You are on page 1of 12

Panimula

Ang aking ihahayag sa inyo ay tungkol sa mga manggagawa ng section plato na

galing sa impormasyon sa papel na nakadetalye ang bawat datos ng buhay ng isang

taong manggagawa.

Sa impormasyong ito nakapaloob ang mga bagay bagay tungkol sa buhay o

estado ng isang manggagawa kabilang na dito ang kanilang hanapbuhay na kung saan

sinusuri naming mga mag aaral kung ano ang natapos o napag aralan ng isang

manggagawa.

Iba't iba ang bawat natapos ng bawat isa at iba iba rin ang naging trabaho ng

bawat isa.

Ang kabuang bilang ng manggagawa sa section plato ay 57 katao aking

ipapakita ang listahan kung ilan ang mga manggagawang nakapagpagtapos ng kolehiyo

ang bilang nito ay 11 lamang at may 10 manggagawang nakatungtong ng kolehiyo.

Ang may pinakamaraming bilang ng manggagawang nakapagtapos ng highschool ay

humigit kalahati ng 57 o 23 katao samantalang may 7(pitong) mga manggawa naman

ang nakatungtong ng highschool. Mayroon ding manggagawa na ang natapos lamang

ay elementarya na ang bilang ay 6(anim).

Sa detalyeng ito ang mga manggagawa ng section plato ay binubuo ng 17 na

Ina, 23 na ama, 8 na kapatid, at 7 na hindi alam kung anong kasarian dahil hindi

naitala kung anong estado ng mga ito sa pamilya.

Sa detalyeng ito naihahayag ng mga manggagawa ang kanilang mga

hanapbuhay iba iba ang bawat trabaho at naitala rin kung anong benepisyo ang

nakukuha ng mga manggagawa galing sa pamahalaan gaya ng PHILHEALTH, SSS,

GSIS, PAG IBIG at iba pa.


Nakalagay din kung ang isang manggagawa ay kontento na sa kanilang napiling

trabaho na nais na lamang manatili sa kanilang trabaho at mayroon ring manggagawa

na hindi kontento sa kanilang napiling trabaho.

Nakalagay rin sa data kung regular o kontraktwal ang isang manggagawa

Edad ng mga manggagawa

Aking binilang ang bilang ng mga manggagawa na ang edad ng ama ay 30-40

years old ang bilang nito ay 8. Ganun din ang bilang ng ina na may 30-40 years old ay

may 8 bilang.

Samantalang ang bilang ng Ama na may edad 40 pataas ay may bilang na 15

katao ang may edad na 40 pataas.

May 9 na inang manggagawa naman ang may edad na 40 pataas.

Ang aking pinupunto sa datang aking napansin sa 30-40 years old na

manggagawa at ang kanilang mga anak ay nasa edad na 16 pataas na kung ibabawas

natin ito sa kanilang edad mapapansin na ang bata nilang nag asawa para sa akin lang

naman napakabata pa nilang nag asawa dahil batay sa aking nabasa na galing sa

Philstar website:

Sa panig ng agham, sinubukang pag-aralan ng ilang scientist kung ano ang

eksaktong tamang edad sa pag-aasawa para ito tumagal habambuhay.

Lumilitaw sa pananaliksik ng University of Utah sa United States na mas

magandang mag-asawa sa pagitan ng mga edad na 28 at 32-anyos para lumakas ang

tsansang tumagal ang pagsasama.

Lumabas ang four-year age range sa pag-aaral na ito makaraang analisahin ang

datos mula sa 2006-10 and 2011-13 National Survey of Family Growth (NSFG).

Ang pinupunto ko lamang ay may mga manggagawa na maagang nag asawa

batay sa data na aking sinusuri.


Natapos at Nakatungtong sa Edukasyon

Ang data ay naglalaman ng mga manggagawang nakapagtapos at nakatungtong

sa elementarya, highschool at kolehiyo. May mga manggagawang nakapagtapos ng

elementarya, highschool at kolehiyo. May mga manggagawa rin na nakatungtong ng

elementarya, highschool, at kolehiyo. Makikita sa data na mas maraming nakapagtapos

ng highschool kay sa sa kolehiyo akin itong napansin. Isa sa mga lumabas sa isip o

lumitaw sa aking isipan na baka marami na ring makukuhang trabaho kapag nakatapos

ka ng highschool dahil marami din namang mga highschool graduate na maganda ang

nakuhang trabaho.

Regular at Kontraktwal

Ayon sa aking nabasa kung ikaw ay isang regular, mapalad ka nang kaunti dahil

maaaring ipinapatupad sa iyo ang labor standards na ayon sa ating batas sa paggawa

gaya ng minimum na sahod, walong (8) oras na paggawa, over time pay, 13th month

pay, SIL, holiday pay at rest day o isang araw na pahinga sa bawat isang linggong

pagtatrabaho. (At may katiting na alwan ang kalagayan kung may unyon dahil may

mga benepisyong lagpas sa itinakda ng batas na maaaring makamtan bunga ng mga

“labanan,” CBA, halimbawa.

Maaring ipinapatupad? Bakit parang may duda? Dahil hindi nakakamit ng

maraming manggagawa sa kasalukuyan, naturingan mang regular, pero hindi

nakakamit ang mga benepisyong binabanggit dahil sadyang hindi ipinapatupad ng mga

switik at gahamang mga employer, dahil, una, hindi ito alam ng mga manggagawa, at

ikalawa, natatakot ang mga manggagawa na mapag-initan sila pag kinuwestiyon nila

ang kani-kanilang employer. Nandyan naman sana ang DOLE upang siyasatin ang

bawat pabrika sa nasasakupan ng kanilang satellite offices gamit ang kanilang “visitorial

power,” ngunit hindi ito nagaganap. Kinakailangan pang sadyain muna sila ng mga

manggagawa upang mag-reklamo, na dahilan pa lalo upang pag-initan ang mga ito at

tanggalin sa trabaho. Ganyan kalakas ang loob ng mga gahamang employer dahil alam

nilang kayang tapalan ng salapi ang mga korap sa pamahalaan. Bukod pa ito sa

katotohanang napakalaki ng reserbang manggagawa, sa bawat isang regular na


matatanggal, may mahabang pila ng manggagawang gustong pumalit- maamo, mura o

tatanggap ng mababang sahod at higit sa lahat, kontraktwal.

Kung ikaw naman ay isang kontraktwal ay singhaba lamang ng ilang buwang

nilalaman ng kontratang iyong nilagdaan ang haba ng iyong magiging

pagtatrabaho. Ibig sabihin, sa tuwing matatapos ang kontrata at mawawalan ka na ng

hanapbuhay, titigil din muna ang pag-inog ng iyong buhay sa kasalukuyan nating

mundong nakatali sa kakarampot na sweldo ang lahat ng ating mga batayang

pangangailangan. Ang “kakarampot” na iyan ay kung ipinapatupad sa iyo ang minimum

na pasahod na itinakda ng batas, na malamang sa hindi. ay hindi mo nga natatamasa

dahil bilang kontraktwal ay agency ang nagpapasahod sa iyo. At dahil ang kita ng

mga agency ay galing din lamang sa porsyentong kinotong sa sahod mo, kulang na ito

pagdapo sa mga palad mo.

Sa umiiral na kalagayan, bago matapos ang isang kontrata, kinakailangang may

tinatarget nang malilipatan ang isang manggagawang kontraktwal upang magpatuloy

ang buhay niya sa mundo kung saan kontrolado ng mga kapitalista ang bawat buhay

mula pagsilang hanggang kamatayan.

Sa inyong nabasa ibinigay ko lamang ang konting kaalaman sa pagiging regular

at kontraktwal na manggagawa at ang inyong nabasa ay kumokonekta sa mga

manggagawa ng section plato.

Ang regular na manggagawa na nagtatrabaho sa section Plato ay binubuo ng 46

katao at ang mga manggagawa na kontraktwal naman ay binubuo lamang ng 11 katao

¼. Ang lahat ng manggagawa sa section Plato ay binubuo 57.

KONTENTO AT HINDI KONTENTONG MGA MANGGAGAWA

Dumako naman tayo sa mga manggagawa sa konsepto ng kontento at hindi

kontento. Bakit nga ba kontento ang isang tao sa kanyang pinasok na trabaho? Akin

itong sasagutin na nababase sa aking kaalaman siguro dahil masaya ang isang tao sa

kanyang ginagawa kaya kontento na siya sa kanyang trabaho o dahil ito ang

pinangarap o gusto niya maging trabaho. Isa pang dahilan kung bakit kontento na sa

trabaho ang isang manggagawa ay dahil konekta ang kanyang tinapos sa kasalukuyan
niyang trabaho at huling dahilan kung bakit kontento ang isang tao sa kanyang trabaho

ay dahil sapat ang kinikita o sahod ng isang tao. Ang mga impormasyon na ito ay

kokonekta sa mga manggagawa ng section plato na may 48 na katao na sinasabing

kontento na sila sa kanilang propesyon o trabaho.

Mga dahilan naman kung bakit hindi kontento sa trabaho ang isang

manggagawa simple lang kundi ang kabaliktaran ng mga dahilan ng manggagawang

kontento na sa trabaho. Una dahil hindi nila gusto ang trabahong ito. Pangalawa dahil

kulang ang sahod ng mga manggagawa. Pangatlo dahil hindi sila masaya sa trabahong

kanilang pinasok. Pang apat dahil hindi ito ang pangarap niyang trabaho.

Kaya lang naman hindi kontento ang isang tao sa kanilang trabaho ay dahil nag

aasam pa sila ng malaking kita o sahod at hindi sapat ang kinikita para sa sarili at

pamilya.

Ang mga manggagawa ng section plato ay mayroong 9 na katao ang hindi

kontento sa trabaho sa 9 na ito mayroong dalawang tao na nakapagtapos ng kolehiyo

ang tinapos ng isa ay AB - Mathematics at ang kanyang trabaho ay Private tutor pero

hindi pa rin siya kontento sa kanyang trabaho at ang ikalawang nakapagtapos ng

kolehiyo ay hindi rin kontento sa kanyang trabaho ang tinapos niya ay Political Science

ang kanyang kasalukayang trabaho ay Call center kaya siguro hindi kontento ang

dalawang ito dahil hindi konekta sa kanilang trabaho ang kanilang tinapos. Dito na

papasok ang suliraning Job Mismatch.

MGA KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA

Ang unang araw ng Mayo o tinatawag na “Mayo Uno” ay laan para sa paggunita

ng Araw ng mga Manggagawang Pilipino. Nagsimula ito noong Mayo 1, 1913 dahil sa

pagsusulong ng Congreso Obrero de Filipinas na gawing 8 oras lamang ang

nakatakdang oras ng pagtatrabaho sa halip na 12 oras. Kinikilala hindi lamang sa

sariling bansa ang mga manggagawang Pilipino kundi maging sa ibang panig ng daigdig

dahil sa likas na angking sipag, sikap, tiyaga at determinasyon sa pagsasagawa ng mga


tungkuling nakaatang sa kanilang mga balikat. Pinatutunayan iyan ng mga Overseas

Filipino Workers o OFW na itinuturing na mga makabagong bayani.

Ang malaking tanong, sapat nga ba ang kabatiran at kamalayan ng mga

manggagawa sa kani-kanilang mga karapatan?

Ang Bureau of Working Conditions ng Department of Labor and Employment ay

nagbigay ng mga pangunahing karapatan ng mga manggagawa na kailangan nilang

tamasahin habang nagbibigay ng serbisyo sa kanyang piniling trabaho.

1. Equal work opportunities for all.

May karapatan ang sinuman na makapagtrabaho anuman ang kanyang kasarian

, lahi, o estado sa buhay habang pinangangalagaan din ang mabuti at mabungang

ugnayan sa pagitan ng amo at manggagawa.

2. Security of tenure.

Walang sinumang manggagawa ang maaaring tanggalin sa kanyang tungkulin

nang hindi dumaraan sa maayos at wastong proseso o due process.

3. Work days o work hours.

Kailangang makatanggap ng sapat na sweldo ang mga manggagawa ayon sa

itinakdang oras ng kanilang pagganap sa kanilang tungkulin. Kung ang kanilang oras ng

pagtatrabaho ay nasa pagitan ng 10:00 nang gabi hanggang 6:00 nang umaga, sila ay

nararapat na makatanggap ng night shift pay, karagdagan pa sa kanilang bayad para sa

regular work hours. Kung sila ay nagtrabaho nang lagpas sa itinakdang walong oras,

kailangang makatanggap sila ng overtime pay.

4. Weekly rest day.

Kailangang magkaroon man lamang ng 24 oras o isang araw na pahinga o day-

off ang isang manggagawa mula sa anim na araw na pagganap sa kanyang tungkulin.

5. Wage and wage-related benefits.

Kaya nagtatrabaho ang isang manggagawa para kumita. Ang sweldo ay

kabayaran sa ipinagkaloob o isinagawang serbisyo ng isang manggagawa sa kompanya

o among pinagtatrabahuhan. Nakadepende sa kompanya kung paano ang scheme o

sistema ng pagbibigay ng sweldo. Makatatanggap din ng holiday pay ang mga


manggagawang pinapasok kahit sa mga araw na dineklarang holiday. Maaari din silang

makatanggap ng mga bonus, incentives, 13th month pay, at iba pang benepisyo.

6. Payment of wages.

Kailangang maibigay nang tuwiran ang sweldo ng isang manggagawa sa

pamamagitan ng cash, legal tender, o pagpasok sa bank account nito. Kailangan ding

sumunod ng kompanya sa scheme na itinakda sa pagpapasweldo sa kanilang mga

manggagawa.

7. Female employees.

Maaaring ipagbawal sa mga babaeng manggagawa ang pagtatrabaho ng night

shift, subalit kadalasang hindi ito nasusunod dahil sa uri ng mga trabaho ngayon tulad

ng call centers. Kung mangyayari man ito, kinakailangang isaalang-alang ang

pagkakaloob ng siyam na oras na pahinga mula sa pagtatrabaho. Kinakailangan ding

may bukod na lugar-bihisan o palikuran ang mga babaeng manggagawa para sa

kanilang mga pangunahing pangangailangan.

8. Children employment.

Ang minimum employment sa Pilipinas para sa non-hazardous jobs o hindi

mapanganib ay 15 hanggang 17 taong gulang at ang hazardous jobs o mapanganib

naman ay sa 18 taong gulang pataas. Kung hindi maiiwasang maghanapbuhay ang 14

na taong gulang, kailangang may paggabay pa rin ito mula sa mga magulang o

guardian.

9. Safe working conditions.

Kailangang isaalang-alang at tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa mula

sa anumang uri ng sakuna, sakit, at kamatayan sa lugar ng kanilang mga

pinagtatrabahuhan. Kailangan ding tiyakin na malusog ang kanilang mga manggagawa.

10. Rights to self-organization and collective bargaining.

May karapatan ang mga manggagawa na magtatag at lumahok sa isang

lehitimong unyon o pangkat na mangangalaga sa kani-kanilang mga karapatan bilang

manggagawa, na malaya mula sa pangingialam o pagkontrol ng kanilang mga amo o


pamahalaan. May karapatan din silang magpahayag ng kanilang mga hinaing sa

pamunuan ng kompanya.

Kung sakaling malabag ang mga karapatang ito, kailangang makipag-usap muna

nang maayos ang isang manggagawa sa kani-kanilang mga amo upang maresolba ang

anumang gusot. Lahat ng manggagawa ay maaaring dumulog sa DOLE kung sakaling

hindi ito magtagumpay.

MGA SULIRANIN NG MGA MANGGAGAWA AT SOLUSYON


PARA DITO

OVERTIME PAY

Nangunguna ang hindi pagbibigay o maling computation ng night shift

differential, overtime at holiday pay sa listahan ng mga bagay na iniinda ng mga

manggagawa.

Ito ang lumalabas sa unang taon ng pag-o-operate ng hotline na 1349 ng

Department of Labor and Employment (DOLE). Tumanggap ito ng halos 100,000

tanong. Tungkol sa mga paglabag sa general labor standards ang 80% sa mga

tumatawag.

Pinakamalaking problema pa rin ng mga manggagawa ngayon ang mga

paglabag sa general labor standards ng mga employer gaya ng bayad kapag nasa night

shift, overtime, at holiday pay.

Kasunod nito ang mga tanong tungkol sa 13th month pay, pagpaparehistro ng

mga establisyamento, paglabag sa minimum wage, at kawalan ng due process sa

pagsibak ng empleyado, at separation pay.

Solusyon ;

Pagbabayad sa “overtime”

Ayon sa pambansang batas ng Estados Unidos, kailangang ibayad ng mga

maypagawa (employer) ang “overtime pay” sa mga empleyadong nagtatrabahong

lampas sa 40 oras sa isang linggo. Tinutukoy ng “overtime” ang mga oras ng


trabahong lampas sa 40 oras sa isang linggo. Ang halaga ng sahod para sa mga oras

pang-“overtime” ay dumadami sa 1.5 ng karaniwang halaga ng sahod.

Depinisyon ng oras ng trabaho (“hours worked”):

Ayon sa batas, napapabilang sa oras ng trabaho ang lahat ng oras na inaatasan

ng maypagawa na naroon ang empleado sa lugar ng trabaho o “on duty.” Kailangang

bayaran ng mga maypagawa ang mga empleyado para sa lahat ng mga oras ng

trabaho.

JOB SKILLS MISMATCH

ibig sabihin nito ay hindi tumugma ang kakayahan ng isang manggagawa sa

trabahong hinahanap ng mga kompanya. At ang katotohanang ito ay nangyayari sa

bansa ngayon. Halimbawa, maraming kompanya ngayon ang naghahanap ng mga high

skill jobs tulad ng welding, construction, painting at iba pang kaugnay na trabaho sa

konstruksiyon. Pero ang mga tao ay patuloy na kumukuha ng mga mahahabang kurso

sa Unibersidad, na hindi naman gaaong hinahanap ng mga kompanya. Kaya

nagkakaroon ngayon ng job skills mismatch.

Solusyon ;

'Tech-voc' training, tinitingnang tulong sa job mismatch.

Paliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na malaking tulong

ang skills training ng TESDA para matugunan ang isyung job mismatch ng bansa.

"Kasi dito nalalaman natin kung ano ang pangangailan ng employers natin, with

basic information of what the industry needs. Malaking tulong especially sa construction

industry,” ani DOLE Secretary Silvestre Bello.

UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT

Ang unemployment o kawalan naman ng trabaho ay nangyayari kapag ang isang

taong naghahanap ng trabaho ay hindi makahanap ng trabaho.


Underemployment

Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang na walang trabaho kung

may hawak silang isang part-time na trabaho sa halip na isang full-time na isa, o kung

sila ay labis na kwalipikado at may edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas

sa mga kinakailangan ng trabaho.

Uri ng Underemployment

• Visible Underemployment- kapag ang manggagawa sa full-time na mga trabaho na

hindi gumagamit ng lahat ng kanilang mga kasanayan. Ang ganitong uri ng

underemployment ay halos imposible upang masukat. Nangangailangan ito ng malawak

na pagsusuri na naghahambing sa mga kasanayan ng mga manggagawa kumpara sa

mga kinakailangan sa trabaho. Ang mga manggagawa ay madalas na hindi

nakakaunawa ang kanilang mga kasanayan ay maaaring mas mahusay na magamit sa

ibang lugar.

• Invisible Underemployment- kapag ang empleyado na nagtatrabaho ng mas kaunting

oras kaysa sa karaniwang sa kanilang larangan. Handa sila at makapagtrabaho nang

maraming oras ngunit hindi makakakuha ng full-time na trabaho. Madalas silang

nagtatrabaho ng dalawang part-time na trabaho upang lamang matugunan ang mga

pagtatapos.

Solusyon ;

Paglikha ng karagdagan trabaho. Ang paraan ng gobyerno upang makalikha ng

trabaho ay ang pokus sa proyektong imprastraktura sapagkat dito malakas ang hatak

ng trabaho. Pangalawang ginagawa ng gobyerno ay ang pagyaya sa mga dayuhang

manunuhunan sa bansa upang dito magpatayo ng negosyo at makapagbigay ng

trabaho sa Pilipino.

Base sa data may mga magulang na maagang nag asawa dito na lalabas ang

Teenage Pregnancy na suliranin dahil sa data ng section plato may walong ina na

maagang nagkaanak nasabi kong maaga silang nagkaanak dahil ang edad nila ay 30-40

lamang ang kanilang anak na nasa baitang 10 ay pumapalo ang edad sa 16 pataas. Ano

nga ba ang teenage pregnancy


TEENAGE PREGNANCY

Ang maagang pagbubuntis ng ating mga kabataan ang isa sa mga maiinit na

isyung pangkalusugan na para-ting dinudulog sa a-king tanggapan. Ayon sa datos ng

Philippine Statistics Authority (PSA), kada oras tinatayang 24 na sanggol ang

pinapangan

Ang maagang pagbubuntis ay talaga namang may kaakibat na pasanin lalo na

para sa mga kababaihang teenager.

Karamihan sa kanila ay tumitigil na sa pag-aaral at hindi na kumukuha pa ng

skills training. Binabaon nito ang mga batang kababaihan sa hirap ng lipunan.

Solusyon ;

Paano natin ito maiiwasan? Ang mga magulang ay dapat bantayan ng mabuti

ang mga anak. Dapat nilang mapagusapan ang isyung ito sa kanilang kabahayan.

Kailangang bigyang pansin ng mga magulang ang ginagawa at galaw ng kanilang mga

anak.

Ang mga kabataan din ay kailangang matutong makinig sa mga magulang, dahil

para sa ikabubuti naman nila ang mga ito. Kung maaari, dapat iwasan muna ng mga

kabataan ang pagkakaroon ng relasyon dahil maaari lamang silang matukso. Huwag

laging makikinig sa mga kaibigan lalo na kung ito ay masasamang impluwensiya.

Iwasan muna ang mga bisyo, dahil maaari itong humantong sa maling pag-iisip.

Sa mga kabataang nagbabasa nito, sana ay bigyang pansin nyo ang mga payong

ito dahil para rin ito sa kinabukasan nyo. Kayo ang respunsable sa inyong mga

ginagagawang maaari ninyong pagsisihan sa huli.


PROYEKTO SA

ARALING

PANLIPUNAN
(CRITICAL ANALYSIS)

Prince Rio B. Bernardo


10-Plato
Sir. Victor Sayo

You might also like