You are on page 1of 3

MODULE 1

Ano ang Globalisasyon?


Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig. (Ritzer, 2011)
Mga dahilan ng globalisasyon:
1. Pag-unlad ng makabagong teknolohiya
- Halimbawa: internet, cellphone, software applications and programs at social media
2. Pagpapatupad ng pandaigdigang pamumuhunan at kalakalan
- Halimbawa: Paglaganap ng multinational at transnational corporations
(Mcdonalds, Nike, BPO companies/ Call Center at Microsoft)
3. Paglaganap ng makabagong ideolohiyang pang-ekonomiya, pampulitika at
sosyo-kultural
- Halimbawa: Konseptong Kapitalismo at Demokrasya
4. Paglaganap ng migrasyon
- Halimbawa: Pangingibang bansa ng Pilipino o OFW
5. Pagbuo ng pandaigdigang samahan
- Halimbawa: Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at United Nations
6. Pagdami ng makabagong transportasyon
- Halimbawa: International cargo ship at passenger plane
Ano ang mahalagang katangian ng globalisasyon?
“The World is Flat” – Thomas Friedman (2006)
Ayon kay Thomas Friedman ay higit na “malawak, mabilis, mura, at malalim”. Ayon sa kanyang
aklat na pinamagatang ‘The World is Flat’ na inilathala noong taong 2006, ‘Any job- blue or
white collar- that can be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can
now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number of highly
educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a comparable
American worker.
Ano ang nakakapagpabagal ng globalisasyon?
Malawak na pandaiggigan terorismo
Bakit maituturing ang Globalisasyon na isang isyung panlipunan?
Tuwiran nito binabago ang pamumuhay at perennial institutions na matagal nang itinatag.
Perennial institutions ang pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay
matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin
nito.
“Globalization is a fact, because of technology, because of an integrated global supply chain, because
of changes in transportation. And we're not going to be able to build a wall around that.”

- Barack Obama US President (2009-2017)

MODULE 2
Ang tatlong Dimensyon ng Globalisasyon
1. Globalisasyon Ekonomiko - Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog o
nagbabago sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Mabilis na nagbago ang paraan ng
palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang
siglo. Kinakitaan ito ng pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay
nakatuon hindi lamang sa bansang pinagmulan kundi maging sa ibang bansa.
Halimbawa : Multinational Companies at Transnational Companies
Multinational Companies (MNC) - Ito ay ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga
namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili
ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan.
Halimbawa: Unilever, Proctor & Gamble, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks,
Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa.
Transnational Companies (TNC) - Ito ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng
pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang
lokal. Binigyang kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon
na rin sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal. Marami sa kanila ay kompanyang petrolyo, I.T.
consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito.
2. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural - Patuloy na binago at binabago
pamumuhay ng mga tao gamit makabagong teknolohiya.

3. Globalisasyong Politikal - Globalisasyong politikal na maituturing ang mabilis na


ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang
organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
Halimbawa:
▪ Kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa ay nagbigay daan sa epektibo at
episyenteng ugnayan ng mga bansa na nagdulot naman ng mabilis na palitan ng mga produkto,
ideya, kahusayang teknikal at maging ng migrasyon ng kani-kanilang mamamayan.
Halimbawa: ▪ Pakikilahok ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations, United Nations
at World Trade Organization
Epekto: Pagtutulungan ng mga bansa upang higit na maisakatuparan ang mga programa at
proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan.

You might also like