You are on page 1of 7

Ano ang Bitcoin for Beginners

Aminin natin sa panahon ngayon marami pa rin hindi nakaka alam kung ano nga ba talaga
ang bitcoin. Marami pa rin gustong maliwanagan at maintindihan kung ano ba talaga ang
makabagong teknolohiya na ito.
Well, kung isa ka sa mga tinutukoy ko. Tama ang napuntahan mong site at ipapaliwanag ko
sayo ang mga bagay na ito as simple as possible.

Wala nang paligoy ligoy pa umpisahan natin sa currency. Dahil ang bitcoin ay isang form of
money or digital currency at mas kilala sa tawag na "Cryptocurrency". Habang ang pera
naman natin ay tinatawag na "fiat currency" na ginagawa ng goverment "fiat" ibig sabihin
an official order of authorization.

Hindi ko na ipapaliwanag ang history of money, mayroon akong separate blog dito.
Ang bitcoin at ang kasaysayan ng pera.

Sa kasalukuyan ginagamit natin ang pera as means of exchange dahil sa pag titiwala natin
sa gobyerno na ito ay may kaakibat na halaga. Ito ang pinangbabayad sa atin sa trabaho,
pambili sa groceries at iba pa. Habang tumatagal ito ay nag-eevolve at bihira na lang natin
gamitin ang barya at perang papel— mas madalas na natin gamitin ang electronic cash, or
digital currency. Kaya nga lang in an old fashioned way na ang control ay nasa bangko at
gobyerno.

Ngayon dumating sa atin ang cryptocurrencies. Crypto is short for "cryptography", ito yung
computer technology na ginagamit para isecure at itago ang mga information.
Ang definition ng cryptocurrency ay isang electronic money na nagtataglay nang
makabagong teknolohiya:

-Sa pag control


-Sa pag proteksyon sa mga transactions
-At itago ang identity ng bawat users

Ang cryptocurrencies ay hindi nagaganap sa cloud or sa thin air. Katulad din yan ng
misconception natin sa internet na nag uupload tayo sa cloud or nag sesend tayo nang data
sa hangin.

Sa katunayan, sa likod ng bawat transaction ng cryptocurrencies, may mga tao or group of


people na nag ttrabaho sa kanilang mga computers—at ito ay nagcoconsume nang
malaking kuryente para minahin ang bitcoin. Ito ay ginagawa para maresolve ang mga
mathematical equations. Explain ko ito mamaya sa proseso ng bitcoin mining

Bitcoin

Ito ang pinaka unang cryptocurrency, at ginawa ito ni Satoshi Nakamoto noong 2009.
Pero walang nakaka alam kung ano ang tunay na pag katao ni Satoshi— may mga nag
sasabi na ang developer na ito ay hindi iisang tao lamang at possible na isang grupo ng
mga tao. Pero walang nakaka alam hangang ngayon.

Ang bitcoin ay peer to peer transaction. Halimbawa, si Juan ay gusto magpadala ng pera
kay Pedro. Kahit nasaang lupalop pa ng mundo si Pedro, sa pamamagitan ng bitcoin
magagawa ni Juan mag padala nang walang hustle.

Hindi na kailangan ni Juan at ni Pedro gumamit ng third party katulad ng Bangko, Western
union or Paypal para ma process ang transaction. It means tinatangal mo ang middleman sa
equation. Kaya naman peer-to-peer transaction are highly efficient.

Hindi ito katulad ng fiat currency na ginagamit natin ngayon. Ang supply ng bitcoin ay 21
million lamang. At hindi ito kayang dagdagan nang kung sino pa mang developer. Ibang-
iba sa fiat currency na kahit anong oras gustuhin ng gobyerno na gumawa ng pera ay
magagawa nila. Ito rin and dahilan kaya tumataas ang inflation rate.

Paano nagagawa ang bitcoin?

They called it "mining"(hindi yung pag mimina sa kweba).

Based on my research, at ito na ang pinaka simpleng explanation na nakuha ko.

1. Ang kada bitcoin transaction ay recorded at na vavalidate sa public ledger, digital record.
May humigit kumulang 8,000(not accurate numbers)na katao ang gumagamit ng computers
para mairecord ito nang sabay sabay. Take note, sabay sabay nila ito ginagawa.
Ang purpose nito ay para mabawasan ang risk na manipulahin ng isang tao or grupo ang
mga data at information. Sa madaling salita, ang public records ay nag reresulta ng
transparency, security at para ma ensure na ang bitcoin transaction ay permanente.

2.Ang mining ay ang proseso sa computer na mag veverify at mag rerecord ng mga
information sa digital record na mas kilala sa tawag na blockchain.

3. At dahil ang mining requires computer power, ginagawa ito ng mga tao dahil sa reward.
Ang mga miners ay nakakatangap ng kaunting bayad sa transaction fees, at ang maliit na
fee's na iyon nang bitcoin ay nangagaling sa atin at sa iyo. Kung mag sesend ka ng bitcoin
sa akin mayroong maliit na transaction fee's na mapupunta sa mga bitcoin miners.

Hindi lamang yun may incentive pang matatangap ang miner at first computer na makaka
resolved sa mathematical problem. Ang proseso na ito ay upang ma proteksyonan ang
bawat transactions. The miner will earn 12.5 BTC new, virgins coins.(uncirculated bitoin,
hindi pa nagagamit).

Walang kumocontrol sa bitcoin, at ito ang isa sa mga advantage ng bitcoin. Walang bangko
or gobyerno na gumagawa or nag mamaintain sa bitcoin.
Sa madaling salita, hindi ito kayang controlin ng bangko at gobyerno—at hindi rin nito
kayang controlin ang mga users.

Mga benefits ng paggamit ng bitcoin

1. Lower fraud risks for buyers

Sa pag gamit ng bitcoin as a payment, hindi mo na kailangan mag provide ng mga


sensitive financial information katulad ng credit or debit card details.

2. No risk of inflation

Zero risk inflation ang bitcoin, kahit itago mo pa ng mahabang panahon. Hindi na
madadagdagan pa ang fixed supply nito na 21 million.

3. Reduced transaction fees

Kung ikukumpara mo ang transactin fees ng bitcoin sa transaction fees ng credit and debit
card, di hamak na mas mababa ito.

4. Easy to use in any situation


Kagaya nang example ko kanina kay Juan at Pedro, kahit nasaang lupalop ka pa basta may
internet connection at cellphone ka makakapag send ka ng bitcoin.
Magandang way of transaction ito lalo na sa mga may kamag anak sa abroad or ofw.

5. No third party or middleman

Ang buong transaction ay peer-to-peer.


Dahil nga walang third party na namamagitan, no one can freeze your coins. Hindi ito
pwede manakaw sayo or ihold ng gobyerno.

San ka makakabili ng bitcoin?

Sa Pilipinas hindi pa ganoon ka aware ang mga tao about bitcoin and cryptocurrency. Kaya
naman ang bitcoin ay hindi mo mabibili basta basta sa tindahan diyan malapit sa bahay nyo.

Makakabili ka nang bitcoin dito sa Coins.ph, Binance, Cex.io at Abra.

Ano itong mga ito?

Mga sites yan na pwede kang bumili ng bitcoin gamit ang pera mo.
Lahat sila ay may mobile version. Gawa ka muna ng account.

1.Coin.ph
Maraming ways para mag cash in ka dito. Pero ang pinaka the best way ay pumunta ka sa
7-eleven stores na malapit sa inyo.
Hanapin mo yung kiosk nila at pwede ka na mag cash in.

2. Abra
Sa abra naman pwede ka mag deposito gamit ang union bank mo or sa Tambunting
pawnshop.

3.Cex.io
Sa pag deposito, pwede mo gamitin and Eon card from Union bank.Pero may minimum
amount sila na mabibili mo.

Nakabili na ako saan ko ilalagay?

Ang tatlo na nabangit ay may kanya kanyang secure storage service also known as "wallet."
Once na mayroon ka nang bitcoin, kailangan mo maging responsable at ingatan itong
mabuti. Kasi pag nawala sayo ang bitcoin mo, hindi mo na ito maibabalik pa or pag
nagkamali ka nang send.

Kapag nanakaw sayo ang bitcoin mo, wala kang pwede tawagan kasi there's no authority or
regulator over bitcoin.

Kaya it's important to keep it safe. Pero paano mo gagawin ito? naka depende kung anong
uri ng wallet ang ginagamit mo para sa bitcoin.

Conclusion

Ang bitcoin ay nasa early stage pa lang ng development as a new currency. Marami pang
pagbabago na pwedeng mangyari. Malaki ang potential nang bitcoin kasi ibang iba ito sa
nakagisnan natin sa pananalapi. Maraming mga problema ang nasolusyunan ng lumabas
ang bitcoin. Pero hindi mangyayari ang adaption overnight. Hindi ito madaling magagamit
ng lolo at lola mo. Pero hindi impossible. Pansinin mo ang teknolohiya natin ngayon, sa
tingin mo ba sa panahon natin ngayon naangkop pa din ang perang papel?

You might also like