You are on page 1of 3

Kongreso tinukuran ‘Agila internet

satellite’ program ni PBBM


 Abante News
 November 17, 2023

ADVERTISEMENT

PINAPURIHAN ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso


ang plano ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. na dalhin ang unang dalawang
internet satellites na laan lamang sa Pilipinas para serbisyuhan ang mga liblib na
lugar sa bansa.

Sa working visit ng Pangulo sa United States, ang Astranis Space Technologies


Corp. ay pormal na lumagda ng kasunduan sa Orbits Corp. para dalhin ang
internet connectivity sa “unserved at underserved“ areas sa Pilipinas sa
pamamagitan ng paglulunsad sa MicroGEO satellites.

Giit ng ilang senador na vice chairman ng Senate Committee on Science and


Technology, na ang inisyatibo ni Presidente Marcos ay magbubukas sa mas
masiglang economic activities at mas maraming oportunidad sa mga liblib na
lugar sa bansa.

Ito anila ay maghahatid ng pinabuting edukasyon para sa mga kabataan


pinalakas na marketing capabilities para sa mga lokal na produkto, at
napakahalagang access sa regular weather information, na partikular na
mahalaga para sa mga magsasaka.

“Internet satellite will open these areas to opportunities that will improve the
education of their youth, the marketing of their products, and even weather
information which is what farmers need on a regular basis,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Binigyang-diin naman ni Bulacan’s San Jose del Monte City Rep. Rida Robes,
niyembro ng House Information And Communications Technology Committee,
ang napakahalagang papel na ginagampanan ni Presidente Marcos para tugunan
ang ‘digital divide’ sa bansa.

Sa kabila ng paglaganap ng mga platform tulad ng TikTok at YouTube, iginiit


ni Rep. Robes na tinatayang 25 million Filipinos ang nananatiling walang access
sa internet, partikular sa mga liblib na lugar kung saan umiiral pa rin ang
physical at broadband isolation.
“Kahit uso na ang TikTok, kahit YouTube na ang bagong TV, 25 milyon pa ring
mga Pilipino ang hindi internet users dahil walang serbisyo sa kanila. ‘Yung
liblib na lugar ay hindi lang physically isolated, broadband isolated pa,” sabi ni
Rep. Robes.

“At ang daming economic opportunities na magpapaganda sana ng buhay ang


hindi nila napapakinabangan. Hindi lang sa pangkabuhayan ang pagunlad,
lalago rin ang demokrasya, kasi ang access sa malayang impormasyon ang
lumilikha ng mulat na mamamayan,” dagdag pa niya.

Ang programa ni Pangulong Marcos na dalhin ang dalawang internet satellites


ng Astranis at Orbits na laan lamang sa Pilipinas ay inaasahang lilikha ng
US$400 million investment sa susunod na walong buwan.

Ang MicroGEO satellites ay magkakaloob ng internet service sa “unserved at


underserved areas” sa Pilipinas, na sumasakoo sa hanggang 10 million users at
30,000 barangays.

Ang programa ay tinatayang lilikha ng mahigit 10,000 trabaho para sa direct at


indirect employees at partners.

You might also like