You are on page 1of 4

Philippine Cultural College – Caloocan

Taong Panuruan 2020-2021

Asignatura: Araling Panlipunan 10 Markahan: Una

Modyul: 4 Petsa: Oktubre 5-9, 2020

Mga Paksa: 1. Kawalan ng Trabaho


2. Dahilan ng Kawalan ng Trabaho
____________________________________________________________________________________________________

I. Paksa: Heograpiya ng Gresya

II. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
A. naipaliliwanag ang konsepto ng unemployment;
B. nasusuri ang unemployment rate ng Pilipinas;
C. nakasasagot nang buong katapatan sa mga pagsubok at pagsasanay.

III. Nilalaman

Ang kahulugan ng unemployment ay ang sitwasyon kung saan


ang bahagi ng lakas paggawa ay walang trabaho ngunit naghahanap ng
maaaring maging trabaho. Ang konsepto ng unemployment ay
tumutukoy rin sa sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay
walang trabaho kahit na sila ay may pinag-aralan at sila ay pasok naman
sa kinakailangang mga kwalipikasyon.

Para sa impormasyon: Basahin ang Kayamanan 10 pah. 67-71

IV. Pagtataya

A. Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay tama, M naman kung ito ay mali.

____1. Ang Pilipinas ay nangunguna sa Timog-silangang Asya na may pinakamataas na unemployment rate sa rehiyon.
____2. Ang yamang tao ay yaman ng bansa na tumutugon sa pagbibigay ng produkto at serbisyo.
____3. Ang unemployment ay isang isyung pang-ekonomiya.
____4. Ang underemployment ay may kaugnayan sa konsepto ng unemployment.
____5. Underemployed ang tawag sa mga taong may trabaho subalit hindi naaayon sa kursong napagtapusan nito.

B. Sagutin ang test package na itinakda para sa iyo. Ang bahaging ito ay sasagutin sa klase at gagawin sa pamamagitan ng
Genyo.

Pahina 1 ng 4
V. Pagsasabuhay

Bilang isang mag-aaral, ano ang mga gawain mo ngayon na magbibigay sa iyo ng katiyakan na hindi ka
mapapabilang sa unemployment rate ng ating bansa? Ipaliwanag ang sagot.

VI. Sanggunian

Samson, C. et.al. (2017). Kayamanan (Kasaysayan ng Daigdig), Rex Book Store, Quezon City.

https://search.yahoo.com/search

Pahina 2 ng 4
I. Paksa 2: Dahilan ng Unemployment

II. Panimula

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. naipaliliwanag ang dahilan ng unemployment at underemplloyment sa Pilipinas;
B. naiuugnay ang isyu ng unemployment sa iba pang isyung panlipunan;
C. nakasasagot nang buong katapatan sa mga pagsubok at pagsasanay.

III. Nilalaman

Ang mga sumusunod ay dahilan ng unemployment at underemployment sa Pilipinas

 Kakulangan ng oportunidad na makapagtrabaho


 Paglaki ng populasyon
 Kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano na makalikha ng trabaho
 Hindi tugma ang pinag-aralan o kwalipikasyon ng mga mamamayan sa maari nilang pasukang trabaho
 Kakulangan ng kailangang kasanayan para sa trabaho
 Hindi matugunan ang kondiyon ng kawalan ng trabaho
 Hindi pagbibigay ng wastong sahod sa manggagawa, kaunting benepisyo at hindi maayos na kondisyon ng
pinagtratrabahuhan
 Katamaran ng mga tao
 Pananalasa ng kalamidad sa bansa
 Masalimuot na paraan para makapagtatag ng negosyo
 Pamumulitika at katiwalian ng mga nanunungkulan sa pamahalaan

Para sa impormasyon: Basahin ang Kayamanan 10 pah. 73-78

IV. Pagtataya

Sagutin ang Tiyakin C Blg 1-3 sa pahina 81 ng Batayang aklat.

V. Pagsasabuhay

Pumili ng isa sa mga dahilan ng unemployment sa Pilipinas. Sumulat ng mensahe sa taong nais mong kausapin hinggil sa
napiling dahilan ng unemployment sa ating bansa.

Hal: Ang napili ko ay ang katiwalian sa pamahalaan. Magbibigay ako ng mensahe sa Pangulo n gating bansa.

Pahina 3 ng 4
VI. Sanggunian

Samson, C. et.al. (2017). Kayamanan (Kontemporanyong Isyu), Rex Book Store, Quezon City.

Inihanda ni: Bb. Cristina C. Castro Petsa ng Pagpapasa: Oktubre 2, 2020


Guro

Binigyang-pansin ni: G. Christopher E. Getigan


Tagapag-ugnay

Pahina 4 ng 4

You might also like