You are on page 1of 6

Kabanata 1

Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

Introduksyon

Ang uri ng pamahalaan ay isang malaking konsiderasyon sa kalagayan ng isang


nagkakaisang bansa. Sa kasalukuyang panahon, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng
republikang pamamahala, na sa loob ng matagal na panahon ay hindi maikakaila ang
kasanayan ng mga Pilipino sa uri ng pamamahalang ito na pinagdaanan na ng ilang
mga nagging pangulo ng bansa. Karagdagan pa, ang republika ay nakasentro sa
capital na rehiyon at konektado sa mga lalawigang sakop ng bansa.

Samantala, ang pagluklok ng bagong lider ng lipunan ay naging daan upang


buksan ang isipan ng mga mamamayan, sa isa pang uri ng pamahalaan, ang
PEDERALISMO. Sa pagbukas ng bagong administrasyon, ay pinangunahan ng bagong
pangulong Rodrigo Duterte ang paghain ng pederalismo na kung saan ay hudyat ng
pagbigay-karapatan sa bawat estado na palakasin ang kanilang pamumuno. Sa
ganitong uri ng pamahalaan, hindi lamang ang Maynila na siyang capital ng bansa ang
magkakaroon ng karapatan sa mga control ng badyet at hindi na nakapokus sa pangulo
ang pamamahala nito ngunit magkakaroon ng kontrol ang mga alkalde o punong bayan
sa pangangasiwa ng yaman ng bawat lalawigan.

Sa usaping ito, sa kasalukuyan ay patuloy pa ring pinagtatalunan ang


implementasyon ng bagong uri ng pamahalaan sa kadahilanang isang malaking
pagbabago ang magaganap kung sakaling ito ay maitakda at maaprubahan. Sa
kabilang banda, may dahilan ang pangulo sa pagnanais na ito ay ipatupad sa
kapakanan ng bansa. Kung kaya, sa mga susunod na bahagi ng pananaliksik na ito, ay
matutukoy ang mga dahilan, at kung ano ang konsepto ng pederalismo at ang mabuti at
masamang dulot nito sa lipunan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Posibleng Epekto ng Pederalismo sa


Bansa” ay ginawa upang matuklasan kung ano nga ba ang Pederalismo at ang epekto
nito sa Pilipinas.

Ito ay naglalayong sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang Pederalismo?


2. Anong mga bansa ang kasalukuyang nasa ilalim ng pamahalaang pederalismo?

3. Ano ang nararanasan ng mga bansang nasa ilalim ng pederalismo?

4. Ano ang magandang epekto ng pederalismo sa mamamayan ng mga bansang


ito?

5. Ano ang negatibong epekto ng pederalismo sa mga mamamayan ng bansang


ito?

6. Ano ang nagtutulak sa pamahalaan upang ipamukala ang pederalismo?

7. Ano ang reaksyon ng mamamayang Pilipino nang marinig ang tungkol sa


posibleng pamamahala ng pederalismo sa Pilipinas?

8. Ano-ano ang konsiderasyon angisinaalang-alang para ipatupad ang


pederalismo?

9. Ano ang saklaw ng pederalismo?

10. Ano-ano ang posibleng epekto ng pederalismo sa bansa?

11. Sino ang nangunang magpahayag nang kagustuhang ibahin ang uri ng
pamahalaan sa Pilipinas?

12. Bakit sinasabing nakasentro ang pokus ng pamahalaan sa Maynila?

Saklaw at LimitasyonngPag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matuklasan kung ano nga ba ang
pederalismo at ang mga posibleng epekto nito sa Palipinas. Ginawa ito upang
ipaunawa sa mga mamamayang Pilipino ang dahilan ng mga nagnais ipanukala ang
bagong uri ng pamamahala. Karagdagan pa, ito ay nakapokus sa mga konsiderasyon
at posibleng kahinatnan ng implementasyon sa mga indibidwal na mamamayan.

Samantala, ang pag-aaral na ito ay limitado sa Pilipinas at ang saklaw ng pederalismo


sa isang bansa na nagsimula sa isang republikang pamamahala, upang maging
organisado ang pananaliksik.

Samakatuwid, sinisigurado ng mga naghain ng pag-aaral na ang ginagamit na mga


paraan at materyales ay tama at angkop sa paksa ng pananaliksik.
Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa “Posibleng Epekto ng Pederalismo sa


Bansa” na isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay
maghahanda ng sarbey kwestyuner na ipamimigay sa mga mag-aaral na may sapat na
kaalaman sanasabing pananaliksik. Nilalaman ng sarbey kwestyuner ang mga
katanungan na base sa inilahad napag-aaral. Ito ay higit na makaka-ambag sa
paniniwalang bawat mamamayan at magpapatibay ang isinasagawang pananaliksik.

Maghahanda din ang nagsasagawa ng pag-aaral ng mga katanungan upang


makakalap ng iba’t ibang opinyon, saloobin at pahayag sa mga taong kasangkot sa
maaaring maging basehan sa gagawing interbyu.
Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang kaalaman sa mga posibleng epekto ng pederalismo sa bansa ay


napakahalagang malaman sapagkat ito’y makapagdudulot ng karagdagang pagkatuto
at upang maging handa ang mga mamamayan sa mga posibleng mangyari at
kahihinatnan kung ito ay mapapatupad. Kaya ang pag-aaralnaito ay magiging kapaki-
pakinabang sa mga sumusunod na pangkat nang mga indibidwal:

1. Komunidad. Ang pag-aaral na ito ay higit na matutulungan ang komunidad lalong


higit sa kasalukuyang sitwasyon nito. Malilinawanagan ang kanilang mga isipan sa
karapatang dapat nilang tinatamasa. Mas organisado at mapayapang komunidad ay
maisasakatuparan.

2. Mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sapagkat magbibigay ito ng


kaalaman sa karapatan ng bawat isa at sa mga bagay ukol sa pederalismo.
Matutulungan din sila sa tamang pagdedesisyon na may kinalaman sa isyu.

3. Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang higit


na malaman kung ano nga ba ang pederalismo na magbibigay sa kanila ng kaalaman
sa kung paano ito makakatulong sa bansa.

4. Sa mga sumusonod na henerasyon ng mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito


ay magbibigay at magdaragdag kaalaman ukol sa pederalismo. Maari nila itong gawing
basehan sa pag-aaral na nais nilang isagawa.

Depenisyon o kahulugan ng mgatermino

Upang mas maipaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na
salita ay binigyang kahulugan sa operasyonal na paraan.

Delegado. Tao na pindala na siyang kumatawan para sa isang tao, upang ipadala sa
isang panayam o kapulungan.

Kapulungan. Grupo ng mga tao sa gobyerno na kumakatawan sa isang sektor na


nahahati sa representatibo at senado.

Pamahalaan. Grupo ng mga tao na kumokontrol at gumagawa ng desiyon para sa


bansa; particular na Sistema na ginagamit upang kontrolin ang isang bansa.
Pambansang Sektor. Sangay ng lipunan na binubuo ng mga tao sa gobyerno na
nagbubuklod sa grupong pampubliko at pribadong samahan.

Pederalismo. Bansa kung saan nahahati sa mga estado; isang uri ng pamamahala.

Pilosopiya. Pag-aaral ng mga ideya at persepsyon ng isang indibidwal.

Republika. Ito ay uri ng pamamahala na kung saan ang proklamadong pinuno o


kinatawan ng bansa ang sentro ng pamahalaan.

Saligang Batas. Isang pangkat ng mga prinsipyong saligan o pundamental o nailunsad


at naitatag na mga pamarisan na pinagbabatayan.

Serbisyo Publiko. Paglilingkod sa mga mamamayan at ginagampanan ng mga


nakataas.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan upang


malaman kung ano ang pederalismo at ang epekto nito sa iba’t ibang uri ng
mamamayang Pilipino at sa bansa.

Nagsagawa ang mga mananaliksik ng pag-aaral na may disenyong eksploratori


sapagkat ang Pilipinas ay hindi pa naging pederal na bansa kung kaya ay ito ang unang
pagkakataong magsagawa ng mga posibleng epektong implementasyon ng
pederalismo. Sa disenyong eksploratori, may mga iba’t ibang mamamayan na magiging
paksa sa pag-aaral na sasailalim sa isang sarbey at interbyu upang makapangalap ng
mga datos at impormasyon kaugnay ng paksa. Ito ay naglalayong mangalap ng
reaksyon mula sa mga mamamayan kapag narinig nila ang pagbabago ng uri ng
pamahalaan mula republika patungo sa pederal.

Ang mga nakapalap na impormasyon ay gagamitin upang mapatibay ang


pananaliksik

Tritment ng mga Datos.


Ang pag-aaral na isinagawa ay naglalayong sagutin ang mga posibleng epekto
ng pederalsmo sa bansa. Dito, sa nakalap na impormasyon mula sa sa ginamit na mga
instrumento kabilang ang interbyu, at sarbey ay magmumula ang konklusyon at
kasagutan sa pag-aaral.

Magsisimula ang pangangalap ng datos mula sa interbyu na pagsasama


samahin at ipagkukumpara sa bawat isa. Ang mayorma ng ideya ay pagbabasehan ng
interpretasyon ng mga datos. Sumunod ay sarbey sa mga miyembro ng pilimg
populasyon at sample sa bayan ng Lemery na kung saan ang porsyento ng nakalap na
impormasyon at ang may pinakamalaking bahagdan ng mga sagot ang pagmumulan ng
interpretasyon at konklusyon ng pag-aaral. Matapos ang paghahambing at pagtatally ng
mga resulta, ang mga datos ang sasagot sa mga tanong sa pananaliksik.

Mga Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng instrumentong pakikipanayam at sarbey


kwestyuneyr upang makakalap ng mga mahahalagang impormasyon,na kinakailangan
sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay binigyang kasagutan ng piling mga indibidwal sa
loob ng Senior High School at mga piling lugar sa bayan ng Batangas. Ang mga
nakalap na impormasyon ay nakatutulong sa pag-aaral upang ito’y maging basehan ng
katotohanan na angkop sa pananaliksik. Ang pakikipanayam ay naayon sa
isinasagawang pag aaral sapagkat sasagutin nito ang mga posibleng epekto ng
pederalismo at ang persepsyon ng ilang mga mamamayang Pilipino sa siyang
kakatawan sa populasyon ng mga Pilipinong apektado nito.

Samantala, sarbey naman para sa bilang ng mga respondente na umaayon at


sumasalungat sa mga kaganapang pagbabago sa pamamahala ng Pilipinas.

You might also like