You are on page 1of 22

AGWAT

TEKNOLOHIKAL
Pagmasdan ang larawan:
ANG AGWAT TEKNOLOHIKAL
• Nabubuhay tayo ngayon sa gitna ng kamangha-manghang
pagbabago sa teknolohiya.
• Ayon kay Alvin Toffler sa kaniyang aklat na The Third
Wave (1980), pagdating ng dekada sitenta ay nakaranas na
ang mundo ng tatlong bugso ng mga pagbabago sa
teknolohiya.
• Dalawang taon lamang ang nakararaan nang ang notebook
at netbook ang pinagkakaguluhan, ngayon ay ang tablet at
Ipad na.
Dalawang Mahalagang Isyu Ang
Kaugnay ng Agwat Teknolohikal
1. Agwat Teknolohikal Sa Pagitan ng Henerasyon-
ang agwat o pagkakaiba-iba sa pananaw at paggamit
ng teknolohiya ayon sa edad.
2. Digital Divide- higit na masalimuot
• Ang agwat sa paggamit ng teknolohiya
bunga ng kalagayang pang-ekonomiya o sa
madaling salita, sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap.
TECHIE TRIVIA
Ang Pilipinas na may populasyong halos 80

milyon ay mayroong 14 milyon hanggang 16
milyon gumagamit ng mobile phone na
nagpapadala ng 150 miyon hanggang 200
milyon text messages sa isang araw-isa sa
pinakamarami sa buong mundo.
GENERATION GAP
• Agwat sa pagitan ng mga henerasyon, ay salitang
nagmula sa mga kanluraning bansa noong 1960s;
nangangahulugan ito ng pagkakaiba sa pagitan ng
mga nakababata at nakakatandang henerasyon, lalo na
sa pagitan ng mga anak at magulang.
• Dahil nga sa pag-unlad sa teknolohiya, lalo pang
lumawak ang agwat na ito.
TECHNOLOGICAL GAP
• Agwat teknolohikal ay ang pagkakaiba ng
mayroong computer at high tech na mga gamit
at iyong mga wala nito; ito ang agwat sa pagitan
ng mga sagana sa impormasyon at ang dahil sa
pagkakaroon ng kawalan ng access sa
teknolohiya.
DIGITAL IMMIGRANTS
• ay
mga taong ipinanganak bago pa man
naging laganap ang paggamit ng digital
technology.
• Maaari din itong tumukoy sa taong hindi
nagkaroon ng pagkakataong gumamit ng
digital technology sa mas murang edad.
DIGITAL NATIVES
• ay mga taong ipinanganak at lumaki sa mundo ng digital
technology.
• Ginagamit nila ang teknolohiya sa pakikipag-ugnayan, pag-
aaral at pagtuturo, at pag-unawa sa lipunan.
• ay tinatawag ding mga kabilang sa Generation Y at
Generation Z.
• Ang mga digital immigrants naman ay katumbas ng mga
kabilang sa Silent Generation, Baby Boomers, at Gen X.
GENERATION X (1965-1979)
• Ipinanganak sila sa panahon ng Martial
Law.
• Iminulat sila sa paniniwalang ang lahat ay
maayos, payapa at mabuti sa bansa, habang
sa likod ng kanilang mga isip ay may
munting tinig na nagsasabing hindi maayos
ang lahat.
GENERATION Y (1980-1997)
• Sila ang henerasyong ipinanganak sa panahon
ng internet, mobile phones, computer, at
telebisyon ang nagmimistulang “yaya.”
• Kaya nilang magsimula ng isang rave party na
aabot ng libo-libong kabataan sa pamamagitan
ng text messages.
GENERATION Z (1998 PATAAS)
• Ipinanganak sila sa information
overload.
• Dahil dito mas mahusay silang magsala
ng impormasyon kaya’t hindi madaling
kunin ang kanilang atensiyon.
DIGITAL DIVIDE
• Habang naging mas nakadepende tayo sa
teknolohiya upang makakuha ng
impormasyon sa lipunan, dapat nating
itanong kung may nalalabag bang
karapatang moral.
Apat na kondisyon upang magkaroon ng
access sa impormasyon:
• Una ang kaalaman na mayroong makukuhang
impormasyon o mayroong serbisyong
magbibigay ng impormasyon.
• May pag-aari ka o mayroon kang magagamit na
kasangkapan o instrumentong kinakailangan
upang makakuha ng impormasyon. (hal.
computer, telebisyon, telepono, software)
•Mayroon kang kakayahan na magbayad o di
kaya’y may libreng serbisyong nagbibigay ng
impormasyon (hal. Libreng cable o internet
connection)
•May kasanayan ka sa paggamit ng mga
kagamitan o instrumento at software (hal.
Computer literate)
MARAMING URI NG KARAPATAN
• Karapatang Legal
• Batas Moral
• Subsidiary Moral Right
KARAPATANG LEGAL
• ang mga karapatang ginagarantiyahan
sa Saligang Batas.
BATAS MORAL
•mga karapatan na nakabatay sa mga pamantayang
etikal sa halip sa Saligang Batas.
•Ang karapatang moral ay maaaring ang karapatang
magkaroon ng seguridad, mga kailangan sa
pamumuhay (hal., sapat na pagkain, sapat na
pananamit, at tirahan),
• ang pagkakaroon ng sapat na pangangalaga sa
kalusugan, at malinis na hangin at tubig.
SUBSIDIARY MORAL RIGHT
• ay espesyal na karapatang moral. Binibigyang
proteksiyon nito ang mga kondisyong kinakailangan
upang maisulong ang karapatang moral.
• Halimbawa: ay isang subsidiary moral right o
pantulong na karapatang moral. Kailangan ito upang
mapanatili ang seguridad; halimbawa sa oras na may
kagipitan tulad ng sunog o kalamidad o kaya’y kung
nanganganib ang buhay at nangangailangan ng pulis o
awtoridad.
Panuto: Isulat ang T kung Tama at M
kung Mali.
1. Ang Generation Y and Generation Z ay kapwa
tinawag na Net Generations.
2. Sa Generation Y ipinanganak ang mga
information overload.
3. Ang Digital Divide ay ang agwat o pagkakaiba-
iba sa pananaw at paggamit ng teknolohiya ayon sa
edad.
4. Ang Subsidiary Moral Right ay espesyal na
karapatang moral. Binibigyang proteksiyon nito ang
mga kondisyong kinakailangan upang maisulong ang
karapatang moral.
5. Ang generation gap o agwat sa pagitan ng mga
henerasyon, ay salitang nagmula sa mga kanluraning
bansa noong 1960s; nangangahulugan ito ng
pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at
nakakatandang henerasyon, lalo na sa pagitan ng mga
anak at magulang.
SAGOT
1. T
2. M
3. M
4. T
5. T

You might also like