You are on page 1of 10

“ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA KONSEPTO NG

KRIMEN AT MGA SISTEMA NG KATARUNGAN SA


KASALUKUYANG PANAHON: REAKSYON, SALOOBIN
AT PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA UNANG
ANTAS NA MAY KURSONG KRIMINOLOHIYA SA
TANAUAN INSTITUTE INCORPORATED, TAON 2022-
2023”

.
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
• Ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa pagkakapantay-pantay o pagwawasto sa

hukuman. Sinasaklaw nito ang bagay na nais makamit ng isang taong napagbintangan na siya

ay nagkasala at lumabag sa batas ng tao at lipunan. Ito rin ay saklaw ng mga institusyon sa

ating lipunan kaya ganon na lang ang atensyong ibinibigay ng mga mamamayang Pilipino

kapag may tinatalakay o isinasagawang kaso rito. Maraming mga tao na ayaw sa sistema na

pinapatupad ng ating Gobyerno sa panahong ito. May mga kataga pa silang sinasabi tungkol

dito na “kapag mayaman ka, may kapangyarihan ka at kaya mong pa-ikutin ang batas sa iyong

kamay.” Kaya namin tinatalakay ito para mas malaman at mas maunawaan natin na kung

anong klaseng sistema ng katarungan sa kasalukuyang panahon sa ating bansa.

“Nakakalungkot isipin na ang hustisya sa Pilipinas ay sadyang napakabagal at hindi ito pantay-

pantay sa karamihan”. Yan ay isa lamang sa mga hinaing ng mga mamamayang Pilipino.
• Bilang isang mag aaral ng kriminolohiya at tagapagpatupad ng batas namulat
ako sa relayidad na walang tamang hustisya sa pagpapatupad ng batas sa
bansang ito. Sa panahon ngayon tanging mayayaman na lamang ang
nakakakamit ng hustisya sa ating bansa. Nakaka-awa ang mga taong walang
pangtustos sa pagkamit ng Katarungan sa mga krimen na sa kanila’y ginawa.
Sinasabi ng marami na ang pera’y kayang bilhin lahat ngunit naisip ba natin
na kayang bilhin ng halaga ang buhay na pinahiram lamang sa atin? Na ang
2 iba ang kukuha nito at hindi ang Diyos na lumikha? Minsan tayo ay
napapaisip kung paano nila kayang balidtarin ang salaysay ng isang kaawa-
awang biktima kapalit ng malaking halaga ng pera na kung iisipin ay malaking
pagkakasala nila, ngunit hindi nila ito naisip dahil sa pagkasilaw nila sa pera
LAYUNIN NG PAG-AARAL

• Ang layunin ng pag-aaral ay malaman kung ano ang ugat ng problema at bakit hindi

nabibigyan ng hustisya o katarungan ang mga taong karapat-dapat na mabigyan

nito. Dagdag pa rito, ay malaman kung ano ang posibleng gawin na aksyon o

maaaring solusyon kung paano ito mawawakasan at mareresolba. Ang pananaliksik

na ito ay naglalayong punain o matukoy ang krimen at mga sistema ng katarungan

sa kasalukuyang panahon. Na sasagutin nang mga mag-aaral ng unang antas na

may kursong Kriminolohiya sa Tanauan Institute, Inc. Taon 2022-2023.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN
• 1. Ano ang kalagayan ng sistema ng katarungan sa kasalukuyang
panahon.

• 2. Bakit kailangan na wasto at tama ang pagbibigay ng katarungan sa


kasalukuyang panahon.

• 3. Anong solusyon ang kailangan upang mabigyan ng katarungan ang


mga nangangailangan sa kasalukuyang panahon

• 4. Bakit laganap ang krimen sa kasalukuyang panahon.

• 5. Ano ang mga dahilan ng kawalan ng katarungan sa kasalukuyang


panahon.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
• Ang pag aaral na ito ay mahalaga dahil naglalayon itong magbigay ng mas
malalim na pag-unawa sa konsepto ng krimen at mga sistema ng
katarungan sa kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng pagtatanong
sa mga mag-aaral sa unang antas ng kursong Kriminolohiya, maaaring
malaman ang kanilang mga reaksyon, saloobin at pananaw tungkol sa
mga ito. Bukod dito, ang pag-aaral na ito ay magbibigay din ng
mahalagang kontribusyon sa pagpapalawig ng kaalaman sa larangan ng
kriminolohiya at katarungan. Ito ay magbibigay ng oportunidad sa mga
mag-aaral na mapalawak ang kanilang kaalaman at malaman ang mga
isyung kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan
KONGKLUSYON
Batay sa mga inilahad ng mga mananaliksik na mga datos, pumasok sa kanilang isipan ang
ilang konklusyon. Sa isinagawang sarbey nagbigay daan ito upang mabigyang 49 kasagutan
ang mga nabanggit na tiyak na suliranin. Ang kasagutang ito ay ang mga sumusunod:

1. Marami ang naniniwala na maayos at tama ang pamamalakad sa pagbibigay ng katarungan


sa kasalukuyang panahon.

2. Tunay na may kinikilingan ang pagbibigay ng katarungan sa kasalukuyang panahon.

3. Isa sa mga solusyon ang pera upang makamtan ang hustisya ng isang tao sa panahon
ngayon.

4. Hindi nabibigyan ng sapat at maayos na katarungan ang mga nangangailangan sa


kasalukuyang panahon.

5. Isa sa dahilan ang kahirapan kaya laganap ang krimen sa kasalukuyang panahon.
6. Maraming sumang-ayon na nararapat bigyan ng boses at patas na pagtingin
sa katarungan ang mga mahihirap.

7. Marami ang lubos na sumasang-ayon sa pantay at patas na pagtingin ang


kailangan upang mabigyan ng katarungan ang mga nangangailangan.

8. Isa sa dahilan ang estado sa buhay kung bakit natatamo ang katarungan sa
kasalukuyang panahon.

9. Hindi maayos at nababawasan ang krimen sa kasalukuyang panahon.

10. Ayon sa datos na nakalap, marami ang sumagot ng lubos na sumasang-


ayon sa kakulangan ng kaalaman sa batas ang isa sa dahilan kaya hindi
nakakamit ng tao ang katarungan
REKOMENDASYON
• Kaugnay ng isinagawang pananaliksik, buong pagpapakumbabang imumungkahi ng mga

mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyon ang mga

sumusunod:

• A. Para sa mga Guro - Mas paghusayin pa ang pagtuturo sa mga mag-aaral partikular sa

konsepto ng krimen, batas at mga karapatan nila bilang tao nang sa gayon ay mas

lumawak ang kaalaman nila patungkol dito.

• B. Para sa mga Mag-aaral - Hikayatin ang kapwa mag-aaral na maglaan ng oras sa

pagbabasa ng mga libro o artikulo na may kinalaman sa sistema ng katarungan at alamin

ang mga posibleng dahilan kaya hindi nakakamit ng tao ang hustisya na kanilang

kailangang makamit.
• C. Para sa Pamahalaan - Maglaan ng mga artikulo o libro na may kinalaman

asa karapatan ng bawat indibidwal. Maaari ring mag organisa ng pag aaral sa

konsepto ng krimen nang sa gayon ay malaman ng tao ang dahilan, bunga at

solusyon upang mabawasan ang paglaganap ng krimen.

• D. Para sa Paaralan - Maaring magsagawa ng aktibidad na may kinalaman

sa pag aaral ng mga karapatan ng isang tao upang makamit ang hustisya.

• E. Para sa mga susunod na Mananaliksik - Gawing halimbawa ang pag-aaral

na ito upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga tao hinggil sa konsepto ng

krimen at mga sistema ng katarungan sa kasalukuyang panahon.

You might also like