You are on page 1of 4

Kabataan, Alila na nga ba ng Teknolohiya?

Winika ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na ang mga kabataan ang siyang pag-asa ng
ating bayan. Ngunit sa takbo ng ating makabagong panahon, kasama na yatang binago ang pananaw at
pag-uugali ng ating mga kabataan.

Malaki na nga ang iniunlad ng teknolohiya. Mas naging moderno na ang lahat at hindi na maikakailang
lumalawak na ang ating kaalaman tungkol sa mundo at ito ay dahil sa modernong panahong ating
kinabibilangan ngayon. Kahit saan tayo lumingon halos lahat ay may dala ng gadgets, lahat ay
nakikisabay sa uso. Talaga ngang nabago na ng teknolohiya ang mundo nito ang pagbabago ng mga
kabataan.

Marami rin namang magagandang epekto ang teknolohiya. Umunlad ang antas ng libangan, mas
napadali ang pagresponde sa mga kaganapang, maraming gawain ang mabilis na natatapos at umunlad
pa ng husto ang komunikasyon. Parami na rin ng parami ang mga gadgets tulad ng cellphones, ipods at
laptop. Kaya nga’t marami na ang na eenganyo at sinasariwa ang kakayahang hatid ng mga
teknolohiyang ito sa buhay ng mga kabataan. Ngunit ano nga ba ang epekto ng teknolohiyang ito sa
buhay ng mga kabataan? Sino ba ang dapat sisihin o bigyan ng sisi sa pagkawala ng mabubuting pag-
uugali ng ating mga kabataan?

Napakalaki ng pagkakaiba ng ugali ng mga kabataan noon at ngayon. Marahil dahil ito sa pagkakaroon
ng malawak. Marahil dahil ito sa pagkakaroon ng malawak na pagkakataon upang maipakilala ang
kanilang mga sarili sa pamamagitan ng teknolohiya. Naging tamad, walang respeto at wala modo, yan
ang taguri sa maraming kabataan ngayon na itinuturing na “Pag-asa ang Ating Bayan”.

Napakadali na rin ng pagkuha ng mga impormasyon ngayon, ika nga instant na ang lahat. Maging sa
paggawa ng mga assignments ay maaari nang kumuha sa google . Ngunit kahit sabihing tama ang mga
sagot nito, magiging tama pa rin ba na palagi na lamang umasa ang mga kabataan sa abilidad na hatid ng
teknolohiya at modernisasyon? Hahayaan na lang ba nating patuloy na maging palaasa tayo sa paggamit
ng teknolohiya?

Dahil sa kapangyarihang dulot ng teknolohiya, kapalit naman nito ang mga hindi kanais-nais na nakikita
at natututuhan ng mga kabataan. Hindi naman masamang tangkilikin ang paggamit nito dahil parte na
ito ng ating mundong ginagalawan. Ngunit, sana’y gamitin lamang ito sa tama upang magbunga ng
magagandang bagay at hindi kasamaan. At sa paggamit natin nito, huwag sana nating itaboy ang mga
magagandang kaugalian bantog tayong mga Pilipino at patunayan nating mga kabataan na tayo pa rin
ang “Pag-asa ng ating bayan”.
Youth of Today: Slave of Technology
Dr. Jose Rizal once said that the Youth is the hope of our land. But in the course of
our modern world, it seems that the perspective and behavior of our youth have
been changed.
Technology has developed a lot. Everything has become more modern and there
is no denying that our knowledge about the world is expanding, and this is
because of the modern era we are in now. Everywhere we turn, almost everyone
has gadgets. Everyone is keeping up with the trend. Technology has really
changed the world.
Technology also has many positive effects. The level of entertainment has
improved, responding to events has become easier, many tasks are completed
quickly, and communication has improved greatly. There are more and more
Gadgets such as Cellphones, iPods and Laptops. That's why there are many who
are encouraged and refreshed by the ability that these technologies can bring to
the lives of young people. But what is the impact of this technology on the lives of
young people? Who should be blamed or blamed for the loss of good behavior in
our youth?
There is a huge difference in the behavior of young people then and now. Perhaps
this is due to the presence of a wide. Perhaps this is due to having a wide
opportunity to introduce themselves through technology. Lazy, disrespectful and
unfashionable, that's what many young people today are called.
It's also very easy to get information now, everything is instant. Even doing
assignments can be taken from google. But even if the answers are correct, would
it still be right for young people to always rely on the ability brought by
technology and modernization? Are we just going to let ourselves continue to be
dependent on the use of technology?
Because of the power brought by technology, it replaces the undesirable things
that young people see and learn. It's not bad to enjoy using it because it's part of
the world we live in. But I hope it is only used correctly to produce good things
and not evil. Let us not drive away the good customs we Filipinos are famous for.
Let us also prove to that the youth are still the "hope of our Fatherland”.

You might also like