Professional Documents
Culture Documents
Critical Analysis Paper Adrayan John Angelo A
Critical Analysis Paper Adrayan John Angelo A
Adrayan
10-Plato
Ang critical analysis paper ay tatalakayin ang mga suliranin at nais ng mga mangagawa
na hindi man nakatapos ng kanilang pagaaral o talagang di na nakapag-aral dahil sa
hirap ng kanilang buhay.
Suliraning Pang-ekonomiya
Nasuri ko dito ay kahit nakapag-tapos ka ng iyong kurso, di parin sigurado na ikaw ay
makakakuha ng isang sustainable na trabaho. Mabigyan ka man ng opportunidad para
magkaroon ng isang trabaho, di tayo sigurado kung magugustuhan man natin ang
trabaho na iyon.
Sa lagay naman nila sa trabaho ay isang daan at apat ang naging regular apat na put’
isa ang kontraktwal. Dalawangpu ang negosyante habang dalawangpu’t lima naman
ang walang trabaho at may anim na hindi nag lagay nang kanilang status sa trabaho.
Sa 104 na naging regular sa trabaho ay tatlung pu’t pito dito ay mula sa naka tapos ng
kolehiyo at apat na put’ pito naman ang mula sa highschool graduate at labing isa
naman sa elementary ang natapos at lima mula sa mga di naka pag-aral at meron din
apat na mula sa nag vocational.
Solusyon
Dapat natin bigyan ng pansin ang mga batang nag aaral ngayon at lalo silang hikayatin
na makapagtapos sa pag aaral o hikayatin ang mga di nakatapos ng kanilang pag aaral
na ituloy nila ang pag aaral sa pamamagitan ng ALS.
Dapat din tayo gumawa ng mga bagong trabaho upang mabigyan ng opportunidad ang
mga di nakatapos para ma sustentuhan nila ang kanilang sarili o pamilya nila.