You are on page 1of 32

BAHAGHARI

Editors
Louise Sofia Usero
Punong Patnugot

Mariel Irabon
Balita Lathala

AJ Virtuz
#LoveWins

Camille Eloriaga
Usapang Babae

Kian Laudes
Usapang Lalaki

Rein Llabore
Match Point

Aj Vituz
Justine Libunao
Jervie Marcelana
Layout at disenyo

Kontributors
Manunulat
John Jake Cristomo
Louise Sofia Usero
Justine Angelo Libunao
Mariel Irabon
Aldrene Mon Handa
Joshua Gerarcas
Shane Carbonel
AJ Virtuz
Allen Zacarias
Christian Laos
Camille Eloriaga
Kate Yamongan
Jan Roushel Raquel
Nicka Rapiz
Kathlyn Binsol
Hannah Remate
Narlyn Balidoy
Jennylyn Llorca
Nicole Anne Santos
Janine Dianopra
Hazel Joy Francisco
Kiano Laudes
Sheena Torejos

Photographer
AJ Virtuz

Kredits
https://weheartit.com
https://google.com

Oppisyal na pahayagan
panlaboratoryo ng Klase sa Filipino
Journalism, FY 2015-16
Departamento ng Mass
Communication

Contents

Balita-Lathala

EDITORS NOTE

#loveWins
Estayl
Usapang Babae
Usapang Lalaki
Match Point
E-Pen

BAHAGHARI MAGAZINE

ng pinaka-unang isyu ng Bahaghari ay naglalaman ng ibat ibang kulay na


sumasalamin sa lipunan. Katulad ng bahaghari na repleksyon ng isang ilaw galing sa mga patak
ng tubig; na nagbubuo ng isang spectrum ng ilaw.
Ilaw na nagbibigay linaw at kulay na nagbibigay buhay sa isang tao. Sa mga artikulo ng Bahaghari mabibigyang linaw ang pagiging parte ng third sex. Isa ito sa mga kauna-unahang magazine na tumatalakay sa homosekwalidad.
Nagbibigay rin ito ng repleksyon sa mga nangyayari ngayon sa ating lipunan. Katulad ng kultura, teknolohiya, larangan ng sports, at mga problema noon hanggang ngayon. Mga ibat ibang
karanasan ng pagiging isang babae at lalaki. Mayroon din kaming mga tips para sa mga lalaki at
babae.
Ang magazine na ito ay magbibigay-kulay sa buhay na maputla. Dagdagan ng Estayl ang
buhay, mag-lakbay, kumain, sabayan ang mga uso at magsaya. Mababasa rin dito ang mga tula
na pupu-kaw sa iyong damdamin.
Sa pagbuklat ng bagong pahayagan na ito, naway magsilbing inspirasyon at may mapulot na
aral sa bawat talata at artikulong inyong mababasa.

On- the - job Training: Epektibo


ni Louise Sofia Usero
Kadalasang ginagawa ng mga studyante sa
kolehiyo ang on the job training o OJT. Dito
mahahasa ang galing ng isang studyante at
mas mapapalawak pa ang kaalaman.
Nag-pamalas
ng
galing
ang
Mass
Communication seniors sa ibat ibang TV at
Radio Stations katulad ng, PTV4, GMA at
RHTV para sa TV. Love Radio at YES FM sa
Manila Broadcasting Company at Philippine
Broadcasting Service.
Natuto akong makipagkapwa tao, makibagay
sa iba at ang pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa anyong pang organisasyonal, sabi
ni Justine Angelo Libunao nag OJT sa GMA
at Bombo Radio.
Sa oportunidad ng pag oojt makakakilala ng
mga personalidad at maswerte na kung makakapag aktual mong magagamit ang mga natutunan mo sa loob ng silid aralan sa labas.
Natutunan ang tamang diction pag nag oonair. Yung tamang pronunciation ng mga
English words at natuto rin ako gumawa ng
news, sabi ni Nicole Santos nag OJT sa PBS
ng Business radio sa DWBR.

Shane Carbone nag OJT sa Power House.

Arianne Mallare ng PTV4


SPORTS. PTV 4 sports na
studio. (imahe sa baba)

Natutunan ko magsulat ng sports news para


sa TV. Natutunan ko rin gumalaw sa production lalo na kapag nagtetaping at saka dapat
may alam ka sa lahat ng bagay kahit basic
lang, sabi ni John Jake Crisostomo nag-OJT
sa RHTV at PTV4.

Escolta: KalyeReyna
ni John Jake Crisostomo and Louise Sofia Usero
Ang Escolta ay dating centro ng mga negosyo. Unti-unti na itong kinakalimutan kaya binubuhay ulit. Magsisimula ito sa pagbigay importansya sa mga nakapaligid dito.
Ang Escolta ay dating centro ng mga negosyo. Unti-unti na itong kinakalimutan kaya
binubuhay ulit. Magsisimula ito sa pagbigay
importansya sa mga nakapaligid dito.

Noon ang Escolta ay isa sa pinaka primyadong distrito nung wala pa ang
Makati. Ang dating abala at maingay na
kal-sada na binubuo ng mga banko,
shopping centers, sinehan, ice cream parlors
at mga opisina ay tahimik na.
@reinllabore

Ang mga organisasyon na tumtulong sa pag buhay ng


Escolta ay: Escolta Commercial Association Incorporation, Bank and Insurance Company branches, Heritage Conservation Society, Heritage Conservation
Society-youth, Barangay 291, City Hall of Manila,
PRRC, DPWH, Intramuros Administartion, MMDA,
DSWD at 98B Art Collaboratory.
Matagal ang pag-unlad ng Escolta sapagkat hindi pa
tanggap ng mga councilors, barangay at mga tao na
nakatira sa Escolta ang Public-Private Partnership.
Kinakailangan din na tumulong ang MMDA na
ayusin ang Escolta dahil hindi sapat ang kakayanan
ng
mga
barangay
para
makagawa
ng
komprehensibong urban development na mga plano.
Utilities service providers are not incentivized to upgrade infrastructure because there are no comprehensive urban development plans upon which they can
project cash flows into sabi ni
Sylinateng at, the challenge is basically making the
best time-of-use of public and private spaces,

Tuloy-tuloy ang ginagawang mga proyekto


para buhayin ang Escolta. Isa na dito ang pag

Sa ngayon may mga tindahan pa din


noon na hangang ngayon ay nasa Escolta pa din. Katulad ng St. James Tailoring
sila ang nakakita ng masasayang araw sa
Escolta, simula pa noong 1949.

update ng mga imprastraktura; layunin nito na gawing matibay at laging magamit ang mga
gusali. Peace and Order Lightning Security Safety (POLSS program), ang proyektong ito ay
solid waste management at emergency readiness and response.
Kasama sa mga plano ng Lungsod ng Maynila ang pag gawa ng tourism highway sa Roxas
Bou-levard hangang Binondo. May mga grupo din ng mga kabataan na nagsasagawa ng mga
aktibidad katulad ng bazaar tuwing sabado upang makilala ang Escolta.
When the neighborhood is empowered, it is better positioned to perform its enabling role in enabling and revitalizing manila, Robert Sylianteng presidente ng First United Building sa Escolta.

@reinllabore

@reinllabore

There is still hope to revive Escolta if


the beggars and pickpockets will be out
of the street. Former city mayors attempted to revive Escolta but none of
them became successful, sabi ni Regalado may-ari ng St. James Tailoring.

Marshmallow 6.0

Ang bagong approach ng App Permision,


halimbawa gusto mong gumamit ng Skype, ang
iyong smartphone ay magtatanong muna kung
ayos ba sayong buksan ang camera at microphone nito para magamit ang smartphone mo.
Ang punto nito ay safe mong magagamit ang
mga features ng smartphone mo, ligtas ka din sa
mga virus at spams na maari mong maka-harap
habang ginagamit ang smartphone mo.

ni Justine Angelo Libunao

Marshmallow 6.0: Isang Bago at Matamis na Platform ng Android Google

Standardize Fingerprint Support, ito ay ang


paggamit ng iyong sariling fingerprint.
Maaring gamiting bilang security lock ng
iyong smart-phone. Kahit na hindi pa
masyadong nagag-amit sa mga android
phones ginagawan na ng paraan ng Android
6.0 Marshmallow, para mas malawak ang mga
taong maaring maka-access ng feature na ito.

Ang sumunod sa Android lollipop 5.0 ay hindi pa nailalabas dahil ito ay nasa developers
pr-view.
Ayon sa Google, ang bagong mobile at tablet na platform OS ay ilalabas sa publiko sa 3rd
quarter ng taong 2015. Pero huwag umasang madodownload mo agad dahil unang magiging
available ito sa mga piling Nexus devices- ito
ang nexus 5, Nexus 6, Nexus 9 at Nexus Player- ayon sa Googles Developer Preview
Public domain @google
Sinabi ng Google na nasa proseso pa lang ito ng
developer preview stage dahil nagfofocus itong
ayusin para maiwasan ang libu-libong bugs na
maaring maexperience ng user. Ang plat-form
na tinawag na Marshmallow 6.0 ay nag-ing
usap-usapan ng ito ay ipahayag ng Google

Doze, ito ang feature na kung saan nalalaman


ng system ng android phone ko kung
ito ba ay nasa resting mode, automatic itong magbaba ng dosage ng power use para
makatipid sa battery ng iyong android phone.
Public domain @google

noong July 2015. Marami ang espekulayong tatawaging meringue , milkshake at, maltball etc, ito ay nagsimula nang unang sinabi ng Google na ito ay papangalanang Android M.
Ano naman kaya ang bago sa dessert- inspired na android platfrom na ito? Isa na dito ang tinatawag na Android Pay. Ang Android Pay ay hinahayaan kang pumunta sa mga stores at i-tap
sa NFC terminal para bayaran ang mga produktong binili mo. Katulad ng Samsung at Apple,
naglabas na din sila ng ganito noon na maari kang makapag bayad sa stores sa pamamagitan ng
smartphone mo o tablet mo.
Ang bagong Google Now Tap feature, ay isang digital personal assitant na kung saan maari
kang makapag search ng lugar, depinisyon atpb, ito ay katumbas ng Siri ng iPhone Apple at
Cortana ng Windows. Sa bagong feature na ito, maari mo ng ma-acces ang Google Now sa
isang tap lamang ng di mo na kinakailanagan bumalik sa homescreen ng iyong device.

Ang USB type C, ito ay ang pagkakroon ng mas mabilis, madali, at matipid na pag chacharge ng iyong
android phone. Direct share and floating bar, ito ay ang pag shashare ng iyong mga files sa
ibang smartphones, tablet at kahit computer, mas mabilis at madaling makita dahil nakalagay sa iyong
floating bar. Simplified volume controls, mas pinasimpleng volume ng android phone, mas
malinis ang control nito, meron sa Music, Alarm clock at Notification ang function nito.
At ang pinaka huli ang Customed Chrome Tab, mas pinadaling surfing experience sa iyong
android phone or tablet. Maaari mong ayusin ang setting ng iyong Google chrome, maari ka kasing
makapag save ng password, cookies, fill forms sa mga websites na iyong pinuntahan.

Marami ang naging improvement ng Android 6.0 Marshmallow. Nabusog ka ba sa apps na


ini-hain ng Android?

NCCA bubuhayin muli ang Manila Metropolitan Center

Bunteens

ni John Jake Crisostomo

ni Louise Sofia Usero

Naglabas ng P9.48 milyon ang Department of


Budget and Management (DBM) upang simulan
ang pagsasaayos sa Manila Metropolitan Theater
o mas kilala sa tawag na Met.
Ayon kay NCCA Chairman Felipe de Leon, ang
Met ang magiging the Peoples Theater
habang gagawin naman sa Cultural Center of the
Philip-pines (CCP) ang ibang mga malalaking
pagtatan-ghal at art exhibits
Ang Manila Metropolitan Theater ang naging
Public domain @google
tanghalan ng mga magagaling na musikero
sa bansa gaya na lamang ni Atang dela Rama. Ang mga pagtatanghal ng zarzuela, opera at
bodabil ay ilan lamang sa mga pinapanuod sa Met.
Sa ngayon, nasa hindi kaaya ayang kalagayan ang Met dahil na rin sa kapabayaan. Sira na ang mga
upuang nagsilbing kanlungan ng mga Pilipinong nais magpakasaya. Ang entabladong tan-ghalan
ng mga magagaling na artista ay nagmistulang fish pond dahil na rin sa butas na bubong
Ikinatuwa ng mga heritage conservationists ang
hakbang na ito ng NCCA. Nais nilang ibalik ang
Met sa dati nitong ganda simula nang magbukas
ang mga pintuan nito noong dekada trenta. Ang
Met ay idinesenyo ng arkitektong si Juan Arellano.
Siya rin ang nagdisenyo ng gusali ng Post Office at

Pambansang Museo.
Ang mga gusaling naging parte nang ating kasaysayan ay hindi dapat pabayaan sapagkat ito ang sumasalamin sa ating bilang mga Pilipino. Naway
masilayan pa ng susunod na henerasyon ang Met

Noong una naisip ko siya ipalaglag, nag sisi ako nung


una. Pero nung nakita ko siya, nahawakan at nakita ko
na lumaki na realize ko na napakaswerte ko, sabi ni
Ang edad na 13-19 Charlene Marie Rodriguez Ramos. Nagkaanak noong
ay stage kung saan 16 taong gulang pa lamang siya at ngayon ay mag isa
nag eexplore ang na niyang binubuhay ang kanyang anak.
bata sa pagkilala sa
sarili dahil sa pana- 29% na kabataan ang napilitan na makipagtalik;
hon na ito binibig- habang 24% ang nagsabi na may ginawa silang sexual
yan ng magulang con-tact na hindi nila ginusto ayon pag-aaral ng
ng sense of respon- Kaiser Family Foundation noong 2005. May ginawang
sibility at ng kagrupo ang gobyerno ng bansang United Kingdom na
layaan ang isang
The teen-age pregnancy strategy. Layunin ng grupo na
tao. Pag binigyan
bigyan ng impormasyon ang mga kabataan sa mga
naman ng sobrang
epekto ng maa-gang pakikipagtalik.
kalayaan ang isang
binata o dalaga
Sobrang hirap maging single mother hindi mo naminsan maling langagawa yung mga gusto mo at yung mga dapat sayo
das ang tinatahak
napupunta sa kanya pero pag nakikita mo na masaya at
nito.
malusog siya nawawala lahat ng hirap na nararamdaTumaas ng 70% man ko, at kahit na naging single teenage mother ako
Public domain @google ang teenage preg- proud na proud ako at hindi ko siya kinahihiya. Si baby
ang naging strength ko at bumuo ng pagkatao ko, sabi
nancy sa loob ng sampung taon na may bilang na 114, 205 ni Ramos.
noong 1999 na umabot ng 195, 662 noong 2009. Sa resulta ng 2013 National Demographic & Health Survey, isa sa Tumataas kada taon tuwing 10-year period ang bilang
sampung dalagang Pilipino ay nagdadalang tao na 8% ay ng mga batang Ina at ang one-fifth ng populasyon
nanay na at 2% ay nagdadalang tao na.
o 16.5 millyon na may edad na 15 to 24 ay kabilang sa
batang ina, ayon sa Philippine Information Agency. Sa
Nasa 24 na mga sanggol ang ipinapanganak kada isang 2030 tinataya na mas tataas pa ito sa 30 milyon.
oras ang dalagang Pilipino ayon sa Philippine Satistical
Author-ity. Kung may pinapanganak meron din hindi ito Wag pabigla-bigla sa desisyon. Isipin lahat ng consetanggap. Sa Pilipinas may mataas na abortion rate, 25/1000 quences bago gawin yung mga bagay na yun. Its a big
na babae ay nagpapalaglag. Dahil na rin sa mga hilot at responsibility, payo ni Ramos sa mga kabataan ngaykahit na hindi sigurado ang buhay mo ditto, marami pa rin on.
ang lum-alapit

Ma buntis ako, isa sa mga linyang kinakatakot na marinig ng isang magulang sa kanyang dalagang anak.

tahanan ng mga magagaling na artistang Pilipino.


Simula pa lamang ito ng mga rehabilitasyong gagawin ng NCCA sa Met. Nangangailan sila ng
mga enhinyero at eksperto upang siguruhin ang tibay ng istruktura. Nais rin nilang hingin
ang tulong ng mga pribadong kumpanya upang mas mapadali ang pagsasaayos ng Met

10

Ang Kultura at si Ligaya Fernando - Amilbangsa


ni Narlyn Balidoy
Sa isang bayan kung saan bawat sulok ay may digmaang
nagaganap, mahalaga na hindi mawala sa isip at puso ng
mga mamamayan ang taglay na kahalagahan ng kultu-ra,
ang nag-uugnay sa bawat isa sa pamamagitan ng mga
tradisyon at pagkakaiba.
Public domain @google

Isa sa mga naging instrumento ng nag prepreserba ng kul

turang Pilipino sa kapuluan ng Sulu ay si Ligaya Fernando- Amilbangsa. Galing sa isang kilalang
Katolikong pamilya sa Marikina, Metro Manila, si Ligaya ay napadpad sa bayan ng Sulu noong

siya ay nag pakasal sa kanyang Muslim na kasintahan. Dito ay nakilala at minahal ni Ligaya
ang mayaman na kultura ng Muslim; daan upang siya ay maging aktibong cultural researcher,
guro, artist at advocate ng indigenous arts ng southern Philippines.
Kilala si Ligaya ng pag-aaral, pangangalaga, pagsasanay at pag-promote ng sayaw na pangalay o ang pagaalay ng mga kaloob at temple of dance sa Sanskrit. Ang pangalay ay isang
pre-Islamic na sayaw ng mga Samal, Badjao, JamaMapun, at Tausug sa mga probinsya ng Sulu
at Tawi-Tawi. Ito ay mayroong mga mayaman na istilo na isinasayaw tuwing kasalan at mga
piyesta at maiuugnay sa isa pang klasikal na tradisyong sayaw sa Southeast Asia.
Nabighani si Ligaya sa kagandahan at importansya ng kultura ng kapuluan ng Sulu, kaya naman
labis ang kanyang kalungkutan na ng makitaang pa lang ay ay unti-unti nang nawawala sa tradisyon. Dahil rito, ibinuhos niya ang kanyang buhay upang lalo pang pa-igtingin ang sayaw; pag
tuturo gamit ang isang paraan na kanyang binuo, pag-taguyod nang choreography at pagsasagawa
ng mga palabas, at pag kakalap nang kagandahan nito sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga panayam, palabas, mga sulating ng pangalay, at mgasining ng kapuluan ng Sulu.

Naging inspirasyon si Ligaya sa pag kakabuo sa isang performing arts groups na binubuo ng
ilang dance scholars at propesyonal sa Asya na nag papalabas ng tradisyonal at makabagong
pangalay sa loob at labas ng bansa. Noong 1999, bumalik si Ligaya sa Maynila kung saan binuo
niya ang Alun Alun Dance Circle (ADC) at ginawa niyang dance studio ang kaniyang tahanan
bilang isang dance studio para sa pagaaral, pagtuturo, at pagsayaw ng pangalay.
Para kay Ligaya, ang mga tradisyonal na sayaw tulad ng pangalay ay dapat nakalingain bilang
isang tradisyon na nag uugnay sa mga mamamayan at sa komyunidad. Dahil na rin sa mabilis
napagbabago ng panahon, inangkop narin ni Ligaya ang makabagong mga kanta sa pagsayaw ng
pangalay at paghahatid ng mensahe sa bayan tungkol sa mga karapatan ng kababaihan at konserbasyon ng kapaligiran. Dahil sa patuloy napag-lilinang ni Ligaya sa tradisyon na pangalay, siya

11

ay isa sa mga tumanggap ng 2015 Ramon Magsaysay Award sa Cultural Center of the Philippines
noong ika-1 ng Setyember 2015. Ang Ramon
Mag-saysay Award ay ang pinakamataas na
karangalan sa Asya at itinuturing bilang katumbas
ng Nobel Prize.
Dahil sa patuloy napag-lilinang ni Ligaya sa tradisyon na pangalay, siya ay isa sa mga tumanggap
ng 2015 Ramon Magsaysay Award sa Cultural
Public domain @google Center of the Philippines noong ika-1 ng
Ang medalya at sertipikasyon kay Ligaya Fernan-do- Setyember 2015. Ang Ramon Magsaysay Award
Amilbangsa (kanan) bilang isa sa mga 2015 Ra-mon ay ang pinakamata-as na karangalan sa Asya at
Magsaysay awardee sa Cultural Center of the
itinuturing bilang ka-tumbas ng Nobel Prize.
Philippines na Ibinigay ni Pangulong Aquino

TransPOORtasyon
ni Mariel Irabon
Usok, busina at trapik: ito ang mga kaibigan mong Sa pahayag ni Chairman Representative. Cesar
Sarmien-to nais niyang ipagpatuloy ang reporma para
makakasalamuha sa bawat sulok ng ka-Maynilaan.
sa Philip-pine National Railways. The PNR is in need
Nakadikit na sa kultura at kabihasnan ng mga Pilipino of massive rail reforms. Its system is obsolete and
ang transportasyon. Ngunit sa pag-usbong ng makaba- results in losses in revenue potential. More importantly,
gong teknolohiya ay umuurong ang kakayanan ng ating the aged railway system may one day pose a threat to
mga kaalaman sa tamang paggamit ng transportasyon. the safety of its rid-ers, dagdag pa niya.
Kabi-kabilang trapik, mahaba at siksikan na pila sa
LRT/MRT, makalumang riles ng tren ng PNR at iba pa. Simula noong Agosto 2014 nang madiskarila ng MRT
Kaya tanong ng karamihan, ano nga ba ang rason kung sa kanyang riles sa may Taft Avenue station, ay patuloy na ang pagkakaroon ng malfunction ng nasabing
bakit transPOORtasyon pa rin tayo?
transportasyon. Naging epekto nito ay ang mahaba at
Ayon sa pag-aaral ng Land Transportation Office o siksikang pila. Dahilan nito, naglabas ng announcement
LTO, patuloy ang pag taas ng bilang ng mga sasakyan ang Department of Transportation and Communication
na inirerehistro sa bansa. Dahilan upang ipaayos at natataas ang pamasahe sa MRT/LRT ng isang piso kada
mas palakihan ang mga kalsada na dinadaanan sa kilometro.
Metro Manila.
Itinuring ng website na cheatsheet.com na One of the
Sa datos ng Automobile Association Philippines o AAP top 10 worst airport in the world ang NAIA terminal 1.
na nakuha mula U.N. ay mahigit 1.3 milyong katao ang Kamakailang dineklarang Worlds Worst Airport ang
namamaty sa buong mundo dahil sa disgrasya sa kalsa- NAIA-1. Kaya naglaan ng 1.299 Billion Project ang
da, 70% naman ng kabuuan ay galing sa mga develop- DOTC upang misaayos ang kakulangan ng mga
ing countries kagaya ng Pilipinas. Sa report naman ng kagami-tan sa ating paliparan.
Japan International Coorperation Agency (JICA), nanganganib na mawalan ng 6-Bilyong piso ang Pilipinas Ayon kay MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino,
Ang solusyon talaga is to modernize our mass transport
dahil sa trapik sa taong 2030.
system pag-improve ng ating railways, etc.

12

Handa na ba sa
THE BIG ONE?
ni Aldrene Mon Handa
The Big One- ito ang tawag ng mga eksperto sa kina- Nakasaad sa Section 1.01.08 ng Republic Act No.6541
tatakutang isang malakas na lindol na maaaring tumama o ang National Building Code of the Philippines na
sa Metro Manila.
itinuturing na Dangerous Building ang isang istraktura kung ang hagdan, labasan, o pintuan ay hindi sapat
Isang 7.2 magnitude na lindol ang sinasabing yayanig
ang laki at lawak sakaling magkaroon ng sakuna. Kasasa lungsod ng maynila dahil sa paggalaw ng West Val- ma na rin ang kakulangan sa Fire-Extinguisher.
ley Fault System na binabaybay ang bahagi ng Quezon
City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig at Muntinlupa.
Sa pahayag naman ni Philvocs Director Renato SolAyon sa Phivolcs, tinatayang 30,000 na katao ang mam- idum, kanyang sinabi na People should know what
amatay sakaling dumating ang lindol.
to do before, during and after the earthquake. Part of
the plan should be knowing how you respond, how you
Kaya noong ika-30 ng Hulyo, isinigawa ang malawakang evacuate from the building and to an open area. The
Earthquake Drill sa maynila upang mapaghandaan ang open area has to be a safer area.Shaking does not kill,
delubyo. Isa sa nakilahok sa nasabing aktibidad ang
collapsing buildings do
Emilio Aguinaldo College sa ganap na 10:30 ng umaga.
Lahat ng mga empleyado, estudyante, at professor ay na- Ayon sa pag-aaral ng Philvocs, 369 na taon na ang nakiisa. Ngunit sa kabila ng paghahandang ginawa, talaga kalipas ng gumalaw ang West Valley Fault System at ito
nga bang handa na ang eskwelahan sa The Big One? ay gumagalaw sa loob ng 400 na taon. Kaya anumang
oras mula ngayon, ay posibleng gumalaw ang fault sysSa may paco park po kami nagpunta matapos ang kun- tem.
waring pagyanig. Ngunit may kalayuan ang Paco Park
dito sa kolehiyo ayon kay Justine Angelo Libunao,
Pagpapaalala ni Solidum sa mga tao, Ang hirap pagisang Mass Communication student.
katapos ng disaster sa dami ng nasalanta, sa dami ng
Ayon naman sa obserbasyon ng isa pang estudyante, ay namamatay. Pero mababawasan ito kung tayo mismong
sinabi nitong napakaliit ng mga labasan sa Building E-5. mga private citizen, ay inaayos na rin natin ang ating
Kayat kung sakaling dumating ang totoong lindol, ay
mga tinutuluyang mga bahay at mga gusali. Otherwise,
maaaring magkaroon ng stampede o pagsisiksikan. Isa it will be overwhelming,
pa ay ang kakulangan sa Fire- Extinguisher. Bawat sulok
ay may lalagyan ng Fire-Extinguisher ngunit walang la- Kaya Emilian, matapos mong basahin ang artikulong
man ang loob ng lalagyan.
ito, masasabi mo bang handa ka na sa The Big One?

13

Pulang Laso
ni Joshua Gerarca
Ang HIV AIDS ay isa sa mga maiinit na usapin ngayon
sa lipunan dahil na rin sa patuloy na paglobo nito sa ating
bansa. Kaya naman patuloy ang pangangampanya ng Department of Health (DOH) na maging maingat upang di
makakuha ng nakakahawang sakit.

o lymph nodes na tumatagal ng may tatlong buwan,


pag- ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng
may higit sa isang buwan, madaling mapagod ka-hit
wala namang ginagawa, ng pagbaba ng timbang,
pangangayayat, mga sugat o sakit sa balat na hindi
gumagaling, at ang pagtatae. Maaaring tumagal ang
Ayon sa DOH, 22 na katao kada araw ang tinatamaan ng impeksiyon simula 5-10 taon bago maging ganap na
HIV/AIDS kung saan karamihan sa mga ito ay nasa lu- AIDS ang sakit.
gar ng National Capital Region (NCR), CALBARZON,
Davao at Central Luzon. Karamihan sa mga nagiging Ang HIV AIDS ay maaring maiwasan kung hindi
bik-tima ng nasabing sakit ay ang mga kabataan na nasa makikipagtalik sa ibat ibang tao dahil malaki ang
posibilidad na magkaroon ng ganitong sakit. Lalaki
edad 15-24.
man o babae maaring magkaroon nito dahil ang
Ang Human Immunodeficiency Virus / Acquired Immu- kada-lasang sanhi ng HIV/AIDS, ang pakikipagtalik
nodeficiency Syndrome ay isang sakit kung saan na walang proteksyong gamit.
tuluyan nitong sinisira ang immune system ng isang tao.
Maaring magkaroon ng ganitong sakit ang kahit na sinuman,
dahil ito ay naiisasalin sa pamamagitan ng; pakikipagtalik ng
walang proteksyon, pagsasalin ng kontaminadong dugo,
paggamit ng karayom sa pagpapatattoo at ang pasasalin ng
isang inang may HIV/AIDS sa kanyang anak nung sya ay
nagdadalangtao pa lamang.

Ang Paggamit ng proteksyon ay makakatulong para


maiwasan ang ganitong sakit at ang pag iwas sa
droga o bawal na gamot na ginagamitan ng ineksyon.
Malaki at mabilis ang posibilidad na makakuha at
mahawaan ng HIV ang isang tao kapag ang isang
karayum ay kontaminado ng dugo ng isang positibo
sa HIV.

Kadalasan ang sakit na ito ay minsan hindi agad-agad nakikita o lumalabas at kung minsan naman itoy lumalabas Ingatan ang kalusugan, dahil ang kalusugan ay ating
na lamang kapag malala na ang sakit ng isang nagpositibo kayamanan na pwede nating pagyamanin at alagaan.
HIV. Ngunit may mga madaling palatandaan o sintomas
ang HIV/AIDS katulad na lamang ng; pamamaga ng kulani

14

Masamang Epekto ng Pag-seselfie


ni Shane Carbonel
SELFIE- A photograph that one has taken of oneself, typically one taken with a smart phone
or webcam and uploaded to a social media website- Oxford Definition.
Nobyembre ng taong 2013 nang pormal ng idagdag at
idekla-rang Oxford Dictionaries of the Year ang salitang
SELFIE sa kadahilanang isa ito sa naging bukang-bibig ng
mga tao noong taong iyon. Ayon sa isinagawang language
research ng Oxford Dictionary noong, ang salitang SELFIE
ay halos 17,000% ang tinatayang bilang o percentage ng
paggamit ng salitang ito simula pa noong taong 2012.

Public domain @google

Ano nga bang naitutulong ng SELFIE para sa ating self esteem? Ang pagse-SELFIE nga ba araw-araw at ang pagpost
ba nito sa social media ay normal na lang na Gawain?

Ayon kay Josie Howard, M.D, isang board certified psychiatrist at miyembro ng Simple Skincare

Advisory Board. Depende daw kung paano at kung saan mo ginagamit ang SELFIE mo. Ayos
lamang daw itong gawin kung gagamiting pagdokumento dahil sa maganda ang pakiramdam
mo sa sarili mo o di kayay ginagawa mo lamang ito upang magkaroon ka ng remembrance sa
isang magandang pangyayari sa iyong buhay. Ngunit kung ginagawa mo lamang ito upang
magpa-im-press o di kayay magmukhang maganda sa social media ay hindi na raw ito ayos. Ito
raw ay empowering na.

Kailan nga nagiging problema ang pagse-SELFIE? Those seeking reassurance and approval
through selfies consistently take themselves out of social interaction, sabi ni Dr.
Howard. Ang pagkakaroon daw kasi ng maraming likes sa Facebook at iba pang social media
sites ay nakakata-as ng self esteem ng isang tao na nagiging dahilan ng problema dahil imbes na
ginagawa lamang natin ito upang magdokumento ng isang mahalagang pangyayari sa ating
buhay ay ginagawa na natin ito upang magpa-impress sa social media.
Kadalasan nagse-SELFIE lamang tayo kung tayo ay nasa bakasyon, o di kayay nasa isang
party at ina-upload lamang natin ito sa social media dahil gusto nating magupdate ng ating
social me-dia. Ngunit sa panahon ngayon, ang pagse-SELFIE ay para nang isang epidemya na
kumakalat hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba ring mga bansa, mapalalaki man o
babae, anuman ang edad ay nagse-SELFIE na rin. Maganda man ang pagse-SELFIE ay maaari
rin itong makasira sa ating self esteem.
Lagi kong tinitignan kung ilang likes ang nakuha ko, natural nagiging
masaya ako pag mas maraming like ang nakukuha ko, nagiging mas
confident ako sa itsura ko, sabi ni Karl Burgos, 18 years old. Sa
pagtingin ko ng ibang picture na mas maraming likes, ginagaya ko ang
kanilang istilo o pag-ngiti pati na rin ang pananamit, dagdag pa niya.

Walang masama sa pagkuha ng selfie, nasa satin kung paano


ang ma-giging epekto nito sa ating sarili. Una ay ang iyong dahilan,
sunod ang expectation at huli ay kung paano mo i-hahandle ang mga
feedback na iyong matatanggap.
Ipinapakita lang nito na ang pagse-SELFIE ay totoong nakakaapekto sa pagtaas ng ating self esteem. Ginagawang daan ito ng mga
kabataan upang maipahayag nila ang saloobin at personalidad.

Public domain @google

Dalawa sa tatlong tao na aking tinanong ang nagsasabing nagse-SELFIE sila kapag sila ay bored at
kung minsan ay kapag kasama nila ang kanilangmga kaibigan. To collect memories, because
when you look at the selfie again, you can always
remem-ber that moment. Ayon kay Crixxel Olive Adriano,
17 taong gulang, estudyante ng Divine Mercy Foundation Inc.

Ayon nga kay Dr. Howard ay ayos lamang na raw ito dahil
nga ginagawa nya lang ito upang mangulekta o magkaroon
ng remembrance. Of course when I gain many likes I feel
like Im so beautiful in that photo, and in contrast when I
gain few, I just want to delete the photo because it seems
that it is not that good and they dont appreciate it.dagdag
ni Adriano.

15

Public domain @google

16

Homosekswalidad:
Kasalanan nga ba?
ni AJ Virtuz
Sa makabagong mundong ating ginagalawan maraming mapang-husga. Merong ibat ibang
pananaw sa buhay at mga bagay, kasama na rito ang Homosekswalidad.
Maraming nag-sasabing kasalanan daw ang pagiging isang Bakla o Tomboy; ngunit anuano nga ba ang mga sukatan para masabing makasalanan ang isang tao? Dahil ba isa siyang
lalaki, subalit ang lakad niya ay parang babae? Dahil hindi naayon ang suot niya sa
kanyang sekswalidad? O baka naman mas higit pa diyan ang makipagrelasyon ang lalaki
sa kapwa niya lalaki, babae sa kapwa niya babae?
Naaalala ko nun, habang nakikipag-debate ako sa maka-Diyos kong kaibigan, sinabi niya na
wala naman daw talagang pinanganak na Bakla/Tomboy. Sa impluwensya raw yun ng mga
taong nasa paligid niya hanggang siya ay lumaki. Totoo naman, masasabi ko na naimpluwensyahan lang din ako ng mga tao sa paligid ko para maging ganito maging Bading.

Sinabi rin niya na may identity crisis lang daw ako, ibig sabihin nun ay hindi ko pa talaga
lubusang kilala ang sarili ko, na nag-eexplore pa raw ako sa mundo. Nakakatuwa lamang
isipin na mas kilala niya ako higit pa sa mas kilala ko ang sarili ko. Dagdag pa niya na
ayaw ng Diyos sa Bading/Tomboy, hindi raw kami tatanggapin sa Langit. Labis kong
ikinalungkot ang narinig ko.
Bakit? Ayaw ba ng Diyos na maging masaya ako?
Matapos naming mag-usap ay hindi ko maiwasan na lubusang mag isip-isip. Bakit bawal
kami sa langit? Masama bang maging isang Bading? Masama bang sundin yung bagay na
alam mong magiging masaya at malaya ka?
Subalit sa dalawampung-taong inilagi ko sa mundo ay marami akong natutunan at napag-tan-to.
Ayos lang na maging isang Bading/Tomboy, basta mayroong limitasyon. Limitasyon sa lahat
ng bagay na alam mong bawal. There is no absolute freedom, ika nga nila. Kung ma-laya
talaga tayo, magiging magulo na ang mundo at maraming krimen ang lalaganap. Hindi katulad
sa ibang bansa na mas tanggap ang mga katulad ko, dito isa lang naman ang hiling namin na
matuto sana tayong umunawa at rumespeto anuman ang kasarian ng mga tao.

Love knows happiness, not gender. Ika nga nila.


Hindi man kami tanggapin sa langit, edi dun nalang kami sa Bahaghari.

18

May Forever din Kami.

ni Christian Laos

ni Allen Zacarias

3months lang ang itataga lniyan.


Pera lang ang habol niyan sayo.
Magsasawa rin yan.
Maghahanap din ng TOTOONG lalaki
yan. Hindi siya magiging Masaya sayo.
Sa umpisa lang yan.
Ilan lamang yan sa mga kataga na maririnig at matatanggap natin sa mga taong akala natin ay tunay na makakaunawa kapag pumasok tayo sa isang relasyon na medyo hindi pangkaraniwan para sa karamihan. Mahirap,
masakit at magulo ngunit mag sisilbi rin silang inspirasyon upang pagtibayin pa ang na simulang relasyon.
Nagsimula ang lahat sa isang lihim; lihim na pagkiki-ta,
pag sundo at pag hatid hanggang sa maging lihim na
relasyon. Kaakibat lagi ng kasiyahan ang takot na malaman ng lahat kung anong klaseng relasyon ang namamagitan sa bawat third sex sa bansa. Hindi sa kinakahiya
natin kung anong mayroon tayo, ayaw lang natin na umabot pa ito sa pamilya ng bawat isa na alam din naman
natin na ang magiging bunga nito ay ang paghihiwalay.

Masasabi nating hindi talaga sila pare-pareho. Yung


ibang nakakaunawa sasabihin sayo, Sundin mo kung
saan katalaga magiging masaya, habang yung iba na
man na kunwari ay mas makakabuti raw sayo at para
sayo rin naman ang opinion nila, ang sasabihin nila
Nako pag naging kayo ng tomboy/bakla na yan hindi
ka na namin papansinin kahit kailan. Isa lamang yan sa
mga banta na maaaring matanggap ng isang straight na
babae/lalaki na papatol sa isang third sex.
Pamilya; sila yung mga taong pinaka-makakaapekto sa

Paano maging isang


mabuting Boyfriend?

magiging desisyon mo sa buhay at higit sa lahat


makakaunawa sayo sa mga panahong pilit kang hinihila pababa ng mga tao sa paligid mo. Anot-ano man
ang maging desisyon mo, maaaring magalit sila sayo
ngunit bandang huli ayan diyan pa rin sila para sayo.
mapatunayan na mayroong forever.

Matuto tayong mag desisyon para sa sarili natin,


maaaring may mga mali ngunit sigurado tayong hindi
natin pagsisisihan ang isang bagay dahil sa hindi
natin sinubukan ipaglaban. Matuto tayong alamin sa
sarili natin kung ano nga ba talaga ang mag papasaya
sa atin kahit maging iba tayo sa paningin ng mga tao
na hindi kayang umunawa.
3 months lang yan, isang pinakamalaking sampal
sa akin noong sinabi yan sa girlfriend ko. Alam kong
hindi natin malalaman kung ano ang hangganan ng
mga bagay-bagay ngunit Masaya ako na sa loob nang
3 years at 4 months ay kami pa rin. At sa wakas natahimik na rin yung mga taong nagbibigay ng
expiration date sa relasyon namin, siguro na pagod
na rin sila sa kabibilang.
Sa dami ng natanggap naming na masasakit na salita,
ginawa naming sandigan ang isat-isa. Natuto kaming lumapit at magpasalamat sa Diyos sa bawat araw
na binibigay sa amin, masaya man o malungkot ang
mga pangyayari. Marami man ang mga pinagdaanan
at pinagsamahan, sa ngayon, alam naming pareho na
hindi pa kami handa sa salitang FOREVER. Hanggat
magkasama kami at nag mamahalan, pipilitin naming
mapatunayan na mayroong forever.

Lahat naman tayo nag nanais na magkaroon ng relasyon na perpekto. Naghahangad ng taong iintindi at tatanggapin nang walang pag-aalinlangan. Maraming
paraan upang maging mabuting kasintahan para patibayin ang isang relasyon.
May ibat ibang tungkulin ang pagiging isang boyfriend na kailangang
gampanan. Katulad ng:
1. Ilabas ang galing mo
Walang sino man ang nais na makarelasyon ang taong walang mithiin sa buhay at
wala ring ginagawang kilos upang makamit ang mataas na estado ng buhay. Lahat
tayo mayroong sariling flaws pero ang tunay na lalake ay kayang itama ang
mali para mas maging mabuti ang hinaharap na buhay. Dahil kung ikaw hindi
magiging proud sa sarili mo, paano magiging proud ang boyfriend mo sayo?
2. Mahalaga ka rin sa akin.
Natural sa magkasintahan ang iparamdam na mahalaga sila, ngunit minsan nakakalimutan nila na sila ay mahalaga rin. Pumasok kayong dalawa sa relasyon at
handa kang gampanan ang responsibilidad bilang boyfriend. Tandaan kailangan
ding maramdaman ng karelasyon mo na secure siya sa relasyon na mayroon
kayo na kahit tapos na ang stage ng ligawan ay ipinapaaalala at ipinapakita mo
pa ring mahal mo siya.
3. Ipagmalaki mo siya
Marami paring gay couples ang tila napaparanoid pag dating sa pag-hoholding
hands sa pampublikong lugar. Nasa makabagong panahon na tayo, hindi man
lubusang tanggap pero unti-unti ng mas nagiging malaya. Ipakitang wala kang
paki-elam sa sasabihin ng iba, na proud at masaya ka sa relasyong mayroon
kayo. 4. Kilalanin siyang tunay
Lagi kang maging interesado na may matutunang bago tungkol sa kanya, mapatao, bagay, o nakaraan pa man niya yan. Gumawa ka ng paraan para kilalanin
siya. Oras na mas makilala mo kung sino ba talaga ang ka relasyon mo ng
walang halong pagkukunwari doon ka mas makakahanap ng malalim na
pagmamahal sa kanya. Laging handy ang mga impormasyon na yan lalo na
kapag may bibilhin ka ng regalo.
5. Patawanin mo siya, lagi.
Kahit na ang boyfriend mo ang pinakagwapong lalake sa mundo mawawalan siya ng
saysay kung hindi ka niya mapapangiti. Konting sense of humor lang. Kailan-gan
niyong magkaroon ng espesyal na ugnayan sa pamamagitan ng pagtawa, dahil sa
bawat masayang ala-ala magkakaroon ng matibay na pagsasama. Maniwalang ang
pag-ngiti ay tutulong sa baku-bakong daan sa inyong relasyon. Lagi mo si-yang
pasiyahin at ipakita mo rin sa kanyang masaya kang kasama siya.

Katatagan ng Kababaihan
ni Camille Eloriaga
Matatag, maasahan at walang kinatatakutan. Ganyan
na ngayon ilarawan ang mga kababaihan. Maraming
mga batang ina ang nagpakita ng katatagan, mga lolang nag papatuloy sa buhay sa kabila ng katandaan,
babaeng mag-aaral na nanguna sa kanilang paaralan
at mga babaeng atleta na nagbibigay karangalan para
sa inang bayan. Tunay nga na ang kababaihan ay
may ibubuga na sa lipunan.

USAPANG BABAE

Ang mga kababaihang ito ay nag pamalas ng kalakasan


at tapang upang ipaglaban ang karapatan at kaisipang
dapat ay matagal na nilang nilabas o ipinakita tulad ng
pagtra-baho para sa kanilang pamilya.

Noon ngay inilarawan ni Rizal sa kanyang likhang


sanaysay na Sa mga Kabataang Dalaga sa Malolos,
ang mga katangian ng mga kababaihan na sumasalungat sa imahe ng matagal nang nabuo sa ating isipan.

Isang patunay ang salaysay ni Rizal na ang mga


kababai-han magmula pa noon ay maituturing na may
malaking parte at may maiaambag sa lipunan. Dahil
kapag ang isang babae ay may katangian na sunodsunuran ay hindi ibig sabihin na ganun na din ang iba.
Kapansin-pansin sa ngayon na marunong ng mag labas
ng hinaing ang mga babae at kaya nila itong ipaglaban
kahit na sino pa man ang kanilang makaharap.

Binanggit niya na ang dalaga sa nasabing lugar ay


hin-di ayon sa kung anong nalalaman natin sa kanila
sa-pagkat nasaksihan niya ang mga kababaihan dito
na inaakala niyang karaniwan lamang na nagluluto,
na-glilinis, nagsisilbi ay tila kanila na mismong mga
ka-tawan at isipan ang bumasag sa imaheng ito.

Iba-iba man ang katangian ng mga kababaihan, ngunit


sila ay may kanya-kanyang kakayahan. At ang mga kakayahang iyon ay maaaring maging daan para sa
ikauun-lad ng ating bayan. Madapa man sila ngunit
marunong silang bumangon para muling magsimula at
masabing sila ay mga babaeng palaban.

Pamantayan ng Lipunan
ni Camille Eloriaga at Kate Yamongan
Matatag, maasahan at walang kinatatakutan. Ganyan
na ngayon ilarawan ang mga kababaihan. Maraming
mga batang ina ang nagpakita ng katatagan, mga lolang nag papatuloy sa buhay sa kabila ng katandaan,
babaeng mag-aaral na nanguna sa kanilang paaralan
at mga babaeng atleta na nagbibigay karangalan para
sa inang bayan. Tunay nga na ang kababaihan ay
may ibubuga na sa lipunan.

Ang mga kababaihang ito ay nag pamalas ng kalakasan


at tapang upang ipaglaban ang karapatan at kaisipang
dapat ay matagal na nilang nilabas o ipinakita tulad ng
pagtra-baho para sa kanilang pamilya.

Binanggit niya na ang dalaga sa nasabing lugar ay


hindi ayon sa kung anong nalalaman natin sa kanila
sapagkat nasaksihan niya ang mga kababaihan dito
na inaakala niyang karaniwan lamang na nagluluto,
naglilinis, nagsisilbi ay tila kanila na mismong mga
katawan at isipan ang bumasag sa imaheng ito.

Iba-iba man ang katangian ng mga kababaihan, ngunit


sila ay may kanya-kanyang kakayahan. At ang mga kakayahang iyon ay maaaring maging daan para sa ikauunlad ng ating bayan. Madapa man sila ngunit marunong
silang bumangon para muling magsimula at masabing
sila ay mga babaeng palaban.

Isang patunay ang sanaysay ni Rizal na ang mga


kababai-han magmula pa noon ay maituturing na may
malaking parte at may maiaambag sa lipunan. Dahil
kapag ang isang babae ay may katangian na sunodNoon ngay inilarawan ni Rizal sa kanyang likhang sunuran ay hindi ibig sabihin na ganun na din ang iba.
sanaysay na Sa mga Kabataang Dalaga sa Malolos, Kapansin-pansin sa ngayon na marunong ng mag labas
ang mga katangian ng mga kababaihan na sumasalun- ng hinaing ang mga babae at kaya nila itong ipaglaban
gat sa imahe ng matagal nang nabuo sa ating isipan.
kahit na sino pa man ang kanilang makaharap.

22

Mahal kong Sister


ni Roushel Raquel
Ang lumaki kasama ang mga kapatid na babae ay
isang napaka-saya at nakaka-asar na experience sa buhay. SISTER o ATE kung ating tawagin, sila ang ating
tatakbuhan at makakasama sa lahat. Ang babaeng
hinding hindi tayo iiwan, ilalaglag at huhusgahan.
Mag aaway sa napakaliit na bagay, mayroon kang instant enemy pero minsan sila din naman ang ating
nagiging takbuhan sa oras na tayo ay may problema lalo
na kung itoy tungkol sa lovelife, friendship, at kung ano
ano pang bagay na tanging babae lamang ang na-kakaalam. Narito ang ilan sa mga bagay na tanging sa mga
kapatid lamang nating babae mararanasan:

Ang Tunay na Kagandahan


ni AJ Virtuz at Roushel Raquel
Ano ang pinaka-pangunahing aspeto ng iyong personalidad? Bakit?
Yung pagiging honest ko siguro. Kasi masarap mabuhay na alam mong wala
kang tinatago e, na alam mong totoo at tapat ka sa sarili mo saka sa mga tao sa paligid mo.
Ano ang pinaka-gusto mong kalidad sa isang babae?
Para sa akin? Confidence. Naniniwala kasi ako na wala sa pisikal na aspeto yan para
masabi mong tunay kang maganda, basta confident ka na maganda ka, edi maganda ka.

Ano ang pinaka-ayaw mo sa ugali mo?


Kulang ako sa confidence, ang ironic no? Gusto kong ma-boost pa yung confidence ko.

Kaya nagpapasalamat ako sa mga kaklase ko na nag make-up at nag-picture sa akin kasi
na realize ko na kagaya ka ng sabi ni Toni Gonzaga, May i-gaganda pa pala ako.
Ano ang short-term at long-term goal mo?
Ang short-term goal ko syempre makapag-tapos ng pag-aaral. Long-term goal ko
naman is matupad ko yung pangarap kong makapag-work sa media. At syempre masuklian
yung paghihirap ni Mama saka ni Papa para lang mapag-tapos ako ng pag-aaral.

23

Magsisisihan sa isang napakaliit na bagay tapos sa huli


magkaka-ayos din kayo dahil isa na sa inyo ang nag
wagi. Di ba ang exciting? Nandiyan pa nga yung minsan magiging isa kayong wrestler dahil sa nag ka-ini-san
na kayo pero sa huli naman e magkaka-ayos rin. Yung
relasyon niyong di ma-predict, parang panahon lang.
Yung tipong ngayong umaga ay magka-ayos kayo tapos
mayamaya di na kayo mag-uusap at mag-aasa-ran na
dahil lang sa isang maliit na dahilan. Isa ito sa
nakakapagpatatag ng relasyon niyong magkapatid. Dahil
dito ay nagiging mas malapit pa kayo sa isat isa.
Hiraman ng damit. Yung magugulat ka na lang nawa-la
na sa drawer mo yung damit mo. At sa huli malala-man
mong isinuot pala ng kapatid mo ng hindi nag-papaalam.
O di kaya yung pangyayaring isinuot mo ang isa sa
favorite shirt niya at sa di inaasahang oras ay napa-aga
sya ng uwi kaya ikaw ay mapapatakbo para magpalit
upang hindi ka niya mahuli na isinuot mo ang tshirt nya.
Isa man siyang nakaka-inis napangya-yari ngunit dito
mas lala kayong nagiging malapit sa isat-isa dahil
nagkakaparehas na kayo ng taste o ng style pagdating sa
pananamit o pag-porma. Magig-ing dahilan na ito ng
pag-uusap niyo palagi. Magig-ing topic niyo na ang
gusto at hindi gusto pagdating sa pananamit. Maari ring
maging bonding moment ang

pamimili
ng
damit
iisa
nalang
ang
taste

dahil
niyo

nga
sa
sa
damit.

Yung maging critic ng isat-isa pag dating sa pananamit


at make-up. Sila yung mag sasabi sayo kung masagwa o
hindi bagay yung suot mong shirt sa palda mo sa jeans
mo. Sila yung mag sasabi na ito ang dapat mong suotin
kasi bagay to sa pupuntahan mo. Sila din yung mag-aayos sayo lalo na kung may lakad ka. Isa sila sa magiging
critic mo pagdating sa pag porma. Sila yung mag sasabi
sayo kung maganda ba tignan sayo yung suot mo, kung
appropriate ba yung suot mo sa pupuntahan mo. Sila din
yung madalas na maga-apply sayo ng make-up. Sila ang
#1 stylist mo. Dahil alam nila na ang mga bagay na
maganda para sa isang babae. Dahil nakaka-relate sila sa
dapat isuot at gaano ka-heavy ang paglalagay ng makeup. Sila rin ang magpapalakas ng loob mo sa twing naiisip mong hindi ka maganda. Sila ang numero unong
tagasuporta mo pagdating sa pagporma o pananamit.

Mag SELFIE. Madalas man kayong mag-away o magbangayan, sa huli sila pa rin ang lagi nating kasa-ma
sa ating mga pag Selfie. Saan mang okasyon o lakad
kayo pupunta, hinding hindi mawawala and pagseselfie ng ating mga kapatid na babae. Nari-tong
magselfie kayo sa CR, sasasakyan, sakwarto o kahit
pang OOTD pa yan ay hinding hindi mawawa-la
kapag kasama mo ang iyong kapatid na babae.
At anghuli, ay ang PAGDAMAY sa atin ng ating kapatid na babae sa oras na tayo ay may problema. Prob-lema
man sa lovelife, study o kahit saang bagay man yan atin
silang maasahan. Iwanan man tayo ng ating mga
kaibigan, ang ating mga kapatid na babae ay hind-ing
hindi tayo iiwan. Sila ang ating magiging kasangga sa
lahat ng bagay, madalas man na kayo ay magban-gayan
lagi pa rin silang nandiyan sa ating likuran ka-pag
kailangan natin sila. Sila ang ating BESTFRIEND.

24

Huwag
Dibdibin
ni Roushel Racquel

Karamihan sa mga kababaihan ngayon ang humihiling ng malaki


o malusog na dibdib. Ginagawa nila itong batayan o sukatan
upang ikay matawag na Dyosa, Maganda, Sexy at ano pang
magagandang papuri sa babae

Kaya naman ang mga babaeng di gaanong nabiyayaan ng dibdib


at laging nagiging tampulan ng tukso dahil sa flat na dibdib ay
nais sumailalim sa tinatawag na breast enhancement o ang
proseso kung saan isasailalim ang babae sa isang surgery upang
madagdagan ang kanyang hinaharap. Ngunit di alam ng
karamihan na maramiang advantage ang pagiging flat chested.

Una, di ka mahihirapan mamili ng damit, lalo na kung ikaw ay


namimili ng damit. Karaniwang nagiging problema ng mga
kababaihang may malaking dibdib ay ang paghahanap ng damit
na mag kakasya sa dibdib nilang malaki. Hindi katulad ng flat
chested, ikaw ay madaling makakahanap ng damit nakakasya
sayo dahil wala kang poproblemahin hindi magkakasya sa dibdib
na parte nang iyong katawan. Mas madali kang makahanap ng
damit dahil kahit anong size o sukat pa yan e magkakasya at
kakasya sayo ang damit dahil nga wala kang iniintinding dibdib
na malaki.

Pangalawa, hindi ka mahihirapang yumuko o kuhain ang gamit


na iyong nailaglag dahil sa wala kang iintindihing may makikita
sa dibdib na parte ng iyong katawan. Mas madali mong
makukuha ang bagay na nalaglag. Hindi katulad kapag ikaw ay
may malaking dibdib na kailangan mo pang mag-ingat sa
pagyuko upang walang makitang parte ng iyong dibdib. Hindi ka
mag aalala na baka mabosohan ka dahil nga wala ka namang
dibdib na dapat protektahan sa mata ng mga taong makakakita.

Pangatlo, hindi ka mahihirapan sa pagpili ng sukat ng iyong


undergarments dahil hanggang cup A ka lang at isa pa mas
makakamura ka dahil cup A ka lamang. Mas makakatipid ka dahil
mas maliit na cup size mas muraang presyo at dahil dito mas
makakabili ka ng maraming bra. Isa pa sa advantage nito ay kahit
hindi ka mag suot ng bra ay walang makakapansin na wala kang
suot dahil nga wala namang nagbago may suot ka man o wala.

Minsan nagiging hadlang ang pagkakaroon ng malaking dibdib


upang magawa natin ang mga mabibigat na activities dahil sa
malaki nilang dibdib ay nahihirapan din silang dalhin ito dahil sa
kabigatan nito. Hindi katulad kapag ikaw ay flat chested, hindi
kahirap sa pag jogging dahil walang sasakit sayo kapag ikaw ay
tumatakbo. Maski sa pagtalon ay may advantage ka dahil hindi
magiging awkward kapag umalog ang dibdib mo na sanhi ng
iyong pagtalon. Hindi mo din maiisip na malalaswaan ang mga
taong makakakitang umaalog na dibdib dahil nga flat chested
kanaman at walang aalog sayo ano man ang gawin mo.

Pang-lima, hindi mo mararanasan mag karoon ng back pain gaya


ng nararanasan ng mga babaeng may malaking dibdib. Dahil flat
chested ka ay walang kang mabigat na dinadala sa iyong
hinaharap. Kaya magpasalamat ka at wala kang nararanasang
backpain.

Panganim, matulog ng nakadapa ay hindi magiging issue. Mas


magiging komportable matulog dahil hindi ka mahihirapang
dumapa dahil wala kang iintindihing boobs na masasaktan o
mapipipi dahil nga wala ka namang boobs. Mas madaling
matulog ng nakadapa dahil hindi mo mararamdaman ang sakit
pagna-ipit o nadaganan ang boobs mo. At isa pa hindi ka
mahihirapang dumapa kapag ikaw ay mag papa-massage

Panghuli ay ang tinatawag na PROPORTION. Karaniwan sa mga


babaeang gusto ng maganda at perfect na proportion ng katawan
ngunit ang pagkakaroon ng malaking dibdib ay isang
disadvantage upang makamit mo ang magandang proportion.
Madalas hindi proportion sa ating katawan ang pagkakaroon ng
malaking dibdib lalo na kung ikaw ay payat, kung kaya
karamihan sa mga babaeng may malalaking dibdib ang mas
hinihiling na magkaroon sila ng mas maliit na dibdib upang
maging proportion ito sa kanilang katawan.

Para sa ating mga kababaihan, ang pagiging flat chested ay isang


sumpa o di kaaya-ayang parte ng ating buhay. Dahil kasi dito
kung kaya tayo ay nagiging tampulan ng tukso tuwing usapang
dibdib. Lagi nating naiisip na ang pagkakaroon ng maliit na
dibdib ay isang kapintasan ngunit hindi natin alam na marami pa
lang advantages ang pagiging flat chested. Kaya wag ka nang
malungkot kung ikaw ay flat chested. Matuto na lang tayong

Over-attached na Girlfriend
ni Nicka Rapiz
Ano nga ba ang isang clingy na girlfriend bakit
kami nag eexist?
Sobrang lambing, to the point na gustong gusto
niyo na idikit yung partner niyo sa inyo. Yung
tipong ayaw niyo mawalay sa isat isa.
Over protective, to the point na pag yung partner
niyo nag kuwento tungkol sa tampuhan kasama ang
kaibigan o di kaya sa katrabaho, gusto mong ikaw
na lang kumausap sa office mate niya at
direktang itanong na Bakit mo inaaway baby ko?
Minsan pa nga pag gusto niyang lumabas para
bumili ng kung ano sa labas, mas gugustuhin mo na
ikaw na lang bumili kahit tinatamad ka dahil iniisip
mong baka mapano siya sa labas.
Super-possessive, HINDI ang madalas niyang sagot

sa mga tanong na: Mahal inom kami ng mga barkada


ko. Sama ko?, Mahal may outing kami ng mga katrabaho ko, sama ko?. Gusto mo kasi lagi kang kasama,
bakit? kasi pag may kaganapan, may inuman. Pag may
inuman may babae, pag may babae ayaw namin. Intindihin niyo nga. Nakaka beast mode!
Bakit nga ba ganito kami mag mahal? Kasi takot kami.
Takot na takot kami na maagawan muli, na iwan muli,
na mawalan muli, maiwan ng bigla, masaktan. Nakaka
trauma diba? Yung kami nahuhulog pa din tas biglang
lagapak. Gusto kasi namin, kami lang. Kami lang
magan-da sa inyo. Kami lang mag papa ngiti sa inyo.
Kami lang mag papasaya, mag aalaga at sasama sa
pagtupad ng mga pangarap niyo. Hindi ito sa pag
kawala ng tiwala. Naubos na kasi dati yung tiwala
namin. Kaya sana naiintindihan niyo.

Pagdadalang-tao
ni Kate Yamongan
Isa sa mga pinakamahalaga at espesyal na pangyayari sa buhay ng mga kakabaihan ang pagdadalang tao, dahil
ito ay isang regalo na mula sa ating Panginoong Diyos.
Maituturing na isang bayani ang mga kababaihan sa kanilang pagbubuntis dahil siyam na buwan o 40 linggo dinadala sa sinapupunan ang isang tao, makakaranas ang mga kababaihan ng senyales, ito ay umaabot ng 3
buwan. Una, ang pagkawala ng kanyang buwanang dalaw, pasusuka, paghilo, maaari rin siyang panghinaan ng
katawan. Sunod dito ang paglilihi, kung ano man ang gustong kainin ng isang babaeng nagbubuntis na walang
pinipiling oras, kahit na hating gabi, basta makain lamang ang gusto niya.
Hindi ganun kadali ang pagdadalang tao , 50/50 ang buhay nila. Walang kasiguraduhan kung mailalabas mo ang
bata ng normal at cesarian.

27

Glenda Barreto: Reyna


ng Kulinaryong Pilipino
ni Camille Eloriaga

Taong 1975 ng mag simulang nakilala ang pangalang Glenda Barreto


nung simulan niyang buksan ang kanyang kauna-unahang restaurant na
Via Mare na matatagpuan sa Makati. Dahil dito nag simula ang
batayan sa mataas na antas at makabagong lutuing Pilipino.

Sa ngayon ay humigit 40 dekada ng kilala si Glenda sa larangan ng


industriyang pagluto. Kailan lang nakamit niya ang Kalakbay Hall
of Fame Award for Restaurant Operations mula sa Departement of
tourism.
Bukod sa pagluluto ay nagagawa ding makapagsulat ni Barreto ng
ilang mga libro. Siya ay nakilala sa kanyang ilang mga best-selling
cookbooks tulad ng ASEAN Seafood Cookbook, Flavors of the Philippines: A Culinary Guide to the Best of the Islands, Via mare: A
Sea-food Cookbook and Shipshape: A Seafarers Guide to Sensible
Cook-ing, at Kulinarya: a Guidebook to Philippine Cuisine.
Kinilala siya sa librong Womens Board of St. Lukes Medical
Center (WB-SLMC) na Luke Whos Cooking: Cooking for a Cause
3 bil-ang isa sa 31 pinakatanyag na chefs ng bansa. Makikita sa
librong ito kung paano nag simula at na mayagpag tungo sa rurok ng
tagumpay ang pangalang Glenda Barreto.
Ang Luke Whos Cooking ay mabibili sa SLMC sa Bonifacio
Glob-al City. Mapupunta ang kikitain sa mga kapus-palad na
pasyente ng St. Lukes Medical Center ayon sa pangulo ng WBSLMC na si Tina de Guzman.

28

The Role of Women:


Are We Ready?
ni Hanouny Alhassen
Aatarina sadness and pain when we hear a case of suicide, especially of young people, feel Ptohanhm and
their estates and their lack of containment and
compas-sion, and surrender to despair.
Briefed on what has been written in the newspaper
home (number 5444), for Ashranah suicide in Dar
es girls in Mecca, after entering into this house for the
sec-ond time, from her father, which predicts that
there is something wrong!
Inside the house has been a problem between this girl
and the girls living in the house, which house the management was forced to solitary confinement girl, and
then discovered she goes ahead and commit suicide by
hanging.
Question unthinkable specialist: Why the girl returned to
the house for the second time? What other reasons
suffered by the girls family? Are the reasons for the loss
of communication between them, or is there yet anoth-er
in the psyche of the girl? Are the employees in Dar es
girls qualifications to deal and communicate with these
girls? Is this deliberate or random decisions?
All of these questions illustrate the seriousness of the
deal from the beginning with our girls, as they have to
know how is our upbringing to them, in terms of pro
viding loving and stable environment containing all of
these contradictions in our sons and daughters, and understand what they are going through the physical, psychological and moral changes, so it is very important to
know we dealt with them, to contain this contradiction,

29

whether it be in their thoughts, or the decisions they


make, or outlook on life in general way.
What to miss us that our children have different orientations, and that the age we live in is full of chang-es
that are different from the past era, and here is important to know how to deal with them leniency and
respect, and most importantly, listen to them; because
listening opens the door to communicate with them and
find out which complain or suffer, listening feel our
children-worth and status, which promotes confidence in
themselves, making them strong in addressing any
weakness happens to them, whether vulnerable mor-ally
or emotionally or academically; because if we did not
listen to them will go to someone else, who listens to
their talk and complaints, and infuse them with tips that
may be wrong and destructive.
What hides We also have some of our children may be
suffering something psychologically or contradictions
and emotional, and this requires a diagnosis from a
medical point; because some parents treat their children
completely , there is a difference if my son or my daughter to suffer from depression or emotional disorder or
anything else; because This requires a special discourse
and treatment, and some diseases do not show clearly,
only a simple signs have come to expect a normal family, so when recurring problems occur for our children,
we make sure of the psychological situation, and also
make sure the social situation and how the way we deal
and we communicate with them with love or vice versa
cruelty and persecution from without Be aware.

Bakit may mga babaeng


hirap na mag move-on
ni Kathlyn Binsol

Pag dating sa salitang pagibig, maraming taong nalilinlang nito. Bakit nga itoy parang droga na mahirap iwasan kapag ikay nalulong? Pero ang tanong bakit pagtapos
ng masasayang pangayayare na nangyare sa inyo ng karelasyon mo ay mauuwi lang
din sa hiwalayan? Bakit mas nahihirapan ang babae na umusad sa bagong yugto ng
kanyang buhay pag-ibig.
Ang mga babae para sakanila hanggat kaya pang ipaglaban gagawin ang lahat upang maayos lamang ito, hindi sila tumitigil upang gumawa ng paraan kung paano pa
nila sisimulan ang nasira nang relasyon. Bawat masasayag minute na mayroon sila
minu-minuto itong naalala, kahit sa maliit na bagay lamang pinapahalagahan nila ito.
Ganyan ang mga babae, madaldal man sila, maingay, walang sawa sa kakarat-rat sa
kung anong bagay pero paraan nila iyon para maramdaman ng mga lalaki kung
gaano sila kahalaga sa babae kaya kahit sa maliit na bagay ay napapansin nila ito.
Kaya naman pagtapos ng lahat ng masasakit na nangyari, nananatili padin ang mga
babaeng matatag at umaasa na may pag-asa pang bumalik sa lahat ang dati, umaasa
na may isa pang pagkakataon na magbibigay sakanya ng lakas ng loob upang gawin
muli ang mga bagay na nakasanayan na.
Pero sa huli, kahit gaano pa man sila nasaktan at nabigo nanatili parin ang pagmamahal na mayroon sila, naroon parin nakatatatak sakanilang puso at isip ang mga masasayang sandali.

30

ESTAYL

Online Shopping, Patok sa Pinoy

Tips sa Online Shopping

ni Shane Carbonel
ni Sheena Torejos
Sa patuloy na paglaki ng impluwensya ng
social me-dia at internet sa ating bansa,
marami ng mga bagay na maaring gawin
online. Isa na dito ang online shopping. Ang
online shopping ay isang paraan kung saan
maari kang mamili ng mga kagamitan sa
pamamagitan ng isang click.

Ang pamimili gamit ang internet ay advisable at napaka-convenient para sa mga


taong walang oras para pumunta sa mga mall at shopping centers. Ngunit
madaming paalala ang mga ahensya ng ating gobyerno pagdating sa pamimili
online. Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry o DTI ang publiko na
mag-ingat sa pagbili ng produkto gamit ang internet.

Pamilyar sa mga nag oonline shopping ang

Narito ang mga tips mula sa DTI upang hindi maloko sa pagbili online:

Lazada, Zalora, ebay, alibaba, at amazon. Ang


instagram na isang

Public domain @google

social network ay ginagamit na rin upang makalikha ng online shop. Mas madali mag
window shopping sa insta-gram dahil mas mabilis at kung minsan ay mas mura ang mga
produkto dito.

Ang pamimili sa mall ay hassle at nakakapagod, lalo na tuwing may okasyon kung saan
napakaraming tao at napakasikip sa mga mall, sabi ni Harline San Pedro isang certified
online shopper. Hindi lamang mamimili kundi isa ring dealer. Nagbebenta ako ng girly
thingys gaya ng bag, dress, at sapatos dagdag pa niya.
Dahil nga sa social media, ang trend na ito ay nagsisilbing part time job sa karamihan lalong
lalo na sa mga es-tudyante. Ang pagiging isang online dealer ay napakadali, maraming
advantage ito gaya na lamang ng hindi mo na kailangang magbayad ng upa para sa iyong
pwesto, hindi na kailangang umupa ng taong magbabantay sa iyong paninda, at sakop nito
ang local at international market na maaari mong i-operate 24/7.
Nagsimula akong magtinda ng skate apparels, sapatos, shirts at skateboard parts noong
Oktubre, sabi ni Joshua Austin Delan, online seller. Kaya ko siya napili dahil mas mabilis
magbenta through net, dagdag pa niya. Isa lamang siya sa napakaraming estudyante na
ginagawang part time job ang pagbebenta sa internet. Kadalasan si-yang kumikita ng 450
pesos sa bawat t-shirt, at kumikita ng around 2,000 pesos sa isang buwan. Skate shirts ang
kanyang patok na produkto na madalas hinahanap-hanap ng kanyang mga costumer.

37

-Iwasang magbigay ng impormasyong pang-pinansyal tulad ng account number


kung hindi iyon ang gagamitin sa pagbabayad.
-Dapat alamin ng mamimili kung saan ang pisikal na lokasyon ng negosyo at pagaralan din ang mga polisiya ng online shops tungkol sa pagsasauli ng produkto at
pagbabalik ng bayad.
-Magtanong din kung ang seller o mamimili ang magbabayad ng insurance sa
pagbabiyahe ng produkto.
-Isa alang-alang ang babayarang buwis at shipping cost. Dapat linawin ng mamimili
kung mayroong babayarang buwis o shipping cost sapag papadala ng produkto o
pagbabalik nito sakaling may depekto.
-Huwag makikipag transaksyon kung hindi magtitiwala ang seller sa mamimili na
ito ay magbabayad pagkatapos nitong matanggap at ma-inspect ang produkto.
-Itago ang lahat ng dokumento na may kinalaman sa transaksyon tulad ng
deskripsyon ng produkto, impormasyon sa pagpapadala, privacy policy at
warranty.

38

Mahalin ang Sarili

ni Narlyn Balidoy

ni Hannah Remate
Sa kasalukuyang panahon mapapansin natin ang mga bilang ng mga kabataang madaling kinikitil ang kanilang buhay, mga bilang ng mga kabataang naapi, pinaglalaruan at
nagiisa.

sa pagkamit ng tiwala sa sarili ay walang ibang magtuturo sayo kundi ang iyong sarili. Maging responsible din
sa mga bagay na iyong mga gagawin upang hindi pagmulan ng mga bagay na maaring pagsisihan.

Mga kabataang kulang ang kumpyansa sa sarili kayat nag


reresulta sa kahirapan, pagbibisyo at pagkawala sa tamang
landas. Paano na magiging pagasa ng ating bayan ang mga
kabataang mismo sa sarili ay walang tiwala sa sariling kakayanan.

2. IKAW AY MABUBUHAY NG ISANG BESES LAMANG Ito nga ang kataga ng mga sundalo kayat
magpakasundalo ka sa iyong sarili. Isipin mo na lamang kung may mga bagay kang hindi nagagawa dahil lamang sa hiya sayang naman ang pagkakataong
maranasan mo ang lahat ng nararanasan ng iba.

Madaming bagay ang nakakahadlang upang magkatiwala sa sarili, malaking bagay dito ang panglabas na itsurahugis ng katawan, pananamit, imahe ng mukha, kakayahang dalhin ang sarili , estado sa buhay at marami pang
iba ngunit huwag nating gawing dahilan ang mga ito para
magmukmuk sa kwarto at kausapin lamang ang mga dingding. Bibigyan ko kayo ng ilang mga paalala upang maging isang kumpyansang kabataan.
Bawasan ang pag-iisip at dagdagan ang pagkilos. ilang
paalala upang magkakumpyansa sa sarili:

Huwag kang humintong matuto. Siyasatin ang totoong saysay mo sa mundo. Ugaliing gumawa ng mga
bagong bagay para paunlarin ang iyong sarili . Ituon
mo ang iyong sarili sa mga bagay na maaring ikahihigit mo sa iba nang sa gayong maging balanse ito sa
pansarili mong kahinaan. Huwag kaawaan ang sarili
at higit sa lahat patuloy na maging kapakipakinabang
sa sarili at sa bayan.

1. Ikaw lamang wala ng iba - Maging responsible sa sarili, ito ang pinakaimportanteng bagay na kailangan mong
ikonsidera sa daan patungo sa pagiging matikas. Ikaw at
ikaw lamang ang may kakayahang magdesisyon para sa
iy-ong sarili. Ang anumang landas ng iyong buhay ay
bunga lamang ng iyong mga desisyon.

3. Kaya mo yan! isipin palagi na kaya mo yan! Sabi


nga nila anu mang iniisip mong kaya mo ay magagawa
mo. Kapag pinangunahan ka na ng kawalan ng tiwala
sa sarili dito na magmumula ang kawalan ng kumpyansa sa sarili. Sa sikolohiya kailangan nating maintindihan na sa pagbabago ng ating kinikilos, mababago rin
ang ating nararamdaman. Kayat kung kikilos ka at
lalakasan ang loob magtatagumpay ka.

Ang buhay nga daw ay ang bung ng iyong mga desisyon.


Sa pagkakaroon ng matibay na kumpyansa sa sarili panatilihing mas higit na kilala ang sarili bago man ang iba,
su-riin ang kahinaan at gawing inspirasyon ito sa pag
gawa ng buong makakaya sa mga bagay na
mapagpapaunlad sa iyo at sa paggawa ng kabutihan.
Makakatulong din ang pagka-karoon ng positibong
pagiisip patungkol sa pinkaesensya ng pamumuhay.

4. Humanap ng hahangaan Humanap ng taong


magbibigay inspirasyon sayo. Yung may kumpyansa
sa sarili na patuloy na sumusugal sa hamon ng
buhay. Suriin sila kung paano nila ito nagagawa,
magkaroon ng lakas ng loob upang humingi sa kanila
ng mga sikretong payo at magpatuloy lamang
matuto. Ang mga pinakamakumpyansang tao ay
yung mga taong handa at msayang maibahagi ang
Huwag maging mapanghusga sa iba at magpatuloy la-mang kanilang karanasan upang magbigay ng inspirasyon.
sa agos na tatahakin mo. Unawaing ang paglalakbay

39

Benepisyo ng Maanghang na Putahe


Sabi ng karamihan, You are what you eat. Ang iyong pagpili sa mga pagkain ay sumasalamin sa iyong sarili:
sa iyong personalidad at sa iyong kultura. Ang pagkain ay nasa paligid lamang, kayaman ang mabilis tayo
mahilig sa ibat ibang tipo ng pagkain.
Paborito ng mga taong mahilig sa maaanghang na pagkain ang mga pagkaing puno ng lasa at kulay. Tulad ng
maanghang na pagkain, ang mga tao rin na paborito nito ay ang tipo na lagging naghahanap ng mga kakaibang
karanasan na nakapupukaw ng kanilang damdamin at lagging
na-kikipag sapalaran sa buhay.
Ang siyensya sa likod ng maaanghang na pampalasa/pagkain
Ang mga taong mahilig sa maaanghang na pagkain ay mas hiligang pagiging adventurous sa kanilang pangaraw-araw na
buhay, ayon sa isang pananaliksik. Ayon sa mga mananaliksik
ng Penn State University sa Amerika, ang mga taong laging na
nanabik sa mga maanghang na pagkain ay ang mga tao na
lagging nais ng mga kakaibang karanasan sa buhay.

Public domain @google

Ayon din sa siyensya, ang pag-kain ng mga maaanghang na


pagkain ay nag papalamig sa katawan tuwing mainit ang panahon. Sa pagdaloy ng dugo, ang katawan ay nagsisimulangmagpawis. Kapag nag-evaporate naang moisture ng katawan, senyales ito na lumamig na ang katawan.
Ayon sa mga scientists, ang epekto na ito ay tinatawag na gustatory facial sweating dahil sa inisyal na pagpapawis simula sa mukha.
Iba pang mga benepisyo ng maaanghang na pagkain ay ang pinabuting digestion, decongestion ng nasal passage at
pagbaba ng blood pressure. May mga maanghang na putahe rin ang pinaniniwala ng mayroong taglay na sangkap
na pumipigil sa kanser.

Local flavor
Sa Pilipinas, chili o siling labuyo ang madalas na ginagamit sa mga
maanghang na putahe. Ang chili o siling labuyo ay nag bibigay rin
ng maraming benepisyo sa katawan. Ang aktibong sangkap sa siling labuyo na nagbibigay ng ang hang ay tinatawag na capsaicin.
Natuklasan sa isang pagaaral sa Thailand na ang capsaicin ay mayroong mga taglay na components na nakakabawas ng posibilidad ng
diabetes sa isang tao.Ang capsaicin ay dahilan rin ng pag-re-lease ng
endorphins, ang hormones na nagbibigay ng magandang
pakiramdam sa ating katawan. Ang siling labuyo rin ay pinagmuPublic domain @google
mulan ng iron, calcium, phosphorus at vitamins A and B. Dagdag
pa rito, magagamit din ang siling labuyo bilang remedy tulod ng pangmumog para sa sore throat, at ointment
bilang pain reliever. Ang katas rin nito ay ginamit din upang mabawasan ang sakit sa ngipin.
Maraming mga Pilipino ang nahuhumaling sa pagkain ng maaanghang na pagkain. Kaya naman sa mga huwag
nang papahuli pa at idagdag narin sa listahan ng libangan ang pagkain ng mga maaanghang na putahe na may
maganda ring benepisyo sa katawan.

40

Kapihan sa Maynila
ni Jennylyn Llorca
Gisingin ang diwa sa mga patok at murang kapihan na mapupuntahan sa isang sakayan lamang.
1. The Bunny Baker Caf & Cake Studio
Ang The Bunny Baker ay matatagpuan sa Unit 301 Hemady
Square, Dona Hemady, New Manila, Quezon City at laging bukas mula 7am-12am.

4. Carpe Diem
Kung naghahanap kayo ng magandang ambiance, super calm at nakakarelax na coffe shop, friendly staffs, good food at affordable na
presyo, ang Carpe Diem ang isa sa pwede nyong puntahan.
Matatagpuan ito sa 122 Aguirre, BF Homes Paranaque City. Bukas
sila araw araw mula 9:30am-12am.

Public domain @google


5. Magnum Opus Fine Coffee

Maraming tao ang pumupunta dito dahil sa super cute na itsura


nito hindi lang sa kulay nito ngunit dahil na rin sa mga bunny na
upuan at sa nakakarelax na ambiance ng lugar. Patok na patok ito
lalo na sa mga teenagers na mahilig sa cute coffee shop.

Public domain @google

Magnum Opus Caf sa BF Homes, Paranaque ay isa mga bago


lalo na pagdating sa kape.
Wooden na mga gamit, sa harap ng mga customer mismo
ginaga-wa at binu-brew ang kape.
Magnum Opus Caf ay nagseserve ng espresso-based drinks
lattes, cappuccinos and espresso shots. Pero ang pinaka patok ay
ang Belgian Heartbreaker (P175)

Maaring subukan ang kanilang best seller na Bunny Bakers


Cappuccino na may bunny art latte at nagkakahalagang Php
125.00

Public domain @google


2. Epic Caf
Ang Epic Caf ay
matatagpuan sa 102 East
Capitol Drive, Barangay
Kapitolyo, Pasig city at
bukas sila araw araw mula
8am-10pm.
Patok sila dahil sa wood interiors at nakakarelax na luPublic domain @google
gar, inspirational quotes na
nakasulat sa palibot ng caf at magugustuhan din ito ng mga bike lovers kasi may vintage bike na nakadisplay
sa sa caf na ito. Maaaring subukan ang Epics Pour-over coffee na mas maganda pag may kasamang lemon
cake sa halagang Php 90-140
3. Caf Shibuya
Para sa mga mahihilig sa mga dessert, pumunta sa Caf
Shibuya. Matatagpuan sa UP Town Center, Katipunan
Avenue, Quezon City at bukas sila tuwing 10am-11pm
(Monday-Fri-day) 10am-12am (Weekends)

Public domain @google

41

Panlasang Pinoy
ni Nicole Santos
Dito sa pilipinas, napakarami nang mga kainan na itinatayo. Ibat ibang
uri ng pagkain na nang galling sa ibat ibang bansa ang nauuso dito sa
pilipinas na siya naming dinadayo at tinatangkilik ng marami. Sa panahon
ng pagdating ng ibat ibang uri ng pagkain, hinding hindi pa rin
mawawala ang pagkaing pinoy na siya naming nasa pilipinas at patuloy
pa ring lum-alago at binibigyang pansin ng mga kababayan nating pinoy.

Public domain @google

Unang una narito ay ang Chef Laudico Guevarras buffet restaurant na


siyang matatagpuan sa 387 P. Guevarra St. cor Argonee St., Addition Hills
San Juan City. Ito ay isang filipino restaurant (buffet) na talaga namang
kinahihiligan ng mga pilipino. Ito ay bukas mula 11:00 ng umaga hanggang

10:30 ng gabi.
Sa unang bisita dito, mapapansin na ang istraktura ng restaurant na ito ay hango sa mga lumang bahay na
naitayo noong unang panahon. Ang Chef Laudicos ay na itayo noong 1920 at iniba ang itsura sa paglipas ng
panahon. Pagmamayari nila Chefs Rolan at ng kanyang asawa na si Jacqueline Laudico.
Sa pagtungo natin sa harapan nito, mapapansin ang napakatahimik at garden-type na harapan nito. Mapapansin
din ang fountain na nasa harapan nito. Mayroon ding hagdanan na siya naming hango sa mga hagdanan na mayroon noong unang panahon. Pag tungo sa loob nito, mapapansin ang ibat ibang silid kainan na siya namang
may kanya kanyang pangalan na hango sa ibat ibang kalsada sa maynila; ang Abad Santos at ang Recto room.

42

Blooming ka Ngayon!
ni Jennylyn Llorca

ni Nicole Santos

Mahal ang pagpapamper sa sarili, para lang mapanatili ang fresh at blooming na itsura. Ito ang mga tips
para mag mukha laging bata ng hindi gumagastos ng
malaki.
Unang una sa lahat ay ang pangangatawan natin, nais
nating tumagal hanggang sa tayo ay tumanda. Ang
paglalakad sa umaga ay makakatulong upang
makam-tan ang katawan o hubog na iyong ninanais.
Sa pama-magitan nito, mababawasan tayo ng
timbang at mapa-panatili ang ating hugis.

Public domain @google

Huwag Kang Mangamba

Kung sa balat naman, mabuting solusyon ang pagtulog

ng 6-8 hours upang mapanatiling maganda ang iyong balat at bumilis ang metabolism ng iyong katawan. Maari
rin tayong gumamit ng mga sunblock o sunscreen lotion na mayroong 15 SPF upang maproteksyonan ang balat
lalo na sa paglalakad sa matinding araw.
Ang pag-eehersisyo ay isa ring mabuting paraan upang mapanatiling maayos ang iyong pangangatawan.
Nakakat-ulong ang pag eehersisyo dahil mapapanatili nitong maganda ang iyong lifestyle.
Dagdagan ng kulay ang buhay at gumamit ng lipstick color na tiyak na babagay sa iyong skin complexion. Mas
maganda rin na gumamit ng neutral colors kagaya ng pink at beige. Ang pagpapamanicure at pedicure ay makakatulong upang mapanatiling malinis ang iyong kuko.
Dapat ring kumain ng prutas at gulay upang mapangalagaan ang ating mga balat na tiyak ay nag babago sa
pagli-pas ng panahon. Ang laging pag inom ng tubig ay tiyak na makakatulong sayo upang maging glowing
iyong mga balat at takbo ng iyong katawan.
Marami man nauuso ngayong paraan upang maging mas bata ang ating itsura, mas maganda pa rin ang mga
natural na paraan upang tayo ay mapanatili ng bata at blooming palagi bukod sa paglalagay ng make up sa
iyong mukha.

Sa araw araw natin, hindi natin maiiwasan na


hindi mapagod at ano ang stress? Ang stress ay
pagod o tension na nararanasan o nararamdaman
ng isang tao kapag siya hindi mastress ngunit
alam ba talaga natin kung ay maraming ginagawa o may pinagdadaanan.
Marami sa atin ay hindi nakakaahon kaagad sa
stress na nararanasan kaya tumutungo ito sa depression at na uuwi sa suicide. Tama nga bang
antayin natin ang stress na humantong sa
ganito? Narito ang ilang tips na tiyak na
Public domain @google makakatulong sa atin upang makaiwas sa stress.
Marami sa ating mga Pilipino ay mahilig making ng music at ito ay siguradong isang mabisang paraan upang
makarelieve ng stress. Sa pamamagitan ng pakikinig sa music, magiging malumanay ang ating pakiramdam
at tiyak na makakalimutan na tayo ay may stress na nararamdaman.
Tiyak din na makakaibsan ng stress ang pakikipagusap sa iyong mga kaibigan at pakikipagkwentuhan sa mga
ito. Sa pamamagitan ng pakikipagusap sa kanila, magiging magaan ang iyong pakiramdam sa pagkatalam mo
ng mayroon kang kaibgan. Mayroon din namang iba sa atin na kapag stress ay nais na lamang mapag isa at
maging tahimik. Makakatulong ang pakikipagusap sa sarili o pag-lilinaw ng mga bagay sa iyong utak upang
hindi ito humantong sa stress.
Isa ring magandang paraan upang makaalis ng stress ay ang pagkain ng tamang pagkain at sa tamang oras. Ang
pagkain ng masusustansyang pagkain kagaya ng prutas at gulay ay makakatulong upang bigyan ng lakas ang
ating sarili upang makalimot sa stress. Sabi sa isang kasabihan Laughter is the best medicine. Sa pamamagitan ng pagtawa ang stress ay iyong makakalimutan at mawawala sa iyong katawan ang kalungkutan o pighati na
iyong dinaranas.
Ang paginom ng tea ay makakatulong rin upang magalis ng stress dahil mayron itong theanine na siya
namang nag reresulta sa pagkalma at paggaan ng pakiramdam. Makakatulong din ang ibat ibang ehersisyo
kagaya ng Yoga at Zumba upang maalis ang stress na nararamdaman mo. Sa pamamagitan nito, mawawala
ang iyong stress at magkakaron ng mapayapang isipan. Ang pag eexercise ay makakatulong din sapagkat
makakaibsa nitong kalungkutan at makakatulong din sa pag bawas ng timbang. Ang pagtulog ng maaga at
pagkakaroon ng sapat na oras sa pagtulog ang numero unong paraan upang makarelease ng stress. Dahil dito,
magiging pay-apa ang iyong kalooban at kaisipan at magkakaroon ka ng isang masagana at masayang
kinabuksan sa iyong pagising. Dapat ring humanap tayo ng oras upang mag breath in at breath out upang
panandaliang lumabas ang stress na iyong dinadala.
Hindi talaga natin maiiwasan ang stress sa araw araw na gawain natin ngunit sa pamamagitan ng pagpigil sa
paglala nito, mas magkakaroon tayo ng magandang kinabukasan sa arawaraw at mas magiging masaya ang
iyong buhay.

43

44

Nawawala,
Bumabalik
ni Nicka Rapiz
Isang fashion from 80s na naman ang nauuso ngayong henerasyon! Ano nga ba itong trend na trend sa mga kababaihan ngayon? Hindi lang sa Pilipinas ito mga Emiliano Readers kundi world wide!
Matapos nga ang kasikatan ng Crop tops, nag balik naman ang
80s fashion na in na in ngayon! Yes! Off Shoulder Tops! Kung
fan na fan kayo ni Ms. Kathryn Bernardo, panigurado, may-roon
kayo nito sa closet niyo. Malaking bagay ang naitulong ng
Telebisyon at Social Media sa pag usbong muli ng Fashion trend
na ito. Bakit nga ba muling nag balik ito sa ating henerasyon?
Karaniwan kasi sa mga babae ngayon is hindi masyadong conservative, show some skin! -Ms. Khyra Luceo. Ayon sa aming Estayl Survey, naging patok na patok muli ang Off
Shoulder tops, dahil sa itoy napapanahon. Presko ngang
masasabi dahil sa style nito.

Pinaka flawless kasing part natin yung shoulder. Nothing


to hide. -Ms. Victoria Roxas. Maaaring nakakadagdag nga ng
con-fidence sa ating mga kababaihan ang pagsusuot ng
fashion trend na ito kaya hindi natin sila mapipigilan!
ESTAYL TIPS:
Nahihirapan ba kayong ternohan ang inyong mga off shoulder
tops? Wag mag alala dahil ang bahagi na ito ay para sa inyo mga ka estayl.

Public domain @google

Maaari din kayo mag bahagi ng inyong mga larawan at komento sa ating Estayl of the month at isend sa janickarapiz.estayl@gmail.com upang mag karoon ng pag kakataon mai post ang inyong mungkahi at larawan sa
aming online magasin.

45

PAG-IBIG NGA NAMAN!

KAPALARAN

By: Jan Roushel Raquel


Di nagtagalnararamdaman ay lumalim

Nagtamaatingmata
Sa unaypasulyapsulyap
Hangganglumapit
Nagpakilala at nagkamabutihan

Ngunit di nagtagal, relasyon ay nasira


Nakakilalanangbago
Nanlamig, nauwisa away
Hanggangsanapuntasahiwalayan

Nagkakilala ng mabuti
Nagkapalagayan ng loob
Nagbigayan ng numero
At sahuliynaghiwalay

Naghiwalay ng may sama ng loob


Nagkita at nag ngitian
Nagingmagkaibiganmuli

Akalaydoonnamatatapos
Ngunit di pa nagtatagal
Teleponoytumunog
Di kilalangnumeroytumatawag

At naulitang DATI
Isangmasayangrelasyon
Nabuongmuli
Ngunitgaya ng dati

Nang sagutiy siya pala


Nag-usap, nagka-text
Naging magkaibigan
At nagging madalas ang paglabas
Nauwi pagiging magkasintahan
Isang masayang relasyon

Nauwisahiwalayan
Paulit-ulitnalang
Pag-ibignganaman
Kung kaninokanasaktan
Siya ring magpapaligayasayo

JANINE DIANOPRA
May kanya-kanya tayong mithiin sa buhay,
Mga pangarap na nais matupad
Kahit sa paghimlay sa ating panaginip
Hindi tayo susuko sa bawat pagsubok
Sapagkat tayo'y matibay
Diyos laging nakatingin at nakasubaybay
Kapalaran ay sadyang nakaukit na sa palad
Masama o maganda man
Tila papel na sumasakay sa hangin
Ganyan ang buhay na sinasayawan natin
Sadyang kay bait ng ating Maykapal
walang humpay na biyaya sa mataimtim na dasal
Puso niyang nag-uumapaw sa pagmamahal
Sundin lamang ang Halimbawa at magandang asal
Walang katiyakan kung kailan magwawakas
Kaya buhay bigyang kulay nang makamit ang wagas
Kadalasan ang tao ay makasalanang likas
Gawing maayos ang sarili sa makabuluhang bukas

KAIBIGAN NGA BANG TUNAY?


MARIEL IRABON

Ayokong mawala sila sa akin


Pero bakit tila balewala sa kanila
Ang lahat ng pag-aalalang pinapakita
Sa tuwing di sila masilayan ng mga mata kong lumuluha.
Pakiramdam koy punong lihim,
Ang pagkatao nila sa akin.
Maraming bagay at pangyayari yata
Na ayaw nila akong makasama.
Isang malaking hadlang ba ako?
Sa kanilang kasiyaha ng nadarama.
O talagang ayaw lang nilang
Sundan ko ang landas nila?
Oo kami ay magkakaibigan
Pero kami rin ay may pagkakaiba
Akoy ata ang siyang puno
At sila ang aking bunga.
Bakit?Dahil ba sa ako lagi ang matibay
Sa lahat ng pagsubok sa buhay?
O dahil sa talagang ayoko lang
Na bitiwan ang aming pagkakaibigan.
Ewan! Pero kahit ganoon sila
Mahalaga at mahal ko sila
Dahil sila ang aking bunga

47

Na ayoko talagang mawala.


Palagay ko mahirap makatagpo ng tulad nila
Dahil sa kulay na binigay nila
Sa landas kong walang kwenta
Pero kaibigan ko nga ba sila?
Pakiusap ko lang sagutin nyo aking katanungan
Ako nga ba ay kaibigan niyo?
O isang bangungut lang
Na dumaan sa pagtulog nyo?
Sana maramdaman kong
Mahalaga din ako sa inyo.
Sana maintindihan ko ang sekreto at dahilan
Ng pagkakaibigan nating ito.
Nais ko lang na mang ipahiwatig
Ang lahat ng nararamdaman
Nais ko lang maliwanagan
Ang lahat ng pag-aalinlangan
Dahil ayokong maglaho ang pagkakaibigang
sinimulan
Nang isang samahan sa hukbong sandatahan

LARAWANG KUPAS
ALDRENE MON HANDA

Kay tagal kang hinintay


Sa ating lihim na tagpuan
Dumaan ang takip silim
Ni anino moy hindi na silayan
Larawang tinabi at iniingatan
Tuluyan ng kumupas
Alaala na tanging pabaon
Unti-unting nakakalimutan
Nasaan ka na nga ba?
Ako bay tuluyang nakalimutan
Lungkot at saya na ating pinagsamahan
Tuluyan na bang na baon at nakalimutan?
Akoy patuloy na nag-aantay
Sa ating lihim na tagpuan
Lumipas man ang panahon
Akoy mag-iintay hanggang sa huling hantungan

AKNG INAY
JANINE DIANOPRA

Mahal kong Inay


Na nagbigay ng buhay
Akoy nalulumbay
Nang Ikay nawalay

Hindi ko man lamang napaghandaan


Paglisan mo'y sobra ako na nasaktan
Paanong ang dibdib ay mapapagaan
Kung hanggang ngayon ikay dinaramdam
Siguro nga'y panahon mo na
Nang hindi na mahirapan pa
Kay bigat na problema
Panginoon! bakit ngayon pa?
Mahal kong ina
Sana ngayon ikaw ay masaya
Sa piling ni Ama
Sa langit na puno ng pagmamahal at pag-asa

NINGNING
JAN ROUSHEL RAQUEL

Oh anong gayumang ibinigay


At aking pusoy nabihag
Di mawala sa aking isipan
Sa panaginip ikay laging kasama
Tuwing walang ginagawa
O kayay tulala
Iyong magandang mukha
Ang tangi kong nakikita
Ngiti moy pinapagaan ang aking araw
Mapungay mong matay aking inspirasyon
Ningning moy wag mawawala
Dahil ito aking gabay sa madilim na buhay
Ikaw ang aking inspirasyon
Aking hiling, wag kang mawawala
Mundo koy magdidilim

48

PAGLISAN
AJ VIRTUZ
Paglisan; ang pinaka masakit na pangyayari sa
buhay natin ang iwan tayo ng mahal natin.
Minsan inaabot ng anim, pitong buwan o
minsan taon pa para tuluyan nating
makalimutan yung sakit na iniwan sa atin ng
mahal natin. Ganun talaga siguro, makikilala
nila tayo ng buo kung iiwan nila tayo ng wasak.
May dalawang uri ng paglisan, yung paglisan na
pansamantala at paglisan na pang-habambuhay.
Isa sa pinaka-magandang halimbawa ng
paglisan na pansamantala ay yung iwanan tayo
ng ating karelasyon. Pansamantala kasi, pwede
pa naman kayong maging magkaibigan at
magkita.
Isa itong masakit na proseso, nasanay ka kasing
kasama siya palagi. Mas masakit naman talaga
na nasanay kang kasama siya lagi at pagnakikita
mo siya ng malapitan yung loob niyo naman ay
malayo na sa isa't-isa.

Nasasaktan ka kasi nakikita mo siyang


masaya at alam mong hindi na ikaw ang
dahilan.
Ang Paglisan na pang-habambuhay na ang
pinaka-masakit na pangyayari sa buhay
natin. Ito kasi yung pag-iwan sa atin ng
taong mahal natin habambuhay.
Walang permanente sa mundo. Darating ang
araw na malalanta ang halamang itinanim
mo, kukupas ang litratong kinunan mo,
luluma ang bagong damit mo, at iiwan ka ng
taong mahal mo. Nakakatakot man isipin
pero darating ang araw nagigising ka na
wala na ang magulang o kapatid mo,
darating ang araw na maglalakad ka sa
mundong ito na hindi kasama ang matalik
mong kaibigan.
Sobrang ikli lang ng buhay natin, kaya sana
matuto tayong pahalagahan ang mga taong
nag mamahal sa atin. Hindi natin alam, baka
ito na pala ang huling araw nila sa mundo.

DAKILA KA, AMA


MARIEL IRABON

Salamat sa iyo aking Ama


Sa mga aral ng buhay na ibinahagi mo
Bagamat sa mata ng iba ikay hindi
perpekto
Para sa akin ay dakila ka!

Hindi naging hadlang ang ating distansya


Sa pagtupad ng iyong responsibilidad
Salamat Ama, Ikaw ay Dakila
Paghihirap mo ay aking susuklian

Naging mistulang mga mata kita


Sa mundong ating kinagagalawan
Ikaw ang nag silbing aking mga gabay
Upang tahakin ko ang landas na matuwid

Ngayon akoy magtatapos ng pag-aaral


Nais kong iabot ang diplomang ito
Pagkat sa iyong pagsusumikap
Natupad ko ang aking pangarap!

ILAW
CHRISTIAN LAOS
Patawad na inay
Pag suway koy
tila lumulubos na
Pangako akoy titigil na.
Puyat,
Sinat,
pagod,
hagod,
kayod,
Kakaiba kung mag alaga
Di sapat ang salamat lang ina.
Isang babaeng hindi marunong maningil ng
buwis
Minsan pay nakakainis minamani mo ang tiis
Kapalit lang ay yakap at halik.
Kayat hanggang sa huling hiniga,
ipagsisigawan kung gano kapalad na ikaw ang
aking ina.

BIHAG MO
JANINE DIANOPRA
Lahat ng katangian nasa iyo
Katangiang taglay na nagbibigay saya
Kisig, talino na nakapagpapasigla
Kabutihang asal wala nang hahanapin pa
Lahat ng galaw mo sinusubaybayan
Sapagkat sa akin nagbibigay kasiyahan
Ngiting bumubuhay sa mga kalamnan
Hiling sa Maykapal maging akin ka lamang
Sa tuwing ikaw ay aking pagmasdan
Kaligayahang dama parang lumulutang
Na naglalaro sa malayang kalangitan
Sana ang tanaw ko walang mamagitan
Minsan hawak ko ang iyong mga kamay
Tibok ng aking puso sa bilis di magkamalay
Na para bang tagumpay na matagal nang
inasam
Na ibig mong maging iyo kahit habang buhay
Sa tuwing kausap ka ay nagiging nerbyoso
Galaw, pananalita na bantay sarado
Hindi mamamali at masisiyahang lalo
Puso't isipan ko giliw binihag mo

Lungkot at pangungulila iyong iwinaksi


Upang
pangangailangan
namiy
matugunan
Dugo at Pawis iyong ipuhunan
Upang maabot ang aming pangarap

49

50

HANGGANG SA MULING PAGKAKATAON


HANNAH ROSE REMATE

HINDI AKO SIYA.


CHRISTIAN LAOS
Hindi niya taglay ang ngalan ko.
Hindi ka niya kayang mahalin ng tulad ko
Hindi niya kayang gawin ang lahat ng nagawa ko.
Hindi, hindi, hindi.
Pero bago nga naman siya, maganda, ni hindi pa nga
kayo nagkakaroon ng pagtatalo diba?
Tila perpekto na, hindi ba?
Pero,
Hindi niya taglay ang ngalan ko.
Hindi ka niya kayang mahalin ng tulad ko
Hindi niya kayang gawin ang lahat ng nagawa ko.
Hindi, hindi, hindi.
Nakakapagtaka.
Siya na nga ba talaga?
Sigurado ka na ba?
Masaya ka ba?
Totoo ba?
Kase kung pwde pa sana ako nalang?
Sana ako nalang?
Sana ako na lang ulit?
Hindi naman niya taglay ang ngalan ko.
Hindi ka naman niya kayang mahalin ng tulad ko
Hindi naman niya kayang gawin ang lahat ng nagawa
ko.
Kaso alam ko, sa huli, siya ang pipiliin mo

BULA
LOUISE SOFIA USERO
Kulturang hindi pinahahalagahan
Pinaglaban ng mga bayaniy
nasasayang
Nawawala na ang pagkakakilanlan

Sa isang umaga na tilay isang ordinaryong araw lamang sa


pagpasok sa iskwela, sa pag-agahan, sa kinabukasang
pakikipagkita sa kasintahan, sa pagsusulit bukas, sa mga
lakad ng tropa, mga bagay na tila ay naka-plano na at
inaasahan ---- ngunit, may sadyang hindi napaghahandan,
Iniaalay ko sa isang taong naiwan nang biglaan at nais kong
iparating na paalam kaibigan at ..
Lilipas ang panahon na kailangan ko nang lumisan
Maglalakbay sa landas, di tiyak ang paroroonan
Pangambat lumbay aking pinapasan
Pag-nginig ng tuhod akin ding dinaramdam
Pagkat kaibigan ko mahirap mong iwan

Sa bansa kung saan tayo sinilang

Modernisasyon ang sisira

Panahong ginugol sa pansariling hangarin


Inakalang magdudulot ng higit na kasiyahan
Hindi na maibabalik ang nasayang na panahon
Labis ang pagsisisi lungkot ang sumalubong
Sa landas na tinuturo ng mundong mapanlinlang

Sa kaunlarang ating tinatamasa


Kapag kulturang Pilipino ay
mawala
magiging bula ang ating bansa

Gobyernong bulag sa pera


Sisira sa kultura ng bansa
Modernisasyon susi sa
kaunlaran
Hihigit pa ba sa pagmamahal sa
bayan?

Kung ako man ay mapalayo na ng husto


Lagi mo lang isipin, na ikaw ay kasama ko
Sa puso, sa isip ,maging sa salita ko
Pangako sa iyo hindi tatangkaing kalimutan
Baon ko ang ngiti mong nagbibigay inspirasyon
Salamat sa lahat munti kong kaibigan
Binigyan mo ako ng buhay na may saysay at kabuluhan
Dumating na ang dapit hapon at kailangan nang maglakbay
Bundok, Karagatan, Langit man o Lupa ay akin nang
handang tawirin
Panalangin sa Maykapal na akot ikay gabayan
Sa paglalakbay magbubuo ako ng bagong pahina ng aking
istorya
Hangarin koy kasabay kita sa paglikha
Sa landas na magkaiba at di na tyo ang magkasama
Ang dulot kong lungkot ay lilipas din
Papalitan ng matamis mong pag-ngiti at pagbangon kasabay
ng bagong pag-asa
Huwag nang malumbay, akoy muling babalik
Narito lamang ako at lagi kang babantayan
At sa pagbalik asahang hindi na kita lilisanin
Lilikha muli tayo ng larawang hindi na muling maglalaho

51

Hanggang sa muli kaibigan o aking pinakamamahal


Mga luhang umagos naway maging bahag-hari
Panalangin koy ikaw ay lumigaya
Muling pumaimbulog sa himpapawid
Hanggang sa muli, mahal kong kaibigan

ANG PANGARAP KONG DIPLOMA


JUSTINE ANGELO LIBUNAO

Ilang buwan na lamang at


darating na
Ang araw na kamiy magtatapos
na
Apat na taon na kamiy
nagkasama
Kaming college friends ay
forever tropa
Dumating sa puntong kami ay
hirap
Kahit ganoon, kami ay nagsikap
Bitbit namin ang mga pangarap
Sa buhay na aming nais malasap
Sa thesis na sobrang madugo
Puyat na puyat mukha ng multo
Kahit na kamiy nangamoy
mabaho
Dinedefend kahit wala kaming
ligo
Kay hirap na projects at mga
assignments
Idagdag pa rito ang tuition at
payments
Kaya ganoon na lang ang aming
excitement
Natapos na kami for our proud
parents
Kaunting tumbling at kami ay
graduate na
Huwag tayong sumuko at
magpatuloy pa
Laging tandaan na tayo ay tropa
Hanggang sa muli nating
pagkikita

52

53

54

55

56

57

58

59

60

You might also like