You are on page 1of 1

Golden Age ng Pilipinas.

May Katotohanan noong Panahon ni Marcos


Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, marami ang naririnig o sabi-sabi
na lubhang naghirap ang kalagayan ng mga mamamayang Filipino nito. Ito nga ba ay may katotohanan?
Ayon sa isang source na mapapanuod sa youtube channel na akda ni Sangkay Janjan TV, may
mga mahalagang impormasyon na hindi naisiwalat o itinago ng mga historyan at naging sekreto sa mga
mamamayang Filipino. Una, ayon dito, ang panahon ni Pangulong Marcos ay nagtuon ng malaking
proyekto sa larangan ng imprestraktura. Isa na rito ang ating “road network” mula sa sentro ng kalakaran
patungo sa siyudad at mga liblib na mga probinsya. Ikalawa ay ang Maharlika Highway, na idinugtong
ang Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao. Ito rin ang naging daan upang mas napabilis ang pag-aangkat ng
mga produkto mula sa mga probisya patungo sa mga sentro ng kalakalan. Ikatlo, binuksan ang North at
Luzon Expressways. Ika-apat, nagbukas ng LRT 1 na siyang bumabaybay mula Baclaran hanggang
Monumento. Ikalima, nagdagdag ng 59 na mga paliparan. Ika-anim, ang mga daungan ng mga barko ay
nadagdagan rin mula 622 na nagging 849. Dahil dito mas naging mas mabilis ang pagdadala ng mga
produkto sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ikapito naman ay sa larangan ng
komunikasyon, Ikawalo, napagpatayo ng mga makasaysayang imprastraktura katulad ng Philippine
International Convention Center, Luneta, Intramuros, Cultural Center of the Philippines, Falk Arts
Theater at marami pang iba na kung saan sa kasalukuyan ay napapakinabangan parin ng ating
mamamayan. Ikasiyam, ay ang mga establisimento tulad ng mga hospital at mga paaralan. Ikasampo,
nagkaroon din ng mga proyekto sa larangan ng agrikultura, kalusugan, at enerhiya. Kaya, ayon sa may
akda ang Panahong Marcos ay ang naging daan upang maging maunlad ang bansang Pilipinas.
Sa kabilang banda, ayon naman sa mga tumutuligsa sa rehimeng Marcos, isa na rito ang may
akda ng “(ANALYSIS) Hindi ‘golden age’ ng ekonomiya ang Batas Militar” na si JC Punongbayan na
nilathala noong Setyembre 30, 2021, hindi raw naging maginhawa ang buhay ng noon dahil maraming
Pilipino ang walang trabaho. Sumunod ay naging sobrang bilis ang pagtaas ng mga bilihin na umabot pa
sa 50% na halaga nito kumpara dati. Karagdagan dito mula sa isang propesor na si Leloy Claudio, mula
sa kanyang youtube channel na “Basagan ng Trip: Ferdinand Marcos’ great ideas, bad executions”, na
sinasabi niyang walang naging magandang resulta ang nagawang Nuclear Plant sa Bataan. Sapagkat,
hindi naman daw ito napakinabangan. Gayundin ay nagkaroon ng kotradiksyon hingil dito, sapagkat ang
sabi di umano ng mga kaalyado ni Marcos, ito daw ay dinapinabuksan pa. Tugon naman ni Leloy Claudio
dito, ay nagkaroon daw ng pagsasaliksik dito na kung ito ay pagaganahin magkakaroon lamang ng hindi
magandang epekto sa nakakarami dahil sa lokasyon nito. Nabanggit din niya sa kaniyang lektura na hindi
naging maayos ang pagpapalakad ni Marcos sa kaperahan. Nagkaroon daw ng maling pamamalakad
hinggil sa mga naging kautangan ng bansang Pilipinas at nagkaroon ng mga anumalya sa mga naging
developmental projects ni Marcos. Nangutang ng nangutang si Marcos hanggang sa lumaki ito at
nahirapan ng maipaikot dahil sa laki nan g interest ng mga utang. Kaya, ang Pilipinas ay nagkaroon ng
“Negative Growth”. Ayon din kay Prof. Claudio, malaking problema din ng bansa ng si Marcos ay nabigo
sa developmental economics method na naisip niya. Bakit? Sapagkat, dahil ang mga pinaburan ni Marcos
ay ang negosyo ng kaniyang mga cronies kagaya ni Danding Cojuancgo na nagbenepisyo sa Coco Levy
Fund. At ito ay tinatawag na “Crony Capitalism” at dito na nagsimulang magkaroon ng kaliwa’t kanang
pangungutang kung saan ang utang ng bansa ay lumaki mula 8.2 bilyong dolyar hanggang 24 bilyong
dolyar. Nabanggit din sa kanyang video ang iba pang projects ni Marcos na kung saan ay hindi manlang
napakinabangan at nasayang ang nagastos para dito.
Sa mga agumentong nabanggit tungkol sa rehimeng Marcos, tunay nga bang masasabing “Golden
Age ng Pilipinas ang panahon ng mga Marcos?” Ito ay kinakailangan pa ng matinding pananaliksik, pag-
aanalisa at mga tunay na pruweba upang malaman ang tunay na mga kaganapan sa nasabing pahayag.

Sources: *https://www.youtube.com/watch?v=cq0oD1UJFAA
*https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/analysis-martial-law-not-golden-age-philippine-economy/
*https://www.youtube.com/watch?v=7hCjwA1IwUQ

You might also like