You are on page 1of 2

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.

Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
_____1. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng hamon sa paggawa MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa
B. Mataas na sahod na inaalok ng mga MNCs at TNCs
C. Kawalang ng seguridad sa pinapasukang kompanya
D. Mababang pasahod para sa mga manggagawang Pilipino
_____2. Ang ating mga manggagawa at empleyado sa iba’t ibang sektor ay nakararanas ng maraming hamon at hindi mabuting
kalagayan sa paggawa dulot ng iba’t ibang kadahilanan. Sa palagay mo alin sa mga ito ang pinakapuno’t dulo sa mga hamong ito?
A. Kawalan ng edukasyon at kasanayan
B. Dahil sa kawalan ng diskarte sa buhay at katamaran
C. Dahil walang magawa ang pamahalaan na malutas ang mga problema sa paggawa
D. Dahil sa mga makabagong sistema sa paggawa na ipinakilala ng mga dayuhang kompanya na pabor para sa kanila
_____3. Si Jun ay isang construction worker. Kamakailan lang ay naaksidente siya, nahulog mula sa ikatlong palapag ng gusaling
kanilang itinatayo dahil wala siyang harness o tali sa katawan. Anong pang-aabuso sa mga manggagawa ang ipinapakita sa
pangyayaring ito?
A. Mababang pasahod
B. Mahabang oras sa paggawa
C. Kawalan ng sapat na seguridad sa paggawa
D. Hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
_____4. Halos mapudpod na ang sapatos ni Armando sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi pa rin siya natanggap. Maraming job
fair na rin ang kanyang pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya ito nangyayari kay Armando? Sadya ba
talagang wala siyang swerte pagdating sa paghahanap ng trabaho?
A. Marahil ay kulang pa ang kanyang kakayahan at kasanayan
B. Marahil ay may kakulangan siya sa aspekto ng personal relations kaya hindi siya nagustuhan
C. Marahil ay hindi kaaya-aya ang kanyang pisikal na kaanyuan kaya hindi siya natatanggap sa trabaho.
D. Biktima si Armando ng job mismatch kung saan hindi tugma ang kanyang kakayahan at kasanayan na hinahanap ng mga kompanya.
_____5. Isa sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon ay ang sistema ng kontraktuwalisasyon o ang pagtatakda ng kontrata sa
pagtratrabaho na hindi lalagpas sa anim na buwan. Ano ang epekto ng kontratuwalisasyon
sa mga manggagawa?
A. Tataas ang bilang ng mga manggagawang mawawalan ng trabaho.
B. Inaasahang mas paghusayan pa ng mga maggagawa ang kanilang trabaho para ma-renew ang kanilang kontrata.
C. Maraming mga manggagawa ang masisiyahan dahil hindi sa lahat ng panahon ay magtratrabaho sila bagkus magkakaroon sila ng
panahon na magbakasyon o magpahinga.
D. Hindi pangmatagalan o walang security of tenure ang mga manggagawa at hindi sila makatatanggap ng mga benipisyong kagaya ng
mga regular na mga empleyado.
_____6. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga
manggagawang Pilipino”?
A. Nagkaroon ng pag-angat sa kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Patuloy ang pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Patuloy ang pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
D. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
_____7. Dahil sa globalisayon sa paggawa, ano ang isang bagay na binago ng mga dayuhang mamumuhunan at korporasyon sa
sistema ng pagtratrabaho sa bansa?
A. Maraming mga manggagawa ang nagkaroon ng maayos na pamumuhay.
B. Malaki ang naitulong ng mga ito sa pamahalaan dahil sa malaking buwis na ibinabayad nila.
C. Itinakda ng mga dayuhang ito ang mga kasanayan sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa.
D. Maraming mga Pilipino ang hindi natanggap sa trabaho dahil mga dayuhang manggagawa ang kanilang kailangan.
_____8. Bakit madali lamang para sa mga dayuhang mamumuhunan ang magpresyo ng mura sa kanilang mga produkto?
A. Dahil malaki naman ang kanilang produksyon
B. Dahil mayayaman sila kaya hindi sila takot na malugi
C. Dahil sa hindi naman de-kalidad ang kanilang mga produkto
D. Dahil mura lamang ang pasahod nila sa kanilang mga manggagawa
_____9. Sa pangkalahatan, ano ang naidudulot ng kawalan ng trabaho sa mga ama ng tahanan?
A. Kaginhawaan C. Kalungkutan
B. Kalituhan D. Kasiyahan
_____10. Sa mahabang panahon ng pamamasukan ng iyong ama sa isang pabrika, kailanman man ay hindi siya nabigyan ng
pagkakataon na maging regular sa kanyang trabaho. Sa sitwasyong ito, paano ka mas higit na makatutulong sa iyong pamilya para
makaraos sa kahirapan?
A. Liliban ako sa klase upang magbenta ng pagkain sa lansangan.
B. Titigil na lamang ako sa pag-aaral para makapaghanap ng trabaho.
C. Titipirin ko ang aking baon at maghahanap ng mapagkakitaan kapag walang pasok.
D. Magpapatuloy pa rin ako sa aking pag-aaral dahil responsibilidad naman ng mga magulang ko na paaralin ko.
Panuto: Basahin ang balitang ito tungkol sa kalagayan ng ilang mga mangagawang Pilipino at pagkatapos ay sagutin ang
mga pamprosesong tanong.

3 labor groups nagpetisyon para sa wage hike


ABS-CBN News
Posted at Apr 26 2019 09:21 PM | Updated as of Apr 27 2019 01:11 AM

Limang araw bago ang Labor Day sa Mayo 1, tatlong grupo ng mga manggagawa
ang humirit na gawin nang P750 kada araw ang minimum wage sa buong bansa.
Inihain ng mga grupo ang petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity
Board (RTWPB) ng National Capital Region nitong Lunes, na layong bigyan ng
dagdag-suweldo, benepisyo, at mas matatag na estado ng mga manggagawang
Pilipino.
Kabilang sa mga nagpetisyon ang Kilusang Mayo Uno, Kilos Na Manggagawa, at
Metal Workers Alliance of the Philippines (MWAP).
Giit nila, gawin nang P750 ang arawang sahod ng mga manggagawa sa buong
bansa lalo't lahat ay naghihirap naman umano sa epekto ng inflation at serye ng
pagtaas ng presyo ng petrolyo.
4
"Kahit bumaba na 'yung inflation rate hindi naman ito nangangahulugan na bumaba
na rin ang presyo ng bilihin," sabi ni Jen Pajel, chairperson ng Kilos Na
Manggagawa.
Kasalukuyang nasa P537 ang suweldo kada araw ng mga manggagawa sa NCR na
tumaas noon lang Nobyembre. Ibig sabihin, P213 ang kailangang umento kung
pagbibigyan ang petisyon.

"Du'n sa P537 na minimum wage ay pinagkakasya nila doon 'yung lahat ng gastusin
sa araw-araw, lalo na pinopondohan nila 'yung pamasahe... Mas malaki sa kanila
ang kawalan kung liliban sila," ani Julius Carandang, pangulo ng MWAP.
Wala pang tugon ang Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa
inihaing wage hike petition ng mga manggagawa.

Pero ang grupong Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ay


ipinagkibit-balikat lang ito.
"Live with reality... It's impossible na mangyari," sabi ni ECOP president Sergio OrtizLuis.
Ipinaliwanag din ni Luis ang dahilan kung bakit iba-iba ang minimum wage ng mga
manggagawa kada rehiyon
"For instance, in Samar, if the minimum wage is P750 a day, which company will go
there to establish? In the province hindi ganu'n kalaki ang pamasahe," aniya.
Kung igigiit ang umento, tatamaan daw ang mga pinakamaliliit na negosyante sa
bansa, sabi ni Luis.
Sa kasalukuyang sistema, itinatakda ang minimum wage sa bawat rehiyon ng mga
regional board.

1. Batay sa ulat, ano-ano ang mga hinaing na ihaharap ng tatlong grupo ng mga manggagawa sa gagawing protesta?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Sa palagay mo, makatarungan ba ang dahilan ng kanilang protesta? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Sumasang-ayon ka ba sa naging tugon ng president ng ECOP? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

You might also like