You are on page 1of 4

MABAGAL NA INTERNET CONNECTION SA PILIPINAS

Internet Connection ito ay isang sistema na ginagamit ng buong mundo


upang mapagkonekta ang grupo ng mga teknolohiya tulad ng kompyuter,
selpon at iba pa na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon
katulad ng linya ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi
gumagamit ng kable (wireless).

Sa panahon ng pandemya ang internet connection ay madalas na


kinakailangan sa komunikasyon, pagtatrabaho, pagpapalawak ng
impormasyon, pananaliksik, pag-aaral , at libangan. Magagamit lamang ang
internet connection sa pamamagitan ng teknolohiya tulad ng kompyuter,
laptop, selpon at iba pa.

Isa sa modernong problema na kinakaharap ng Pilipinas ngayon ay ang


mabagal na internet connection dahil dito may mga naluging negosyo,
pagbagal ng transaksyon, pagkasayang ng oras at hindi malinaw na
komunikasyon sa klase o trabaho. Batay sa Speedtest Global Index noong
June 2020 pang-108 lamang ang Pilipinas sa broadband internet speed mas
bumaba ng isang hakbang kaysa noong 2019 na pang-107 at kung
ikukumpara ang ating "average mbps" sa ibang bansa, tayo ay nasa ibaba ng
kanilang "average mbps".

Ayon sa report ng "A Better Normal Under COVID-19 Digitalizing the


Economy Now", 57% ng mga pamilyang pilipino o katumbas sa 12.7 milyon
na pamilya ay walang access sa internet, ngunit ang mga taong may access
sa internet ay nakakaranas parin ng mabagal na internet. Maraming dahilan
kung bakit humihina ang internet kabilang dito ang kawalan ng signal dulot ng
masamang panahon, kakulangan ng kompetisyon sa internet service,
kakulangan sa imprastraktura at iba pa. 

Ang kakulangan o kawalan ng kompetisyon sa internet services ay


nagdudulot ng mabagal na internet service halimbawa sa Mobile Service,
tanging Smart at Globe lamang ang mga provider sa ngayon. Ayon naman sa
economics maraming benepisyo sa pagkakaroon ng kompetisyon dahil
napipilitan ang mga negosyo na pababain ang kanilang singil o pagbutihin
ang kanilang serbisyo sapagkat ang unang makapagbenta sa mas mababang
halaga o makapagbenta ng produktong mas may kalidad ang siyang
tatangkilikin ng mga konsumer. Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ng
gobyerno ang pagkakaroon ng third telco provider sa Pilipinas: upang gawing
mas mabilis at mura ang internet para sa mga Pilipino. Halimbawa ng third
telco provider ay ang DITO Telecommunity. 

Isa pang dahilan ay ang kakulangan sa imprastraktura para sa


telecommunities dahil dito nalilimitahan ang lawak na naaabot ng internet
connection halimbawa kapag ikaw ay pupunta sa probinsya mararanasad mo
ang napakabagal na internet connection sapagkat tinatayang 67,000 cell sites
ang kailangang itayo upang mapalawak ang internet connection sa buong
Pilipinas.

Noong ika-20 ng Enero 2021, ipinag utos ng National Telecommunications


Commission (NTC) sa telecommunication companys na ilatag ang kanilang
plano para sa pagpapaunlad ng internet connection at sinabihan nila ito na
makipag ugnayan sa mga tower company upang tumaas ang saklaw ng
kanilang internet connection. Ang lahat ng ito ay naayon sa utos ng ating
Pangulong Duterte na mapabuti ang internet connection sa Pilipinas sapagkat
tumataas na ang bilang ng mga gumagamit nito dahil na rin sa pandemya at
pagbabago ng panahon.

Katanungan:

1. Sa iyong palagay ano pa ang ibang sanhi ng pagbagal ng internet


connection sa Pilipinas?

2. Naramdaman mo ba ang pagbago ng internet connection sa Pilipinas? Ito


bay lumakas o humina?

Komento:
Ayon sa kanilang mga komento ang internet connection sa Pilipinas
hanggang ngayon ay mahina parin dahil dito may mga problema sila sa
pakikipag usap sa mga taong malalapit sa kanila at nagiging dulot ito ng hindi
pagkaka intindihan. Mababasa rin dito na malaking halaga ang binayad nila
sa mga internet service subalit hindi parin maganda ang kanilang serbisyo
sabi nga nila tuloy- tuloy ang kanilang bayad ngunit putol-putol naman ang
kanilang serbisyo. Meron din namang napapasalamat saaming ginawang
akda dahil mas dumami ang nalaman nilang impormasyon tungkol sa
mabagal na internet connection ng Pilipinas.

You might also like