You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 02
Division of Cauayan
SAINT CLARE COLLEGE OF REGION 02, INC.
Burgos St. District 2, Cauayan City, Isabela

Ikalawang Markahang Pagsusulit

Name:___________________________ Date: ____________


Grade & Section: __________________ Permit #: _________
Araling Panlipunan 10

Test I. Maramihang Pagpipilian. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang titik na may tamang
sagot.
1. Ano ang isa sa nagpapatuloy na suliranin ng ating bansa?
a. Unemployment b. Globalisasyon c. Ekonomiya d. Labor Force
2. Ano ang sinasabi ng pamahalaan na isa sa lakas ng ekonomiya?
a. Yamang tao b. Yamang Tubig c. Yamang Mineral d. lahat ng nabanggit
3. Ano ang tawag sa bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas na may trabaho o empleyong full time o
part time o naghahanap ng mapapasukang trabaho?
a. Labor Force b. Labor rate c. Full-time d. Part-time
4. Ano ang tawag sa pagtatrabaho ng walong oras o higit pa at nabibigyan ng benepisyo ng kaniyang
pinaglilingkurang kompanya?
a. Full-time b. Part-time c. Labor Force d. Labor participation
5. Ano ang tawag sa pagtatrabaho ng apat na oras pababa at hindi nakukuha ng benepisyong natatanggap
ng full-time na manggagawa?
a. Part-time b. Full-time c. Labor Force d. Labor participation
6. Ano ang tawag sa bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas na may kakayahang sumali sa mga
gawain ng ekonomiya?
a. Labor rate b. Labor Force c. Labor participation Rate d. Labor
7. Ano ang tawag sa mga nag-aaral ng ekonomiya?
a. Ekonomiks b. Unemployment c. Ekonomista d. Ekonomist
8. Ito ay dahilan ng unemployment kung saan isa sa apat na populasyon ng mga nagtatrabaho ay nasa edad
na 15 hanggang 24 taong gulang.
a. Kakulangan sa Edukasyon
b. Paglaki ng populasyon
c. kakulangan ng oportunidad para magkatrabaho
d. kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho
9. Ito din ay dahilan ng kawalan ng trabaho kung saan may kakulangan sa akademikong paghahanda dulot
ng mababang kalidad ng sistema ng edukasyon.
a. Kakulangan sa Edukasyon
b. Paglaki ng populasyon
c. kakulangan ng oportunidad para magkatrabaho
d. kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho
10. Ito ay dahilan kung bakit nagiging suliranin ang kawalan ng trabaho kung saan ang pagkakaroon ng
maraming anak ng mga mamamayan ay nakababawas ng pagiging produkto ng mga ito.
a. Kakulangan sa Edukasyon
b. Paglaki ng populasyon
c. kakulangan ng oportunidad para magkatrabaho
d. kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho

Test II. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ay tama at MALI kung ito ay mali. (2 puntos)
_______1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahaan.
_______2. Migrasyong panloob ang tawag kapag lumipat ang na ang mga tao sa ibang bansa upang doon
manirahan.
_______3. Ang international migration ay tinatawag ding migrasyong panloob.
_______4. Migrant ang tawag sa sa migranteng lumilipat pansamantala.
_______5. Immigrant ang tawag sa sa migranteng lumilipat ng permanente.
_______6. Unemployment ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig.
_______7. Silka Road ang tawag sa ruta ng kalakalan sa pagitan ng China at ng iba’t ibang bansa
_______8. 80M ang tinatayang International migrant ang nanirahan sa Asya noong 2017
_______9. Ang pinakamabilis na paglago ay nasa metro manila.
______10. Ayon sa estadistika ng United Nations noong taong 2017, 258 milyong tao ang nakatira sa labas ng
kanilang bansang sinilangan.

Test III. Pagtutukoy. Tukuyin kung ang isinasaad ay patungkol sa UNEMPLOYMENT, MIGRATION,
GLOBALISAYON. (2 puntos)

________________1. Ito ay maaaring panloob o panlabas.

________________2. Tumutukoy sa paglilipat ng lugar ng mga tao.

________________3. Ito ay tumutukoy sa mga taong nagnanais na manirahan sa lugar na hindi nila sinilangan.

________________4. Ito ay malayang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa isa’t isa.

________________5. Pag-aayos sa mga alitang pangkalakalan ng mga kasaping bansa.

________________6. Paglago ng pandaigdigang transaksiyon.

________________7. Nararapat maintindihan kung ano bumubuo sa lakas-paggawa ng bansa.

________________8. Kagawaran ng kalakand at industriya o Department of Trade and Industry.

________________9. Kagawaran ng paggawa at Empleo o Department of Labor and Employment.

_______________10. Technical Education and Skills Development Authority.

Test IV. Sanaysay. Sagutan ang katanungan. (10 puntos)

1. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong makapanirahan sa ibang bansa, pipiliin mo bang umalis ng
Pilipinas? Bakit?
Nilalaman – 5 puntos
Kaayusan – 5 puntos

“In everything you do, put God first and He will direct you and crown your
efforts with success”
Proverbs 3:6

Prepared: Anabelle D. Esquivel, LPT


Teacher

Noted: Prudencia G. Bañez, Ed.D


President

You might also like