You are on page 1of 39

Agwat

Teknolohikal
Mga Pagbabago
• Nabubuhay tayo ngayon sa gitna ng
mga kamanghamanghang pagbabago
sa teknolohiya. Kung noong naunang
mga hanerasyon ay umabot sa 12 na
taon bago makarating sa mga
karaniwang mamamayan ang bagong
teknolohiya
• Ayon kay Alvin Toffler sa
kaniyang aklat na The Third
Wave (1980), pagdating ng
dekada sitenta ay nakaranas
na ang mundo ng tatlong
bugso ng mga pagbabago sa
teknolohiya. Ang panahon ng
agrikultura ay umabot ng
3,000 taon. Ang panahong
pang-industriya ay umabot ng
300 taon. Ang panahon ng
computer pumailanglang at
bumulusok sa loob lang ng 30
na taon
Techie Trivia:
• Ang pilipinas ay may populasyong halos 80 milyon
ay mayroong 14 milyon hanggang 16 milyon
gi=umagamit ng mobile phone na nagpadala ng 150
milyon hanggang 200 milyong text messages sa
isang araw – isa sa pinakamarami sa buong mundo
• Sa pagbagsak at paghampas ng alon, may isang
pataas naman na kasunod nito. Halimbawa,
kalalabas lamang noong isang taon ng Smart Phone
ay inaabangan at pinananabikan naman ngayon ang
paglabas ng mga bagong Internet Phone
Technological Gap o Agwat
Teknolohikal
• Ang pagkakaiba ng mayroong computer at high
tech na mga gamit at iyong mga wala ito; ito ang
agwat sa pagitan ng mga sagana sa inpormasyon at
ang salat dito dahil sa pagkaroon o kawalan ng
access sa teknolohiya
Dalawang mahahalagang isyu ang
kaugnay ng tinatawag na Agwat
• Teknolohikal: Una dito ang Agwat Teknolohikal sa
Pagitan ng mga Henerasyon o ang agwat o
pagkakaiba-iba sa pananaw at paggamit ng
teknolohiya ayon sa edad.
• Ang ikalawa ay higit na masalimuot – ang tinatawag
na Digital Divide o ang agwat sa paggamit ng
teknolohiya bunga ng kalagayang pang-ekonomiya
o sa madaling salita, sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap
Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng
Mga Henerasyon
• Ang generation gap o agwat sa
pagitan ng mga henerasyon, ay
salitang nagmula sa mga
kanluraning bansa noong
1960s; nangangahulugan ito ng
pagkakaiba sa pagitan ng mga
nakababata at nakatatandang
henerasyon, lalo na sa pagitan
ng mga anak at mga magulang.
Dahil nga sa pag-unlad sa
teknolohiya, lalo pang
lumawak ang agwat na ito
• Ang agwat teknolohikal sa
pagitan ng mga henerasyon ay
unang nararanasan sa pamilya.
Kung hindi ito matutugunan ay
maaaring magdulot ito ng di
pagkakaunawaan sa loob ng
pamilya. Ang pamilya ang una
nating kapwa. Kung ano ang
natutuhan nating pakikipag-
ugnayan sa kapwa ay siya rin
nating dadalhin sa labas ng
pamilya
• Sa labas ng pamilya, bilang mga digital natives
dapat na ituring nating tulad sa ating magulang at
mga kapatid ang mga tinatawag na digital
immigrants; dapat natin silang pakitunguhan nang
may pagmamalasakit at pagmamahal. Dahil sa
malaking agwat sa pagitan ng mga digital natives at
mga digital immigrants kaugnay ng paggamit ng
teknolohiya, kadalasang nagkakaroon ng di
pagkakaunawaan sa pagitan nila
• Ang mga digital immigrants ay ang mga taong
ipinanganak bago pa man naging laganap ang
paggamit ng digital technology. Maaari din itong
tumukoy sa mga taong hindi nagkaroon ng
pagkakataong gumamit ng digital technology sa
mas murang edad.
• Ang mga digital natives naman ay mga taong
ipinanganak at lumaki sa mundo ng digital
technology. Ginagamit nila ang teknolohiya sa
pakikipag-ugnayan, pag-aaral at pagtuturo, at pag-
unawa sa lipunan
• Ang mga digital natives ay tinatawag ding mga
kabilang sa Generation Y at Generation Z.
Samantalang mga digital immigrants naman ang
katumbas ng mga kabilang sa Silent Generation,
Baby Boomers at Gen X
• Ayon kay Rosen (2004), sa kasalukuyang panahon,
apat na henerasyon ang tagatangkilik ng
“modernong teknolohiya”. Mahalagang
maunawaan natin ang mga pagkakaiba ng iba’t
ibang henerasyon lalo na sa panananaw sa
makabagong teknolohiya. Ang kaalaman dito ay
makatutulong upang makaiwas sa tinatawag na
Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng Mga Henerasyon
• Una, ang tinatawag na
Silent Generation o ang
mga ipinanganak at
lumaking walang
makabagong teknolohiya.
Ang henerasyong ito ay
nabuhay sa panahon ng
tinawag na Depression sa
Estados Unidos at sa
panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Tinatawag din silang mga
Builders at War Babies
• Noong 1946-64 ipinanganak at
nagkaisip ang henerasyon ng
tinatawag na Baby Boomers. Sa
panahon ng kanilang kabataan
iginigiit nila ang kanilang mga
karapatan, at mga pagpapahalagang
panlipunan at politikal sa lipunan. Sa
ngayon sila ang mga namumuno at
mga pulitiko sa bansa. Sa
pangkalahatan, ang mga kabilang sa
henerasyong ito ay may mataas na
pagtingin sa sariling kakayahan.
• Sumunod dito ang tinatawag na
Generation X. Ipinanganak sila sa
mga taong 1965 hanggang 1979.
Sa Pilipinas sila ang henerasyon na
tinatawag ding Martial Law Babies.
Ipinanganak sila sa panahon ng
Martial Law ni Ferdinand Marcos.
Iminulat sila sa paniniwalang ang
lahat ay maayos, payapa at mabuti
sa bansa, habang sa likod ng
kanilang mga isip ay may munting
tinig na nagsasabing hindi maayos
ang lahat
• Ang henerasyon na
tinatawag na Y Generation
ay ang mga nagdadalaga at
nagbibinatang kabataan sa
ngayon. Sila ay ipinanganak
sa pagitan ng 1980-1997.
Sila ang henerasyong
ipinanganak sa panahon ng
internet at mobile phones at
computer at telebisyon ang
nagmistula nilang “yaya”
• Kaya nilang magsimula ng isang rave party na aabot
ng libo-libong kabataan sa pamamagitan lang ng
text messages. Kaya din nilang magsimula ng
tinatawag na viral marketing sa loob ng ilang oras
lamang. Ang kanilang kinikita ay karaniwang
ginugugol nila sa pagbili ng mga gadgets at gizmo.
Sila ang mga ate at kuya mo
• Ang Generation Z ang mga
kabataang ipinanganak sa
taong 1998 pataas.
Ipinanganak sila sa panahon
ng information overload.
Dahil dito mas mahusay silang
magsala ng impormasyon
kaya’t hindi madaling kunin
ang kanilang atensyon
Generation
• Ang Generation Y at ang Generation Z ay kapuwa
tinatawag na Net Generations. Sa pangkalahatan, sa
edad na tatlong taon ay gumagamit na ng internet
o cell phone ang mga kabataan sa Net Generation.
• Naipadala nila ang kanilang unang Email bago pa
man sila pumasok sa Kindergarten. Namumuhay
sila sa instant messaging, at nakikipag-usap nang
sabay sabay sa tatlo o higit pang tao sa IM habang
nagtratrabaho gamit ang computer. Sanay silang
mag multi-tasking at labis silang mainipin.
Generation
Ang mga Baby Boomers ay mga auditory at visual
learners, samantalang ang mga nasa henerasyong
Gen X at Net Gen ay mga tactile learners.
• Ang mga visual learners ay higit na natututo sa
pagbabasa, ang auditory learner naman ay higit na
natututo sa pakikinig at ang tactile ay mas natututo
sa pamamagitan ng paggawa o sa karanasan. Kaya
nga kapag ang Baby Boomer ang bibili ng bagong
gadget, ang una nilang ginagawa ay basahin ang
manual nito o kaya’y panoorin ang video instruction
Generation
• Ang mga nabanggit na pagkakaiba-ibang ito ng mga
henerasyon ay ugat ng generation gap. Sa halip na
magdamdam ka dahil sa pakiramdam mo ay hindi
ka maunawaan ng mga magulang, mga guro at iba
pang nakatatanda, sikapin mong unawain ang
kanilang pinanggagalingang pananaw ngayong alam
mo na kung gaano ka kaiba sa kanila
Digital Divide o Agwat
Teknolohikal
• Tulad ng iba pang mga pagbabago ang pagkakaroon
ng internet ay nangangahulugan ng pagbabago sa
kultura at bagong wika. Ang bagong paraang ito ng
pakikipag-ugnayan o pagkuha ng impormasyon ay
magbibigay ng malaking benepisyo para sa mga tao
at mga organisasyong may kakayahang makinabang
sa mga oportunidad na ibinibigay ng internet. Sa
kabilang banda, maaaring maging tila parusa
naman ito sa mga taong hindi makikinabang dito.
Marami ang nagsasabi na lilikha ng bagong uri ng
kamangmangan at kasalatan ang internet.
Nangangailangan ng apat na kondisyon upang
magkaroon ng access sa impormasyon:
 Una ang kaalaman na mayroong makukuhang impormasyon
o mayroong serbisyong magbibigay ng impormasyon
 May pag-aari ka o mayroon kang magagamit na
kasangkapan o instrumentong kinakailangan upang
makakuha ng impormasyon (hal. computer, telebisyon,
telepono, software, modem)
 Mayroon kang kakayahan na magbayad o di kaya’y may
libreng serbisyong nagbibigay ng impormasyon (hal. libreng
cable o internet connection)
 May kasanayan ka sa paggamit ng mga kagamitan o
instrumento at software(hal. computer literate)
Digital Divide
• Ang kakulangan sa alinman
dito ay nangangahulugan
ng kawalan ng access.
Samakatuwid, sinumang
hindi makabili ng
cellphoneo walang
koneksyon ng telepono o
hindi marunong gumamit
ng computer ay maaaring
nangangailangan o
nagnanais ng impormasyon
• Habang nagiging mas nakadepende tayo sa
teknolohiya upang makakuha ng impormasyon sa
lipunan, dapat nating itanong kung may nalalabag
bang karapatang moral dahil sa tinatawag na Digital
Divide
Mga Karapatan
• Maraming uri ng karapatan. Ang karapatang legal ay ang
mga karapatang ginagarantiyahan sa saligang batas.
• Ang batas moral naman ay mga karapatan na nakabatay
sa mga pamantayang etikal sa halip na sa saligang batas.
• Ang mga karapatang moral ay maaaring ang karapatang
magkaroon ng seguridad, mga kailangan sa pamumuhay
(hal., sapat na pagkain, sapat na pananamit, at tirahan),
ang pagkakaroon ng sapat na pangangalaga sa
kalusugan, at malinis na hangin at tubig
Mga Karapatan
• Ang subsidiary moral right ay isang espesyal na
karapatang moral. Binibigyang-proteksyon nito ang
mga kundisyong kinakailangan upang maisulong
ang karapatang moral
• Ang karapatang makagamit ng telepono, halimbawa, ay isang
subsidiary moral right o pantulong na karapatang moral.
Kailangan ito upang mapanatili ang seguridad; halimbawa sa oras
na may kagipitan tulad ng sunog o kalamidad o kaya’y kung
nanganganib ang buhay at nangangailangan ng tulong ng pulis o
awtoridad. Samakatuwid, ang pagkakaroon ng seguridad ay isang
karapatang moral at ang pagkakaroon ng kakayahang makagamit
ng telepono ay isang subsidiary o pantulong na karapatang moral
Mga Karapatan
• Ang access sa impormasyon ay maaari nating
ituring na isang subsidiary moral right. Halimbawa
na lang uso na ngayon ang tinatawag na online
education o e-learning. Ang pag-apply sa mga
unibersidad, tulad ng Unibersidad ng Pilipinas,
Ateneo de Manila at De La Salle University at
trabaho sa maraming malalaking kumpanya, tulad
halimbawa ng San Miguel Corporation, Meralco,
PLDT at iba pa, ay ginagawa na rin online
Ano nga ba ang kalagayan ng IT o
information technology sa ating bansa?
• Pumapangalawa sa telebisyon ang texting o ang
paggamit ng cellular phone sa pinakapopular na
paraan ng pagkuha at paghahatid ng impormasyon
sa bansa. Noong 2010, ang mga mobile network sa
Pilipinas ay nagseserbisyo sa 99 na porsyento ng
populasyon dito. Walumpung posyento (80%)
naman ang mayroong sariling cell phone
Ano nga ba ang kalagayan ng IT o
information technology sa ating bansa?
• Sa kabila nito, sa isang survey na
tinawag na “Survey on Internet
Access by Filipino
Schoolchildren” na isinagawa ng
Asian Institute of Journalism and
Communication para sa UNICEF,
ang mga mag-aaral na Filipino
raw ay computer literate. Halos
74% ang may access sa internet
Ano nga ba ang kalagayan ng IT o
information technology sa ating bansa?
• Gayunpaman, hindi pa rin sapat ito upang itawid
ang karamihan sa kanila sa tinatawag na Digital
Divide. Bagama’t maaaring gumamit ang mga mag-
aaral ng internet sa mga nagkalat na Internet Café,
maaari pa ring hindi nila makayanang bayaran ang
upa dito na umaabot ng 15 hanggang 25 piso kada
oras. Ayon din sa survey na ito, di tulad ng mga
kasing-edad nila sa ibang bansa, ang ating mga
kabataan ay mas matanda na nang makaranas na
gumamit ng computer
IT
• Hindi maikakailang mayroon ngang kasalatan sa
impormasyon ang maraming mga Pilipino ngayon
dahil sa kakulangan sa access sa teknolohiyang
naghahatid ng impormasyon at sa sapat na
kasanayan sa paggamit nito. Lalo lang pinalalaki
nito ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap sa
bansa. Lalo lamang nitong pinatitingkad ang di
pagkakapantay ng mga Pilipino batay sa kalagayan
sa lipunan at sa ekonomiya. Ang di pagkakapantay
na ito ay masasabi nating isang isyung etikal
kaugnay ng katarungang panlipunan o social justice
IT
• Tunay na malaki ang tungkulin ng pamahalaan sa
pagtutuwid sa di-pagkakapantay na ito. Ngunit, sabi
nga, paalala ang gamot sa mga taong nakakalimot
(o walang pakialam) – kailangan nating paulit-ulit
na igiit ang ating mga karapatan, lalo na ang ating
mga moral na karapatan!
Technological revolution
• Hindi maipagkakailang isang malaking rebolusyon
ang nangyayari ngayon sa daigdig … isang
rebolusyong teknolohikal. Ang tao sa kaniyang
pagiging henyo sa siyensya ay napaliit ang mundo
at nagawa ang mga bansang wari’y kapitbahayan na
lamang. Gayon pa man, hindi pa rin niya
matutuhang gawing kapatiran ang lahat ng tao sa
mundo. Nakalulungkot dahil ito lamang ang tanging
solusyon sa hindi pagkakapantay-pantay at kawalan
ng katarungang panlipunan

You might also like