You are on page 1of 31

Praymer sa

Pang-aabuso sa Bata
PRESENTED BY:
PERLA TANGPUZ PALACIO
TRAINING OFFICER
____________________________________________
GABRIELA Southern Tagalog
Sino ang Bata?
ay sinumang tao na ang edad ay hindi pa
tumutuntong ng 18 taong gulang o maaaring
higit pa dito na ayon sa pagsusuri ng isang
kwalipikadong doktor, sikolohista o
psychiatrist ay napatunayang walang
kapasidad na mapangalagaan ang kanyang
sarili dahil sa kapansanan sa isip at
pangangatawan o mapangalagaan ang sarili
laban sa pang-aabuso. (IRR of RA 7610)
Ano ang Child Abuse?
Ito ay patungkol sa
pagmamaltrato, minsanan
man o madalas sa isang bata
na maaaring ang mga
sumusunod:
Sikolohikal at pang-aabusong
pisikal, pagpapabaya,
pagmamalupit, pang-
aabusong sekswal at
pagmamaltratong emosyonal
Ano ang Child Abuse?
Anumang gawa o salita na
nagpapababa, nagpapaliit o
nakakaapekto sa pagkatao at dignidad
ng bata bilang isang tao.
Di pagbibigay sa bata ng kanyang
mga pangunahing pangangailangan
ng walang sapat na dahilan gaya ng
pagkain at tahanan.

Ano ang Child Abuse?
Ang di-pagbibigay ng agarang
atensyong medikal sa isang
batang may natamong pinsala
na maaaring magresulta sa
seryosong kapahamakan sa
kanyang normal na paglaki at
pag-unlad o kaya ay
permanenteng pinsala o
kamatayan.
Sa simpleng salita, ang
Child Abuse ay
paglalapat ng pinsalang
pisikal o sikolohikal,
pagmamalupit, pagpapabaya,
pang-aabusong sekswal o
eksploytasyon ng bata.
Anu-ano ang mga URI at
KATANGIAN ng CHILD ABUSE?
Pang- aabusong Pisikal- anumang
gawa na nagresulta sa pisikal na
kapinsalaan ng bata na di bunga
ng aksidente o di resonableng
pagpapataw ng parusa sa bata na
maaaring alinman sa mga
sumusunod; sugat, bali, paso,
marka ng sakal, marka ng kagat
ng tao, bukol, pasa at mga katulad
na pinsala o pagkamatay.
Pang-aabusong Sikolohikal
Anumang pinsala sa
damdamin at pag-
iisip ng bata gaya ng
pag-alimura,
pagtatakwil,
pagmamaliit at
pagyurak sa
pagkatao at
diskriminasyon.
PAGPAPABAYA
Tumutukoy sa pagkakait
sa bata ng mga
pangunahing
pangangailangan upang
mabuhay at umunlad
gaya ng pagkain, damit
at tirahan; edukasyon;
pangangalaga sa
kalusugan at kagalingan
ng bata; at pagsubaybay
ng magulang
Sekswal na Pang-aabuso?
-ay ang pagpapatrabaho,
paghikayat, pagpilit,
paggamit, pananakot, at
pag-engganyo sa isang
bata na pumaloob sa o
pag-asiste sa ibang tao na
makipag- sexual
intercourse o (lascivious
conduct) pagmolestiya,
prostitusyon o incest ng
isang bata.
Ano ang lascivious conduct?
ay ang intensyonal at direktang
paghawak sa o maaaring may
damit sa ari, puwit, suso, hita o
ang pagpasok ng anumang bagay
sa ari, puwit at bibig ng sinumang
tao, maging sa kapwa babae/
lalaki o sa opposite sex na may
intensyong abusuhin, pahiyain,
maliitin, i-harass, o
makapagparaos ng pagnanasa,
kahayupan, libog at pagpapakita
ng ari sa publiko.
(IRR of RA 7610)
Eksploytasyon
ay ang pag-upa, pagpapatrabaho,
paghikayat, pagpilit at pananakot
sa isang bata na magtanghal sa
mahalay na pagtatanghal at hindi
disenteng palabas, ito man ay live,
naka-video, o film, o mag-pose
bilang model sa mga mahalay na
babasahin o pornographic
materials, o magbenta at
mamahagi ng nasabing mga
babasahin. (IRR of RA 7610)
Ano ang IBA PANG PORMA
NG CHILD ABUSE?
A. Mga gawa na kinokonsidera na pagta-
tangka sa prostitusyon (Sec. 5 (a,b) of RA 7610)
1. Sinumang tao na hindi kaanak ng bata ay
natagpuang kasama ang isang bata sa loob
ng kwarto o cubicle ng bahay, hotel, motel,
inns, pension house, apartelle, o iba pang
katulad na establisimiento, sasakyang
pandagat, sasakyan o anumang tago o di-
hayag na lugar na maaring maging rason na
mapaniwala ang isang tao na ang isang bata
ay maaabuso o may magaganap na
eksploytasyon.
Ang sinumang tao na tumatanggap ng
serbisyo mula sa isang bata sa sauna
parlor, brothel, massage clinic, health
club, spa o iba pang katulad na
establisimiento.
Ano ang IBA PANG PORMA
NG CHILD ABUSE?
Ano ang IBA PANG PORMA NG
CHILD ABUSE?
Iba pang akto ng pagpapabaya, pang-
aabuso,pagmamalupit, eksploytasyon at iba
pang kondisyon na nakakaapekto sa normal
na pag-unlad ng bata gaya ng;
Pag-abandona sa bata
Pagpapabaya sa edukasyon ng bata
Pagtanggi o hindi pagpapa-enrol sa bata
Pagpayag o pagiging dahilan ng pagliban
ng bata sa paaralan ng higit sa 20 araw ng
pagpasok.


- Pagsama sa batang labindalawang taong
gulang pababa sa pribadong lugar gaya
ng hotel o motel.
- Paggamit, pamimilit, pagpwersa o
pananakot sa batang lansangan o sa
sinumang bata na:
a. mamalimos para sa kabuhayan;
b. gamitin bilang runner sa drugs;
c. gumawa ng anumang illegal na bagay.
- Pagbibigay ng malupit na parusa o labis na
pamamahiya sa bata.
Ano ang Epekto ng Pang-aabuso?
Pisikal na Epekto
malnutrisyon, STD, AIDS, pagkabuntis,
permanenteng pinsala, adiksyon at
pagkamatay, pinsala sa katawan.
Sikolohikal at Sosyal na Epekto
withdrawal syndrome, learning disabilities,
extreme depression, sense of alienation,
suicidal tendencies, emotional breakdown,
aggressive behavior, low self image,
relationships problem, rejection, fear,
confusion, distrust, truancy, paglayas, takot,
pangamba, galit, tulala, shock.
Sino ang Nang- aabuso sa Bata?
Ang isang child abuser ay sinumang tao
anuman ang edad, kasarian, lahi o kulay na
tahasan o sinadyang gumawa ng mga aktong
masasabi nating child abuse. Siya ay
maaaring kakilala o pinagkakatiwalaan ng
bata kaanak, kadugo, kapit-bahay, kaibigan,
guro, tagapag-alaga ng bata. Maaari rin na
siya ay istranghero sa bata. Ayon sa pag-
aaral sila ay maaaring biktima rin ng pang-
aabuso.
Mga Dahilan ng Pang-aabuso
Kamangmangan - matinding galit
Emotional immaturity - walang kontrol
Kasalatan sa buhay sa sarili
Problema sa pamilya - Stress
pagkasira ng isip - Predisposition
Kulang na outlet sa paglabas ng galit
Impluwensya ng alkohol at droga
Sexual perversion
Sino ang Maaaring Magreport ng
Kaso ng Pang-aabuso sa Bata?
Sinumang tao na may nalalaman sa insidente
ng pang-aabuso sa bata ay maaring mag-ulat
Opisyal at kawani ng gobyerno na ang
gawain ay may kinalaman sa bata.
Opisyal at kawani ng anumang ospital o clinic
gayundin ang doktor o nars na tumingin sa
batang inabuso ay dapat iulat sa loob ng 48
na oras sa sandaling matingnan ang bata.
Kanino o Saan Mag-uulat ng mga
Kaso ng Pang-aabuso?
Sa pinakamalapit na tanggapan ng
Lokal na DSWD
Sa pinakamalapit na tanggapan ng
Pulisya.
NBI
BCPC
Commission of Human Rights
Department of Justice
May parusa ba kapag hindi naireport
ang mga kaso ng pang-aabuso?
Oo, ngunit ito ay ipapataw lamang sa
mga taong tinukoy sa Sec. 4 ng IRR ng
RA 7610. Sila ay ang mga pinuno at
kawani ng ospital o klinik at mga doktor
o nars na tumingin sa bata na may
posibleng kaso ng pang-aabuso.
Protektado ba sa Asunto ang
Sinuman na Mag-uulat sa Kaso ng
Pang-aabuso?
Oo. Sec 7 ng IRR ng RA 7610 sa
Reporting and Investigation of Child
Abuse Cases ay nagsasabi na ang
sinuman na nag-ulat ng kaso ng pang-
aabuso sa bata ay ginawa iyon dahil sa
mabuting intensyon at hindi siya
maaaring sampahan ng kasong sibil at
administratibo dahil sa kanyang ginawa.
May Parusa ba sa Paghahayag ng
Kaso ng Inabusong Bata?
Ang lahat ng tala at impormasyong may
kaugnayan sa kaso ng pang-aabuso sa
bata ay strictly confidential at walang
impormasyon ang dapat na mabunyag
liban kung ito ay may kaugnayan sa
proceedings sa korte.
Paglabag: 1 taong pagkakulong at/o
Multa ng Php 2,400.00 o
Kulong at multa

Sino ang Maaaring
Magsampa ng Kaso?
Ang batang inabuso
Magulang o legal guardian
Kamag-anak ng bata
Opisyal, social worker o kawani ng isang
lisensyadong child-caring institution.
Opisyal at kawani ng DSWD
Kapitan ng Barangay
At least, tatlong concerned citizen na nakatira
kung saan naganap ang pang-aabuso.
Anu-ano ang mga Dokumentong
Kailangan sa Pagsasampa ng Kaso?
Sinumpaang salaysay ng biktima at ng
mga saksi.
Sertipiko ng Kapanganakan
Resulta ng Physical/ Mental
Examination at/o Medical Examination
Iba pang ebidensya makapagpapatunay
sa kaso.

Ano ang Dapat na Serbisyong
Ibibigay sa Batang Inabuso?
Protective custody - Legal services
Counseling - Educational services
Medical/ dental services
Psychological/ psychiatric services
Social services to family
Child Placement services
Residential care/ temporary shelter
Foster Home
Adoption

Children in Need of Special
Protection (CNSP)
-refers to all persons below 18 years of
age, or those over but are unable to
take care of themselves, who are
vulnerable to or are victims of abuse,
neglect, exploitation, cruelty,
discrimination and violence (armed
conflict, domestic) and other children at
risk and in analogous conditions
prejudicial to their development.
CNSPs include but not limited to:
1. Girl child
2. Juvenile in conflict with the law
3. Children involved in armed conflict
4. Working children and those involved in child
labor.
5. Sexually abused and CSEC
6. Children in various circumstances of
disability
7. Displaced/ refugee children
CNSPs include but not limited to:
8. Children directly affected by
HIV/ AIDS/ STDs
9. Children in substance abuse
10. Children of indigenous cultural
communities/ IPs
11. Abandoned children/ children without
primary caregiver (foundling)
12. Victims of family violence and neglect

PRAYMER SA
PANG-AABUSO SA BATA

PAGTATAPOS NG PRESENTASYON

THANK YOU!!!
SALAMAT SA INYO!!!

You might also like