You are on page 1of 2

“PAG-IBIG O PAG-AARAL: ANO ANG UUNAHIN?

“Pag-ibig o pag-aaral: ano ang uunahin?” . Sa pamagat na ito, ano nga ba ang
dapat na unahin? Pag-ibig ba o Pag-aaral? Alin nga ba ang mas importanteng unahin?
Alin nga ba ang mas makakabuti para sa atin? Kung ako ang tatanungin, ang aking pipiliin
ay ang Pag-aaral o Edukasyon. Dahil batay sa aking kakayahang intelektuwal, ito ang sa
tingin ko’y mas makakabuti para sa atin. Hindi lamang para sa atin, kundi makakabuti din
ito sa kaunlaran ng ating ekonomiya. Paano nga ba makakabuti ang Pag-aaral sa atin?
Sa ating ekonomiya? Eh kahit naman sa dalawang yan, pareho naman itong makakabuti
at maaaring makakasama sa atin.

Sa oras na ito, ako ay manghihikayat na maaaring makakapagbago ng iyong


sariling pananaw ukol sa paksang aking tatalakayin. Pag-aaral. Kung maririnig natin ang
salitang “Pag-aaral”, ano ang ating maiisip? Success. Magandang bukas. Susi para sa
magandang kinabukasan. Sa mga sagot na yan, magliliwanag ang iyong isipan at mas
madaling maunawaan kung bakit Pag-aaral ang dapat na uunahin. Gayunpaman, madami
pa ding tao ang nais makahanap ng tunay na Pag-ibig. Madami pa din ang nais sumaya
kaya Pag-ibig ang inuuna. Datapwa’t kung nais mo lamang ay sumaya ay maaari mong
makamit ang iyong ninanais kapag Pag-aaral ang iyong uunahin. Paano? Kapag Pag-
aaral ang iyong uunahin, ika’y makakapagtapos na makakapagbigay sa’yo ng kakaibang
saya. Hindi lamang ikaw ang makakaramdam ng ganyang klaseng saya kundi pati ang
iyong mga mahal sa buhay na sumuporta sa’yo sa tanang buhay mo.

(Ngayon, nais niyo po bang malaman Sir kung ano ang magiging epekto na kinakaharap
din ng ating bansa kapag hindi natin uunahin ang Pag-aaral?)

Ito ay Unemployment, na isa sa mga kondisyong pang-ekonomiya. Ito ay bunga ng


kawalan ng mga oportunidad o pagkakataong makahanap ng trabaho. Nagkakaroon ng
ganitong klaseng kondisyong pang-ekonomiya, dahil na din sa hindi nakapagtapos ng
Pag-aaral. Ano ang magiging kinahihitnan nito? Tatlo ang sagot sa tanong na iyan. 1.)
Walang sapat na kaalaman. 2.) Nakakagawa ng mga masasamang gawain dahil sa lubos
na pangangailangan tulad ng pagnanakaw at iba pa. 3.) Madadagdagan din ang kaso ng
Poverty sa ating bansa o mga taong nagugutom dahil walang sapat na pagkain na
kanilang makakain.

Kaya lubos kong ikinalulungkot na ang epekto nito sa ating bansa ay karagdagang
problema. Paano natin masolusyunan ang mga problemang iyan? Isa lamang ang sagot
diyan. Pag-aaral. Kapag Pag-aaral ang uunahin, may sapat na kaalaman ang lahat na
makakapag-unlad ng ating bansa. Kapag tayo’y may sapat na kaalaman, tayo din ay
makakapili ng mabuti at marangal na lider na pamumumunuan ang ating bansa nang may
magandang layunin o adhikain sa ating bansa na magiging epekto ng maayos na
ekonomiya at pag-unlad ng ating bansang Pilipinas. Kapag Pag-aaral ang uunahin,
bababa ang mga mamamayang walang trabaho o unemployment rate na sa ngayon ay
tinatayang halos 70% ng populasyon ng Pilipinas. Sa makatuwid, tungo sa Pag-aaral,
makakamit din natin ang Sustainable Development na makakapagbigay ng maayos na
antas ng pamamahala sa ating bansa.

Lahat naman tayo ay may pangarap na umunlad ang ating ekonomiya at ang Pag-
aaral ang isa sa mga solusyon nito. Kung ang nais naman natin ay ang makahanap ng
tunay na Pag-ibig ay makakapaghintay iyon. (Alam niyo po ba ang kasabihang ‘love can
wait’ o ‘true love waits’?). Sa huling sandaling ito, naibigay ko na ang lahat ng
eksplenasyon na maaaring makakapagbago ng iyong sariling pananaw kung alin nga ba
ang dapat na uunahin. Pag-ibig ba o Pag-aaral?
Aking naunawaan ang iyong pagbigay ng oras upang makinig sa ginawa kong
talumpati. Ako si Nashaina Sulaiman. Ika-sampung baitang. Maraming salamat at
magandang araw, Ginoong Jhubert Cabaltica.

You might also like