You are on page 1of 13

▪ Maraming karapatan ng mga bata ang

pumoprotekta sa mga kabataang Pilipino.


Mahalagang malaman kung ano ang mga
karapatan ng mga bata nang maprotektahan
ang mga ito mula sa karahasan at pang-aabuso.
Ano nga ba ang pangunahing karapatan ng mga
bata? Mayroon bang batas para sa karapatan ng
mga kabataan?
▪ Pangunahing karapatan ng bata:
▪ 1. Karapatan ng isang bata na maisilang at magkaroon ng pangalan at
nasyonalidad.
▪ 2. Magkaroon ng payapang tahanan at pamilya na mag-aalaga sa
kanya.
▪ 3. Karapatan ng isang bata na makakain nang sapat at wasto nang
magingmalusog ito at aktibo.
▪ 4. Mabigyan ng oportunidad na makapag-aral at magkaroon ng
maayos na edukasyon.
▪ 5. Karapatang mapa-unlad ang kanilang mga kakayahan.
▪ 6. Makapaglaro at makapaglibang.
▪ 7. Proteksyunan mula sa pang-aabuso, kapahamakan, at
karahasan.
▪ 8. Karapatang matulungan at maipagtanggol ng estado o
gobyerno.
▪ 9. Maipahayag ang kanilang sariling ideya.
▪ 10. Mamuhay nang malaya at walang takot.
▪ Hindi lamang 20 karapatan ng mga kabataan, at lalong hindi ito 10
lamang. Sa ilalim ng batas para sa karapatan ng mga kabataan,
nakatala ang mahabang listahan ng mga karapatan ng bata at
parusa sa sino mang lalabag dito.
▪ Bilang pakikiisa ng Pilipinas sa UN Convention on the Rights of the
Child, ikinasa ang Republic Act No. 7610 o ang Special Protection
of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. Sa
ilalim ng batas na ito, binigyang diin ang mga karapatan ng
kabataan mula sa diskriminasyon at pang-aabuso.
▪ Maaaring maparusahan ng reclusion temporal
hanggang reclusion perpetua o habambuhay na
pagkakakulong ang sino mang gagamit sa bata sa
prostitusyon at iba pang uri ng sexual abuse.
▪ Maparurusahan ang sino mang magtatangkang
magbenta o bumili ng bata. Kung ang bata ay nasa
edad 12 pababa, reclusion perpetua o habambuhay
na pagkakakulong ang parusa para dito.
▪ Ipinagbabawal din ng batas na gamiting modelo
ang mga bata para sa mga bastos na publikasyon o
pornographic materials. Makukulong din ang mga
magulang o guardian ng bata na hinayaang maging
performer ng obscene publications at indecent
shows ang kanilang anak.
▪ Maaari namang magtrabaho ang batang nasa edad
15 pababa lalo na sa cinema, teatro, radyo, at
telebisyon. Ngunit kailangang mag- comply sa mga
requirements ng Department of Labor and
Employment. Kailangang tiyakin na hindi pa rin
naabuso ang bata kahit na ito ay nagtatrabaho.
Bukod pa rito, mahalaga ring mabigyan ito ng
primary at secondary education sa kabila ng
pagtratrabaho. Hindi maaaring magtrabaho ang
isang bata nang walang permit mula sa DOLE.
▪ Pinoprotektahan din ng batas ang mga bata sa pagtupad ng
kanilang mga tradisyon at customs ng komunidad na kanilang
kinabibilangan.
▪ Bukod pa rito, dapat na mag-implementa ng alternative system
of education ang Department of Education Culture and Sports
(DECS) na naka-angkla sa kultura ng mga batang katutubo.
▪ Dapat na suportahan ang non-formal ngunit functional
indigenous programs na isinasagawa ng mga non-government
organizations para sa mga katutubong pangkat.
▪ Dagdag pa, ipinagbabawal din ng batas ang an mang porma ng
diskriminasyon sa mga batan katutubo. At dapat na mabigyan
ang mga ito ng
▪ Para naman sa mga batang nakatira sa lugar kung saan
mayroong armed conflict, kailangang tiyakin na hindi
magiging object ng pag-atake ang mga bata.
▪ Nararapat na protektahan ang mga ito sa ano mang banta,
assault, torture, at iba pang hindi makataong pagtrato.
▪ Sa panahon ng digmaan, dapat na bigyang prayoridad ang
mga bata sa paglikas at pagbibigay ng pansamantalang
tirahan habang nangyayari ang armed conflict.

You might also like