You are on page 1of 3

ARAL.

PAN
2ND Quarter Exam Reviewer

Globalisasyon- ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at


produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig (Ritzer, 2011)

Limang perspektibo:
1. Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa
2. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo o cycle ng pagbabago
3. May anim na wave o epoch
4. Nauugat sa tiyak na pangyayaring naganap sa kasaysayan
5. ang globalisasyon ay penomenang nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo

3 pagbabago
1. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNCs and TNCs)
3. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War

3 anyo ng globalisasyon: Ekonomiko, teknolohikal at sosyo kultural, politikal

Transnational companies (TNCs)- ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad


sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay BATAY SA PANGANGAILANGANG LOKAL.
Multinational companies (MNCs)- ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga
namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay HINDI
NAKABATAY SA PANGANGAILANGANG LOKAL ng pamilihan.

Outsourcing- pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.

Uri ng serbisyo: Business Process Outsourcing (BPO), Knowledge Process Outsourcing (KPO)
Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas
mababang bayad.
Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
Onshoring- DOMESTIC OUTSOURCING. Nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa isang
kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon.

OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon


Kung mayroon man isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga
manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay.
JICA- Japan International Cooperation Agency
Basic Education Sector Transformation (BEST)
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

Guarded Globalization- Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang


mga lokal na namumuhunan at pangalagaan ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa
malalaking dayuhang mamumuhunan.
- o pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa
- o pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulong
pinansyal ng pamahalaan.

International FairTrade Association (IFTA)

Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)


Pagtulong sa ‘Bottom Billion’ : Paul Collier (2007)
4 na haligi:
1. Haligi ng empleyo
2. Haligi ng karapatan ng manggagawa
3. Haligi ng panlipunang kaligtasan
4. Haligi ng kasunduang panlipunan

Mga isyu sa paggawa:


mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, job-mismatch bunga ng mga ‘job-
skills mismatch, mura at flexible labor, iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at COVID-19

World Trade Organization (WTO)


General Agreement on Tariffs and Trade (GATT), World Trade Organization (WTO), International Monetary
Fund – World Bank (IMF-WB)

Sektor ng Agrikultura-
Sektor ng Industriya- industriya ng konstruksiyon, telekomunikasyon, inumin, pagmimina, at enerhiya
Sektor ng Serbisyo- pananalapi, komersiyo, panseguro, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon,
pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo, Business Processing Outsourcing (BPO), at
edukasyon

National Economic Development Authority (NEDA)


Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC)
Small-Medium Enterprises (SMEs)

Subcontracting Scheme- tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang pangunahing kompanya ay
kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo
sa isang takdang panahon.
Labor-only Contracting, job-contracting
Unemployment- Ito ay nangyayari kapag ang mga tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng
trabaho.
Underemployment- Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung may
hawak silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na
kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho.

DOLE - Department of Labor and Employment


ILO International Labor Organization

Migrasyon- proseso ng pag alis o paglipat sa isang lugar or teritoryong politikal


Migrante

2 uri migrasyon:
Panloob na migrasyon- sa loob lamang ng bansa
Panlabas na migrasyon- lumipat ang tao sa ibang bansa

2 uri ng migrante: Pansamantala, Permanente

Flow- dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa takdang panahon

Dahilan o sanhi ng migrasyon

Push Factor (negatibong salik)


1. Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirahan
2. Paglayo/ pag iwas sa kalamidad
3. Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan
Pull Factor (positibong salik)
1. Pumunta sa pinapangarap na lugar/ bansa
2. Magandang oportunidad at mataas na kita
3. Panghihikayat ng mga kamag anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa
4. Pag aaral sa ibang bansa

Mga epekto ng migrasyon;


1. Pagbabago ng populasyon
2. Pagtaas ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao
3. Negatibong implikasyon sa pamilya at pamayanan
4. Pag unlad ng ekonomiya
5. Brain drain
6. Integration at Multiculturalism

FLOW – tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayong pumapasok sa isang bansa sa isang takdang
panahon na kadalasan ay bagong tao.
EMIGRATION, DEPARTURES, O OUTFLOWS – taong umaalis o lumalabas ng bansa.
NET MIGRATION – kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok.
INFLOW – taong pumapasok sa bansa.
BOLOGNA ACCORD – hango sa pangalan ng University of Bologna sa Italy na kung saan ilagdaan ng ga
ministro ng Edukasyon mula sa 29 ng mga bansa sa Europa.
WASHINGTON ACCORD – kasunduang pang-internasyonal sa pagitan ng mga international accrediting
agencies na naglalayong iayon ang kurikulom ng engineering degrees program sa iba’t-ibang kasaping
bansa.
K-12 KURIKULUM – iakma ang Sistema ng edukasyon sa ibang bansa.

You might also like