You are on page 1of 2

QUEZON MEMORIAL ACADEMY

Progreso St. Poblacion West Umingan, Pangasinan

KONTEMPORARYONG ISYU
Grade 10

IKALAWANG MARKAHAN, UNANG LINGGO

Pangalan: _________________________________________________________ Seksiyon: ____________________


I. Mga Layunin

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:


a. Maipaliliwanag ang konsepto ng unemployment;
b. Maipaliliwanag ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng unemployment at
underemployment; at
c. Makapagtataya kung ano-anong implikasyon ang ipinakikita nito sa pamumuhay ng mga tao.
II. Mga Nilalaman
Aralin 1.2 Ang Unemployment Rate sa Pilipinas Ayon sa Iba’t Ibang Organisasyon

 Ang Unemployment Rate sa Pilipinas Ayon sa Iba’t Ibang Organisasyon


Ang unemployment ay nasusukat sa pamamagitan ng paggamit ng tinatawag na unemployment rate. Ito ay nakakalkula
sa pamamagitan ng paghahati ng bilang ng mga mamamayang walang trabaho sa bilang ng mga mamamayan sa pwersang
manggagawa o labor force.
1. Ayon sa International Labour Organization (ILO) – ang Pilipinas ang may pinakamataas na unemployment
rate sa Asya. Ayon dito 7.0% ang unemployment rate sa bansa.
2. Ayon sa Pulse Asia – sa kanilang ginawang sarbey noong 2014, 55% ng mga Pilipino ang naniniwalang lalong
bumaba ang pambansang kalidad ng buhay sa nakaraang 12 buwan.
3. Ayon sa Eksperto sa Ekonomiya at Industrial Relation – tinatayang may 1.3 hanggang 1.5 milyong Pilipino
ang dumadagsa na labor force bawat taon.
4. Unemployment Rate sa Rehiyong Timog-silangang Asya – mas marami ang babaeng walang trabaho rito kaysa
sa mga lalaki.
Epekto ng Kawalan ng Trabaho sa Pamumuhay ng mga Mamamayan

 Tumitinding kahirapan.
 Naapektuhan ang mental health o kalusugan ng pag-iisip ng mga tao.
 Nagpupunta sa ibang bansa ang mga manggagawa.
 Dumami ang mga dayuhan at dambuhalang lokal na negosyante kaya’t nalugi ang
 napakaraming maliliit na negosyo na nakapagbibigay ng trabaho sa ating bansa.
 Humihina ang ekonomiya ng bansa dahil sa mas mahina ang produksiyon ng bansa at marami ang mahihirap.
 Mabagal ang pag-unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya nito.
Implikasyon ng Unemployment sa Pamumuhay ng Tao
1. Tumitinding kahirapan – ang kawalan ng trabaho ay nagdudulot ng matinding kahirapan ng mga tao.
 Walang mapagkukunan ng pera ang mga tao para sa kanilang ikabubuhay at mga pangangailangan
 May mga gumagawa ng krimen tulad ng pagnanakaw at panghoholdap
 Nagkakaroon ng malnutirsyon ang mga tao dahil walang pambili ng pagkain
 Hindi makapag-aral ang mga bata dahil hindi matustusan ng mga magulang ang pangangailangan sa
paaralan
 Napipilitang magtrabaho ang mga bata upang matulungan ang magulang
 Dumadami ang bilang ng mga babaeng pumapasok sa prostitusyon
 Bumababa ang standard of living ng mga tao
 Dumarami ang mga informal settelr
 Dumarami ang mga taong umaasa sa gobyerno

2. Naapektuhan ang mental health o kalusugan ng pag-iisip ng mga tao:


 Bumababa ang tiwala at pagtingin nila sa sarili
 Dumaranas sila ng depresyon at pagkawala ng pag-asa sa buhay
 Nagkakaroon ng negatibong pag-uugali
 Tumataas ang bilang ng nagpapakamatay
 Nagkakaroon ng stigma o masamang tingino husga sa kapwa

3. Nagpupunta sa ibang bansa ang mga manggagawa upang maghanapbuhay at iniiwan nila ang kanilang pamilya.

 Nasisira ang pagkakabukold ng pamilya


 Maymga napapariwarang anak dahil walang gumagabay nang maayos sa kanila
 Nagkakaroon sila ng brain drain

4. Dumami ang mga dayuhan at dambuhalang local na negosyante kaya nalugi ang napakaraming maliliit na
negosyo na nakapagbibigay ng trabaho sa ating bansa

 Temporary o contractual employment lamang ang inaalok ng mga dayuhan


 Maliit ang sweldong binibigay ng malalaking local na negosyante

5. Humihina ang ekonomiya ng bansa dahil sa mas mahina ang produksiyon ng bansa at marami ang mahihirap.

6. Mabagal ang pag-unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya nito.

III. Mga Gawain


1. Ano ang maimumungkahi mong solusyon para sa bawat suliranin na kaugnay ng unemployment sa ating bansa. Buuin
ang problem-solution idea map. (20 pts)

Kawalan ng Trabaho

Mga Problema Solusyon

2. Batay sa iyong sariling karanasan o pag-aaral, alin ang totoong sanhi ng unemployment at underemployment sa
Pilipinas? Bakit mo ito nasabi? (10 pts)

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

IV. Takdang Aralin


TANONG: Ipaliwanag kung bakit ang sumusunod ay dahilan sa kawalan ng trabaho o unemployment sa hindi bababa sa
tatlong pangungusap.Pumili ng isa lamang sa mga dahilan.
1. Paglaki ng populasyon
2. Pagkukulang ng pangmatagalang plano ng pamahalaan
3. Kakulangan sa kwalipikasyon ng mga mamamayan
Nilalaman 5
Kaayusan 5
TOTAL: 10

Inihanda nina:
Bb. Camille Joy F. Cada at Bb. Abigail Q. De Guzman
Mga Guro sa Araling Panlipunan

You might also like