You are on page 1of 2

QUEZON MEMORIAL ACADEMY

Progreso St., Poblacion West, Umingan Pangasinan


(Ikatlong Markahan, Ikaanim na Linggo)

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8 – KASAYSAYAN NG DAIGDIG

I. LAYUNIN:
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Masusuri ang pag-usbong ng rebolusyong siyentipiko;
 Napahahalagahan ang mga dakilang ambag ng mga siyentista, pilosopo, at mga “naliwanagan”
na nagpabuti sa buhay ng mga tao hanggang sa kasalukuyan; at
 Natataya ang impuwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon AP8DKT-IIi-13
II. NILALAMAN
A. PAKSA: Rebolusyong Siyentipiko at ang Enlightenment
B. BANGKAS NG ARALIN
1. Rebolusyong Siyentipko
2. Ang Enlightenment
3. Paglaganap ng kaisipang Enlightenment
C. BABASAHIN: Kasaysayan ng Daigdig (Vibal - Kto12) P.266-277
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAING
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagtatala sa mga lumiban
B. PAGLINANG NG GAWAIN
 PAGGANYAK
 Laro: Scrambled Words ng REBOLUSYON, SIYENTIPIKO, ENLIGHTENMENT.
 Pagpapakita ng Larawan. (Ipakita sa klase ang larawan ni Galileo Galilei at ang
Inquistion sa pamamagitan ng Power Point)
Gawain 1: -Paghihiwalayin ang klase sa dalawa (2) pangkat.
-Pumili ng isang representante bawat pangkat ipakita sa klase kung ano ang kanilang mga
nabuong opinyon.
Pangkat 1 – Galileo Galilei
Ipaglaban mo boang iyong mga paniniwala?
Pangkat 2 – Inquisition (Hukom)
Ano ang iyong magiging pasiya hinggil sa kaso?
C. TALAKAYIN:
Gamit ang Power Point, tatalakayin ng guro kung ano ang kabuohan ng Rebolusyong
Siyentipiko at ang Enlightenment
 Ano ang Rebolusyong Siyentipiko?
 Ano ang Enlightenment
 Sino-sino ang mga taong naka-imbento ng mga theorya at bagay na ginamamit natin sa
kasalukuyan?
D. PANGWAKASAN NA GAWAIN
1. PAGPAPAHALAGA: (Gawin ito sa pamamagitan ng Reflection Paper.)
 Paano binago ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment ang lipunang Europeo?

IV. PAGLALAPAT
A. PANUTO: Sa tulong ng mga kaalamang nakuha mo sa pag-uulat at sa mga tekstong binasa sa
aralin, punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan na maglalaman ng mga naging
kontribusyon sa iba’t ibang larangan ng mga personalidad. Sundan ang halimbawa upang
malinaw na maisagawa ito. (Maaaring magsaliksik sa internet)
HALIMBAWA:
PERSONALIDAD LARAWAN LARANGAN KONTRIBUSYON
Galileo Galilei Astronomiya Teleskopyo

B. Pamprosesong tanong:
1. Sino-sino ang personalidad na inyong itinala?
2. Sa kasalukuyang panahon, paano tayo natutulungan ng kanilang mga kontribusyon?
V. TAKDANG ARALIN
Bilang isang mag-aaral, paano mo mabigyang-halaga ang naging kontribusyon ng mga dakilang
siyentipiko?
Nilalaman 10
Kaayusan 10
TOTAL: 20

Inihanda ni:

Bb. Camille Joy F. Cada


Guro sa Araling Panlipunan 8

You might also like