You are on page 1of 2

Paglalahad ng Layunin

Pangkalahatan na Layunin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri at matukoy ang lawak ng

pagpapahalaga ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ng Pang-

Estadong Unibersidad ng Pangasinan, Kampus ng Lingayen kaugnay ng kanilang

akademik performans.

Tiyak na Layunin

a. Natutukoy ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa kanilang mga

asignaturang Filipino batay sa interes/kawilihan sa asignatura, motibasyon sa

pag-aaral, at paggawa ng mga itinakdang gawain/pagsusulit.

b. Naipapakita ang kaugnayan ng lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa

asignaturang Filipino at ang kanilang marka/grado.

c. Nailalahad ang mga salik na maaring makaapekto sa pagpapahalaga ng

asignaturang Filipino at maging basehan nila upang matukoy at masuri ang

sariling lawak ng pagpapahalaga.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa lawak ng pagpapahalaga ng mga mag-

aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ng Pang-Estadong Unibersidad ng

Pangasinan, Kampus ng Lingayen kaugnay ng kanilang akademik performans. Ang

pag-aaral na ito ay mahalaga at mapakinabangan sa sumusunod na indibidwal o grupo:


Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mabatid ng bawat

mag-aaral ang kabutihang naidudulot ng pagpapahalaga sa asignaturang Filipino bilang

daan sa katatasan at kabuuang pagkahubog ng sarili hinggil sa konteksto ng

asignaturang Filipino.

Sa mga guro. Itinuturing na tagapagbahagi ng mga kaalaman sa mga mag-aaral.

Makatutulong ang pag-aaral na ito upang malaman ng bawat guro ang kadahilanan ng

mga mag-aaral hinggil sa kanilang pagpapahalaga sa asignaturang Filipino at mag-

udyok sa kanila upang makagamit at makabuo ng mga estratehiyang magpapataas sa

pagpapahalaga ng mga estudyante sa asignaturang Filipino.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang mga susunod na mananaliksik ay

mahihikayat na bumuo ng isang pananaliksik na maaaring may kaugnayan sa

pananaliksik na ito at makatulong sa pagpapa-unlad ng sistema ng edukasyon sa

bansa.

You might also like