na ito na magiging

malaking tulong ang pagpasok ng bagongg telecomunikasyong kompanya sa

Pilipinas upang mapaganda ang internet services ng bansa. Magiging maayos rin

ang palitan ng mga tawag at text ng mga mamamayan. May tiwala rin ang mga

estudyante sa likod nitong posisyong papel na ito na magiging ligtas ang Pilipinas

ukol sa pagpasok ng bagong telcommunication company.


II. Paglalahad ng Counterargument

a. Una, naging isyu para kay Sen. Panfilo Lacson at iba pang sektor ng gobyerno ang

seguridad ng bansa sa pagpasok ng bagong telcommunication company sa Pilipinas

lalo pa at China ang pinag-uusapan rito. Ayon rin kay Sen. Grace Poe, maari raw

gamitin ang impormasyong makukuha ng China Telecom laban sa atin oras na

mapasok nito ang sistema ng bansa. Pangalawa, ang kakulangan sa imprastraktura o

cell towers ng bansa ay magiging hadlang rin para sa China Telecom upang mapabilis

ang internet sa Pilipinas na siya ring naging problema ng Globe Telecom at

PLDT-Smart sa kanilang mahigit 20 taong pagnenegosyo nang dahil sa mga isyung

pangkalusugan ng mga residente.


b. Ayon sa Cyber Security Expert na si Pierre Tito Galla, noon pa man ay nakapasok

na ang China sa Pilipinas sa pamamagitan ng WiFi router at mga cellphone na

pawang gawa lahat sa China.

c. Tiniyak ng Dept. Of Information and Communications Technology (DICT) na walang

dapat ikabahala sa seguridad at kalusugan ang mga telco users.

d. Sa isang pag-uulat at interbyu ng UNTV News and Rescue, binanggit ni Cyber

Security Expert na si Pierre Tito Galla na “ I think nakakalimutan ng mga kritiko na

ang network ng Globe at PLDT… ang ginagamit nilang technology ay chinese rin

naman.” Ayon sa pag-uulat ni JP Soriano para sa State of the Nation, hindi maikakaila

na may agam-agam ang publiko patungkol sa kanilang seguridad. Dagdag pa

rito,nakapanayam ni JP Soriano si DICT acting Sec. Eliseo Rio. Binanggit ni Sec. Rio na

binabantayan nila ang China Telco na papasok sa bansa kasama na doon na Globe at

Smart dahil gaya rin nang sabi ni Cyber Security Expert Pierre Tito Galla, may mga

partners ito na Chinese rin kaya payo nilang huwag mag-alala dahil babantayan nila

ang lahat ng telco companies. Nabanggit rin ng DICT na aasikasuhin nila ang MOU o

Memorandum of Understanding ng mga Chinese companies gaya ng ZTE na siyang

magtatayo ng mga cell towers sa Pilipinas upang mapabilis ang pagsasagawa ng mga

ito at matiyak rin ang kaligtasan ng mga Pilipino.

You might also like