You are on page 1of 5

THIRD QUARTER

Table of Specifications in Araling Panlipunan 4


# Learning Competencies Item Number Percentage
1 Natatalakay ang kahulugan at 1,2,3,4 10%
kahalagahan ng Pamahalaan
(AP4PAB-IIIa-1)
2 Nasusuri ang balangkas o 5,6,7,8 10%
istruktura ng pamahalaan ng
Pilipinas
3 Nasusuri ang balangkas o
istruktura ng pamahalaan ng 9,10,11,12,13,14,15,1 20%
Pilipinas. 6
4 Nasusuri ang mga gampanin ng
pamahalaan upang matugunan ang 17,18,19,20 10%
pangangailangan ng
bawatmamamayan.
5 Nasusuri ang mga programa ng
pamahalaan tungkol sa: 21,22,23,24,25 37.50%
a.pangkalusugan
b.Pang-edukasyon 26, 27, 28, 29, 30
c. Pangkapayapaan
d. Pang-ekonomiya 31, 32, 33, 34, 35
e. Pang- emprastruktura
6 Napapahalagahan (nabibigyang-
halaga) ang bahaging 36, 37, 38, 39, 40 12.50%
ginagampanan ng pamahalaan.
Total 40 items 100%

THIRD QUARTER
Periodical Test in Araling Panlipunan 4
Name: __________________________________________________Grade: _______Section:______

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat ang titik tamang sagot sa patlang.

________1. Ang sangay na ito nagbibigay ng interpretasyon ng batas.


A. Sangay Na Tagapaghukom C. Sangay Ng Tagapagpaganap
B. Sangay Ng Tagapagbatas D. Pangulo
________2. Ang ___________________ ang tumitiyak na ang mga batas na ginawa ng Kongreso ay
naipatutupad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.
A. Sangay Na Tagapaghukom C. Sangay Ng Tagapagpaganap
B. Sangay Ng Tagapagbatas D. wala sa nabanggit
________3. Ang _____________ ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo
ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
A. Lungsod B. Teritoryo c. Pamahalaan d. Barangay
________4. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ito ng ____________________ at katuwang ninyo ang
pangalawang pangulo at mga gabinete.
A. Gobernador B. Senador C. Mayor D. Pangulo
________5. Ang kagawarang ito ay pinamumunuan ng isang Kalihim na katulong ng Pangulo sa
pagpapatupad ng mga pambansang programa at proyekto.
A. Mababang Kapulungan C. Senado
B. Gabinete D. Korte Suprema
________6. Ito ay ang pinakamaliit na politikal na yunit ng pamahalaan.
A. Barangay B. Lungsod C.Probinsya D. Bansa
________7. Siya ang namumuno sa bayan o Lungsod.
A. Kapitan B. Alkalde C. Senador D. Gobernador
________8. Ang sangay na ito ay pinamumunuan ng Pangulo.
A. Sangay na Tagapaghukom C. Sangay na Tagapagpaganap
B. Sangay na Tagapagbatas D. Wala sa nabanggit

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Alamin kung kaninong kapangyarihan ang tinutukoy sa
bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa patlang.

Mahistrado Pangulo Senado Mambabatas

________________________9. Paglilipat ng paglilitis sa ibang lugar

________________________10. Paghirang ng Punong Mahistrado sa Mataas na Hukuman ayon sa


itinatadhana ng batas sa serbisyo sibil

________________________11. Veto power

________________________12. Muling pagbabalik-aral sa mga kasong may parusang kamatayan

at habambuhay na pagkabilanggo

________________________13. Pakikipagkasundo sa ibang bansa

________________________14. Paggawa ng panukalang batas tungkol sa pambansang badyet

________________________15. Pagdedeklara ng pag-iral ng digmaan

________________________16. Punong Kumander ng Sandatahang Lakas

Panuto: Isulat ang ahensiyang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga sumusunod na


sitwasyon sa patlang. Piliin ang ahensiya sa loob ng kahon.
Kagawaran ng Edukasyon
Kagawaran ng Paggawa at Pag-eempleyo
Kagawaran ng Tanggulang Bansa
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman

17. Gustong makapag-aral ni Merco na isang matalinong mag-aaral sa paaralang malapit sa kanila ngunit
walang maitustos ang kanyang pamilya dahil sa kahirapan.

_________________________________________________________________________
18. Pinangangalagaan nito ang maayos at wastong paggamit ng ating likas na yaman.

_________________________________________________________________________

19. Tinutulungan nito ang mga manggagawa ukol sa wastong pamamalakad ng kani-kanilang
pinagtatrabahuhan.

_________________________________________________________________________________________

20. Ang ahensiyang ito ang nagbibigay proteksyon sa kaligtasan at kapayapaan sa ating bansa.

_________________________________________________________________________________________

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin


ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.
______21. Ang isa sa mga sumusunod ay serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan na
naglalayong malabanan ang sakit na polio, diarrhea, tigdas at trangkaso. Alin ito?
A. Libreng pagpapa-ospital C. Pagbabakuna
B. Programa para sa kababaihan D. Free dental check-up
______22. Alin ang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa serbisyong pangkalusugan ng mamamayan?
A. Department of Health C. Department of Education
B. Department of Justice D. Department of Finance
______23. Ito’y tumutukoy sa programa ng pamahalaan sa kalusugan na siniseguro nito na ang lahat ng
mamamayan na mapagkalooban ng kalidad na pasilidad at serbisyong pangkalusugan.
A. PhiHealth C. Complete Treatment Pack
B. Programa sa mga Ina at Kababaihan D. Pagbabakuna
______24. Kung ikaw ay nakatira sa isang barangay, saan ka pupunta upang magpagamot?
A. Albularyo C. City Health Centers
B. Barangay Health Centers D. Ospital
______25. Ito’y tumutukoy sa programa ng pamahalaan sa kalusugan na marating nito ang mga mahihirap
na mabigyan ng kumpletong gamot.
A. Complete Treatment Pack C. PhilHealth
B. Programa samga Ina at Kababaihan D. Pagbabakuna
______26. Anong programang pang-edukasyon na makikita sa maraming barangay na nangangalaga sa mga
batang nag-uumpisa pa lamang matuto?
A. Day Care Center Program
B. Programang Pang-edukasyon para sa Indigenous People
C. Programang Pang-edukasyon para sa Out of School Youth
D. Kinder to Grade 12 Program
______27. Ito ang programa sa edukasyon para sa mga katutubo nating mamamayan.
A. Day Care Center Program
B. Programang Pang-edukasyon para sa Indigenous People
C. Programang Pang-edukasyon para sa Out of School Youth
D. Kinder to Grade 12 Program
______28. Ang Basic Education Program ay kilala rin sa tawag na __________.
A. Day Care Center Program
B. Programang Pang-edukasyon para sa Indigenous People
C. Programang Pang-edukasyon para sa Out of School Youth
D. Kinder to Grade 12 Program
______29. Anong batas ang nagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa mga mahihirap?
A. REPUBLIC ACT No. 10931 C. REPUBLIC ACT No. 8545
B. REPUBLIC ACT No. 9155 D. REPUBLIC ACT No. 10533

______30. Sinong Presidente ang dapat itanghal na Ama ng Libreng Edukasyon dahil sa pangunguna niya
sa libreng tuition sa kolehiyo?
A. Benigno Sameon Cojuangco Aquino III
B. Rodrigo Roa Duterte
C. Joseph Ejercito Estrada
D. Gloria Macapagal Arroyo

Panuto: Pagtambalin ang mga programa ng pamahalaan na nakasaad sa Saligang Batas sa


pagtataguyod ng ekonomiya ng bansa sa kanilang mga layunin. Titik lamang ang
isulat sa iyong patlang.
A B

______31. Hinihikayat ang taong bayan A. Pagpapaunlad ng Yamang Tubig


na tangkilikin ang sariling mga produkto.
______32. Sinubaybayan ang halaga ng mga bilihin B. Pagpapaunlad ng Agrikultura
upang maiwasan ang hindi makatuwirang
pagtaas ng mga presyo.
______33. Tinuturuan ang mga magsasaka ng mga C. Pangangalaga sa mga Manggagawa
makabagong paraan sa pagsasaka.
______34. Muling pagtatanim sa mga lugar na
Pinutulan ng mga puno o reforestation. D. Pagpapaunlad ng Kagubatan
______35. Pagsasanay sa wastong pangangalaga
at pagpapalaki ng mga fingerling. E. Pangangalaga sa mga lokal na
Industriya at Kalakal

Panuto: Isulat ang PP kung ang tulong ay galing sa pamahalaang panlalawigan at PPP
kung ang tulong ay mula sa pamahalaangpanlungsod/pambayan.Isulat ang sagot sa
patlang.
_____36. Nagbibigay ng pera ang mayor bilang handog sa mga senior citizens tuwing kaarawan niya sa
kanilang lungsod.
_____37. Pagbibigay ng ayuda sa mga mayor upang mapasaayos ang daan sa mga lungsod o bayan.
_____38. Pagtatayo ng health centers sa mga liblib ng lugar sa barangay.
_____39. Pagsasayos ng mga dam upang may magamit na tubig ang iba’t ibang barangay sa lalawigan.
_____40. Pagbisita ng gobernador sa isang lungsod upang makapagpatayo ng hospital sa nasabing lugar.
Parents Signature: ______________________________

You might also like