You are on page 1of 3

REVIEWER – GRADE 10 ARALING PANLIPUNAN

1. GLOBALISASYON - proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa
iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
2. Limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng Globalisasyon
a. paniniwalang ang ‘Globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa
b. sinasabi na ang Globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
c. paniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005)
d. Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo.
e. ang Globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
3. Anyo ng Globalisasyon : ekonomikal, sosyo-kultural , political at teknolohikal
4. GLOBALISASYONG EKONOMIKAL - Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa kalakalan ng
mga produkto at serbisyo
5. GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL - nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang
pamumuhay
6. GLOBALISASYONG POLITIKAL - Ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging
ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
7. EMPLOYMENT - isang relasyon sa pagitan ng dalawang partido, kadalasan batay sa isang kontrata kung saan ang
trabaho ay binabayaran kapalit ng serbisyo sa kahit na saan pa mang organisasyon nagtatrabaho ang isang
empleyado.
8. UNEMPLOYMENT - o kawalan naman ng trabaho ay nangyayari kapag ang isang taong naghahanap ng trabaho
ay hindi makahanap ng trabaho.
9. UNDEREMPLOYMENT - Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung may hawak
silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may
edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho.
10. FLEXIBLE LABOR – ISANG PARAAN NG MGA KAPITALISTA O MAMUMUHUNAN UPANG PALAKIHINANG KANILANG
KINIKITA AT TINUTUBO SA PAMAMAGITAN NG MABABANG PASAHOD.
11. JOB MISMATCH - ginagamit na terminolohiya sa isang manggagawa na hindi tumutugma sa kaniyang
kwalipikasyon o kakayahan ang kanyang trabaho na pinasukan.
12. KONTRAKTUWALISASYON - isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang ugnayang employer-employee
sa pagitan ng isang manggagawa at ng kapitalista o kumpanyang tunay na nakikinabang sa kanyang lakas-
paggawa. • Ipinagkakait sa kanya ang katayuang “regular employee” ng naturang kumpanya o kapitalista.
13. SUBCONTRACTING - tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay komukontrata
ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang
panahon.
14. LABOR ONLY CNTRACTING - ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo
at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya
15. JOB-CONTRACTING - ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng
mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
16. TRANSNATIONAL COMPANIES - ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang
bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang local
17. MULTINATIONAL COMPANIES - ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang
bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang local
18. GUARDED GLOBALIZATION-pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga
lokal na namumuhunan at bigyang proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa
malalaking dayuhang negosyante
19. BILATERAL AGREEMENT – kasunduan ng dalawang bansa kaugnay ng globalisasyon.
20. MULTILATERAL AGREEMENT –kasunduan ng maraming bansa kaugnay ng globalisasyon.
21. CULTURAL INTEGRATION O KULTURAL NA INTEGRASYON - patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipamuhay
kasama ang ibang mga tao na nagmula sa ibat-ibang panig na daigdig, sila ay nagkakaroon ng pagtanggap sa
kultura ng ibang tao o lahi, na nagiging bahagi na ng kanilang pamumuhay.
22. TECHNOLOGICAL ADVANCEMENT O KAUNLARANG TEKNOLOHIKAL - ang teknolohiya ay maaaring ituring na
pangunahing dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon lalo’t higit ang mga teknolohiyang may
kinalaman sa kommunikasyon.
23. ECONOMIC NETWORK O PANKALAKALANG UGNAYAN - ang pakikipagkalakalan sa ibat-ibang bansa ay
nagbibigay sa mga tao ang maraming sangay ng pakikipag-ugnayan. Sila ay nagkakaroon ng palitan ng produkto
at serbisyo ayon sa hinihingi ng pangagnailangan ng bawat isa.
24. GLOBAL POWER EMERGENCE O PAGLITAW NG PANDAIGDIGAN KAPANGYARIHAN - dahil nga sa pakikipag-
ugnayan ng mga tao mula sa ibat-ibang bansa at kultura, nakakaroon ng tinatawag na “power allegiance” at
“power resistance”. Sa “power allegiance” nagkakaroon ng pakikipagkasunduan ang mga bansa na nagbigay
daan upang magkaroon ang “global power” ang ilang mga bansa.
25. Outsourcing - pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad upang
mapagaan ang gawain ng isang kompanya.
26. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) -tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at
pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan
27. Offshoring - Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang
bayad. Ex. Voice Pocessing Services
28. Nearshoring - pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa
29. Onshoring - pagkuha ng serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na
mababang gastusin sa operasyon (domestic outsourcing)
30. EMPLOYMENT PILLAR - Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa
paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa
31. WORKER’S RIGHTS PILLAR - Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at
matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
32. SOCIAL PROTECTION PILLAR - Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa paggawa na
lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad
33. SOCIAL DIALOGUE PILLAR - Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
34. COLLECTIVE BARGAINING AGREEMENT (CBA) - Pag-uusap sa pagitan ng manggagawa at may ari ng pagawaan na
naglalayon na mapag uasapan ang katayuan sa paggawa tulad ng sahod, oras ng paggawa at iba pang kondisyon
sa paggawa
35. DEVELOPING COUNTRIES – mga bansang papaunlad o tinataguriang 2nd at 3rd world countries bunga ng mas
mababang pasahod.
36. Bottom Billion –tumutukoy sa isang bilyong pinakamahihirap na mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa.
37. Perennial institution - ito ay matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang
gampanin nito sa ating bansa at maging sa iba’t ibang bansa. Hal. Pamilya, simbahan, pamahalaan
38. Flexible labor - pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa
39. MULTINATIONAL COMPANY – tumutukoy sa mga kompanya na may operasyon ng mga produksiyon at
pagbebenta sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
40. TARIPA – buwis na ipinapataw sa mga dayuhang produkto.
41. UNITED NATIONS – organissasyong internasyonal na itinatag noong 1945 naumaayos sa mga problemang
kaugany ng globalisasyon.
42. MIGRASYON - paraan ng paglipat mula sa isang lugar papunta sa malayong lugar. Ang migrasyon ay paraan ng
isang tao upang mangibang bayan.
43. IIMIGRANT - permanente ang paglipat o pag-alis sa bansa.
44. MIGRANT - temporaryo ang paglipat o pag-alis sa bansa. (OFW)
45. STOCK - bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan at makatutulong sa pagsusuri sa
matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon.
46. FLOW - tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang
panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.
Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration,
departures or outflows.
47. REGULAR MIGRANTS (O PERMANENT) - may layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi
ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o
citizenship.
48. IRREGULAR MIGRANTS - mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado o walang permit
para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
49. TEMPORARY MIGRANTS - mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles
upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon. Ang ilan sa halimbawa nito ay mga foreign
students na nag aaral sa bansa at mga negosyante na maaari lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na
buwan.
50. MGA BANSANG PANGUNAHING DESTINASYON NG OFW – Amerika, Australia, Nez Zealand, Japan, Korea
51. DAHILAN NG MIGRASYON – push factors, pull factors
52. PUSH FACTORS NG MIGRASYON
a. Kahirapan
b. Political Asylum
c. Trabaho
d. Kaguluhan / digmaan
53. PULL FACTORS NG MIGRASYON
a. Maayos na pamumuhay
b. Makasama ang pamilya
c. Maganda at payapang kapaligiran
d. Pag-aasawa ng dayuhan

You might also like