You are on page 1of 4

Failon Ngayon Soundtrack (0)

Failon Ngayon aye aye aye! (Audio) Good morning, Papa Ted.

Failon Ngayon: Work from Home

Ang ating panauhin sa umagang ito na makakapanayam natin SA kabilang linya ay sina Jenn Pancho,
Paula Florencio, Atty. Aaron Pedrosa, at Senator Joel Villanueva.

Marami sa ating mga kababayan ang araw-araw pumapasok sa trabaho. Tulad na lamang nina Jenn
Sancho at Paula Florencio. Parehas sina Jenn at Paula na gumugugol ng walo hanggang siyam na oras sa
trabaho. Pero malayong-malayo ang paraan ng pagkayod dito. Si Jenn ng Sta. Mesa, Manila, gumugugol
muna ng maraming oras bago makapasok sa kanyang opisina sa Ortigas. Tinitiis na lamang niya ito dala
ng pangangailangan. ’Yun nga lang, nasasakripisyo sa trabaho ang panahon para sa pamilya, lalo na sa
anak na may speech delay.

Kung si Jenn, kulang ang isang araw para pagkasyahin ang lahat ng Gawain, si Paula naman na isang
human resource specialist, hindi problema ang oras. Dahil ang kanyang opisina, bahay lang din niya.
Minsan na nga lamang sa isang linggo kung sya’y bumisita sa opisina. Dahil sa teknolohiya, hindi na nga
raw kailangang matali ang isang manggagawa sa kanyang opisina. Tumataas daw ang demand dito dahil
sa sitwasyon ng mga Pilipino.

WORK FROM HOME

Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa, secretary general ng labor group na Sanlakas: “Kailangan natin ng
telecommuting dahil nakakatulong siya sa mga Pilipino dahil makakatulong dahil ’yung oras mo sa traffic
ay magagamit mo sa ibang bagay katulad ng pag-aalaga sa anak mo or paglilinis ng bahay, at kung
halimbawa nag-down ’yung Internet niya magre-rent siya sa computer shop bibili siya ng halimbawa ng
coffee, makakatulong din siya at lumalaki ang ekonomiya natin.”

Kaya si Jenn, umaasa na makakatikim din ng ganitong kagaan na sistema.


Hindi naman na mahihirapan pa ang tulad ni Jenn na mag-work from home dahil nito lamang nakaraang
linggo ay isinabatas na ang RA 11165, o ang Telecommuting Act, na isang pagkilala ng estado sa bagong
pamamaraan ng pagtatrabaho sa bansa.

Paliwanag dito ng author ng batas na ito na si Senator Joel Vilalnueva: “Ang telecommuting ay additional
working arrangement na mas comportable ka. Pupwede kang gumamit ng mga teknolohiya, gaya ng
computers internet access. Ang importante lang ay meron kayong agreement ng employer na ito ’yung
working relationship, masusukat kung ilang oras ka magtatrabaho, ano ang requirement na kailangan
ideliver. Ibig sabihin po, hindi pwedeng bababa sa minimum labor standard ang ipapatupad kung tayo ay
involved sa telecommuting.”

Dagdag na paliwanag naman ni Atty. Benjo Santos Benavides, OIC-undersecretary ng Department of


Labor and Employment: “They will be enjoying the same minimum standards and benefits every
employee is entitled to. Hindi po maaapektuhan ’yung sahod po nila, ’yung leave benefits po nila under
the labor code of the Philippines and existing legislation.”

Sa ngayon, limitado lamang daw muna ito sa mga administrative at clerical work.

Ang Telecommuting Act ang isa sa nakikitang magpapagaan ng buhay ng mangagagawa basta kasi may
computer, Internet connection at smartphone ka lang sa bahay aba’y pwede ka ng hindi pumasok sa
opisina. Pero pangamba ng mga may-ari ng kumpanya sa work from home na sistema, paano
makasisiguro na hindi ito maaabuso ng kanilang empleyado?

Para nga sa grupong Employers Confederation of The Philippines o ECOP, isa sa mga nakikita nilang
problema sa batas ay kung paano mamomonitor ang kanilang tao at ang usad-pagong na Internet
connection ng ating bansa.

Ayon kay Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente at honorary chair ng Employers Confederation of the
Philippines: “Ang problema ay napakahina ng Internet kung may Internet o kung meron man ay maya’t
maya nagda-down, so pa’no mo imo-monitor ang tao mo kapag sinabi sa’yong down ’yung computer,
hindi mo alam ’yung employado mo, nagbubulakbol na pala.”

Isa pang problema ay kung paano mapapangalagaan ang mga impormasyon na hawak lamang ng isang
kompanya. Dagdag ni Ortiz-Luis Jr.: “’Yan mga ’yan even now, masyadong conscious sa security ng data
nila, ngayon maraming nababalita na nakawan ng data. Normally kung nagtatrabaho sila sa opisina
nakikita nila sino ang gumagamit eh kung uuwi nila ’yan, at pinakialaman ’yan.”
Sagot naman ni Senator Villanueva: “It goes both ways, may cons and pros. As of December 2018,
meron nang 2,163 free hotspot area. In 2019 they are targeting 5,308 additional na area, then you have
the entry of the third telco that will help implementing this law. When you engage in these activities,
there is a responsibility na protected ang company ninyo and itong Data Privacy Act of 2012 importante
na ang batas na ito ay tatalima din ang mga employers natin.”

Para sa People Management Association of The Philippines (PMAP) wala silang nakikitang hadlang sa
implementasyon ng nasabing batas. “Sa HR mas mapapadali ang pagha-hire ng tao, dahil maraming
magagaling na mga Pilipino ang nag-dadalawang-isip na pumasok sa full-time job. Ang disadvatange
d’yan ay mawawala ’yung sense of community but ang magandang solusyon d’yan ay magkaroon ng
chat group at video group na du’n mag-uusap usap. Hindi puwpede na kapag tatawag ka sa tao,
sasabihin, ‘Sir, wait lang nasa grocery ako.’ Unprofessional ’yun, the personal life should never get into
the way of professional life. Kailangan malakas na malakas ang iyong performance, management system
at kung pwede makalista ’yung daily at monthly output. Dapat alam nila sino ang magpo-provide ng
hardware at software na gagamitin” paliwanag ni Rene Gener, executive director ng PMAP.

Kung tanging Internet connection lamang pala ang labanan, hindi kaya madehado ang mga Pilipino sa
pagpili ng mga employer ng mga banyagang trabahador mula sa ibang sulok ng mundo? Sagot dito ni
Senator Villanueva: “Gusto nating makuha ang optimal advantage para s’atin. Meron tayong sinasaad sa
ating constitution sa Article 12 iyung preferential hiring of workers dapat Pilipino muna hindi pwedeng
unahin ang banyaga.”

Magkakaroon naman daw muna ng pilot program sa ilalim ng batas upang maplantsang maigi ang
implementasyon nito.

Sa loob ng 60 araw ay inaasahang lalabas ang implementing rules ng batas. Umaasa naman sina Jenn at
Paula na ito ay mapapatupad ng maayos.

At yan lamang ang tungkol sa isyung ating tinutukan! Maraming salamat sa ating mga panauhin!

Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng I
Can See Your Voice

11:00 ng gabi sa ABS-CBN!


Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas 2:00 ng hapon.

You might also like