You are on page 1of 21

1.) ANO ANG STOCK MARKET?

Ang mga malalaki at kumikitang Corporation lang sa Pilipinas ang puwedeng payagan ng
Philippine Stock Exchange (PSE) at Securities and Exchange Commission (SEC) na makapasok sa
Stock Market. Ang mga Corporation na ito ay nangangailangan pondohan ang kanilang
naglalakihang proyekto para mas lalo pang umasenso ang negosyo sa Pilipinas kaya sila
pumapasok sa Stock Market at sa unang araw na sila ay maging Investment Company sa publiko
ay tinatawag na Initial Public Offering (IPO).

Ang mga Corporation na ito ay kailangang may mahigit na Authorized Capital na PhP 500 million
at tunay na nagpapakita na kumikita ito ng Consolidated Pre-Tax Profit sa mga nakalipas na
tatlong (3) taon ng mahigit na PhP 50 million. May 272 Listed Stocks o Corporations meron sa
PSE base ngayon sa http://edge.pse.com.ph. May anim na index na kategorya ang mga stocks
tulad ng Financial, Industrial, Holding Firm, Property, Services, at Mining and Oil.

Ang Philippine Stock Exchange ay ang lugar para makabili at makapagbenta ng stocks sa
Pilipinas. Ang opisina ng PSE ay nasa Makati City at Pasig City. Ang PSE ay pinagsamang puwersa
ng Manila Stock Exchange (MKE) at Makati Stock Exchange (MkSE) na nagsimula pa noong 1927
kaya naman ang Pilipinas ang tinuturing na Oldest Bourses na sa ganitong industriya sa Asia at
makakatiyak na International Standards ang pinapairal na regulasyon dito.

Pero bago pa man makabili o makapagbenta ng stocks tayo sa PSE ay kailangan dumaan ang
ating order sa isang tao na lisensiyadong Stock Broker o Certified Securities Representative
(CSR). Kinakailangan na makapag-open tayo ng account sa opisina ng isang Stock Brokerage
Firm para maipasok ang ating order sa isa sa 272 listed stocks sa PSE. Ang pag-open ng account
ay halos pareho lang sa bangko tulad ng dalawang Valid ID, Billing Statement at Signature
Cards. May 132 Stock Brokerage Firm na aktibong miyembro ng PSE at rehistrado sa SEC sa
Pilipinas kaya makakasiguro na legal ang ating pag-invest sa Stock Market. Para maging mabilis
ang proseso sa pag-order ay puwedeng gawin ito kahit nasa bahay sa pamamagitan ng internet
kaya maganda na mag-open sa Online Stock Brokerage Firm.
Ito ang mga kasalukuyang 25 Online Stock Brokerage Firms sa Pilipinas:

1. AB Capital Securities
2. Abacus Securities Corporation
3. AP Securities Incorporated (Formerly Angping & Associates Securities, Inc.)
4. BA Securities
5. BDO Nomura Securities Inc. (Formerly PCIB Securities Inc.)
6. BPI Securities Corporation
7. Coherco Securities, Inc.
8. Col Financial Group, Inc.
9. DA Market Securities, Inc.
10. F. Yap Securities, Inc.
11. First Metro Securities Brokerage Corporation
12. HDI Securities
13. Investors Securities, Inc.
14. Jaka Securities Corporation
15. Lucky Securities, Inc.
16. Maybank ATR Kim Eng Securities, Inc.
17. Meridian Securities Incorporated
18. Optimum Securities Corporation
19. Philstocks Financial, Inc.
20. RCBC Securities, Inc.
21. Regina Capital Development Corporation
22. Timson Securities, Inc.
23. UCPB Securities, Inc.
24. Unicapital Securities, Inc.
25. Wealth Securities, Inc.
2.) ANU-ANO ANG MGA LISTED STOCKS?

Kapag nakabili ka ng isa sa mga 272 listed stocks sa pamamagitan ng mga Stock Brokerage Firm
ay maari ka nang tawagin na isang Stockholder o Shareholder ng napili mo na Corporation. At
dahil isa ka sa may-ari ng Corporation ay maari kang kumita sa dalawang paraan. Una kapag
tumaas ang STOCK PRICE ng nabili mo at ang pangalawa ay CASH DIVIDENDS na pwedeng mong
matanggap kung malaki ang kinita ng korporasyon. Para magkaroon ng Cash Dividends ay
kailangan mabili mo yung stocks bago ang Ex-Dividend Date. Halimbawa ang Ex-Dividend Date
ay ngayong araw Agosto 31, 2017, dapat nabili mo na yung stocks kahapon. Ang pagtaas o
pagbaba ng Stock Price ay depende rin sa takbo ng ekonomiya ng bansa at sa kasalukuyang
administrasyon kaya maganda na piliin mo lang na stocks ay nagpapakita ng pag-asenso ng
korporasyon at nagbibigay ng regular na Dividends tulad ng mga Blue Chip Stocks. Ang mga
Blue Chip Stocks din ay kabilang sa tinatawag na Philippine Stock Exchange Index (PSEi) na
pinagbabasehan ng ekonomiya ng bansa kung maganda ba ang takbo ng stocks sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay ito ang mga 30 Blue Chip Stocks :


1. Ayala Corp. (AC)
2. Aboitiz Equity Ventures (AEV)
3. Alliance Global Group Inc. (AGI)
4. Ayala Land Inc. (ALI)
5. Aboitiz Power Corp. (AP)
6. BDO Unibank (BDO)
7. Bank of the Philippine Islands (BPI)
8. DMCI Holdings (DMC)
9. Energy Development Corp. (EDC)
10. First Gen Corp. (FGEN)
11. GT Capital Holdings (GTCAP)
12. Globe Telecom (GLO)
13. International Container Terminal Services Inc. (ICT)
14. Jollibee Foods Corp. (JFC)
15. JG Summit Holdings (JGS)
16. LT Group Inc. (LTG)
17. Manila Electric Co. (MER)
18. Metropolitan Bank & Trust Co. (MBT)
19. Megaworld Corp. (MEG)
20. Metro Pacific Investments Corp. (MPI)
21. Petron Corp. (PCOR)
22. Puregold (PGOLD)
23. Robinsons Land Corp. (RLC)
24. Semirara Mining Corp. (SCC)
25. SM Investments Corp. (SM)
26. San Miguel Corp. (SMC)
27. Security Bank (SECB)
28. SM Prime Holdings (SMPH)
29. Philippine Long Distance Telephone Co. (TEL)
30. Universal Robina Corp. (URC)

Sa pagpili ng stocks ay kailangan mo ring pag-aralan ang tinatawag na Fundamental at Technical


Analysis nito upang malaman kung paano kumikita ang korporasyon pati na ang namamahala sa
pag-asenso nito. Sa tulong ng Stock Brokerage Firm ay nagbibigay din sila ng rekomendasyon
base sa kanilang Research na pinag-aralan mabuti bago ipadala sayo. Pero ikaw pa rin ang
mamimili kung aling stocks ang gusto mo sa mga nabangit na Blue Chips na bagay sa mga
baguhan pa lang sa mundo ng stock market.

3.) ANO ANG MUTUAL FUND?

Dahil marami sa mga Pilipino ang walang oras pa para pag-aralan mabuti ang Fundamental at
Technical Analysis ng Stock Market kaya nagkaroon ng Mutual Fund. Ang Mutual Fund ay
Investment Company na legal na nangongolekta ng pondo sa publiko para mailagay sa iba ibang
financial instruments tulad ng Money Market, Bonds at Stocks. Ang Mutual Fund ay may mga
empleyado na eksperto sa pag-invest sa stock market na tinatawag na FUND MANAGER kaya
alam nila kung aling stocks ang mabilis na tumaas ang Stock Price at nagbibigay ng malaking
Dividends dahil na rin nakatutok sila palagi sa stock market. Ang isa pang advantage ng Mutual
Fund ay naka diversified ang investment mo dito sa Top 10 Blue Chip Stocks. Regulated ng
Securities and Exchange Commission (SEC) ang Mutual Fund at may batas na pinatupad tulad ng
Investment Company Act o Republic Act no. 2629 noong Hunyo 18, 1960 pa.
Ito ang kasalukuyang 10 Mutual Fund – Stock sa Pilipinas na mahigit limang taon na sa
industriya na miyembro ng Philippine Investment Funds Association (PIFA).
1. Philam Strategic Growth Fund, Inc.
2. ALFM Growth Fund, Inc.
3. ATRAM Philippine Equity Opportunity Fund, Inc.
4. First Metro Save and Learn Equity Fund, Inc.
5. Philequity Fund, Inc.
6. Philequity PSE Index Fund, Inc.
7. Philippine Stock Index Fund Corp.
8. Sun Life Prosperity Philippine Equity Fund, Inc.
9. United Fund, Inc.

Para makapag-invest sa Mutual Fund ay kailangan may kausapin ka na isang tao na


lisensiyadong Certified Investment Solicitor (CIS) ng SEC na magbibigay payo kung aling stocks
mapupunta ang perang iinvest mo. Ang perang nainvest mo sa Mutual Fund ay may kapalit na
Subscription Confirmation para malaman mo kung ilang Shares ang nabili mo depende sa
presyo ng Net Asset Value Per Share (NAVPS). Puwede ka magsimula dito kahit PhP 5,000 lang.
Maganda ang Equity Mutual Fund kung pangmatagalan ang plano dito o mahigit limang taon na
naka-invest ang pera mo na magagamit sa RETIREMENT FUND o pang-COLLEGE EDUCATION
FUND ng mga anak mo.

4.) ANO ANG UITF?

Katulad din lang ng sistema ang Unit Investment Trust Fund (UITF) sa Mutual Fund, ang
pinagkaiba nila ay sa Bangko ka makakapag-invest sa UITF samantalang ang Mutual Fund ay sa
mga Investment Company na nabangit. Ang perang nilalagay mo sa UITF ay pinagkatiwala mo sa
Trust Group ng bangko kaya matatawag ka na Trustor samantala sa Mutual Fund ay
Shareholder ka naman. Mayroong iba ibang klaseng Investment Objectives ang UITF tulad ng
Money Market, Bonds, Balance at Equity. May mga eksperto rin ang UITF sa stock market kaya
malaki ang potensyal na pwede mong kitahin kung mahigit limang taon mo ilalagak ang pera
mo dito. Regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang UITF na itinakda ng BSP Circular No.
447 noong September 3, 2004.
Halos lahat ng major banks ay merong UITF at ito ang ilan sa mga Equity Fund na may mahigit
limang taon na sa Pilipinas:
1. BPI Equity Value Fund
2. AB Capital Equity Fund
3. Asia United Bank Equity Investment Trust Fund
4. BDO Equity Fund
5. BDO Institutional Equity Fund
6. Metro Bank Equity Fund
7. Philippine Bank of Communications Value Equity Fund
8. PNB Enhanced Phil-Index Reference Fund
9. PNB Equity Fund
10. RCBC Equity Fund
11. Security Bank Peso Equity Fund
12. Union Bank Large Capitalization Phil Equity Portfolio
13. UCPB Equity Fund

Para makapag-invest sa UITF ay kailangan mong pumunta sa bangko kung saan mayroon kang
deposito at ang kakausapin mo ay Certified Marketing Personnel para makapag-invest ka sa
UITF – Equity Fund kung stock market at long term ang dahilan mo. Ang perang na-intrust mo
sa UITF ay may kapalit na Certificate of Participation para malaman mo kung ilang Units ang
nabili mo depende sa presyo ng Net Asset Value Per Unit (NAVPU) sa araw na yun. Puwede ka
magsimula dito kahit PhP 10,000 lang.

WARNING: Nais ko magbibigay ng babala na maaring ipakilala ka ng bank marketing personnel


sa Insurance Agent na nasa loob ng bangko at imbes na makapag-invest sa UITF-Equity Fund ay
maging Variable Universal Life (VUL) Insurance contract ang makuha mo. Wala kasing
commission ang bank personnel sa UITF kaya mas gusto nila na ipakilala ka na lang sa Insurance
Agent na kanilang kakilala sa loob.

5.) ANO ANG VUL?

Ang Variable Universal Life (VUL) Insurance Contract ay isa pang paraan para makapag-invest sa
stock market na may kasamang Life Insurance. Ang maganda dito ay hindi kasama sa Estate Tax
ang investment sa VUL kapag ang isang tao ay namatay, kaya guaranteed ang Death Benefits na
makukuha ng kanyang beneficiary hanggang 500% ng annual premium kung regular pay at
125% naman kung single pay. Regulated naman ng Insurance Commission (IC) ang VUL
insurance contract na nakatakda sa Insurance Code, Presidential Decree No. 612 noong
Disyembre 18, 1974.
Ito ang mga Insurance Company na mayroong VUL :
1. BPI-Philam Life Assurance Corp. Inc.
2. FWD Life Insurance Corp.
3. Generali Pilipinas Life Assurance Corp.
4. Insular Life Assurance Co. Ltd.
5. Manufacturers Life Insurance Co., (Phils.), Inc.
6. Manulife Chinabank Life Assce. Corp.
7. Philam Life & General Insurance Co.
8. Philippine Axa Life Insurance Corp.
9. PNB Life Insurance Inc.
10. Pru Life Insurance Corp. of U.K.
11. Sun Life Grepa Financial Inc.
12. Sun Life of Canada (Phils.)
13. United Coconut Planters Life

Para makapagsimula sa VUL Insurance contract ay kailangan kausapin ang lisensiyadong Life at
Variable Insurance Agent o Financial Advisor (FA) ng IC patungkol sa stock market. Ang perang
iinvest mo sa VUL ay may kapalit na Policy Contract na magsisilbing katibayan sa napili mong
Top 5 Blue Chip Stocks. Puwedeng one time (single pay) o installment (regular pay) ang gagawin
mong pag-invest dito depende sa kakayahan mo bayaran ito. Ang basehan ng investment mo
dito ay Net Asset Value Per Unit (NAVPU).

WARNING: Kapag meron ka na ng VUL ay kailangan mo tapusin bayaran ang Policy mo kasi kung
hindi ay mawawala na parang bula ng perang na-invest mo dito at may penalty pa kapag late
mo mabayaran ang VUL premium mo. Nababawasan din ang Units mo dito monthly dahil may
charges, kasi ang tagalang purpose nito ay Insurance at ang iba ay napunta sa Investment.

6.) MAGKANO ANG KITA SA STOCK MARKET?

Ang pag-iinvest sa stock market ay napakagandang oportunidad para ang perang pinaghirapan
sa trabaho o kinita sa negosyo ay mas lalo pang lumaki kung magagawa mo ito ng
pangmatagalan. Ayon sa report ng PSE ay maaring kumita ang iyong pera ng 10% sa bawat taon
kung ang mapipili mong stocks ay kabilang sa tinatawag na mga Blue Chips o kasama sa PSEi
kung long term.
Halimbawang nakapag-invest ka ng P 5,000 nung nasa edad ka na 25 at pinagpatuloy mong
nakapag-invest ito ng 40 taon, ang iyong investment ay magkakahalaga na ito ng P 226,296 sa
edad mo na 65.
Pero paano kung nag-invest ka hindi lang P 5,000 pero ginawa mo sa ito sa sunod sunod na
buwan sa loob ng 10 taon, magkano kaya ang halaga nito? Ang kabuuang investment mo ay
umabot ng P 600,000 na magkakahalaga ng P 17.6 Milyon sa pag-edad mo na 65.

Ang kita sa stock market ay hindi guaranteed pero kung pagbabasehan natin ang performance
ng mga blue chip stocks ay makikita na mas maganda mag-invest dito keysa ilagay lang ang pera
mo sa savings account lalo na kung pangmatagalan naman ang plano mo dito. Kasi kapag
nakaSAVINGS lang ang pera mo sa bangko ay kikita lang ito ng 0.25% per year kaya ang sobrang
liit talaga. Ginagamit kasi ng bangko ang savings mo sa bangko at iniinvest ito sa STOCK
MARKET. Samantalang sa Stock Market ay posibleng kumita ng 10% per year ang pera mo kung
pangmatagalan naman ang plano mo.

7.) KOMPREHENSIBONG GABAY

Naway nakapagbigay ako ng napaka-importanteng impormasyon sayo para masimulan mo rin


kaagad ang pag-invest sa Stock Market sa pamamagitan ng Stock Brokerage Firm, Mutual Fund,
UITF o VUL.

Kung sa tingin mo ay makakatulong itong post na ito sa mga kapamilya, kapuso, kaibigan at
kakilala mo ay magandang i-SHARE mo rin ito nang sa ganun ay kanila ring matutunan ang
komprehensibong gabay sa pag-invest sa Stock Market.

Hangad ko na makapagretiro ka ng maaga para enjoy mo ang masayang sandali kasama ang
iyong mga minamahal na pamilya pagkatapos ng mahabang panahon na pagtratrabaho.

Maraming salamat sa iyong pagbabasa at pag-iinvest sa stock market para sa iyong magandang
kinabukasan!
ANO ANG IBA’T-IBANG URI NG STOCKS?

Common vs. Preferred


Common stock – Kapag bumibili o nagbebenta ka ng stocks, madalas ang binibili o binebenta
mo ay common stocks. Madalas ang mga ito ay may voting rights at depende sa kumpanya
pwedeng magkaroon ito ng dibidendo para sa mga shareholders at pwede ring wala.

Preferred stock/shares – Bukod sa common shares, pwede ka ring makakita ng “preferred”


shares ng stock. Madalas sinasabi ng iba na para itong bonds dahil sa dibidendong ibinibigay
nito, pati na rin sa prioridad nito sa kumpanya. Minsan wala itong voting rights sa kumpanya di
tulad ng common stock shares.

Kung gusto mong matutunan pa ang pagkakaiba ng common at preferred stocks, basahin mo
lang ang Investopedia article dito.

IBA PANG PARAAN NG PAG-CLASSIFY NG MGA STOCKS:

Bukod sa common at preferred, marami pang ibang paraan para uriin ang mga stocks.

Blue Chip – Ito ang mga pinakamalalaking publicly traded (may shares ng stocks na pwedeng
bilhin at ibenta ng publiko) na kumpanya sa market, at madalas sila ay matatag at may maaayos
na track record sa negosyo. Madalas ito ang ilang sa pinakamabuting investment para sa mga
baguhan (pero kailangan mo pa ring magresearch). Para sa listahan ng “blue chip” stocks sa
Pilipinas, tignan mo ang listahan nina Pesobility at Pinoy Money Talk.

Small, Medium, and Large Cap Stocks – Ang mga kumpanya ay pwedeng uriin din ayon sa
kanilang capitalization (“cap”) o kung gaano sila kalaki. Ang mga large cap stocks ang
pinakamalalaking kumpanya at madalas mababa ang kanilang volatility (hindi mabilis magbago
bago ang presyo) at maayos ang kanilang negosyo. Ang mga small cap stocks ay mga maliliit na
kumpanya at mas volatile at delikado o risky din ang mga ito. Bukod pa sa mga iyon, mayroon
ding mga pinakamaliliit na micro cap companies na lalong mas delikado pang paginvestan at
mas volatile din kumpara sa mga small cap na kumpanya.

Dividend o Income Stocks – Ito ang mga kumpanyang madalas magbigay ng dibidendo (pera) sa
kanilang mga shareholders. Madalas, ito ay mga malalaking kumpanya at, sa panahon ni
Benjamin Graham (“The Intelligent Investor”), ito ang pangunahing rason para maginvest sa
mga stocks. Bumibili ka ng pagmamay-ari ng negosyo para makakuha ng bahagi ng kita nito.
Kung gusto mo pang matutunan ang ilang mga bagay tungkol sa pag-invest sa dividend stocks,
basahin mo ang article namin tungkol dito sa link na ito.
Growth Stocks – Sa halip na ibigay ang kanilang kita sa mga shareholders bilang dividend,
maraming mga kumpanya ang nagrereinvest na lang ng kanilang kinita pabalik sa kumpanya
para palakihin ito at, dahil doon, tataas din ang presyo ng stock. Madalas, ang mga technology
companies at mga kumpanyang malakas sa research and development ay mga growth stocks.

Value Stocks – Ito ang mga kumpanyang mas mababa ang presyo ng kanilang stock kumpara sa
totoo nitong halaga. Isipin mo na lang ang isang kumpanyang P1,000 ang isang share pero
ngayon pwede mong mabili ito ng P500 lamang sa kung anong rason. Makikita din naman uli ng
mga tao ang tunay na halaga ng kumpanya at babalik sa karapat-dapat na P1,000 ang preso ng
shares nito. Makakakuha ka ng P500 profit kapag ibinenta mo ang shares nito (minus ang mga
transaction costs at iba pa). Ang pagbili ng mabubuting kumpanya sa mababang halaga ang
“value” investment strategy nina Warren Buffett (isa sa pinakamagagaling na investor sa
mundo) at Benjamin Graham (ang nagturo sa kanya).

Cyclical Stocks – Ang stocks ng mga kumpanyang ito ay lumalakas o humihina ayon sa
kalagayan ng ekonomiya. Isipin mo na lang ang mga kotse at luxury items. Kapag maayos ang
ekonomiya at may maraming pera panggastos ang mga tao, ang mga kumpanyang nagbebenta
ng mga luho ay kumikita nang husto. Kapag bumagsak ang ekonomiya, tumitigil ang mga tao sa
pagbili ng mga luho at dahil doon humihina ang mga kumpanyang ito. Ang pag-alam sa galaw ng
ekonomiya at ang epekto nito sa mga kumpanya ang susi sa mabuting pag-trade at pag-invest
sa mga kumpanyang ito.

Defensive Stocks – Ang mga kumpanyang ito ay gumagawa ng mga produktong kinakailangan
ng mga tao kahit ano pa man ang kalagayan ng ekonomiya. Isipin mo ang mga utilities tulad ng
tubig, telecommunications, pharmaceutical companies (gamot), at iba pa. Ang mga tao
pwedeng magbawas sa pagbili ng mga luho, pero hindi nila kayang bawasan ng husto ang
paggastos sa mga kinakailangan.

Speculative Stocks – Madalas ito ang mga startups o baguhang kumpanya. Dahil wala pa silang
maayos na track record, maraming pwedeng mangyari. Mayroon nga din namang pagkakataong
kumita ng malaki, pero mag-ingat ka ng husto kapag magiinvest ka sa mga kumpanyang ito.

Penny Stocks – Ito ang pinakamumurahing stocks, at may mainam na dahilan kung bakit sila
mura. Marami sa mga kumpanyang ito ay hindi ganoon katatag at pwedeng maubos ang pera
mo kapag nanghula ka sa pag-invest dito. Kailangan mong magresearch ng husto at mag-ingat
ng todo bago ka mag-invest sa mga kumpanyang ito.

Pwede mo ring uriin ang mga stocks ayon sa sector o industry nito, kaya kapag alam mo na ang
isang sector ay lumalakas, pwede mong pag-isipang mag-invest sa mga kumpanya dito. Pwede
mo ring gamitin ang impormasyong ito para i-diversify ang iyong stock portfolio kaya kapag
bumagsak ang isang sector ng ekonomiya, hindi babagsak ng husto ang iyong portfolio.
Ito ang iba’t-ibang sectors ng stock market (basahin mo rin ang article na ito):

 Financials
 Utilities
 Consumer Discretionary
 Consumer Staples
 Energy
 Healthcare
 Industrials
 Technology
 Telecom
 Materials
 Real Estate
 Mining and Oil
 Electronics

Para sa breakdown ng mga ito, pwede mong basahin ang Wikipedia entry tungkol sa Global
Industry Classification Standard (GICS) dito.

Dito muna tayo magtatapos. Ang pag-invest sa mga stocks ay mabuting paraan para gamitin
ang pera upang magparami ng pera, pero ito ay totoo lang kapag natutunan mo ang isang
mabuting investing strategy na tama para sa iyo. Kailangan mong mag-ingat ng husto kapag
ikaw ay nagiinvest dahil ikaw lang ang responsable para sa iyong financial performance! Hindi
kami, hindi ang iyong broker, ikaw lang. Kailangan mong pag-aralan ng husto ang iyong mga
investment!
ANO ANG STOCKS AT BAKIT MO KAILANGANG MAG-INVEST DITO?
Matapos kontrolin ang iyong paggastos, magbayad ng mga utang, at mag-ipon ng pera, ang
susunod mong kailangang gawin para makamit ang financial freedom ay magsimulang mag-
invest! Ano ang isa sa pinakamabuti at pinakapopular na investment ngayon? Stocks! Kung
hindi mo pa napapag-aralan ito at kung gusto mong matutunan ang basics, may guide kami dito
para sa iyo!

Ano ang Stocks?

Isipin mo na, kasama ang siyam mong kaibigan, ginusto mong magsimula ng negosyo kaya
kayong lahat ay nagbigay ng cash, kagamitan, materyales, at iba pa na nagkakahalaga ng
P1,000. Sa negosyong iyon, kayong mga magkakaibigan ay nag-desisyon na pantay-pantay na
maghati-hati ng kita at pagmamayari sa kumpanya. Sa ganoong sitwasyon, ang negosyo ay
parang may 10 shares of stock at ang bawat isa sa inyo ay may ari ng isa.

Ang Stocks na minsa’y tinatawag na “shares” o “equities” ay nagsisimbolo ng hati ng


pagmamay-ari ng isang kumpanya. Ang Stock Market naman ay ang lugar kung saan ang mga
shares na ito ay binebenta at binibili. Kung halimbawa ang isang kumpanya ay naglabas ng
10,000 shares of stock outstanding at ikaw ay bumili ng 100 shares, ikaw ay magiging
stockholder at magmamay-ari ka ng 1% ng kumpanyang iyon (100 ay 1% ng 10,000).

Gaya ng halimbawa sa itaas, kung stockholder ka ikaw ay nagmamay-ari ng bahagi ng assets ng


kumpanya at ikaw rin ay minsan makakatanggap ng bahagi ng kinikita ng kumpanya na
tinatawag na Dividends. Alalahanin mo din na ang ilang kumpanya ay hindi nagbibigay ng
dividends at naipapasok lang nila ang kinikita nila sa kumpanya, kaya sa ganoong sitwasyon
kikita ka ng pera kapag binenta mo ang shares na binili mo kapag tumaas ang presyo ng stock
(capital appreciation) o kapag ikaw ay nag-short sell.

Siya nga pala, ang stocks ay nauuri sa dalawa: Preferred Stocks na may prioridad sa assets at
earnings pero pwedeng walang voting rights, at Common Stocks na may mas-mababang prioridad sa
mga iyon pero madalas ay mayroong voting rights

Bakit ka dapat mag-invest sa Stocks?

1. The Power of Compounding – Ang stock prices ng magagaling na kumpanya ay madalas tumataas
ang presyo sa pagdaan ng panahon (capital appreciation) kaya kapag bumili ka ng shares ngayon,
pwede mong ibenta sila ng mas-mataas ang presyo sa kinabukasan (pagdaan ng ilang taon)! Ang
stocks ay nagbibigay ng mas-mataas na profits o kita kumpara sa bonds at bank savings accounts
kaya mas-mabuti silang investment kahit mas-volatile o pabago-bago ang kanilang presyo.
1. Halimbawa: Nag-invest ka ng P10,000 para bumili ng shares ng isang napakabuting
kumpanya. Pagdaan ng ilang taon, ang shares na binili mo ng P10,000 ay pwede mo nang
ibenta ng P20,000 o mas-mataas pa! (Ang resultang iyon ay pwedeng magkaiba depende
sa galing ng kumpanya at kung paano ang paggalaw ng stock market).
2. Dividend Payments – Kung nagtayo ka ng sarili mong negosyo at ito’y kumita ng pera,
makakakuha ka ng bahagi ng kita nito diba? Ganoon din ang nangyayari sa mga kumpanya na
nagbibigay ng dibidendo o dividends sa mga stockholders. Dahil kahati ka sa kumpanya,
makakakuha ka rin ng hati mo sa kinikita nila!
3. Ang pangmatagalang kita ay nakahihigit sa panandaliang peligro. Historically at sa pagdaan ng
mga dekada, ang kikitain mo sa stocks ay mas-hihigit pa sa ano mang “safety” na makukuha mo sa
ibang investments gaya ng bonds o time-deposit savings. Kung gusto mo pa itong pag-aralan,
tignan mo lang ang graphs dito sa link na ito.

Ang pag-invest sa stocks ay Hindi Pagsusugal:

Ang isa sa pinakamasamang paniniwala ng karamihan tungkol sa stocks ay ito’y parang


pagsusugal sa casino at ikaw ay halos palaging matatalo. Ganoon ang pag -iisip nila dahil hindi
sila naglaan ng oras para pag-aralan ito. Hindi nila tuloy natutunan na ang stock market ay hindi
laro ng Roulette kung saan tataya ka sa ilang stocks at nagdadasal kang manalo kundi isa itong
lugar kung saan ka makakabili ng shares ng mga kumpanya.

Di gaya ng pagsusugal, hindi ka aasa sa swerte para gumaling sa stock market. Kailangan mo
lang pag-aralan kung anong mga kumpanya ang magaling magnegosyo at mag-invest ka dito sa
tamang presyo. Napakaraming tao ang hindi nag-aaral kaya tinataya lang nila ang pera nila sa
mga bagay na hindi nila dapat binibili o binebenta nila ang mga mabubuting investments na
hindi nila dapat ibenta.
Ano ang nakaaapekto sa presyo ng Stocks?

Ang presyo ng mga stocks ay naaapektohan ng supply at demand. Kung mas-marami ang may
gusto sa shares ng isang kumpanya, mas-bibilhin nila ito at papayag sila kahit mas-mataas ang
babayaran nila bawat share. Dahil dito, aakyat ang presyo ng stock. Kung ayaw naman ng mga
tao ang shares ng isang kumpanya, hindi nila ito bibilhin at ibebenta nila ang mga shares nila ng
pamura kaya bababa ang presyo nito.

Ang isa sa pinakamahalagang bagay na nakaaapekto sa presyo ng isang stock ay ang earnings o
kinikita nito. Ang negosyo na kumikita ng marami ay mas-mahalaga sa kumpanyang kaunti
lang ang kita.

Isipin mo ang halimbawang ito:

Mayroon kang dalawang puno. Ang isa ay puno ng green mangoes at ang isa naman ay puno ng
yellow mangoes. Ang bawat isa sa mga punong ito ay nagbibigay ng maraming prutas na
nagkakahalaga ng P1,000 kada buwan at pwede mong ibenta ang isang puno ng P10,000.

Isipin mo, paano kung ang green mango tree ay nagbibigay bigla ng mas-maraming prutas at
kikita ka ng P50,000 kada buwan mula rito. Ibebenta mo pa rin ba ito ng P10,000? Siyempre
hindi na! Dahil mas-malaki ang kita nito, mas-malaki sa P10,000 ang benta mo dito! Baka ibenta
mo ng P500,000? Baka higit pa!

Isa itong halimbawa ng capital appreciation at kung paano lumalaki ang presyo ng isang
stock. Ang isang mabuting kumpanya na malaki ang kita, gaya ng puno na gumagawa ng mas-
maraming prutas, ay mas-lalaki ang halaga kapag mas-umasenso ang negosyo nito sa
pagdaan ng panahon.
Isipin mo naman ang sitwasyong ito:

Namatay ang dalawang puno kaya hindi na sila mamumunga. Masama pa doon, kapag hinayaan
mo lang sila sa bakuran mo, kakailanganin mo pang magbayad ng P5,000 kada buwan.
Ipapanatili mo pa ba ang mga punong iyon? Malamang hindi na at malamang hindi mo na rin
sila maibebenta ng P10,000. Ang pinakamabuti mo na lang sigurong pwedeng gawin sa kanila ay
putulin at ibenta ng ilang-daang piso para gawing panggatong o kahoy na gagawing
kasangkapan sa bahay.

Kagaya noon, ang mga negosyo na nalulugi at mas-mababa ang kinikita ay mas-mababa ang
halaga sa market.

Pero paano naman kung…

…alam mo na HINDI namatay ang mga puno? Paano kung, kahit naubos na ang mga dahon, ito’y
epekto lamang ng tag-tuyot? Paano kung alam mo na sa pagdaan ng ilang buwan pag dumating
na ang tag-ulan, ang dalawang puno ay mamumunga uli at kikita kang muli ng ilang-libong piso
kada buwan?

Puputulin mo pa ba at ibebenta ang mga punong iyon? Siyempre hindi! Hihintayin mo na lang
ang panahon ng tag-ulan dahil magiging mahalaga muli ang mga ito!

Kagaya noon, kahit may mga recession o masasamang balita na nakakapagpababa ng presyo ng
mga stocks at nananakot sa mga investors kagaya mo, kapag sa pag-aaral mo nakita mo na
magaling pa rin sa negosyo ang kumpanya, itago mo lang ito! Magbabalik din ang halaga nito.
Abutin man ng ilang taon, ito’y magbabalik pa rin. Sa kabilang dako naman, ang mga punong
namatay na at mga kumpanyang tunay na nalulugi ay dapat mo nang iwasan o ibenta bago
tuluyang mawala ang halaga nila at sila’y maging panggatong lamang.

At ngayon dumiretso naman tayo sa mas-direktang halimbawa:

Ang dalawa mong kaibigan na si Mike at Mark ay magtatayo ng tindahan. Humingi sila sa iyo ng
tulong kaya binigyan mo sila ng P10,000 para magkaroon ka ng 10% ownership ng kanilang
negosyo at 10% ng kinikita nila ay mapupunta din sa iyo. Halimbawa, kung si Mike ay kumita ng
P100,000 sa isang taon at ibibigay niya ito bilang dibidendo, makakakuha ka ng P10,000 kada
taon. Kung ganoon palagi ang kita niya, may P10,000 ka kada taon ng wala kang kailangang
gawin!

Ngayon isipin mo na pinalaki ni Mike ang tindahan niya at ginawa niya itong grocery store na
kumikita at nagbibigay ng P100 million bilang dibidendo. Dahil dito, kikita ka ng P10 MILLION
para sa iyong 10% share! Ibebenta mo pa rin ba ito ng P10,000? Siyempre hindi na! Kung
ibebenta mo man ito, ibebenta mo ito sa napakalaki nang halaga! Baka ibenta mo na ito ng P10
o P30 million o higit pa!

Ito ang halimbawa kung paano gumagana ang capital appreciation dahil sa mas-mataas na
earnings o kita.

Sa panig naman ni Mark, nalulugi naman ang shop niya at kumikita lang siya ng P100 kada taon.
Dahil doon, ang P10,000 mo ay magbibigay lamang ng P10 kada TAON. Maibebenta mo pa ba
ang 10% share mo ng P10,000? Malamang hindi na. Dahil walang bibili ng bagay na nagbibigay
ng P10 kada taon ng P10,000, kailangan mo itong ibenta sa mas-mababang halaga, gaya ng
P100 lamang.

Ito ang halimbawa kung paano ang hindi mabuting negosyo ay nagpapababa ng presyo ng isang
stock.
Ang sikreto sa stock investing ay ang pag-alam kung alin ang mga mabubuting puno o mga
puno na magiging mabuti at bilhin mo sila sa tamang halaga. Paano mo malalaman kung alin
ang mga mabubuting investments at kung alin ang masama? Kailangan mo itong pag-aralan.

Maraming techniques na pwede mong gamitin kaya pag-aralan mo silang mabuti at gamitin
mo ang mga technique na tama para sa iyo.

Volatility: Kontrolin mo ang iyong emosyon at mag-invest ka para sa matagal


na panahon

“Risk comes from not knowing what you’re doing.” (Ang peligro ay nagmumula sa hindi mo pag-
alam sa ginagawa mo.) – Warren Buffett

Ang stocks ay kilalang-kilala sa kanilang price movements o paggalaw ng presyo. Minsan


kumikita ka, sa susunod na araw ikaw ay nalulugi. Yun ang isang dahilan kung bakit iniisip ng iba
na parang pagsugal ang stock investing at ito rin ang isang dahilan kung bakit maraming
nawawalan ng pera dito.

Minsan kapag nakikita ng iba na popular o nauuso ang isang stock at umaakyat ang presyo nito,
nagiging greedy o sakim ang iba kaya binibili nila ang shares nito ng hindi nila alam na
overpriced o masyadyong mataas ang presyo. Kapag bumalik ang presyo ng stock sa tamang
mas-mababang presyo dahil sa market correction, nawawalan sila ng pera.

Sa ibang sitwasyon, may bumibili ng stock ng napakabuting kumpanya. Kapag napansin nila na
umakyat ng kaunti ang presyo ng stock, natutuwa sila at binebenta nila ito agad ng wala sa
tamang panahon. Kung itinago lamang nila ito, aakyat pa sana ang presyo.

Marami ring ilang sitwasyon na binibili ng iba ang stock ng isang napakabuting kumpanya, pero
kapag nakita nilang bumaba ang presyo dahil sa mga recession, natatakot sila at ibinebenta nila
ito ng palugi. Kung naghintay lamang sila, bumalik sana sa dating mas-mataas na presyo ang
investment nila at maaari pang mas-tumaas ang halaga nito.

“Be Fearful When Others Are Greedy and Greedy When Others Are Fearful.” (Matakot ka kapag
greedy ang iba at maging greedy ka kapag natatakot naman sila.) – Warren Buffett

Ang tatlong sitwasyong iyon ay maiiwasan sana kapag hindi nila pinansin ang sentimento ng
market at pinursigi na lang nila ang pag-aaral at pag-invest sa magagaling na kumpanya. Kung
hinayaan mo ang mga emosyon mo, ang iyong greed at pagkatakot, na makaimpl uwensya sa
iyong pagdedesisyon, isa iyong siguradong paraan para mawalan ng pera sa stock market (at iba
pang aspeto ng buhay).

Kahit walang garantisadong kita sa bawat isang investment at kahit ang pinakamabubuting
plano ay pwedeng pumalya, kung ginamit mong mabuti ang isipan mo at palagi mong pinag-
aaralan ang mga bagay bago ka mag-invest, mapaparami mo ang iyong kita at magiging bihira
ang iyong pagkatalo. Iyon ang pinakamabuting paraan para kumita sa stock market.

PAANO MAG INVESTS SA STOCKS:


SAMPUNG TUNTUNING KAILANGAN MATUTUNAN

Matapos pag-aralan at sundan ang mga tuntunin ng napakaraming personal finance at investment books
gaya ng “The Millionaire Next Door,” “The Motley Fool Million Dollar Portfolio,” “The Bogleheads’ Guide
to Investing,” at iba pa, may iilang tuntuning paulit-ulit na lumilitaw dahil sa halaga nila. Kung ikaw ay
baguhan pa lamang, ito ang sampung tuntunin na kailangan mong malaman tungkol sa kung paano mag
invest sa stocks:

1. Mag-Aral Muna

Sabi ni Warren Buffett, ang isa sa pinakamayamang bilyonaryo ngayong 21st century, ang “risk
o panganib ay nagmumula sa kamangmangan.” Libro man, seminar, blog articles, o kahit ano
pa, kailangan pag-aralan mong mabuti ang mga investment guides bago ka magsimula. Kung
hindi, malamang mawawala ang pera mo sa mga “investments” na nalulugi, at madali ka ring
maloloko ng iba.

Sabi nga ni Jim Rohn, “Ang pormal na edukasyon ay magbibigay sa iyo ng pangkabuhayan; ang
sarili pag-aaral o self-education ang magpapayaman sa iyo.” Kapag nag-aral ka ng kusa mo,
malamang matututunan mo ang mga susunod na tuntunin (at marami ka pang ibang mas-
mahalaga at mas-advanced na lessons na matututunan).

2. Magsimula ka sa Mabuting Paghawak ng Pera


Ito ang madalas na panimulang kabanata ng mga investment books at tema ng maraming
finance books (gaya ng “The Millionaire Next Door”): Bago ka magsimulang mag-invest,
kailangan mo munang matutunang maghawak ng pera. Halos imposibleng magpayaman kapag
palagi mong inaabuso ang credit cards mo, palagi kang nangungutang, at patuloy mong inuu bos
ang sweldo mo. Magsimula ka sa isang budget o savings plan (pwede kang magsimula sa mas-
maliit na pursyento) at pag-aralan mong kontrolin ang paggastos mo hanggang makasanayan
mo ito.
3. WALANG Garantisado

Isa itong aral na kailangan mong palaging alalahanin: Walang GARANTISADONG Kita. Huwag
mong pansinin ang mga “approximate” returns dahil madalas yun yung “best case scenario,” at
iwasan mo ang mga broker na nangangako ng matataas na kita dahil madalas isa itong scam.

4. Ang Past Performance ng isang Mutual Fund ay hindi nakaaapekto sa


Future Performance

“Ang ate ko nag-invest ng P50,000 sa mutual fund na ito tapos six months lang mayroon na
siyang P70,000!” Ang mga experienced investors ay lumalayo sa mga kuwentong ganoon. Ang
kaibigan ko ininvest ng lahat ng ipon niya sa mutual fund na iyon at lumaki ito ng 10 to 20% sa
susunod na ilang buwan. Dahil natuwa siya sa kita, nag-invest pa siya ng ilang libo… hanggang
sa susunod na mga buwang nakalipas, BUMAGSAK ang price ng fund. Ang investment ng
kaibigan ko ay NALUGI ng halos 30% sa loob lamang ng tatlong buwan (kawawa naman yung
“best performing fund”).

Hindi mo mahuhulaan ang future performance ng isang fund kung ang pagbabasehan mo
lamang ay ang past performance nito. Sabi ng research, ang ilang top performers ay nagiging
worst performers pagdaan ng panahon. Pakinggan mo ang sinasabi ng mga experto:

Jack Brennan, Vanguard CEO: “Fund rankings are meaningless when based on past
performance, as most are.” (Walang kwenta ang mga fund rankings na nakabase sa past
performance, at marami ang ganito.)

Jason Zweig: “Buying funds based purely on their past performance is one of the stupidest
things an investor can do.” (Ang pagbili ng funds dahil sa kanilang nakaraang records ay isa sa
pinakamasamang pwedeng gawin ng isang investor.)

Jack Bogle: “There is simply no way under the sun to forecast a fund’s future based on its past
record.” (Walang posibleng paraan kung paano mo malalaman ang kinabukasan ng isang fund
kung ang pagbabasehan mo ay ang nakaraang performance nito.)

5. I-Invest mo ang perang hindi mo kailangan


Inuulit ko na walang garantisado sa buhay. Kahit ang pinakamabuting investment ay pwede pa
ring pumalya (dahil sa lindol, pagnanakaw, pagbabago ng markets, atbp.). Huwag mong i-invest
ang perang kailangan mo para makakain, makapagbayad ng tubig at kuryente, at pambayad sa
edukasyon ng mga anak mo para lamang makapag-invest. Gamitin mo na lang ang perang
sinayang mo sana sa mga pasarap sa buhay, gaya ng mamahaling gadgets at brand name na
kape. Pag-aralan mo nga muna ang tamang paghawak ng pera.

6. Stocks, huwag Bonds


Kontra sa kaalaman ng karamihan, mas-Safe at mas-profitable ang Stocks kaysa sa Bonds sa
mahabang panahon. Kung gusto mong makita ang mga graphs at research, basahin mo ang
“The Single Best Investment: Creating Wealth with Dividend Growth” ni Lowell Miller at “The
Ten Roads to Riches: The Ways the Wealthy Got There (And How You Can Too!)” nina Kenneth
L. Fisher and Lara Hoffmans.

7. Mag-invest ng pangmatagalan

Ang ilang pinakamagaling na investors sa mundo gaya nina Warren Bufett ay nagpapayo na
kailangan mong pumili ng pinakamabubuting kumpanya at mag-invest ka sa mga ito ng
pangmatagalan (dalawampung taon o higit pa). Ang presyo ng mga stock ay palaging
nagbabago araw-araw depende sa emosyon ng karamihan, pero sa pagdaan ng panahon, ang
mga mabubuting kumpanya ay nananalo kaya piliin mo sila ng mabuti. Alalahanin mo ang sinabi
ni Benjamin Graham: “Sa madaling panahon, botohan ang stock market, pero sa mahabang
panahon, ito ay timbangan.”

8. Mag-Diversify: Mag-invest sa maraming Kumpanya at Industriya


Narinig mo na ba ang kasabihang “don’t put all your eggs in one basket?” (huwag mong ipunin
ang lahat ng itlog mo sa isang bayong). Huwag kang mag-invest sa kaunting kumpanya lamang;
kailangan mong mag-invest sa napakarami. Halimbawa, kapag nag-invest ka sa iisang kumpanya
lamang at ito’y pagawaan ng computer parts tapos maraming ibang kumpanya na naka-
imbento ng mas-magagandang produkto, malulugi ang mga stock shares mo (basahin mo
ang “The Innovator’s Dilemma” para malaman mo kung paano nakakasira ng ilang kumpanya
ang mga bagong innovations). Ang isa pang halimbawa ay kapag nag-invest ka sa maraming
kumpanya… pero lahat sila’y nasa real estate development industry. Kapag bumagsak ang real
estate market, malulugi ka ng husto.

Mag-diversify ka sa mga investments mo at pumili ka ng mga mabubuting kumpanya sa iba-


ibang industriya. Sabi ni Lowell Miller, ang may-akda ng “The Single Best Investment,” kailangan
mo ng mga 20 o 30 na iba-ibang kumpanya sa iyong portfolio. Kung kaya mo rin, huwag kang sa
equities lang mag-invest (stocks, atbp.) kundi pati na rin sa ibang asset classes (gaya ng real
estate kapag napag-aralan mo silang mabuti).
9. Piliin mo ang Index Funds

Kung gusto mo ng mas-madali at hindi ganoon ka-volatile na investment (kung ikukumpara sa


pag-research at pagpili ng individual stocks), ito ang payo ni John Bogle, ang dating CEO ng
Vanguard group at ang nagtayo ng unang Index Fund (Vanguard 500). Di gaya ng ibang mutual
fund na nagtratrade/nagsusugal sa mga kumpanya para palakihin ang kita, ang mga Index Fund
ay gumagaya lamang o nag-eemulate ng market (kaya may diversification rin ito). Hindi nga ito
madalas makakasama sa “top 10,” hindi rin ito makakasama sa “10 worst” (tandaan, ang past
performance ay hindi makaaapekto sa future performance). Bukod pa roon, ang mga Index
Funds ay may lower management costs kung ikukumpara sa ibang funds na malaki ang
kinukuha sa investments mo pagdaan ng panahon, kumita ka man o hindi.

10. Kontrolin mo ang Emosyon mo

Ang isa sa pinakamasamang pwede mong gawin ay hayaan mong kontrolin ng emosyon mo ang
investment decisions mo (o kahit ano pa mang financial decision). Kapag masyado kang nawiwili
sa isang nauusong stock, baka bilhin mo ito kung kailan ito overpriced at malugi ka kapag
bumaba sa normal ang presyo nito. Kapag masyado ka ring natuwa sa kaunting profit, baka
magbenta ka ng maaga at hindi mo makuha ang mas-malaki pa nitong kita. Kapag natakot ka
naman sa pagbaba ng market, baka ibenta mo ang stocks mo sa mabubuting kumpanya at wala
kang magawa kapag tumaas na muli ang presyo nito. Pag-aralan at piliing mabuti ang mga
mabubuting kumpanya at mag-invest ka sa mga ito habang mabuti ang negosyo nila, kahit ano
pa man ang gawin ng market sa presyo ng stock nila.

Balik-aral:

1. Mag-Aral Muna
2. Magsimula ka sa Mabuting Paghawak ng Pera
3. WALANG Garantisado
4. Ang Past Performance ng isang Mutual Fund ay hindi nakaaapekto sa Future Performance
5. I-Invest mo ang perang hindi mo kailangan
6. Stocks, huwag Bonds
7. Mag-invest ng pangmatagalan
8. Mag-Diversify: Mag-invest sa maraming Kumpanya at Industriya
9. Piliin mo ang Index Funds
10. Kontrolin mo ang Emosyon mo

You might also like