You are on page 1of 5

GLOBALISASYON - Ito ay proseso ng pag-uugnayan, pagpapakalat, at pagpapalitan ng mga

produkto, serbisyo, teknolohiya, kaisipan at tao.

IMMANUEL WALLERSTEIN - ang globalisasyon ay kumakatawan sa tagumpay ng kapitalismo sa


. mundo.
“pagbubukas ng mga pambansang hangganan” para sa malaya at
. maluwag na pakikipagkalakalan na siyang isinusulong na prinsipyo
. ng kapitalismo

KAPITALISMO - isang sistema ng ekonomiya at kultura na nakasalalay sa pagsasaalang-alang ng


kapital o sariling pera upang palaguin ito. Kinikilala ito sa Ingles na “Industrial capitalism”

ANTHONY GIDDENS - ang globalisasyon ay intensipikasyon ng pandaigdigang ugnayang


panlipunan sa pangyayari sa bansa sa mundo

GEORGE RITZER - ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga


tao, . bagay, impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan
sa . iba’t-ibang panig ng daigdig.

MARTIN WOLF - Ang globalisasyon ang pinakamalaking pangyayari sa ekonomiya sa ating


. kapanahunan.

INTEGRASYON/INTEGRATION - tumutukoy sa pagsasama-sama ng mga bansang may


. nagkakaisang hangarin upang bumuo ng samahan o
. organisasyon na magsusulong sa mga hangaring ito

DE-LOCALIZATION - Tumutukoy sa mga gawaing pandaigidigan na kapalit ng mga gawaing local

TEKNOLOHIYA - Isang mahalagang element na nagbukas ng maraming posibilidad ng kalakalan


at paggawa

MGA MULTINATIONAL CORPORATION (MNC) - Tumutukoy sa isang corporate enterprise na


namamahala sa produksiyon o naghahatid ng mga kalakal at paglilingkod sa higit sa isang bansa

MOBILITY - Tumutukoy sa paraan ng paggalaw ng mga kalakal, paglilingkod, tao, komunikasyon


at transportasyon upang mas mapadali at mapabilis ang paggamit sa mga ito

DIMENSYON ng GLOBALISASYON
POLITIKAL - ito ay nakasentro sa pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga politikal na
. usapin, at kooperasyon.
EKONOMIKAL - nagbibigay-diin sa pagtatanggal ng hadlang sa kalakalan at pagpapasok ng
. dayuhang capital o puhunan at mga manggagawa sa loob ng isang ekonomiya.
SOSYO-KULTURAL Kumakatawan ang dimensyong ito sa malayang palitan ng kultura sa pagitan
. ng mga bansa sa mundo
TEKNOLOHIYA - Pinabilis at ginawang higit na possible ng modernong teknolohiya sa larangan
. ng at transportasyon ang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa mundo

PANGKASAYSAYAN -No man is an island”


-ito ay isang kasabihang naglalarawan sa pangkasaysayang pinagmulan.
-paghahangad ng tao na makipag-ugnayan upang mapunan ang kanyang
. mga pangangailangan at matamo ang hangaring mapabuti ang sarili at
. lipunang kinabibilangan.

PAMPULITIKAL - “Man by Nature is a Political Animal”


- mainam na paglalarawan ng ikalawang pinagmulan
- Naganap ang globalisasyon dahil sa paghahangad ng mga tao na mkabuo na
. pandaigdigang pamunuan mula sa batayang mga institusyong panlipunan

PANG-EKONOMIKAL - “Scarcity is a reality in Life”


-nabubuhay ang mga limitadong yaman na taglay ng kanyang kapaligiran
. na dapat nyang mapaghusay ang paggamit upang hindi lubhang
. maapektuhan ng mga suliraning dulot ng kakapusan

PANG SOSYO-KULTURAL - “Culture is a way of coping with the world by defining it in detail”
-ayon kay Malcom Bradbury
-Hangarin ng tao na mapalawak at mapalakas ang panlipunang
. relasyon o ugnayan, naganap at patuloy na nagaganap ang
. paghahatid at pagpapalitan ng mga ideya, kultura, at tradisyo

JESA – anumang seremonya na ginaganap para sa wala na sa mundong ito

UNEMPLOYMENT - sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho ngunit
naghahanap ng maaaring maging trabaho.

URI NG UNEMPLOYMENT

1. FRICTIONAL - kapag ang tao ay naghahanap o naghihintay ng bagong trabaho


2. VOLUNTARY - kapag ang kagustuhan talaga ng tao na hindi magtrabaho
3. SEASONAL - kapag ang trabaho ay partikular lamang sa iilang panahon o okasyon
. (halimbawa: tuwing Pasko)
4. KASWAL - kapag ang trabaho ay tuwing sa iilang araw o linggo lamang
5. STRUCTURAL - kapag ang trabaho ay nawala dahil sa mga pagbabago sa teknolohiya o sa
panlasa ng mga mamimili
6. CYCLICAL - kapag ang trabaho ay base sa business cycle; kapag mahina ang negosyo o
industriya, mas malaki ang bahagi ng lakas paggawa ang makakaranas ng unemployment
PAGGAWA - ayon sa Institute for Development Education, ito ay resulta ng pagkilos ng tao na
may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa

LAKAS PAGGAWA NG PILIPINAS - Tumutukoy sa bahagi ng populasyon ng bansa na may


. hanapbuhay, pagnanais magkaroon ng hanapbuhay at may
. kakakayahang maghanapbuhay

WORKING POPULATION - yaong aktibo sa pagtatrabaho at tuwirang magkaroon ng


partisipasyon sa mga gawaing pang-ekonomiya

MGA SEKTOR NG EKONOMIYA

SEKTOR NG AGRIKULTURA - dito umaasa ang lahat ng sektor upang matugunan ang kanilang
. pangangailangan sa pagkain at ang mga hilaw na kasangkapan o
. raw materials na ginagamit sa produksiyon.
SEKTOR NG INDUSTRIYA –

 TRANSNATIONAL CORPORATIONS - ay kinabibilangan ng mga kompanya na


. nagtatayo ng pasilidad sa ibang bansa.

- kabaligtaran ng MNC’s

- Ibig sabihin ang mga kompanyang


. kabilang sa TNC ay may kalayaang
. magdesisyon, magsaliksik, at magbenta
. ayon sa hinihingi ng pamilihang lokal.

 MULTINATIONAL CORPORATIONS - isang kompanya o negosyo


na . pinapatakbo sa ibat-ibang
bansa pero . pinapangasiwaan ito
ng pangunahing . opisina o ng
isang bansa

- Layunin ng isang multinasyonal na kompanya na palawigin


. ang kalakalan upang matugunan ang lahat na
mga . pangangailanagnan ng konsumedor both
lokal at . internasyonal.

SEKTOR NO PAGLILINGKOD - ang sektor na ito ay sumasakop sa pananalapi, insurance,


. transportasyon, komunikasyon, libangan, komersiyo, turismo,
. medikal, pakyawan at pagtitinging kalakalan, edukasyon, at ang
. lumalawak na business processing outsourcing (BPO) sa
. kasalukuyan.
- gumagabay sa yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan at
pagkonsumo ng mga kalakal sa loob at labas ng bansa.

BRAIN DRAIN - pagkaubos o. pangingibangbansa ng mga propesyonal na tao o hindi kaya ay


mga mga matatalino o maalam na tao sa isang bansa.

PAGTUGON NG PAMAHALAAN SA MGA ISYU SA PAGGAWA

 MABABANG PAGSAHOD - ay ang pagbibigay ng pasahod sa mga


manggagawa na hindi man lang sapat bilang pantustos sa pang-araw-araw
na pangangailangan ng isang tao.

 KAWALAN NG SEGURIDAD - isa sa mga suliraning kinahaharap ng mga


manggagawa

 JOB MISMATCH - ginagamit na terminolohiya sa isang manggagawa na hindi


tumutugma sa kaniyang kwalipikasyon o kakayahan ang kanyang trabaho na
pinasukan.

 KONTRAKTWALISASYON - isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait


ang ugnayang employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa at ng
kapitalista o kumpanyang tunay na nakikinabang sa kanyang lakas-paggawa.

 MURA AT FLEXIBLE LABOR - isang paraan ng mga kapitalista o


namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagagwa

PROGRAMA AT POLISIYA NG DOLE PROGRAMA/PROYEKTO/POLISIYA PALIWANAG

 Labor Market Information (LMI) Naglalayong makapagbigay ng agarang impormasyon sa mga


mangagawa hinggil sa mga kinakailangan o in demand na trabaho sa labor market.

 Public Employment Services (PES) • Tumutukoy sa mga kumpanya at institusyong


nangangailangan ng tauhan, tumatanggap ng aplikante at nagbibigay ng rekomendasyon

SPECIAL PROGRAM DEVELOPMENT FOR STUDENTS (SPES) • Layunin na tulungan ang mga
magaaral at mga out-of-school-youth na tustusan ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng
pagbibigay trabaho
 GOVERNMENT INTERNSHIP PROGRAM (GIP) Nagkakaloob ng pagkakataon sa mga kabataan
mula sa maralitang pamilya na gamitin ang kanilang talino at kakayahan sa larangan ng
paglilingkodbayan.

 CONTINUING PROFESSIONAL DEVELOPMENT (CPD) Naglalayon itong patuloy na mapahusay


ng mga propesyonal ang kanilang sarili at ganap na kayaning makipagsabayan sa usapin ng
kaalaman at kakayahan ng pandaigdigang pamantayan.

 DEPARTMENT ORDER No. 174,s.2017 • Kilala bilang Rules Implementing 106 to 109 of Labor
Code, as Amended. • Ipinagbawal nito ang labor-only contracting o pagtanggap ng isang
kumpanya ng mga manggagawang kontraktuwal nang paulit-ulit

MIGRASYON - Tumutukoy sa pagkilos ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa iba pang lugar
upang doon manirahan nang panandalian o pangmatagalan

DALAWANG URI NG MIGRATION


a. Panloob na migrasyon (internal migration)
- tumutukoy sa migrasyon o pagkilos ng mga tao sa loob lamang ng bansa
b. Panlabas na Migrasyon (international migration)
- ito ang migrasyon o pagkilos na patungo sa ibang bansa

IMMIGRANT – ang tawag sa mga tao sa pinuntahang bansa

You might also like