You are on page 1of 7

PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY

641 Sales St., Sta. Cruz,


Manila, Philippines
HIGH SCHOOL DIVISION

CHILD LABOR LAW

Abique, Raezza
Amigable,Antonette Joy
Baltazar, Lovely Joy
Bautista, Bernadette
Caber, Janella
Garcia, Christine Anne
Montante, Jhayzmine
Santos, Claudette
Likas sa mga Pilipino ang matiyagang pagtratrabaho
sapagkat kailangan tustusan ang kanilang mga pamilya sa
araw-araw na pamumuhay. Kaalinsabay ng pagtaas ng
populasyon ay siya ring dami ng mga nangangailangan ng
trabaho. Hindi maikakaila na ang ibang trabahador ay menor
de edad pa lamang dahil sa kawalan ng suporta ng mga
magulang sa kanilang mga anak. Nangyayari ito sa pagiging
iresponsable ng kanilang mga magulang, na hindi nila
kayang panghawakan ang binuo nilang pamilya. Bilang isa
sa mga kabataan, sangayon kami sa panukalang Child Labor
sapagkat maraming kabataan ang naghihirap matugunan lamang
ang kanilang pangaraw-araw na pangangailangan. Kung para
sa sa iba ay hindi makatarungan ang pagpatratrabaho sa mga
menor de edad na kabataan dahil sa mga peligro na pwedeng
mangyari sa lugar na kanilang pinagtratrabahuhan, para sa
aming mayroong mga batas ang pinanukala bago
makapagtrabaho ang mga kabataan at ang kanilang
pangangalaga sa kanilang kaligtasan. Makatutulong rin ang
mga batas na ito dahil may mga benepisyo na matatanggap
ang bawat kabataan sa kanilang pagtatrabaho.
Ayon sa Department of Labor and Employment
(DOLE), pinapayagan na magtrabaho ang mga
kabataang nasa edad 15 hanggang 18 taong gulang
kahit wala pa silang sertipiko sa pagtatrabaho at
permiso mula sa departamento. Ang paglilinaw ay
ginawa ng DOLE bilang tugon sa mga idinudulog sa
kanilang katanungan ng mga tagapagpamahala sa
trabaho at mga kabataan hinggil sa sertipiko sa
trabaho ng mga nasa pagitan na 15-18 anyos na
nais nang makapagtrabaho upang makatulong sa kani-
kanilang pamilya. Ayon naman kay Labor Secretary
Arturo Sodusta, ang mga kabataang nasa edad 15
hanggang 18 ay pinapayagan ng DOLE na
makapagtrabaho basta’t masusunod ang mga kondisyon
na isinasaad sa ilalim ng RA 9321 o An Act
Providing for the Elimination of the Works Forms
of Child Labor and Affording Special Protection
for the Working Child.
Dagdag pa ni Labor Secretary Sodusta, na ang namamahala sa
trabaho ay kailangan kumuha ng mag menor de edad na
mayroong sapat na kaalaman sa elemetarya, sekondarya
kabilang ang mga alternatibong sistema ng pagkatuto.
Nakasaad sa Saligang Batas bilang 9321 seksyon 2-
(Employment of Children), ang mga kabataang pababa sa 15
taong gulang ay hindi pinapayagan makapagtrabaho maliban na
lang kung ang bata ay nasa pangangalaga ng kaniyang mga
magulang na ang isa sa mga magulang ay mayroong sapat na
trabaho para mabigay ang kanilang pangangailangan,
gayunpaman kung ang kanyang trabaho ay hindi rin nagbabanta
sa kanyang buhay, kaligtasan, kalusugan, at moralidad. Ang
mga magulang o legal na tagapag-alaga ay magbibigay sa
nasabing bata na magkaroon ng primary at sekondaryang
edukasyon. Pangalawa, kung saan ang pagpatatrabaho sa mga
bata ay kinakailangan sa pampublikong libangan o
impormasyon kagaya na lamang sa sinehan, entablado,
radio,telebisyon o ibang pang uri ng media ay kinakailangan
ng pahintulot ng magulang o legal na tagapag-alaga at ng
Department of Labor and Employment alinsunod sa mahigpit na
patakaran:
• (a)Dapat tiyakin ng tagapagpatrabaho
ang pangangalaga, kalusugan,
kaligtasan, moralidad at normal na pag-
unlad ng bata,
• (b) Mayroong mga hakbang upang maiwasan
ang pagsasamantala sa bata o ang
diskriminasyon na isinaalang-alang ang
sistema at antas sa pinagusapang sahod
at oras.
• (c)Ang tagapagpatrabaho ay dabat
magpatupad at magpailalim sa pag-
abpruba sa mga awtoridad ng mga
pagsasanay at kasanayan ng bata bago
ito magtrabaho.
Ayon naman sa Seksyon 3(Oras ng Pagtatrabaho ng Bata):
• (a)Ang isang batang wala pang labinlimang (15) taong
gulang ay maaaring payagan na magtrabaho nang hindi
hihigit sa dalawampu (20) oras sa isang linggo:
Ibinigay, Na ang gawain ay hindi hihigit sa apat (4)
na oras sa anumang naibigay na araw.
• (b) Ang isang batang labinlimang (15) taong gulang
ngunit mas mababa sa labing walong taong gulang(18)
ay hindi papayagan na magtrabaho para sa higit sa
walong (8) na oras sa isang araw, at walang kaso na
lampas sa apatnapu (40) na oras sa isang linggo.
• (c) Walang batang mas mababa sa labing limang (15)
taong gulang ang papayagan na magtrabaho sa pagitan ng
alas -otso ng gabi at alas-otso ng umaga at sa susunod
na araw at ang labinlimang (15) taong gulang ngunit
mas mababa sa labing walong (18) ay pinahihintulutan
na magtrabaho sa pagitan ng alas-dyes ng gabi at alas-
sais ng umaga at sa susunod na araw.
Mayroong mga karampatang parusa ang
mga lalabag sa batas sa proteksyon ng
bata na nakasaad sa Seksyon 3 at 5 ng
Saligang Batas bilang 9321. May mabuting
maidudulot ang Child Labor lalo na kung
ang mga kabataan ay isinasanay lang na
magtrabaho upang siya ay maihanda sa
kanyang kinabukasan. Isa pa napapalawak
nito ang kakayahan ng isang bata upang
hubugin ang kaniyang mga natatanging
talento, ugali,moralidad at kakayahan
para mabuhay sa mundong hindi na
maiaalis ang kahirapan.

You might also like