You are on page 1of 3

Two (2) pages

1. GCash, PNP-ACG nagbahagi ng #CyberKatropaTips sa mga


Pilipino kontra scam
2. GCash, PNP-ACG, nagsanib-pwersa para sa #CyberKatropaTips
versus scam

Para mas lalong mapalakas ang kampanya nito laban sa mga fraudsters at
cybercriminals, nakipag-ugnayan ang GCash, ang nangungunang e-wallet sa bansa, sa
Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) para ibahagi ang
#CyberKatropaTips sa publiko. Layunin nito na tulungan ang mga Pilipino na mas
maging mapagmatiyag lalo na sa pakikipag-transaksyon online.

Maraming scam ang talamak ngayon lalo pa’t naging parte na ng pang araw-araw na
buhay ng mga Pilipino ang paggamit ng e-wallets at pakikipagtransaksyon online. Narito
ang ilang #CyberKatropaTips mula sa PNP-ACG at GCash na dapat mong malaman
upang mas lalong makaiwas sa anumang uri ng scam online.

1. Huwag i-share ang iyong personal data, MPIN at OTP.


Karamihan sa mga online scammers ngayon ay nagpapanggap na sila ay galing sa
isang organisasyon, o nagkukunwaring kapamilya ng mga biktima. Ilan lamang ito sa
mga paraan ng mga scammers para ma-access ang iyong account at manakaw ang
pera sa loob nito. Kaya naman, napaka-importante na huwag na huwag i-share ang
iyong personal na impormasyon tulad ng One-Time-Password, at MPIN. Dapat din
tandaan na hindi kailanman hihingin ng GCash ang mga nasabing detalye sa users.
Para naman mas maiwasan ang kaso ng account takeovers, naglagay rin ang GCash
ng dekalidad na security measures sa login process nito, kabilang na ang DoubleSafe
feature upang lalong matiyak ang seguridad ng account ng mga users.

2. Umiwas sa phishing
Nakatanggap ka ba ng text o email na naghihikayat sa’yong i-click ang link para i-claim
ang isang offer o premyo? Ito ay isang uri ng scam na tinatawag na phishing scam
kung saan maa-access ng scammer ang personal na impormasyon ng biktima kapag
pinindot nito ang kahina-hinalang clink. Kilatising mabuti kung ang website ay tunay na
galling sa email domain ng gcash @gcash.com o @mynt.xyz. Tignan din kung tama
ang pagkaka-spell ng websites (www.gcash.com o www.help.gcash.com) kabilang na
ang wastong bantas o punctuation sa pagitan ng mga letra. Huwag din agad maniwala
na made-deactivate ang iyong account kapag kapag hindi mo nai-click ang link. Isa ito
sa mga paraan ng scammers na upang maniwala ang mga biktima na lehitimo ang
nasabing email o texts.
3. Mag-ingat sa mga pekeng premyo, deals, at offers
Tanging sa official social media pages, email, at SMS lamang ina-announce ng GCash
ang official promos at raffles nito. Gayundin, maging maingat sa pagtanggap ng mga
pekeng investment. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay masyadong maganda para
maging totoo, isiping mainam at huwag magmadali sa pagdedesisyon hangga’t hindi
mo pa ito nakukumpirma.
4. Maging mas maingat na e-wallet user
Sa panahon kung saan naglipana ang online scams, mas makakatulong kung alam mo
ang mga dapat iwasan at bantayan na mga senyales para maiwasan ang ma-scam
online. Kabilang dito nag doble-ingat sa password at ng iyong account, pati na rin ang
pag-alam ng iba’t ibang uri ng scam at ang modus na madalas gawin ng mga
scammers.

Sa pamamagitan ng mga paalalang ito, mas mabibigyan mo ng seguridad ang iyong


sarili pati na rin ang iyong pamilya laban sa online scams at makakasiguro ka na
protektado ang pera sa loob ng iyong e-wallet account.

Maaring i-report ang scam at iba pang online frauds sa hotline ng PNP-ACG (02) 8414-
1560, 0998-598-8116, at kanilang email acg@pnp.gov.ph official, o sa GCash Help
Center https://help.gcash.com/hc/en-us. Maaari rin mag-send ng message sa chatbot
Gigi sa GCash website and i-type lamang ang “I want to report a scam.” Paalala, hindi
kailanman magse-send ang GCash ng personal na message sa users para kunin ang
inyong personal na impormasyon, lalo na ang inyong MPIN at One-time Pin (OTP).
Para sa iba pang concerns, at katanungan, pwede rin itong ipaabot sa official GCash
hotline 2882.

Para sa iba karagdagang impormasyon, bisitihan lamang ang www.gcash.com.ph visit


www.gcash.com.ph

###
About GCash

GCash (G-Xchange, Inc.) is the #1 Finance App in the Philippines. Through the GCash App, 76M
registered users can easily purchase prepaid airtime; pay bills at over 1,600 partner billers nationwide;
send and receive money anywhere in the Philippines, even to other bank accounts; purchase from over
5.8M partner merchants and social sellers; and get access to savings, credit, loans, insurance and invest
money, and so much more, all at the convenience of their smartphones. GCash is a wholly-owned
subsidiary of Mynt (Globe Fintech Innovations, Inc.), the first and only duacorn in the Philippines.

GCash was recognized by The Asian Banker (TAB) and by the IDC in 2021 for its outstanding digital
financial inclusion programs.

For more information, please contact:


Gilda Maquilan
VP and Head of Corporate Communications
GCash
Email Address: corpcomm@gcash.com ¦ Facebook: http://www.facebook.com/gcashofficial

For more info, please refer to:


Jen Prieto
Fuentes Publicity Network Inc.
Email address: jennylynprieto@fuentesmanila.com

You might also like