You are on page 1of 24

Ang Agwat Teknolohikal

Nabubuhay tayo ngayon sa gitna ng mga kamanghamanghang pagbabago sa teknolohiya! Kung noong
naunang

mga henerasyon ay umaabot sa 12 taon bago makarating

sa mga karaniwang mamamayan ang bagong teknolohiya,

ngayon ay inaabot na lamang ito ng 3 hanggang 5 taon. Ang

radyo 38 taon bago nagkaroon ng tagapakinig na 50 milyon.

Ang telebisyon 13 taon sa katulad na dami ng manonood. Ang PC o personal

computer, 16 na taon lang nagkaroon na ng

50 milyong tagatangkilik. Ang Internet, 5

taon, ang IPod, 3 taon, at ang Facebook, 2

taon lang! Ayon kay Alvin Toffler sa

kaniyang aklat na The Third Wave (1980),

pagdating ng dekada sitenta ay nakaranas


na ang mundo ng tatlong bugso ng mga

pagbabago sa teknolohiya. Ang panahon ng

agrikultura ay umabot ng 3,000 taon. Ang panahong pang-industriya ay umabot ng

300 taon. Ang panahon ng Computer ay

pumailanglang at bumulusok sa loob lamang ng 30

taon. Ngunit ayon sa pagtutuwid ni Rosen (2004),

ang panahon ng Computer at Internet ay

maihahambing sa patuloy na pagtaas at pagbaba

ng alon sa dalampasigan. Sa pagbagsak at

paghampas ng alon, may isang pataas naman na

kasunod nito. Halimbawa, kalalabas lamang noong

isang taon ng Smart Phone ay inaabangan at


pinananabikan naman ngayon ang paglabas ng

mga bagong Internet Phone. Dalawang taon

lamang ang nakararaan nang ang nnetbook ang pinagkakaguluhan, ngayon ay ang tablet at Ipad na.
Nalimutan na rin

ang manual keyboard dahil mayroon na ring voice activated computers at touch

screen na rin ang lahat mula sa t.v. screen hanggang sa cellular phone.

Tunay ngang napakabilis ng pagbabago sa teknolohiya ngayon. Kung hindi

ka makasabay sa alon ay tiyak na malulunod ka. Para sa karamihan, sapat na ang

makasabay sa pagbabago sapagkat halos imposible ang manguna dito. Sa loob

lamang ng limang taon naging bahagi na ng pamumuhay ng mga Pilipino ang

cellular phone. Bago magdekada nobenta, ni wala sa hinagap natin na tatagurian

tayong “texting capital of the world” ngayon. (Manila Times.net; May 10, 2012)

Dalawang mahahalagang isyu ang kaugnay ng tinatawag na Agwat

Teknolohikal: Una dito ang Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng mga Henerasyon o


ang agwat o pagkakaiba-iba sa pananaw at paggamit ng teknolohiya ayon sa edad.

Ang ikalawa ay higit na masalimuot – ang tinatawag na Digital Divide o ang agwat sa

paggamit ng teknolohiya bunga ng kalagayang pang-ekonomiya o sa madaling

salita, sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.

Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng Mga Henerasyon

Ang generation gap o agwat sa

pagitan ng mga henerasyon, ay salitang

nagmula sa mga kanluraning bansa noong

1960s; nangangahulugan ito ng pagkakaiba

sa pagitan ng mga nakababata at

nakatatandang henerasyon, lalo na sa

pagitan ng mga anak at mga magulang.


Dahil nga sa pag-unlad sa teknolohiya, lalo

pang lumawak ang agwat na ito.

Ang agwat teknolohikal sa pagitan ng mga henerasyon ay unang

nararanasan sa pamilya. Kung hindi ito matutugunan ay maaaring magdulot ito ng di

pagkakaunawaan sa loob ng pamilya. Ang pamilya ang una nating kapwa. Kung ano

ang natutuhan nating pakikipag-ugnayan sa kapwa ay siya rin nating dadalhin sa

labas ng pamilya. “Lahat ng miyembro ng pamilya ay may tungkuling pag-ibayuhin

ang ugnayan sa bawa’t taong nakakahalubilo nito sa araw-araw; pamilya ang paaralan ng mas malalim na
pakikipagkapwa-tao.” (Familiaris

Consortio) Ang mga pagbabago sa teknolohiya, lalo na sa information technology, ay

dapat na matutuhan nating gamitin bilang daan upang mapabuti ang pakikipagugnayan at pagsasama-
sama ng mga miyembro ng pamilya.

Paano nga ba matutugunan ang agwat teknolohikal

sa pagitan ng mga henerasyon? Para sa isang kabataan,


ang susi dito ay ang paggalang at pagmamahal sa mga

magulang. Tingnan natin bilang halimbawa si Alissa; siya ay

panganay na anak sa tatlong magkakapatid. Nasa ibang

bansa ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ang nagaalaga sa kanilang magkakapatid. Walang alam sa
bagong

teknolohiya ang kaniyang ina kung kaya’t bagama’t 16 taon

gulang lamang, si Alyssa ang humahawak at kumukuha ng

padalang pera ng kaniyang ama sa ATM o automated teller

machine. Siya rin ang may hawak ng laptop computer at

cellular phone na siyang daan para makausap ang kanilang

ama. Mahal na mahal ni Alyssa ang kaniyang pamilya.

Bagama’t maraming gawain sa paaralan, binibigyan niya ng

panahon ang kaniyang ina at mga kapatid sa tuwing

kailangan nilang kausapin ang kanilang ama. Matiyaga rin niyang tinuturuan ang
kaniyang ina sa paggamit ng mga teknolohiyang ito. Kahit kailan ay hindi niya naisip

na bawasan ang perang ipinadadala ng kaniyang ama. Labis ang kaniyang

paggalang sa kaniyang magulang para gawin niya ito.

Sa loob ng pamilya, ang paggalang at pagmamahal na ito ay pinatitingkad pa

ng ating pagkalinga sa ating mga lolo at lola. Ang ating mga lolo at lola, o ang mga

matatanda sa pamilya ay wari bang may likas na talino na ayusin ang ugnayan sa

pagitan ng mga henerasyon bago pa man maging malalim ang agwat sa pagitan

nito. Ang mga bata ay nakakasumpong ng ganap na pag-unawa at pagmamahal sa

paningin, pananalita at masuyong yakap ng mga lolo at lola nila. Hindi nga ba sila

ang ating tagapagtanggol sa tuwing pagagalitan tayo ng ating mga nanay at tatay.

Maririnig mo sa kanila “Di ba’t ganyan ka rin noon!” ang madalas na paalala nila sa

nanay at tatay natin. Ayon nga sa Kawikaan 17:6: “Ang mga anak ng mga anak ay 7sapagkat ang7otebook
at 7putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang
mga magulang.”

Sa labas ng pamilya, bilang mga digital natives dapat na ituring nating tulad

sa ating magulang at mga kapatid ang mga tinatawag na digital immigrants; dapat

natin silang pakitunguhan nang may pagmamalasakit at pagmamahal. Dahil sa

malaking agwat sa pagitan ng mga digital natives at mga digital immigrants kaugnay

ng paggamit ng teknolohiya, kadalasang nagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa

pagitan nila. Dahil sa mabilis na pagbabago sa teknolohiya, nahihirapan ang mga

digital immigrants na makasabay sa mga pagbabagong ito. Kadalasan ang mga

digital immigrants ay ang mga taong higit na nakatatanda sa mga digital natives.

Kung ituturing silang tulad sa mga magulang, ate, kuya o lolo at lola, higit na

magiging maayos ang pakikitungo nila sa bawa’t isa.

Malaki rin ang maitutulong kung malalaman natin ang pagkakaiba ng mga

digital natives at mga digital immigrants. Ang mga digital immigrants ay ang mga
taong ipinanganak bago pa man naging laganap ang paggamit ng digital technology.

Maaari din itong tumukoy sa mga taong hindi nagkaroon ng pagkakataong gumamit

ng digital technology sa mas murang edad. Ang mga digital natives naman ay mga

taong ipinanganak at lumaki sa mundo ng digital technology. Ginagamit nila ang

teknolohiya sa pakikipag-ugnayan, pag-aaral at pagtuturo, at pag-unawa sa lipunan.

Ang mga digital natives ay tinatawag ding mga kabilang sa Generation Y at

Generation Z. Samantalang mga digital immigrants naman ang katumbas ng mga

kabilang sa Silent Generation, Baby Boomers at Gen X.

Ayon kay Rosen (2004), sa kasalukuyang panahon, apat na henerasyon ang

tagatangkilik ng “modernong teknolohiya”. Mahalagang maunawaan natin ang mga

pagkakaiba ng iba’t ibang henerasyon lalo na sa panananaw sa makabagong

teknolohiya. Ang kaalaman dito ay makatutulong upang makaiwas sa tinatawag na


Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng Mga Henerasyon.

Una, ang tinatawag na Silent Generation o ang mga ipinanganak at lumaking

walang makabagong teknolohiya. Ang henerasyong ito ay nabuhay sa panahon ng

tinawag na Depression sa Estados Unidos at sa panahon ng Ikalawang Digmaang

Pandaigdig. Tinatawag din silang mga Builders at War Babies. 10Noong 1946-64 ipinanganak at nagkaisip
ang henerasyon ng tinatawag na

Baby Boomers. Sa panahon ng kanilang kabataan iginigiit nila ang kanilang mga

karapatan, at mga pagpapahalagang panlipunan at politikal sa lipunan. Sa ngayon

sila ang mga namumuno at mga pulitiko sa bansa. Sa pangkalahatan, ang mga

kabilang sa henerasyong ito ay may mataas na pagtingin sa sariling kakayahan.

Naniniwala sila sa gawa higit sa salita, walang takot nilang ipinahahayag ang

kanilang opinyon at damdamin, at kadalasan sila’y nagtatagumpay sa kanilang mga

sinimulang gawain. Minsan nga lamang marami sa kanila ang nag-aakalang alam

nila ang lahat ng bagay.


Sumunod dito ang tinatawag na Generation X.

Ipinanganak sila sa mga taong 1965 hanggang 1979.

Sa Pilipinas sila ang henerasyon na tinatawag ding

Martial Law Babies. Ipinanganak sila sa panahon ng

Martial Law ni Ferdinand Marcos. Iminulat sila sa

paniniwalang ang lahat ay maayos, payapa at mabuti

sa bansa, habang sa likod ng kanilang mga isip ay may munting tinig na

nagsasabing hindi maayos ang lahat. “Bakit maraming hindi puwedeng panoorin sa

telebisyon? Bakit ibinawal ipalabas ang mga huling kabanata sa Voltes V?” At higit

na marami pang tanong ang bumagabag sa kanila habang sila’y nagkakaisip;

Hanggang mangyari nga ang EDSA Revolution noong 1986. Karamihan ng iyong

mga guro ngayon ay nasa henerasyong ito.


Ang henerasyon na tinatawag na Y Generation ay ang mga nagdadalaga at

nagbibinatang kabataan sa ngayon. Sila ay ipinanganak sa pagitan ng 1980-1997.

Sila ang henerasyong ipinanganak sa panahon ng internet at mobile phones at

computer at telebisyon ang nagmistula nilang “yaya”.

Kaya nilang magsimula ng isang rave party na aabot ng libo-libong kabataan

sa pamamagitan lang ng text messages. Kaya din nilang magsimula ng tinatawag na

viral marketing sa loob ng ilang oras lamang. Ang kanilang kinikita ay karaniwang

ginugugol nila sa pagbili ng mga gadgets at gizmo. Sila ang mga ate at kuya mo.

Ang Generation Z ang mga kabataang ipinanganak sa taong 1998 pataas.

Ipinanganak sila sa panahon ng information overload. Dahil dito mas mahusay silang

magsala ng impormasyon kaya’t hindi madaling kunin ang kanilang atensyonNoong 1946-64 ipinanganak
at nagkaisip ang henerasyon ng tinatawag na

Baby Boomers. Sa panahon ng kanilang kabataan iginigiit nila ang kanilang mga

karapatan, at mga pagpapahalagang panlipunan at politikal sa lipunan. Sa ngayon


sila ang mga namumuno at mga pulitiko sa bansa. Sa pangkalahatan, ang mga

kabilang sa henerasyong ito ay may mataas na pagtingin sa sariling kakayahan.

Naniniwala sila sa gawa higit sa salita, walang takot nilang ipinahahayag ang

kanilang opinyon at damdamin, at kadalasan sila’y nagtatagumpay sa kanilang mga

sinimulang gawain. Minsan nga lamang marami sa kanila ang nag-aakalang alam

nila ang lahat ng bagay.

Sumunod dito ang tinatawag na Generation X.

Ipinanganak sila sa mga taong 1965 hanggang 1979.

Sa Pilipinas sila ang henerasyon na tinatawag ding

Martial Law Babies. Ipinanganak sila sa panahon ng

Martial Law ni Ferdinand Marcos. Iminulat sila sa

paniniwalang ang lahat ay maayos, payapa at mabuti


sa bansa, habang sa likod ng kanilang mga isip ay may munting tinig na

nagsasabing hindi maayos ang lahat. “Bakit maraming hindi puwedeng panoorin sa

telebisyon? Bakit ibinawal ipalabas ang mga huling kabanata sa Voltes V?” At higit

na marami pang tanong ang bumagabag sa kanila habang sila’y nagkakaisip;

Hanggang mangyari nga ang EDSA Revolution noong 1986. Karamihan ng iyong

mga guro ngayon ay nasa henerasyong ito.

Ang henerasyon na tinatawag na Y Generation ay ang mga nagdadalaga at

nagbibinatang kabataan sa ngayon. Sila ay ipinanganak sa pagitan ng 1980-1997.

Sila ang henerasyong ipinanganak sa panahon ng internet at mobile phones at

computer at telebisyon ang nagmistula nilang “yaya”.

Kaya nilang magsimula ng isang rave party na aabot ng libo-libong kabataan

sa pamamagitan lang ng text messages. Kaya din nilang magsimula ng tinatawag na

viral marketing sa loob ng ilang oras lamang. Ang kanilang kinikita ay karaniwang
ginugugol nila sa pagbili ng mga gadgets at gizmo. Sila ang mga ate at kuya mo.

Ang Generation Z ang mga kabataang ipinanganak sa taong 1998 pataas.

Ipinanganak sila sa panahon ng information overload. Dahil dito mas mahusay silang

magsala ng impormasyon kaya’t hindi madaling kunin ang kanilang atensyon. Iba rin 15. Iba rin
15Nuclear Research) ang World Wide Web noong 1984. Ang tanong noong una ay

kung mapalalaki ba o mababawasan ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at

mahihirap sa mundo sa pamamagitan ng internet?

Tulad ng iba pang mga pagbabago ang

pagkakaroon ng internet ay nangangahulugan ng

pagbabago sa kultura at bagong wika. Ang bagong

paraang ito ng pakikipag-ugnayan o pagkuha ng

impormasyon ay magbibigay ng malaking benepisyo

para sa mga tao at mga organisasyong may


kakayahang makinabang sa mga oportunidad na

ibinibigay ng internet. Sa kabilang banda, maaaring maging tila parusa naman ito sa

mga taong hindi makikinabang dito. Marami ang nagsasabi na lilikha ng bagong uri

ng kamangmangan at kasalatan ang internet.

Nangangailangan ng apat na kondisyon upang magkaroon ng access sa

impormasyon:

 Una ang kaalaman na mayroong makukuhang impormasyon o mayroong

serbisyong magbibigay ng impormasyon

 May pag-aari ka o mayroon kang magagamit na kasangkapan o

instrumentong kinakailangan upang makakuha ng impormasyon (hal.

computer, telebisyon, telepono, software, modem)

 Mayroon kang kakayahan na magbayad o di kaya’y may libreng serbisyong

nagbibigay ng impormasyon (hal. libreng cable o internet connection)


 May kasanayan ka sa paggamit ng mga kagamitan o instrumento at software

(hal. computer literate)

Ang kakulangan sa alinman dito ay

nangangahulugan ng kawalan ng access.

Samakatuwid, sinumang hindi makabili ng cellphone

o walang koneksyon ng telepono o hindi marunong

gumamit ng computer ay maaaring

nangangailangan o nagnanais ng impormasyon 17ngunit hindi makakuha nito. Ang mga taong walang
access ay kumakatawan sa

isang bahagi ng di pagkakapantay sa lipunan na pinalalala ng teknolohiya: ang

agwat sa pagitan ng mga salat sa impormasyon at sa mga sagana sa impormasyon.

Habang nagiging mas nakadepende tayo sa teknolohiya upang makakuha ng

impormasyon sa lipunan, dapat nating itanong kung may nalalabag bang karapatang
moral dahil sa tinatawag na Digital Divide.

Maraming uri ng karapatan. Ang karapatang legal ay ang mga karapatang

ginagarantiyahan sa saligang batas. Ang batas moral naman ay mga karapatan na

nakabatay sa mga pamantayang etikal sa halip na sa saligang batas. Ang mga

karapatang moral ay maaaring ang karapatang magkaroon ng seguridad, mga

kailangan sa pamumuhay (hal., sapat na pagkain, sapat na pananamit, at tirahan),

ang pagkakaroon ng sapat na pangangalaga sa kalusugan, at malinis na hangin at

tubig.

Ang subsidiary moral right ay isang espesyal na karapatang moral.

Binibigyang-proteksyon nito ang mga kundisyong kinakailangan upang maisulong

ang karapatang moral.

Ang karapatang makagamit ng telepono, halimbawa, ay isang subsidiary

moral right o pantulong na karapatang moral. Kailangan ito upang mapanatili ang
seguridad; halimbawa sa oras na may kagipitan tulad ng sunog o kalamidad o kaya’y

kung nanganganib ang buhay at nangangailangan ng tulong ng pulis o awtoridad.

Samakatuwid, ang pagkakaroon ng seguridad ay isang karapatang moral at ang

pagkakaroon ng kakayahang makagamit ng telepono ay isang subsidiary o

pantulong na karapatang moral.

Ang access sa impormasyon ay maaari nating ituring na isang subsidiary

moral right. Halimbawa na lang uso na ngayon ang tinatawag na online education o

e-learning. Ang pag-apply sa mga unibersidad, tulad ng Unibersidad ng Pilipinas,

Ateneo de Manila at De La Salle University at trabaho sa maraming malalaking

kumpanya, tulad halimbawa ng San Miguel Corporation, Meralco, PLDT at iba pa, ay

ginagawa na rin online. Kung hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga taong

nagnanais na makapasok sa mga kumpanya at paaralang ito dahil sa kawalan ng 19access sa teknolohiya,
maaaring nalalabag din ang kanilang karapatang moral sa
pantay na oportunidad na makapag-aral at makapagtrabaho.

Ano nga ba ang kalagayan ng IT o information technology sa ating bansa?

Pumapangalawa sa telebisyon ang texting o ang paggamit ng cellular phone

sa pinakapopular na paraan ng pagkuha at paghahatid ng impormasyon sa bansa.

Noong 2010, ang mga mobile network sa Pilipinas ay nagseserbisyo sa 99 na

porsyento ng populasyon dito. Walumpung posyento (80%) naman ang mayroong

sariling cell phone. Ayon sa artikulong isinulat ni Anna Roa para sa Philippine Daily

Inquirer (2012), kinilala ng World Bank ang paggamit ng Pilipinas ng cellular phone

upang palakasin ang pananagutan at pagiging bukas para sa publiko ng mga

serbisyo at proseso sa gobyerno.

Ayon sa ulat ng World Bank, higit na nakikinabang sa paggamit ng cell phone

ang mga magsasakang Pilipino. Mahalaga para sa kanila ang impormasyong

kaugnay ng presyo ng produkto at pag-uulat tungkol sa kanilang kinikita o tinutubo


na nakatutulong sa pagtaas ng kumpiyansa ng mga mangangalakal sa kanila. Sa

kabilang banda, 7% lamang ng mga pamilyang Pilipino ang mayroong personal

computer sa bahay noong 2003 (FLEMMS). Noong 2004, tumaas ito sa 17% kung

saan 7% ay nasa mga lungsod (4As Media Factbook). Noong 2006, mayroong 408

na Internet Service Providers sa Pilipinas na nagseserbisyo sa 2 milyong Internet

Subscribers lamang. (NTC) Noong 2007, tinatayang mayroon ng 14 na milyong

internet users ang Pilipinas o 16 porsyento lamang ng kabuuang populasyon sa

Pilipinas.

Sa kabila nito, sa isang survey na tinawag na “Survey on Internet Access by

Filipino Schoolchildren” na isinagawa ng Asian Institute of Journalism and

Communication para sa UNICEF, ang mga mag-aaral na Filipino raw ay computer

literate. Halos 74% ang may access sa internet. Gayunpaman, hindi pa rin sapat ito
upang itawid ang karamihan sa kanila sa tinatawag na Digital Divide. Bagama’t

maaaring gumamit ang mga mag-aaral ng internet sa mga nagkalat na Internet Café,

maaari pa ring hindi nila makayanang bayaran ang upa dito na umaabot ng 15

hanggang 25 piso kada oras. Ayon din sa survey na ito, di tulad ng mga kasing-edad

nila sa ibang bansa, ang ating mga kabataan ay mas matanda na nang makaranas

na gumamit ng computer.22Hindi maikakailang mayroon ngang kasalatan sa impormasyon ang

maraming mga Pilipino ngayon dahil sa kakulangan sa access sa teknolohiyang

naghahatid ng impormasyon at sa sapat na kasanayan sa paggamit nito. Lalo lang

pinalalaki nito ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap sa bansa. Lalo lamang

nitong pinatitingkad ang di pagkakapantay ng mga Pilipino batay sa kalagayan sa

lipunan at sa ekonomiya. Ang di pagkakapantay na ito ay masasabi nating isang

isyung etikal kaugnay ng katarungang panlipunan o social justice. Saan ka man

nahahanay sa paghahating ito – salat ka man o sagana sa impormasyong hatid ng


cyberage, may pananagutan ka na matugunan ang isyung ito. Hindi lamang ang

kahirapan ng maraming Pilipino ang suliranin dito, suliranin din ang kasalatan sa

pagbabantay sa ating mga karapatan. Hindi ito dahil sa wala tayong kakayahan; may

kapangyarihan ang boto ng mga mahihirap sapagkat tayo ang nakararami. Gayon pa

man madalas, ipinagbibili lamang ang karapatang ito. Naiipon tuloy ang lahat ng

kapangyarihan sa iilan. Tunay na malaki ang tungkulin ng pamahalaan sa

pagtutuwid sa di-pagkakapantay na ito. Ngunit, sabi nga, paalala ang gamot sa mga

taong nakakalimot (o walang pakialam) – kailangan nating paulit-ulit na igiit ang ating

mga karapatan, lalo na ang ating mga moral na karapatan!

Hindi maipagkakailang isang malaking rebolusyon ang nangyayari ngayon sa

daigdig … isang rebolusyong teknolohikal. Ang tao sa kaniyang pagiging henyo sa

siyensya ay napaliit ang mundo at nagawa ang mga bansang wari’y kapitbahayan na
lamang. Gayon pa man, hindi pa rin niya matutuhang gawing kapatiran ang lahat ng

tao sa mundo. Nakalulungkot dahil ito lamang ang tanging solusyon sa hindi

pagkakapantay-pantay at kawalan ng katarungang panlipunan!

24

You might also like