You are on page 1of 6

Summarize ng ap

Anyo ng globalisasyon

- Globalisasyong ekonomiya
- Globalisasyong pulitikal
- Globalisasyong teknolohikal
- Globalisasyong social cultural

Globalisayong ekonomiko

- ito ay nakasentro sa ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo


- pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang sa
bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.
- Multinational Companies (MNCs)
- Transnational Companies (TNCs)

Multinational Companies (MNCs)

- tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o
serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan.
Transnational Companies (TNCs)

- tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.


- Binibigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon
na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal.
Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino firms building Asean empires ng Philippine Daily
Inquirer na nailathala noong Pebrero 9, 2017, ilan sa mga MNCs at TNCs sa Vietnam, Thailand at
Malaysia ay pag-aari ng mga Pilipino tulad ng Jollibee, URC, Unilab, International Container
Terminal Services Inc. at San Miguel Corporation. Binigyang pansin dito ang halaga ng mga nasabing
korporasyon sa pamilihan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Hindi lamang sa Timog Silangang Asya matatagpuan ang ilang korporasyong pag-aari ng mga Pilipino.
Batay sa artikulo ni John Mangun ng pahayagang Business Mirror noong Marso 9, 2017, ilang mga
korporasyong Pilipino tulad ng SM, PNB, Metro Bank, Jollibee, Liwayway Marketing Corporation,
ang itinayo sa China at nakararanas ng patuloy na paglago.

Implikasyon ng TNCs at MNCs


1. pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman sa
pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay nagpapababa ng halaga ng mga
nabanggit na produkto.
2. nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
Suliranin na dala ng TNCs at MNCs

- pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga


multinational at transnational corporations na may napakalaking puhunan. Sa kalaunan,
maraming namumuhunang lokal ang tuluyang nagsasara.
- Nagbubunga ito sa kalaunan ng higit na pagyaman at paglakas ng mga nasabing MNCs
and TNCs nagdudulot naman ng paglaki ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.

Manipestasyon ng Globalisasyon

- Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang


kompanya na may kaukulang bayad.

URI NG OUTSOURCING BATAY SA IBINIBIGAY NA SERBISYO


Business Process Outsourcing (BPO)

- tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya

Knowledge Process Outsourcing (KPO)

- nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal


tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.

URI NG OUTSOURCING BATAY SA LAYO O DISTANSYA


Offshoring

- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang
bayad.
Nearshoring

- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.

Onshoring

- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang


kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa
operasyon

Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 Outsourcing Destinations for
2016, ang Manila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo (sunod sa Bangalore, India) na
destinasyon ng BPO.
Ayon sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP),
pangalawa (BPO) ito sa pinagkukunan ng dolyar ng bansa.
Ayon sa BSP kung magpapatuloy ang ganitong takbo ng industriya ay malalagpasan nito ang inuuwing
dolyar ng mga OFW sa mga susunod na taon.

Globalisasyong Teknolohikal

- Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa mga cellphone users ay hindi lamang
itinuturing ang ang cellphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbing ring
ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila
- Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phones ang buhay ng maraming gumagamit
nito, higit na pagbabago ang dinala ng computer at internet sa nakararami.
- - serbisyo ng e-mail
- - e-commerce
- Sa kabila ng positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga suliraning may kinalaman sa
pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng electronic files at
minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.
- Plagiarism

Globalisasyong Sosyo-Kultural
Globalisasyong Pulitikal

- Ito ay ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng
pandaigidigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
- ang mga kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa ay nagbigay daan sa
epektibo at episyenteng ugnayan ng mga bansa na nagdulot naman ng mabilis na palitan ng
mga produkto, ideya, kahusayang teknikal at maging ng migrasyon ng kani-kanilang
mamamayan.

Migrasyon
Migrasyon

- tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong palitikal


patungo sa iba pa maging ito man ay permanente o panamamntala.

Ano ang Mga dahilan kung bakit maraming pilipino ang nangingibang pook?

- Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang


pamumuhay
- paghahanap ng ligtas na tirahan
- panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa
- pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado

TERMINO NG MIGRASYON
Flow

- ay tumutukoy sa paggalaw ng mga tao sa loob ng isang bansa sa loob ng isang partikular na
panahon, often involving inflow, entries, or immigration, and emigration, departures, or
outflows.
Net migration

- kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net
migration
stock

- umutukoy sa dami ng mga kalakal o serbisyo na ginawa o inaangkat, at ang daloy nito ay
nakakatulong sa pag-unawa sa epekto ng migrasyon sa isang populasyon.
Pang – ekonomiya
Push factor

- Maaring maglipat- pook kung walang opurtunidad na makapaghanapbuhay ang isang tao sa
kanyang tinitirahang pamayanan
Pull factor

- Maaring maakit ang isang tao na mas mataas na kita sa ibang lungsod o ibang bansa kaya siya
maglilipat-pook.
Panlipunan
Push factor

- Laganap ang krimen sa lungsod na tinitirahan ng isang pamilya kaya nagpasiya sila na
lumipat sa ibang lungsod
Pull factor

- Payapa at tahimik sa lalawigan kaya doon lumipat ng tirahan ang isang pamilya

Pangkapaligiran
Push factor

- Maaring dahil sa madalas tamaan ng bagyo ang isang lugar kaya’t nagpasiya ang isang
pamilya na lumipat sa ibang lalawigan
Pull factor
- Maaring nagpasiya ang isang pamilya na lumipat ng lalawigan dahil sa ganda ng tanawin at
sariwang hangin doon.
Epekto ng migrasyong sa pilipinas
Mabuti

- Nagkakaroon ng panustos sa pang araw-araw na pangangailangan ang isang taong


makahahanap ng hanapbuhay ss kanyang paglipat ng lugar
Di mabuti

- labis na dami ng tao sa iisang lugar at nagsisiskip ang mga tao sa lungsod.
- nahihirapan ang gobyernona magbigay ng serbisyo sa dumaraming bilang ng tao sa lungsod
- kakulangan ng sapat na trabaho

Migrasyon: Perspektibo at Pananaw


(Obserbasyon sa paglaganap ng migrasyon)
Globalisyon ng migrasyon

- Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon.

Mabilisang paglaki ng migrasyon

- Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng
daigdig.
Pagkakaiba- iba ng uri ng migrasyon

- Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang
nakapaloob sa usaping ito.
- May mga bansang nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-sabay. At mayroo pang tinatawag na irregular,
temporary at permanent migrants.
Irregular migrants

- Ito mga walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

Temporary migrants

- tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles
upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.
Permanent migrants

- ay mga overseas filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho
kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
Pagturing sa migrasyon bilang isyung political

- Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakararanas nito.
Paglaganap ng ‘migration transition

- Ang migration transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng


mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa
iba’t ibang bansa.
Peminisasyon ng migrasyon

- Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang


panahon, ang labour migration at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki.
Implikasyon ng Peminisasyon ng migrasyon

- Sa Pilipinas, ang konsepto ng "house husband" ay tumutukoy sa isang tao na umaako sa lahat
ng responsibilidad sa kanilang pamilya at mga responsibilidad sa kanilang mga anak.

Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon

- pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon

Pag-angkop sa pamantayang internasyunal


Bologna (bo-lo-nya) accord

- Ang Unibersidad ng Bologna sa Italya ay pinagkalooban ng isang grant ng European


Education Ministers upang turuan ang kolehiyo ng bawat bansa pagkatapos ng kurso, na
nagpapahintulot sa mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral kahit na pagkatapos
ng kurso, kaya itinataguyod ang paglago ng industriya at paghahanda sa kanila para sa ibang
mga kumpanya at negosyo.

Washington accord

- nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga international


accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree
programs sa iba’t ibang kasaping bansa.

You might also like