You are on page 1of 5

Fundamental Analysis ng Cryptocurrencies

Sa mundo ng cryptocurrencies kung saan ang market ay driven by emotions. Paano ba natin
sinusuri ang mga coins bago tayo mag invest?

Nakita naman natin ang hype ng ICO noong 2017, kung saan marami ang nag invest sa mga
bagong coins na lumabas, sa pag aakala na tataas ang value na parang Bitcoin.
Pero karamihan sa mga ito ay walang value, at ang iba pa nga ay mga scam coin. Katulad ng
Bitconnect at Titanium bar.

So paano tayo makakaiwas sa mga ganitong pagkakamali? At wag magpadala sa ating


emosyon.

Dito natin aalamin ang Fundamental analysis.

Ano ba ang fundamental analysis?

Ito ang paraan ng pag susuri hindi lamang sa seguridad at sa likas na kahalagahan or
intrinsic value ng isang bagay, which include economic, financial at iba pang mga nakaka
apekto dito.
Pero ayun kay Benjamin Graham, also known as the father of value investing. Ang intrinsic
value of a security ay matatagpuan sa financial statement ng isang companya tulad ng
assets, earnings, and dividend payouts.
At kung alam mo ang mga bagay na ito, maaari mong ma predict ang future price
movement nang isang market.

FUNDAMENTAL ANALYSIS IN THE WORLD OF CRYPTO

Sa traditional financial assets, katulad ng stocks, index funds, ETF. Ang pag gamit ng
fundamental analysis ay base sa evalutation of the financial health ng isang companya.
Kailangan mong suriin ang financial statements.

Pero iba sa mundo ng cryptocurrencies, karamihan ng mga cryptocurrency projects walang


earnings, revenues, profits at iba pang mga traditional metrics.
Kaya iba ang pamamaraan ng fundamental analysis dito sa crypto world. It requires in-
depth researh. Pero saan ba tayo makakakuha ng mga reliable information?

SOURCE OF INFORMATION

Website

Siguro naman lahat ng cryptocurrency ay may kanya kanyang website, dito naka indicate
yung white paper at iba pang mga offers.

White paper

Alam nating information overload tayo pag binasa natin ito, but this is a MUST read! Kung
seryoso kang investor hindi ka magdadalawang isip na basahin ang white paper. Dito naka
paloob ang objectives ng isang project, use cases, gaano katagal ang project and any other
essential aspects.

Community channel

Lahat ng Cryptocurrency project meron community or social media tulad ng telegram.

Press

Dito na yung mga reviews, kasi hindi naman sasabihin ng developers ng isang project na
wala silang kwenta. Marami ng mga magagaling na journalist ngayon tungkol sa blockchain
and cryptocurrencies, pero ingat pa din sa source of information, wag ka mag base sa isang
source lang, kailangan marami kang source of information. Meron kasing ibang paid reviews
kung tawagin.
Steps of fundamental analysis

Bago ang lahat, gusto ko lang ipaalam na ang bawat information na mababasa nyo dito ay
base sa mga na research ko sa ibat ibang experienced traders and investors dito sa crypto
world. At sa iba't ibang forum at articles— na sa aking palagay ay kapakipakinabang sa mga
gustong mag invest sa crytocurrencies. May iba't iba tayong opinyon sa pag iinvest kaya
naman do your own research, use this as a guide.

1. Market Capitalization

Ito yung tumutukoy sa total value ng isang coin sa market, karamihan ng mga investor ito
ang unang tinitingnan. Para malaman kung gaano pa kalaki ang posibility of growth nang
isang coin.

Makukuha natin ang market capitalization ng isang cryptocurrency sa pamamagitan ng pag


multiply ng current price ng isang coin sa circulating supply nito. Sa madaling salita, sabihin
natin na mayroon
1 million circulating supply ang isang coin at nag kakahalaga ito ng 2 dollars bawat isa.
Kinakailangan natin imultiply ang circulating supply sa current price ng isang coin, at
makukuha natin ang 2 million market capitalization.

Kung pupunta tayo sa CoinMarketCap, makikita natin ang ibat ibang uri ng coins at kani-
kanilang market capitalization. Sinasabi ng ibang mga cryptocurrency investors na "the
lower the market capitalization of a cryptocurrency, the higher the potential growth."

2. Coin Supply

Kung kaunti ang supply ng isang coin mas mataas ang chance na mag increase ang presyo
nito lalo na pag tumaas ang demand. It is a simple law for supply and demand: low supply
and high demand increase price. Ang Bitcoin ang isa sa mga coin na mababa ang supply
limited only for 21 million. Sa ngayon halos 85 Percent na ang naipamahagi. At darating ang
panahon mauubus ang supply ng Bitcoin na magdudulot sa pag taas ng demand at ng
presyo nito sa market.
3. Trade Volume

Ito ang isa sa pinaka importanteng indicator na ginagamit ng mga traders at investors.
Ibig sabihin pag mataas ang volume ng isang coin, mataas and demand, marami ang
bumibili at nagbebenta sa mga cryptocurrency exchanges during a certain period of time.
Maaari natin itong makita sa CoinMarketCap.

4. Use Case

Isa sa mga bagay na kailangan nating tingnan as an investor ay ang use case ng isang
project. Maraming mga coins sa market na walang value at use case, kaya kailangan nating
itanong sa sarili natin kung ang isang project ba ay may future value sa market place.

5. Founders and Developers

Bago tayo mag invest sa isang project, kailangan muna natin alamin kung sino-sino ba ang
mga taong bumubuo dito. Kung sila ba ay mayroon ng experiencing sa ganitong larangan,
background,at mga successful project kung mayroon man. Most of the time, makikita natin
sila sa kani kanilang mga website.

Pero kung ang isang project aywalang maipakita na mukha or kahit anong information ng
kanilang founders and developers, Avoid them! Maraming scammers sa internet, at hindi
natin pwede idahilan na kaya itinatago nila ang kanilang identity is for security reasons. We
don't accept cheap reasoning.
karaniwan mayroon naman silang mga interviews about the project and conferences, kung
saan makakakuha din tayo ng mga idea, kailangan lang natin mag research.

6. Roadmap

Malalaman natin kung talagang pinag-isipan ng matagal ang isang project sa pagtingin sa
road map nito. Mas detalyado much better. Maraming mga cryptocurrencies na project na
walang malinaw na roadmap, at ang mga project na ganito ay walang patutunguhan.
Kailangan makitaan natin sila ng working product, at hindi puro marketing lang.

Conclusion:

Sa ngayon, napakarami ng crytocurrencies na lumabas, at hindi lahat ng ito ay worth it to


invest. Kailangan nating maging mapanuri at maingat kung saan natin ilalagay ang
pinaghirapan nating salapi. Madali lang naman, kailangan lang natin maging
sophisticated pag dating sa pag iinvest. Hindi dahil mayroon kang kaibigan na nag-invest
sa isang coin ay mag-iinvest ka na rin. Always apply fundamental analysis and do your own
research before investing. Ito ang magsisilbing gabay mo to make the right investment
decision higher. Ang mga resources at information na kailangan natin ay madali lang
hanapin, kailangan lang natin mag laan ng kaunting oras para dito.

You might also like