You are on page 1of 7

A.

P REVIEWER:

MGA ISYUNG PANLIPUNAN

MGA DAHILAN NG KAWALAN NG TRABAHO

UNEMPLOYMENT

UNEMPLOYMENT-ay ang sitwasyon na hindi makahanap ng trabaho, bilang


napagkakakitaang paggawa, ang isang taong gusting magtrabaho

WORLD EMPLOYMENT AND SOCIAL OUTLOOK

- Ayon sa ulat na ito: trends 2017 ng International Labor Organization (ILO),


mayroong 197.7 milyong katao ang walang trabaho sa buong mundo 2016.
- Tinatayang madaragdagan pa ito ng 3.4 milyon sa 2017, kaya magiging 201.1
milyon

VULNERABLE EMPLOYMENT-ay tumutukoy sa mga magagawang self-employed at


nagtatrabaho para sa isang kapamilya o kaanak

EXTREME AND MODERATE WORKING POVERTY-naman ay tumutukoy sa mga


magagawang nabubuhay sa kita na US$3.10 kada araw

LABOR FORCE SURVEY


- Na inilabas sa Oktubre 2016, ang antas ng unemployment sa buong bansa ay
4.7% ng buong lakas paggawa, na nangangahulugan ng 2.04 milyon katao
- Sa bilang na ito, 64% ay kalalakihan at 36% ay kababaihan, at halos kalahati
47.5% ay nasa edad 15-24
- Ang Rehiyon IV-A ang may pinakamataas na antas ng unemployment sa 6.1%
- Ang Rehiyon IX ay may pinakamababa na 2.5%
- 15 to 65-age of employment

Bakit sinasabi sa survey na pinakamataas na antas ng unemployment ay matatagpuan


sa Rehiyon IV-A

DAHILAN:

1. Paglaki ng populasyon
2. Kakulangan ng industriya
3. Kontraktuwalisasyon
4. Sistema ng edukasyon

KAKULANGAN NG INDUSTRIYA

- o ahensiyang makapagbigay ng trabaho ay ang pangunahing dahilan ng


unemployment

KONTRAKTWALISASYON

- ito ay malaking bahagi ng walang hanapbuhay ayon sa Department of Labor


and Employment o DOLE (Kagawaran ng Paggawa at Empleyo) ay mga dating
manggagawang kontraktuwal
- noong unang bahagi ng 2014, halos 6.8% ng mga nawalan ng trabaho ay hindi
na pumirmang muli ng kontrata
- nagging laganap ang kontraktuwalisasyon sa bansa dahil sa mas pabor ito sa
mga negosyante dahil nagtatrabaho ang mga manggagawa ng hindi regular
ang katayuan
- ayon sa Anak-Pawis Partylist, tinatayang 7 sa bawat 10 kumpanya ang
nagpapatupad ng kontraktuwalisasyon, sinabi pa nila na mataas ang antas ng
kontraktuwalisasyon sa mga sector ng konstruksyon (81%) at hugutang-lupa o
quarrying (59%)
- pansamantalang trabaho lamang ang naibibigay nito at walang benepisyong
natatanggap ang mga manggagawa

SISTEMA NG EDUKASYON

- sa bansa ay mayroon ding kinalaman sa kawalan ng trabaho ng milyon-


milyong Pilipino
- MISMATCH-ay ang hindi pagkakatugma ng kasanayan o pinag-aralan ng isang
tao at ng hanapbuhay na maaari niyang pasukan
- Halimbaw ng MISMATCH:
 Dagsa-dagsang mag-aaral na kumuha ng komersiyo dahil sa mataas na
demand o pangangailangan ilang dekada na ang nakaraan

IMPLIKASYON NG UNEMPLOYMENT SA PAMUMUHAY AT PAG-UNLAD NG EKONOMIYA

 ABSOLUTONG KAHIRAPAN-sinusukat nito ang kahirapan kaugnay ng halaga ng


salaping kailangan upang maabot ang mga pangunahing pangangailangan

 RELATIBONG KAHIRAPAN-sinusukat naman nito ang kahirapan kaugnay ng


ekonomiyang kalagayan o pamantayan ng pamumuhay ng isang particular na
lipunan

 Bukod sa kahirapan, ang unemployment ay may implikasyon din sa SEGURIDAD


 Ang implikasyon naman ng unemployment sa EKONOMIYA at ang mabagal na
paglagong ekonomiko (economic growth). Ang paglagong ito ay sinusukat
ayon sa produksiyon, kabuuang kita, at pagpasok ng capital sa bansa, na
sinasalamin ng Gross National Product (GNP), Gross National Income (GNI), at
GNP per capita
 GNP-ay ang pangkalahatang halaga ng mga produkto at serbisyo na nalilikha
ng mga mamamayan sa loob ng isang taon
 GNI-ay ang pangkalahatang kita ng mamamayan ng isang bansa, kasama ang
GNP ; ibinabawas dito ang kita ng mga naninirahang dayuhan
 Ang kita sa paglagong ekonomiko ay ginagamit sa pagpapataas ng
kalidad ng pamumuhay ng mga tao upang matamo ang kaunlarang
ekonomiko (economic development)
 Sinusukat naman ang kaunlarang ekonomiko sa pamamagitan ng HUMAN
DEVELOPMENT INDEX (HDI) na may kaugnayan sa edukasyon, inaasahang tagal
ng buhay (life expectancy), mortalidad, serbisyong pangkalusugan, at iba pang
panukat ng kalidad ng pamumuhay
 Ang unemployment ay nakapipigil din sa pag-unlad ng pamayanan dahil sa
hindi magagawang makapagbigay ng buwis ng isang mamamayan na
pinanggagalingan ng paggastos para sa mga proyekto at programa ng bansa
tungo sa kaunlaran

PAGLUTAS NG UNEMPLOYMENT

1. Pagbubukas ng mga kumpanya, korporasyon at industriya ng pamahalaan


at pribadong sector na magbibigay ng trabaho sa mga tao
 R.A. No. 7042-Foreign Investment Act of 1991
 Tax Holiday-mga panahong ang kompanya ay hindi kailangang
magbayad ng buwis
 Ang pamahalaan ay maaaring mag-imbita ng mga dayuahnn
mamumuhunanan na magtatayo ng mga pabrika o gawaan ng mga
produkto, na mangangailangan ng maraming manggagawa.
2. Hinihikayat din ang partisipasyon ng pribadong sector lalo na ng mga
entrepreneur o tao na nakikipagsapalaran sa negosyo
 R.A. No. 6977 o Magna Carta for Small Enterprises (1991)
- para ito sa proteksyon at ikauunlad ng MSME
 Batas Republika 9501 o Magna Carta For Micro, Small and Medium
Enterprises
 Batas Republika blg. 9178 o Barangay Micro Business Enterprises Act
 Noong 2004 ginawa ang “Small and Medium Enterprises Development
(SMED) Plan” na bumabalangkas sa pagpapaunlad MSME sa Pilipinas
 Microfinance-pambansang estratehiya na ginamit ng Pilipinas simula
noong 1997 para matugunan ang mpangangailangan ng pondo ng
maliliit na negosyo

 Pangalawa sa pinakamagagaling sa microfinance sa buong mundo


ang Pilipinas sumunod sa Peru ayon sa Economist Intelligence Unit

 “Go Negosyo” itinayo ito ng Philippine Center for Entrepeneurship,


pinag-uugnay ng programang ito ang mga ibig magnegosyo at mga
pwedeng maglaan ng pondo, teknolohiya, kaalaman, at maging
kasosyo

 “ASEAN Strategic Action Plan for SME Development” (SAPSMED)-


isinagawa ng ASEAN upang mapabilis at mapagtibay ang MSME sa
Timog-Silangang Asya, ang planong ito ay susundin hanggang 2025

 ASEAN SME Academy-itinatag upang magbigay ng online na


pagsasanay at tulong sa mga SME sa pamamagitan ng paglalaan ng
mga kurso sa pananalapi, pamamahala, teknolohiya, pagbebenta, at
pangangalakal

 Itinatag naman ng Organization for Economic Co-operation and


Development (OECD) ang center for entrepeneurship, SMEs, Local
Development and Tourism upang makatulong sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at pagbibigay-lakas MSME na makasali sa
pandaigdigang kalakalan
 Ang IMPORMAL NA EKONOMIYA ay binubuo ng maliliit na negosyo na
madaling pasukin ng sinuman at may maliit na operasyon. Kabilang
dito ang tindahang sari-sari, munting taniman at pagtitinda sa
lansangan
 Ayon sa 2008 Informal Sector Survey, mayroong 10.5 milyong
opereytor na nasa impormal na ekonomiya. Malaking bahagi nila ay
nasa mga BUKIRIN AT BAHAY.

GLOBALISASYON

- Ito ay proseso ng pag-uugnayan, pagpapakalat, at pagpapalitan ng mga


produkto, serbisyo, teknolohiya, kaisipan at tao.
- Ito ay ang pagpapaigting ng pandaigdigang ugnayang panlipunan o sosyal
ayon kay Anthony Giddens (1991)
- Ito ay may pangkasaysayan, pampolitika, pang-ekonomiya at sosyokultural na
pinagmulan
- Ito ay nagsimula pa noong unang panahon dahil likas sa tao ang makipag-
ugnayan, maghanap ng mga bagay na kailangan, makipagpalitan ng mga
produkto, at mag-usisa ng mga nangyayari sa ibang lugar.
- Spice Island- Indonesia
- Spice Trade-ika-16 na siglo, 1501-1600
- Spice Trade-ang pangunahing produkto ay mga halamang pangrekado galling
s Timog-Silangang Asya
- Kalakalang Tsino na ang pangunahing produkto ay sutla (silk), porselana, at iba
pang inobasyong galing Tsina
- Silk Road-tinatahak ng mga mangangalakal mula Tsina hanggang Arabia. Mga
Malay, Arabe, Indiano, at taga-Venecia ang mga pangunahing
mangangalakal sa panahong ito bukod sa mga Tsino
- Ang Pilipinas ay nagkaroon ng mahalagang papel noong panahon ng
kolonyalismo dahil sa kalakalang galleon sa pagitan ng Maynila at Acapulco sa
Mehiko. Naging daungan ang Maynila ng Espanya para sa pakikipagkalakal
nito sa Tsina.
- Dalawang bese sa isang taon ang biyahe ng galleon na tumatagal ng anim na
buwan bawat biyahe
- Ang rutang dinadaanan nito ay yaong dinaanan ni Fray Andres de Urdaneta.
- Mula Maynila, tinatahak ng galeon ang Karagatang Pasipiko papuntang
Acapulco, Mexico
- Sa loob ng 250 taon, namayagpag ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas sa
Mehiko sa pamamagitan ng galeon.
- Bukod sa paggmit ng Mehikanong piso, ginamit din sa Pilipinas ang ilang
salitang galling Mehiko tulad ng palengke at tiyangge
- Nakarating din ang ilang dayuhang tanim at gulay gaya ng abogado, tsiko,
kakao, kalabasa, pinya, tabako, singkamas, at kamote
- Natuto rin tayo na magpalamuti ng alahas na yari sa pilak galling Mehiko at
natutong mgdebosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe, na patron ng
Mehikano
- Sinification-tawaf sa paggamit at paggaya ng ilang paniniwala, Gawain at iba
pang element ng kulturang Tsino
- Transportasyon at komunikasyon-mga napakahalagang sangkap sa
globalisasyon
- Mas lalong sumigla ang globalisasyon noong ika-18 siglo dahil sa Unang
Rebolusyong Industriyal sa Europa dahil sap ag-imbento ng mga makinarya at
sasakyan tulad ng bapor at tren na pinaaandar ng singaw.
- European Union (EU)at World Trade Organization (WTO)-gumagawa ng mga
polisiya, institusyon, at iba pang gawaing lumalaktaw sa hangganan(boundary)
ng mga bansa tungo sa ikatitibay at ikayayabong ng mga kasunduang
pandaigdig sa ngalan ng globalisasyon.
- Ang European Union (EU)-ay samahan ng mga bansa sa Europa na sumasang-
ayon sa ilang pangunahing polisiya gaya ng malayang paggalaw ng mga
kalakal sa loob ng iisang merkado,malayang paggalaw ng mga manggagawa,
malayang paggalaw ng kapital, at pagsasaayos ng mga nasyonal na batas
upang makasunod sa mas malawak na mga batas sa EU
- INTERNATIONAL MONETARY FUND (IMF)-ay itinuturing na haligi ng globalisasyon
sa modernong panahon ay nagsagawa ng pamantayan para sa pananalapi at
kaayusan ng mga nasirang ekonomiya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- WORLD BANK (WB)-isa pang institusyon na naglalayong magbigay ng tulong
pinansiyal sa mga proyektong pangkaunlaran ng mga bansa

PANGUNAHING INSTITUSYON SA GLOBALISASYON

Dalawang Uri ang mga “aktor”na gumaganap sa larangan ng pandaigdigang


ugnayan sa larangan ng PANDAIGDIGANG UGNAYAN (INTERNATIONAL
RELATIONS)
 Estado-na kumakatawan sa pamahalaan
 Di-estado (nonstate actor o NSA)-ang bumubuo sa mga institusyon, grupo, o
asosasyon na bahagi ng sistemang pandaigdig
1. PAMAHALAAN-ang uri ng pamahalaan ay maaaring makapagpabilis o
makapagpaudlot ng globalisasyon sa isang bansa
 DEMOKRATIKONG PAMAHALAAN-ay bukas sa proseso at epekto ng
globalisasyon sa ekonomiya, edukasyon, politika, lipunan, at iba pang
aspekto ng pamumuhay
 PAMAHALAANG DIKTADURYA T MILITAR-ay sarado sa proseso ng
globalisasyon kaya ang bansa ay nananatiling makaluma ang
teknolohiya at pananaw, mabagal ang kalkalan at mabuway ang
kaunlarang ekonomiko
 PAMAHALAANG KOMUNISTA-tulad ng Tsina ay sumabak sa tinatawag
na kapitalismong kontrolado ng estado

2. MULTINASYONAL NA KORPORSAYON (Multinational Corporation o MNC)


- ay malalaking korporasyon na may pasilidad, planta, o asset sa dalawa o higit
pang bansa.
- Ang pangunahing produkto ay petrolyo, pananamit, pagkain, pananalapi,
sasakyan, komunikasyon, kagamitan, gadyet, produktong teknolohikal, at iba
pa.

3. ELEKTRONIKONG MEDIA
- Malaki ang ginangampanan ng mass media tulad ng telebisyon, radio, dyaryo,
at pelikula sa pagpapalaganap ng globalisasyon. Dahil ditto narrating ng
globalisasyon ang malalayong lugar. Dahil sa Internet, naging mas mabilis ang
pagkalat ng impormasyon at mensahe.
- Ilan sa malawakang panlipunang epekto ng social media ay ang pagbuo ng
mga kilusang nagtatawag ng pagbabago gaya ng “Occupy Movement” a
nagsimula sa New York.
4. MGA NGO
- Non-Government Organization (NGO)-ay nagging aktibo rin sa pagbibigay ng
impluwensya sa mga polisiya sa loob at labas ng kani-kanilang bansa. Sa
pamamagitan ng mga kumperensiya, pagkilos, at pagbibigay-serbisyo na
pinasinayaan ng mga NGO, nagkakaroon ng pagkakataon na magkaugnay at
magtulungan ang mga sector ng lipunan upang maisulong ang kanilang mga
adhikain
5. INTERNASYONAL NA ORGANISASYON
- Ang mga internasyonal na organisasyon tulad ng WTO, ASEAN, UN, at Latin
American Freee Trade Area (LAFTA)-ay naglalatag ng mga alituntunin,
patakaran, at direksyon, para sa paggabay, pagpapatupad at
pagpapalaganap ng panrehiyon, at pandaigdigang kalakalan

KONSEPTO AT KASAYSAYAN NG MAPAPANATILING PAG-UNLAD

 MAPAPANATILING PAG-UNLAD O SUSTAINABLE DEVELOPMENT-ay pag-unlad


na nakasasapat sa mga pangangailangan ng kasalukuyan nang hindi
napababayaan ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon na
masapatan ang kanilang pangangailangan
 Unang lumitaw ang konsepto ng mapapanatiling pag-unlad noong 1972 na
hindi na kayang tugunan ng daigdig ang lumalaking pangangailangan ng
mga tao sa pagkain, tubig, at enerhiya.
 WORLD CONSERVATION STRATEGY-isang dokumento na ipinalabas ng
International Union for Conservation of Resources noong 1980 na
nagsasabing upang makamit ang pag-unlad, kasabay ang pagmamalasakit
sa kapaligiran at pagtugon sa mga pandaigdigang isyu ng kapaligiran at
pagtugon sa mga pandaigidigang isyu ng kapaligiran.
 WORLD COMMISSION ON ENVIRONMENT AND DEVELOPMENT(WCED)-binuo
noong 1983 ng UN General Assembly na pinamunuan ni Gro Harlem
Brundtland. Mas kilala ang WCED bilang Brundtland Commission
 Noong 1987, inilathala ng komisyon ang Our Common Future, na kilala rin
bilang Brundtland Report. Binigyang-diin nito na ang paglutas sa mga
suliraning pangkapaligiran ng buong mundo ay nakasalalay sa pagkaunawa
ng mga tao sa epekto ng kanilang ginagawa sa kapaligiran
 Un Conference on Environment and Development (UNCED) na mas kilala
bilang EARTH SUMMIT na ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil noong 1992
 Sa EARTH SUMMIT ginawa at nilagdaan ng humigit-kumulang 150 bansaang
isang plano, ang Agenda 21, na naglatag ng mga konkretong estratehiya at
hakbang na isasakatuparan ng UN, mga estado, at mga internasyonal na
organisasyon para sa mapapanatiling pag-unlad sa paparating na ika-21
siglo
Ilan sa mga binigyang-pansin sa AGENDA 21:
 Kahalagahan ng pandaigdigang pakikipagtulungan sa paglutas ng
suliraning pangkapaligiran
 Responsibilidad ng lahat ng bansa na iangat ang kalidad ng pamumuhay ng
bawat mamamayan sa pamamagitan ng mga polisiyang balance ang
pagtingin sa mga pangangailangan sa pag-unlad at sa paggamit ng
kapaligiran
 Karapatang mabuhay ng sagana at matiwasay hindi lamang ng
kasalukuyang henerasyon kundi ng mga susunod pa
 Pagtigil o pagbawas ng mga bagay na nakasisira ng kapaligiran
 Pagpapatibay ng mga batas at patakarang magbibigay ng proteksyon at
mangangalaga sa kapaligiran
 Pagpapanatili ng kapayapaan upang maiwasan ang pagkasira at
pagkapinsala sa kapaligiran dala ng kaguluhan

MGA HAMON UPANG MATAMASA ANG MAPAPANATILING PAG-UNLAD

1. KAKULANGAN SA EDUKASYON-ang pagiging salat sa kaalaman tungkol sa


limitasyon ng kalikasan ay isang dahilan upang abusuhin ito ng tao. Inaakala
ng marami na ang likas na yaman ay walang pagkaubos at may kusang
kakayahan at katatagan na mapanatili ang sarili
2. KAHIRAPAN-ang kahirapan ang isang nagtutulak sa tao na kumapit sa
patalim sa paggamit niya sa kalikasan upang mabuhay. May nagkakaingin
at illegal na namumutol ng punongkahoy sa gubat.
3. KONSUMERISMO-ang malakas na pagkonsumo ng mga produkto ay sagabal
din sa pag-abot ng mapapanatiling pag-unlad

PILIPINAS AT PAGSUNOD SA AGENDA 21

 Pagtatag gn PHILIPPINE COUNCIL FOR SUSTAINABLE DEVELOPMENT (PCSD)


na nabuo dahil sa Atas Tagapagpaganap blg. 15 noong Setyembre 1992
 Ang PCSD ay binigyan ng responsibilidad na ipatupad ang
mapapanatiling pag-unlad sa bansa.
 Philippine Agenda 21 (PA 21)-inilabas ng Pangulong Fidel V. Ramos na
Memorandum Order blg. 288 s. 1995. Binigyang-diin sa dokumentong ito
ang mahalagang papel na dapat gampanan ng pamahalaan,
sosyedad civil, at mga negosyante sa pangangalaga ng kapaligiran

MGA KASUNDUAN PARA SA MAPAPANATILING PAG-UNLAD

 1972-UNITED NATIONS CONFERENCE ON THE HUMAN ENVIRONMENT (STOCKHOLM


CONFERENCE)-Stockholm, Sweden, 5-6 Hunyo 1972
 1992- UNITED NATIONS CONFERENCE ON ENVIRONMENT AND DEVELOPMENT
(UNCED)-kilala bilang Earth Summit , Rio de Janeiro, Brazil 3-14 Hunyo 1992
 2002-WORLD SUMMIT ON SUSTAINABLE DEVELOPMENT (WSSD)-kilala bilang
Johannesburg Summit, Johannesburg, South Africa, 26 Agosto 4 Setyembre 2002
 2002-UNITED NATIONS CONFERENCE ON SUSTAINABLE DEVELOPMENT (UNCSD)-
kilala bilang Rio+20 Rio de Janeiro, Brazil 13-22 Hunyo 2012
- The FUTURE WE WANT-isang dokumentong nagsasaad ng panibagong pangako
para sa mapapanatiling pag-unlad
AGENDA 2030-hinihimok ang mga pamahalaan, pribadong sector, sosyedad sibil, at
mga indibidwal na gumawa ng paraan sa loob ng 15 taon para wakasan ang
kahirapan, protektahan ang daigdig, at tiyakin ang masaganang buhay para sa lahat.

Ang AGENDA 2030 ay nagbigay ng 17 espisipikong layon na tinatawag na sustainable


development goals (SDG):

1. Wala nang kahirapan-wakasan ang kahirapan sa lahat ng anyo nito


saanman
2. Wala nang kagutumanwakasan ang kagutuman, makamit ang seguridad sa
pagkain at pinagbuting nutrisyon, at pag-ibayuhin ang sustenibleng
agrikultura
3. Mabuting kalusugan at kagalingan-tiyakin ang malusog na pamumuhay at
itaguyod ang kagalingan ng lahat
4. May kalidad na edukasyon-tiyakin ang inklusibo at pantay na de-kalidad na
edukasyon at itaguyod ang panghabambuhay na oportunidad ng
pagkatuto sa lahat
5. Pagkakapantay-pantay ng kasarian-makamit ang pagkakapantay-pantay
ng kasarian at bigyang-kapangyarihan ang kababaihan
6. Malinis na tubig at sanitasyon-tiyakin ang pamamahagi at sustenibleng
pangangasiwa ng tubig at sanitasyon sa lahat
7. Mura at malinis na enerhiya-tiyakin ang akses sa mura, maaasahan,
sustenible, at modernong enerhiya para sa lahat
8. Disenteng trabaho at ekonomikong paglago-itaguyod ang napapanatili,
inklusibo, at sustenibleng paglago, buo at produktibong empleyo, at
disenteng trabaho para sa lahat
9. Industriya, inobasyon, at imprastraktura-itayo ang matibay na imprastuktura,
itaguyod ang inklusibo at sustenibleng industriyalisasyon, at pagyamanin ang
inobasyon
10. Pinababang inequality-pababain ang di-pagkakapantay-pantay sa loob at
sa pagitan ng mga bansa
11. Sustenibkeng mga lungsod at komunidad-gawin ang mga lungsod at tirahan
ng tao na inklusibo, ligtas, matibay, at sustenible
12. Responsableng pagkonsumo at produksyon-tiyakin ang sustenibleng pattern
ng pagkonsumo at produksyon
13. Aksiyon hinggil sa climate change-gumawa ng agarang aksiyon para
labanan ang climate change at mga epekto nito
14. Buhay sa ilalim ng dagat-konserbahin at sustenibleng gamitin ang mga
karagatan at yamang-dagat para sa mapapanatiling pag-unlad
15. Buhay sa lupa-protektahan, ibangon, at itaguyod ang sustenibleng gamit ng
ekosistemang panlupa, pangasiwaan ang mga kagubatan, pigilan ang
disertipikasyon, at patigilin aat baliktarin ang epekto ng degredasyon ng
lupa, at patitgilain ang pagkabawas ng sari-buhay
16. Kapayapaan, katarungan, at matitibay na institusyon-itaguyod ang
mapayapa at inklusibong mga lipunan, magbigay ng akses sa katarungan
para sa lahat, at itayo ang epektibo, napananagutan, at inklusibong mga
instituston sa lahat ng lebel
17. Magkakasamang tugon sa mga layunin-palakasin ang mga paraan ng
pagsasakatuparan at pasiglahin ang pandaigdigang pagtutulungan para
sa napapanatiling pag-unlad

Nagmula ang SGD sa nauna nang Millenium Development Goals (MDG) na layong
pababain ang kahirapan at sagutin ang pangangailangan sap ag-unlad para sa lahat
ng tao, nagwakas ang ebalwasyon ng MDG noong 2015.

You might also like