You are on page 1of 2

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik ay gumamit ng paglalahad na pamamaraan.


Ang pamamaraang ito ay naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan ng mga
mambabasa. Nabibigyan din ng sapat o higit pang impormasyon ang mga nagsasaliksik ng mga
kasagutan sa kanilang mga katanungan. Sa paggawa ng sulating ito, ang lahat ng mambabasa ay
magkakaroon ng panibagong ideya at malawak na kaalaman na magagamit nila sa pagdedesisyon
sa kanilang hinaharap o kasalukuyang sitwasyon.

Ang pananaliksik na isinagawa ng mag-aaral ng 10 Magsaysay ay layunin na


makapaglahad ng impormasyon sa epekto ng aborsyon sa buong kalagayan ng indibidwal sa
pisikal, mental at emosyonal na kalusugan. Maiibahagi rin sa mga mambabasa ang iba’t ibang
proseso at kagamitan sa aborsyon, ang pinagmulan nito, kung kailan maituturing na illegal at
legal ang proseso, at ang mga batas na ipapataw sa mga sangkot sa isinagawang aborsyon.

Sa panahon ngayon, maraming kababaihan ang sumasailalim sa aborsyon nang hindi


nalalaman ang magiging bunga ng kanilang mga desisyon. Isa ito sa dahilan kung bakit
naisagawa ang pag-aaral ukol sa aborsyon. Nais ng mananaliksik na mabago ang pag-iisip ng
mga kababaihan kung saka-sakali na mabasa at magkaroon na sila ng kaalaman sa naturang
paksang pinag-aralan. Layunin din ng mananaliksik na mabigyang pansin ng mga mamamayan
ang napapanahong problema sa ating lipunan at magsisilbing tulong ang pananaliksik na ito
upang magkaroon sila ng ideya kung paano masugpo ang aborsyon sa ating bansa.
Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik ay gumamit ng paglalahad na pamamaraan.


Ang pamamaraang ito ay naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan ng mga
mambabasa. Nabibigyan din ng sapat o higit pang impormasyon ang mga nagsasaliksik ng mga
kasagutan sa kanilang mga katanungan.

Nais ng mananaliksik na maibahagi ang kanyang nasagap na mga impormasyon ukol sa


napapanahong problema sa ating bansa, ang adiksyon sa pornograpiya ng mga kalalakihan.
Magbibigay ng panibagong kaalaman ang mananaliksik sa mga mambabasa tungkol sa epekto ng
adiksyon sa pornograpiya sa pisikal, mental, at emosyonal na kalagayan ng mga kalalakihan.

Ayon sa karamihan, ang pornograpiya at seksuwal na aktibidad ay isa sa mga


pangangailangan ng tao. Dahil hindi na tama ang paggamit ng mga ito, maaaring iba ang maging
epekto nito sa isang indibidwal. Naisagawa ang sulating ito para matutukan at mabigyang pansin
ng mga kalalakihan ang dahilan, kasaysayan, epekto at mga batas na ipapataw ukol sa adiksyon
sa pornograpiya. Sa pagbabasa ng isinagawang sulatin ng mananaliksik, maaaring matugunan
ang layunin ng mananaliksik na magdulot ng pagbabago at makahanap ng solusyon para hindi ito
humantong sa mas malalang kalagayan ng bansa at mamamayan.

You might also like