You are on page 1of 34

Ikalawang Markahan –

Modyul 2:
Anyo ng Globalisasyon
at Pagharap Gng. Gelyn d. torres
guro
Tuklasin
NAUNAWAAN MO, ISULAT MO.
Panuto: Basahin at suriin ang
sitwasyon sa susunod na pahina.
Sagutan ang pamprosesong tanong sa
iyong notebook.
Si Maria ay isang batang masayahin lagi lang siyang nasa
loob ng bahay bilang pagsunod o pagtalima sa utos na
quarantine protocol ng pamahalaan.
Hindi man siya makalabas ng bahay ay masaya naman siya.
Gamit ang kanyang cellphone ay nakakapaglaro siya,
nakakausap niya ang kaniyang mga mahal sa buhay at mga
kaibigan .
Nalilibang niya ang kanyang sarili sa panunuod sa kanilang
smart TV ng mga palabas mula sa Netflix kung saan nakikita
niya ang kaniyang idolong artista.
Kung siya naman ay nagugutom ay nag-oorder siya sa
sa fast food gamit ang isang delivery application.
Sa pamimili naman ng mga pangangailangan sa
bahay, hindi na nila kailangang lumabas dahil gamit ang
kanyang touch screen na laptop ay nag-oonline shopping
sila ng kanyang nanay.
Tunay na nabago ang sistema ng pamumuhay ni
Maria dulot ng globalisasyon.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano ang napansin mo sa mga gamit ni
Maria?
2. Paano siya naiimpluwensiyahan ng mga
ito?
3. Ganito ka rin ba? Paano mo ginawang
kapaki-pakinabang ang iyong oras sa panahon
ng quarantine?
Ang globalisasyon ay proseso ng
mabilisang pagdaloy o paggalaw
ng tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang direksiyon
na nararanasan sa iba’t ibang
panig ng daigdig.(Ritzer,2011)
Ang globalisasyon ay may iba’t
ibang pagkakakilanlan.
Ito ay
ekonomiko,
teknolohikal, sosyo-kultural at
politikal, samantalang ang
Overseas Filipino Worker
(OFW) ay itinuturing na buhay na
manipestasyon nito.
Globalisasyong
Ekonomiko
Mabilisang paraan ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa
pagitan ng mga bansa sa daigdig.
Ito ang dahilan ng pagsibol ng maraming multinational at
transnational companies na naging dahilan ng paglitaw ng
maraming produkto at serbisyo.
a. Multinational
– kompanyang namumuhunan sa ibang bansa.
companies
- Layunin nito na palawigin ang kalakalan
upang matugunan ang lahat ng pangangailangan
ng konsyumer maging lokal man o international.
- Ang mga produkto at serbisyong ipinagbibili
ay hindi pangangailangang lokal.
- Halimbawa: Coca Cola, Toyota Motor,
McDonald’s, Unilever, Starbucks, Seven-Eleven
b. Transnational
– mga kompanyang itinatatag sa ibang bansa
ang kanilangcompanies
ibenebentang produkto at serbisyo
ay pangangailangang lokal.
- Karamihan sa kanila ay kompanya ng
petrolyo, pharmaceutical IT consulting at iba
pang kauri nito.
- Halimbawa: Shell, Accenture, GlaxoSmith
Klein at TELUS International Phils.
Ipinakilala ng mga korporasyong nabanggit ang mga
produkto at serbisyong ginagamit natin sa ating pamumuhay.
Pangkaraniwan ang mga korporasyon at kompanyang ito
ay pag-aari ng local at dayuhang namumuhunan na may
malaking puhunan na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
Ayon sa datos ng International Monetary Fund ang ilan sa
multinational companies at transnational companies ay
mataas ang kinikita sa Gross Domestic Product (GDP) ng
ilang mga bansa.
Batay sa artikulong Top Filipino firms building Asean empires na
nailathala ng Philippine Daily Inquirer noong Pebrero 9, 2017 ang
ilan sa mga multinational companies at transnational companies tulad
ng Jollibee, Unilab, San Miguel Corporation na matatagpuan sa
Vietnam, Thailand at Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino.
Sinasaad sa artikulo ni John Magun hindi lamang sa Timog
Silangang Asya matatagpuan ang mga korporasyong pag-aari ng mga
Pilipino maging sa bansang China ay itinayo rin ang mga sumusunod
na korporasyong Pilipino SM, PNB, Metro Bank, Jollibee,
Liwayway Marketing Corporation at ito ay mababasa sa pahayagang
Business Mirror na nailathala noong Marso 9, 2017.
Positibo at negatibong epekto ng pagdami ng multinational at
transnational corporations:
a. Pagdami ng produkto at serbisyo na mapagpipilian ng
mga mamimili na naging dahilan upang bumaba ang
presyo nito
b. Nagkakaloob ng hanapbuhay
c. Pagkalugi ng lokal na namumuhunan dahil sa hindi patas
na kompetisyon
d. Pagsasara ng mga lokal na namumuhunan
e. Higit na paglakas at pagyaman ng multinational
companies at transnational companies
Outsourcing
• Ang outsourcing ay ginagamit ng malalaking
pribadong kompanya.
• Pagbili ng serbisyo ng isang kompanya mula sa
isang kompanya na may bayad
• Halimbawa: Ang paniningil ng mga institusyong
pinansiyal sa mga credit card holder imbes na
sila ang direkta na maningil ina-outsource nila
ito sa ibang kompanya.
Dalawang Uri ng Outsourcing Batay sa
Serbisyong Ibinibigay
1. BPO (Business Process Outsourcing)-
ay isang pamamaraan ng
pangongontrata sa isang kompanya para
sa iba’t ibang operasyon ng
pagnenegosyo.
Halimbawa: Accenture Inc., Telephilippines
Inc., Coca-Cola Far East Ltd, Convergys
Philippines services Corp. at iba pa.
Dalawang Uri ng Outsourcing Batay sa
Serbisyong Ibinibigay
2. KPO (Knowledge Process Outsourcing)
sumasaklaw sa pagkuha ng mga serbisyong
teknikal na kailangan ng isang kompanya
tulad ng pagsusuri sa mahahalagang
impormasyon, mga usaping legal at
pananaliksik.
Uri ng Kompanya na Nakabatay sa Layo at
Distansya
1. Offshoring
2. Nearshoring
3. onshoring
Uri ng Kompanya na Nakabatay sa Layo at
Distansya
1. Offshoring- pagbili ng produkto at serbisyo ng isang
kompanya
mula sa ibang bansa na may mas mababang kabayaran.
May mga outsourcing na kompanya mula sa United States at
mga bansa sa Europa na kumukuha ng serbisyo sa mga bansang
Asyano upang makatipid.
Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbebenta ng
produkto at serbisyo, paninigil sa bayad sa nagamit na serbisyo
halimbawa ay paniningil sa serbisyo ng internet, pagkuha ng
impormasyon ng mga namumuhunan sa mga mamimili.
Uri ng Kompanya na Nakabatay sa Layo at
Distansya
2. Nearshoring - pagbili ng produkto at serbisyo mula sa
kompanya sa isang kalapit na bansa

3. Onshoring – pagbili ng produkto o serbisyo sa isang


kompanya sa loob ng bansa
Sa kasalukuyang panahon, sa Pilipinas
pangkaraniwan sa mga kompanya ay offshore
outsourcing, halimbawa nito ay ang paglitaw ng
maraming call center company na ang
nagmamay-ari ay mga dayuhan mula sa United
States, United Kingdom at Australia.
Sapagkat mataas ang pasahod sa mga call centers
ito ang dahilan kung kaya’t maraming graduates
ang dito ay nagtatrabaho.
Sa top 100 outsourcing destinations for 2016, ang
Maynila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong
mundo na destinasyon ng BPO batay ito sa Tholons.
Mula sa industriya ng outsourcing tumaas ang
ekonomiya ng ating bansa. Ito ang nagsilbing
pangalawa sa pinagkukuhanan ng dolyar ng ating
bansa, malamang na malagpasan pa nito ang inuuwing
dolyar ng mga OFW batay sa Information Technology
and Business Process Association of the Philippines
(IBPAP)
Nakatulong din ito upang magkaroon
ng karagdagang kita ang maraming
Pilipino na nagbunsod sa pagkakaroon
ng surplus na budget na inilagak sa
institusyong pinansiyal bilang ipon.
Sila ang mga manggagawang Pilipino na
OFW nagtratrabaho at
maghanapbuhay.
nangingibang bayan upang

Bilang
Karamihan sa mga manggagawang Pilipino ay
Manipestas nagtutungo sa Timog Kanlurang Asya partikular sa
mga bansang Qatar, Saudi Arabia, at United Arab
yon ng Emirates, Silangang Asya tulad ng Taiwan,
Hongkong, South Korea, China at Japan.
Globalisas
yon Marami ding Overseas Filipino Worker (OFW) ang
nakikipagsapalaran upang maghanapbuhay sa
kontinente ng Europa at America partikular sa
bansang Canada at United States .
OFW Nagsimula ang pagtungo ng mga OFW sa ibang
bansa sa panahon ng administrasyon ni dating
Bilang pangulo Ferdinand Marcos.
Manipestas Ang pangingibang bayan ng mga OFW upang
yon ng maghanapbuhay ay nagdudulot ng implikasyon
kung saan marami ang nabibigyan ng
Globalisas hanapbuhay, nagpapasok ng dolyar,
yon nababawasan ang bilang ng mga propesyunal
(Brain Drain na manggagawa) at skilled workers
(Brawn Drain) ng ating bansa.
Globalisasyong
Teknolohikal
Pagbabago sa mabilis na paggamit ng makabagong
teknolohiya na nagreresulta ng malaking impluwensiya sa
pamumuhay ng tao, tumutulong upang mapagaan at mapabilis
ang mga gawain.
Ang paggamit ng cellular phones o mobile phone ay
pinasimulan ng maunlad na bansa hanggang sa ito ay
tinangkilik gamitin ng buong mundo dahil sa kahagahan na
naipagkakaloob nito.
Batay kay Dr. Pertierra ang cellphone ay nagsisilbing ekstensyon
ng buhay ng tao, ibig sabihin bahagi na ng buhay ng tao ang cellphone
dahil ito ang kagamitan na pangunahing gamit natin sa mabilis na
pakikipagkomunikasyon.
Malaki ang hatid na pagbabago sa atin sa paggamit ng computer at
internet sapagkat ito ay nagiging kaagapay ng ibat’ ibang uri ng
serbisyo tulad ng email.
Maging ang pag-aaply sa trabaho ay naisasagawa na rin online,
madali na rin ang pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo,
maging pagkuha ng impormasyon at balita ay mabilis na rin dahil sa
tulong ng paggamit ng internet gayundin ang pagbili ng produkto.
Bunga ng paggamit sa social networking sites tulad ng Facebook,
Twitter, Instagram at MySpace ay naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin
sa isang paksa.
Ang mga netizen ay lubos na nakikibahagi sa usaping nakakaapekto sa
kanya. Netizen ang tawag sa mga taong tumatangkilik sa mga social
networking site bilang paraan ng pagpapahayag ng saloobin.
Nalaman natin ang mabuting hatid ng globalisasyong teknolohikal sa
ating buhay subalit sa kabila nito mayroon din itong negatibong epekto tulad
ng pagkalat ng iba’t ibang viruses at spam, intellectual dishonesty kung saan
nakokopya ang mga impormasyon, pagkalat ng maling impormasyon, at ang
paggamit ng mga terorista sa internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap
ng takot at karahasan.
Globalisasyong
Epekto ito ng pagkakapare-pareho ng tinatangkilik ng
Sosyo-Kultural
bawat bansa hindi lamang sa produkto at serbisyo kundi
maging pelikula, artista, awitin at drama na nagreresulta ng
pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa.
Ang impluwensiyang ito ng ibang bansa ay makikita natin
sa pananamit, pagsasalita, at pakikisalamuha ng maraming
kabataang Pilipino.
Ang impluwensya ng bansang Amerika ay nagdudulot
upang maging liberal ang kaisipan ng ibang bansa gaya ng
Pilipinas.
Epekto ng Globalisasyong
Sosyo-Kultural
Positibong Epekto:
Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga bansa.

Negatibong Epekto:
Unti-unting nawawala ang pagkakakilanlan at
kultura ng bansa dahil sa impluwensya ng kultura
ng ibang bansa.
Globalisasyong
Paglawak ng pandaigdigang samahang politikal, maging ito
Politikal
man ay sa pagitan ng mga bansa, rehiyunal o pang-
internasyunal.
Nagkakaroon ng epektibong ugnayan ang bawat bansa na
nagreresulta ng mabilis na kalakalan, paglaganap ng ideya at
kalagayang teknikal at migrasyon dahil sa kasunduang bilateral
at multilateral.
Ang maayos na ugnayan ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South
Korea, Thailand, US at iba pang bansa ay nakatulong upang magkaroon ng
opurtunidad ang ating bansa sa pang-ekonomiko at pangkultural.
Ang mga bansang miyembro ng ASEAN sa Timog Silangang Asya ay
mas solido ang ugnayan kaya ito ang dahilan ng pag-angat ng ekonomiya ng
rehiyon.
Tinutukoy din sa globalisasyong politikal ang papel ng pandaigdigang
institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Batay sa The Reality of Global ni
Prof. Randy David ang mga pandaigdigang organisasyon tulad ng United
Nations, European Union, Amnesty International ay lumalahok sa mga
polisiya at programa na kinahaharap ng bansa.
Epekto ng Globalisasyong
Positibong Epekto:
Politikal
1. Nagkakaroon ng pagtutulungan ang mga bansa dahil sa
pagtatag ng samahan.
2. Bumibilis ang transaksyong gobyerno ng bawat bansa.

Negatibong Epekto:
1. Mas lalong napaiiral ang kapangyarihan ng maunlad na
bansa sa mahirap na bansa.
2. Sagabal sa pag-unlad ng bansa kung sariling interes ang
bibigyang-pansin.

You might also like