You are on page 1of 1

Borlagdan, Lee Matthew P.

Politics, Governance, and Citizenship

BS Mechanical Engineering 2-2

Ibinalita ni Emmie V. Abadilla para sa Manila Bulletin (May 2023) na ang Globe
Telecom Inc., isa sa mga prominenteng Telecom company sa bansa, ay nag block ng
higit 4.07 million na malisyosong bank-related text messages para sa unang quarter ng
taong 2023.

Identity theft, phishing, at spam messages ang mga halimbawa ng mga maaaring
mangyaring krimen sa pamamagitan ng text messages. Kasabay ng pag-arangkada ng
teknolohiya sa bansa, ang mga scammer ay sumasabay rin at humahanap ng mga
makabagong paraan upang makapang-nakaw. Kasabay ng balita na ito ay ang pag-
invest ng Globe Telecom upang mapabuti ang kanilang SMS detection and blocking
system.

Bilang isang estudyante, ang balitang ito ay importante at kailangang bigyan ng


mahalagang pansin sapagkat ang atensyon namin ay madalas nasa harapan ng screen-
mas aktibo kaming mga estudyante sa internet kumpara sa iba. Kailangan namin maging
mas alisto sa kung ano man ang aming pipindutin sa internet upang maiwasang maging
biktima sa mga gantong klasing krimen.

Para sa kabuuan ng lipunan, ang balitang ito ay dapat na magsilbing babala, lalong
lalo na para sa mga matatanda at "technologically illiterate" na mga tao; na hindi lahat ng
nasa internet ay totoo at hindi rin dapat pagkatiwalaan. Kailangan maging alisto dahil
kasabay ng pagpapadali ng buhay mula sa tulong ng teknolohiya, napapadali rin ang
paraan ng pagnanakaw at ano pamang klaseng krimen.

Source: Abadilla, E. V. (2023, May 10). Globe foils 4m malicious bank-related SMS. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2023/5/10/globe-foils-4-
m-malicious-bank-related-sms

You might also like