Professional Documents
Culture Documents
Depenisyon ng Pederalismo
Ang federalismo ay isang sistema ng pamamahala kung saan ang bawat estado (state)
ay may sariling pamahalaan na may kalayaan mula sa central o yung federal na pamahalaan.
Bawat estado ay may kakayanang gumawa ng batas na papairalin sa kanilang mga
nasasakupan. Dito pumapasok yung mga bagay na maaring legal sa isang estado, ngunit ilegal
sa iba. Pinaka halimbawa nito ay ang US.
Ito ang uri ng pamahalaan ng ginagamit ng US, Australia, India, ilang mga bansa sa
Europe. May pagkakaiba ang federalismong ginagamit nila kung saan binabago nila ang
sistema para tumugma sa mga pangangailangan nila. Ang sa federalismo sa Pilipinas ay
matagal nang isinulong ni Nene Pimentel kung saan nakasaad ito sa isang dokumento sinulat ni
Jose Abueva na ipinakalat ng PCIJ.
Current federations
Typ
Year Federating Minor federating
Federation Major federating units e
est. units units[t 1]
[t 2]
Provinces of
1853 Argentina 23 provinces 1 autonomous city R
Argentina
3 federal territories
1901 Australia States and 6 states M
(of which 2 are
territories of
self-governing)
Australia and 7 external
territories
States of
1920 Austria 9 Länder or Bundesländer R
Austria
Divisions of
1970 Belgium 3 communities, 3 regions M
Belgium
Provinces and
1867 Canada territories of 10 provinces 3 territories M
Canada
Autonomous
1975 Comoros Islands of the 3 islands R
Comoros
Regions of
1995 Ethiopia 9 regions 2 chartered cities R
Ethiopia
States of
1949 Germany 16 Länder or Bundesländer R
Germany
7 Union Territories,
States and
including a
1950 India territories of 29 States R
National Capital
India
Territory
Governorates
2005 Iraq 18 provinces R
of Iraq
States of
1963 Malaysia 13 states 3 federal territories M
Malaysia
Federated Administrative
1979 States of divisions of 4 states R
Micronesia Micronesia
Provinces of
2015 Nepal 7 provinces R
Nepal
Saint
The islands St.
1983 Kitts and 2 islands M
Kitts and Nevis
Nevis
Federal
2012 Somalia Member States 18 states[19] R
of Somalia
States of
1956 Sudan 17 states R
Sudan
Cantons of
1848 26 cantons[t 5] R
Switzerland Switzerland
United
Emirates of the
1971 Arab 7 emirates M
UAE
Emirates
United Political
1776[ 1 federal district;
t 6]
States of divisions of the 50 States R
16 territories[t 7]
America United States
1 federal district, 1
States of
1863 23 states federal R
Venezuela Venezuela
dependency
Ibinahagi ng www.wikipedia.org/federalism/
Kung ang federalismo ay paiiralin sa ating bansa, hindi na kailangan pang magpaalam
at humingi ng permiso sa Maynila. Katulad ng naging problema sa kakulangan ng bigas sa
Kidapawan, na hindi mangyayari sa ilalim ng Federalismo.
. Ayon pa sa isang blogger na si Jdzla, isang proseso ang paglilipat ng isang lugar tungo
sa isang estado. Inihalintulad niya ito kung ano ang nangyari sa Jura, Switzerland noon na kung
saan nagkaroon ng tamang distribusyon ng mga ari-arian. Kaya’t nakapag simula ang estado at
nang kalunanan ay naging maunlad din ito. Sabi niya ang Federalismo ay isa ring
“pagdadamayan”
Dagdag pa ni Jdzla, wala namang magbabago sa kultura pag pinairal ang nabanggit na
sistema. Mananatiling Bikolano ang taga Bicol, Cebuano ang taga Cebu atbp. Mananatili at iiral
pa rin ang pagiging isang Pilipino kaya’t malabong magkaka- watak-watak ang Pilipinas. Para
sagutin ang ikatlong punto ni Damgo, sinabi ni Jdzla na ang makasariling interest ng mga
pulitiko ay magbibigay ng benepisyo sa mamamayang Pilipino. Kung gamitin ito nila sa
kampanya at manalo, maaaring maisakatuparan ang sistemang Federalismo. At kapag
nangyari, sinabi niya na hindi na magiging malayo sa pag-unlad ang bansang Pilipinas.
Kailangang ihayag sa wikang Filipino ang Senate Joint Resolution No. 10, na
nagpapanukala ng pagtatatag ng kakatwang uri ng Federalismo sa Filipinas at nang masuri ng
taumbayan ang niluluto ng mga politiko at kasapakat nila sa lipunang sibil.
Ang nasabing resolusyon ay nilagdaan nina Aquilino Q. Pimentel Jr., Edgardo Angara,
Rodolfo Biazon, Pia Cayetano, Juan Ponce Enrile, Francis Escudero, Jinggoy Estrada, Gregorio
Honasan, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan, Ramon Revilla, at Manuel Villar. Nananawagan
ang resolusyon na magpulong ang mga mambabatas ng kongreso “para sa layuning baguhin
ang saligang batas nang maitatag ang federal na sistema ng pamahalaan.”
Ikinatwiran ng resolusyon na ang sentro ng kapangyarihan at pananalapi ay nasa
Maynila, at naiwan ang malalayong lalawigan ng bansa. Puta-putaki umano ang pag-unlad, at
nakikinabang lamang ang ilang malapit sa administrasyon. Ang ganitong kalagayan ay
nagsilang ng malawakang kahirapan at armadong pag-aaklas sa buong bansa. Upang malutas
ito, iminumungkahi ang pagtatatag ng labing-isang estado bukod sa Metro Manila. Ang ganitong
uri ng lohika ay waring mula sa mga demagogong politikong Sebwano, na laging inaakusahan
ang “Imperyalistang Tagalog na Maynila” sa mga kapabayaan sa kanilang rehiyong sila rin ang
may kagagawan
Ang sa federalismo sa Pilipinas ay matagal nang isinulong ni Nene Pimentel kung saan
nakasaad ito sa isang dokumento sinulat ni Jose Abueva na ipinakalat ng PCIJ.
“Let us get the best features of federalism in countries like US and Europe and apply
them to our own situation. Let us not copy for the sake of copying,” sabi ni Pimentel sa
Varsitarian matapos ang “Federalism in Focus,” isang panayam sa ABS-CBN News Channel
(ANC), ika-24 ng Agosto.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ang pederalismo lamang ang susi para sa
tunay na pagbabago dahil mababasag na nito ang Imperial Manila at maipakakalat na ng patas
ang pondo at kapangyarihan sa mga kanayunan.
Sa pederalismo, hahatiin na ang Pilipinas sa federal states. Kada federal state, may
sariling pamamalakad. Hindi na aasa sa national government ang bubuuing mga estado. Ayon
kay Alvarez, maari raw na maging sagot ang pederalismo sa problema ng Pilipinas sa
katiwalian at kahirapan. Dagdag pa niya, ilang beses na inamyendahan ang local government
code pero wala naman daw nangyari.
Maganda ito para sa Mindanao kung saan napakalaki ng ekonomiya roon lalo na sa
larangan ng agrikultura, minahan at iba pang mga industriya. Ganoon din para sa mayayamang
rehiyon gaya ng Metro Manila, Calabarzon at iba pa. Subalit para roon sa mahihirap na rehiyon
gaya ng probinsyang Samar-Leyte, ang parte ng Pilipinas na pinakamahirap sa bansa at iba
pang katulad nito ay siguradong talo sa sistemang Federalismo.
“Ito yung solusyon sa tinatawag na ‘Imperial Manila’ lahat even nung mga minor
decisions ay dadaan pa sa Maynila. Kaya sa Federalismo ay may certain autonomy yung
probinsya at yung mga local leaders na nandoon sila sa sitwasyon. They know better yung mga
problema and hopefully they can address better yung mga problemang yun sa federalism,”
bahagi ng pahayag ni Bishop Arigo sa Veritas Patrol.
Inilahad ni Abueva ang mga bentaha ng federalismo, at kabilang dito ang sumusunod:
Una, makapagtatatag umano ito ng makatarungan at pangmatagalang balangkas para sa
kapayapaan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang pangkat etniko, relihiyoso, at
kultura, lalo sa panig ng mga Bangsamoro at lumad. Ang ganitong mungkahi ay ipinalalagay na
ang buong bansa ay watak-watak, at nasa yugto ng digmaan, at wala nang magagawa pa kundi
pagbigyan ang paghahati-hati ng teritoryo. Ang federalismo ay lalong makapagpapalakas para
sa mga armadong pangkat na magsulong ng rebelyon, at tuluyang kumawala sa saklaw ng
Filipinas. Ipinupunla ng federalismo ang pagkakawatak ng mga mamamayan, dahil ang
sinasabing labing-isang nasyon ay nagpapahalaga sa rehiyonalismo imbes na sa kabansaan ng
buong Filipino.
Ikalawa, ang desentralisasyon at debolusyon ng kapangyarihan, ani Abueva, ay hindi
makauusad sa lumang sistemang unitaryo kahit pa nakasaad iyon sa Saligang Batas ng 1987
at Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991. Sa ganitong kuro-kuro, ang dapat inaalam ay kung
ano ang mali sa pagsasakatuparan ng mga batas at patakaran ng pamahalaan. Ang
pagsasabing sumapit na sa “wakas” ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal dahil ang pangunahing
awtor niyon na si Sen. Pimentel ay bumaligtad saka pumabor sa federalismo ay simplistikong
palusot sa kabiguan ng desentralisasyon at debolusyon. Hindi makausad nang ganap ang
desentralisasyon at debolusyon dahil hangga ngayon ay hindi pa nasasapol ng taumbayan ang
esensiya ng mga konseptong ito. Ang pagkakamali ay maaaring malutas kung magtutulungan
ang kapuwa pambansa at pamahalaang lokal sa implementasyon ng Kodigo.
Ikatlo, mabibigyan umano ng kapangyarihan ng Republikang Federal ang mga
mamamayan, at mapatataas ang estandard ng kabuhayan at pakikilahok sa pampolitikang
aspekto. Ideal itong pangarap, ngunit hindi nito isinasaalang-alang na ang mga lalawigan ay
kontrolado pa rin ng ilang maykayang pamilya, at ang mga pamilyang ito ang humahawak ng
pampolitikang kapangyarihan. Ang korupsiyon, karahasan, at paghahari sa mga pamayanan ay
nakasalalay kung sinong pangkat ang may hawak ng sandata at kayamanan, at napakahirap
ipangaral ang “kahusayan sa pamamahala” sa mga liblib na nayong kulang sa oportunidad ang
mga tao na makapag-aral at humawak ng kayamanan.
Ikaapat, sinabi ni Abueva na ang federalismo ay makahihimok sa mga pinuno,
negosyante, at taumbayan na maging responsable at tanganan ang kanilang kapalaran.
Ipinapalagay dito na makikilahok ang mga tao sa mga pagpapasiya sa pamahalaan, ngunit
maituturing itong panaginip hangga’t hindi nabubuo ang mga maláy, organisadong
mamamayan. Ang pag-unlad ng panukalang labing-isang nasyon ay sasalalay sa naimbak
nitong yaman, mulang likas yaman hanggang impraestruktura, komunikasyon, at
transportasyon. Sa sitwasyon sa Filipinas, ang paghahari ng mga maykayang pamilya at
armadong pangkat ay matitiyak sa federalismo dahil tuwiran nitong mahahawakan sa leeg ang
taumbayan.
Ikalima, mapabibilis umano ng federalismo, ani Abueva, ang paglinang sa kaunlarang
pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkultura. Magkakaroon umano ng inter-
estadong kompetisyon sa pagkuha ng kapuwa domestiko at banyagang pamumuhunan,
propesyonal, manggagawa, turista, at iba pa. Lalago umano ang mga lalawiganing wika,
kultura, at sining. Maganda ito ngunit mananatiling pangarap lamang ito para sa ilan, dahil ang
gayong kompetisyon ay hindi nagpapamalas ng kompletaryong paghahayag ng kalakasan ng
bawat “nasyon,” bagkus naglalantad pa ng pagtatangi sa iba na mauuwi sa pagkakahati-hati ng
mga mamamayan. Nabansot ang mga lalawiganing wika at kultura dahil na rin sa matagal na
kapabayaan ng mga lokal na politiko, negosyante, at intelektuwal na pawang pumanig sa
paglinang ng Ingles at banyagang kultura, at hindi ito malulutas sa kisapmatang federalismo.
May itinatadhana na ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal at ang National Commission for
Culture and the Arts (NCCA) kung paano mapalalago ang katutubong kultura, ngunit ang
nakapagtataka’y hindi ito alam ng mga lokal na opisyal kaya hindi naipatutupad nang ganap sa
kani-kanilang lugar.
Pinakamahalagang aspektong binanggit ni Abueva na makapagpapalalim umano ng
demokrasya ang federalismo habang lumalaon. Sa ganitong palagay, animo’y mahina ang
“demokrasya” sa buong Filipinas. Kung mahina ang demokrasya sa bansa, ang dapat
pinagtutuunan ng mga politiko ay kung paano “mapapalawak at mapatitibay” ang demokrasya
at mauuwi ito sa dating implementasyon ng mga programa at patakaran sa mga lalawigan.
Kung ang parehong mga politiko at kaanak nila ang maghahari sa iba’t ibang “nasyon” o
rehiyon, ang pangarap na demokraya ay para sa lalong ikalalakas ng oligarkiya dahil nasa
sirkulo nito ang kayamanan, kapangyarihan, at koneksiyon upang manatili sa poder.
Salazar, Joubelle
Aquino, Mygie