You are on page 1of 2

Pangalan: Saldua, Allan Jurelle R.

Pangkat: 2
Pangalan ng nakapanayam: Saldua, Olga Josephine R.

Panuto: Makipanayam sa isang kapamilya na nagtatrabaho. Itanong ang sumusunod:


1. Ano ang yong trabaho sa kasalukuyan?

“Ang trabaho ko sa kasalukuyan ay Freelance Narrative Writer at


Closed Captioner ng ALTA Productions na kumpanya sa ilalim
ng GMA 7.”

2. Ano ang iyong trabaho bago ka mapunta sa kasalukuyang pinagtatrabahuhan? (Kung wala, lagpasan ang
no. 3 at itanong ang no. 4).

“Ang trabaho ko bago mapunta sa kasalukuyang trabaho ay ang


pagbebenta online ng mga bags at ang pag-aasikaso ng aming
negosyo na water station na ngayon ay parehong sarado/wala
na.”

3. Bakit ka umalis o lumipat sa iyong dating pinapasukan?

“Hindi ako lumipat o umalis sa dati kong pinapasukan, Humina


ang benta ng bags dahil sa dami ng nagbebenta online at ang
water station naman namin ay isinara namin sa mga
kadahilanang personal.”

4. Bakit ito ang napili mong trabaho? (para lang sa mga walang sagot sa no. 2)

“Ito ang napili kong trabaho dahil kailangang ako ay work from
home at freeklance lamang dahil ako din ang gumagawa ng mga
gawaing bahay at nag-aasikaso sa bunso kong anak na Grade 5
pa lamang. Naghahatid sundo at kasama niya sa bahay
pagkatapos ng kanyang klase sa eskwela.”
5. Magbigay ng tatlong suliranin sa iyong kasalukuyang trabaho na nararanasan?

“Una, kapag nawawalan ng koneksyon ng internet. Dahil ito ay crucial sa akin hginagawang
trabaho.
Pangalawa, dahil ako ay freelance lamang, hindi sigurado ang araw-araw ng proyektong
ibibigay sa akin dahil inuuna ang mga in-house at full time na narrative writer at closed
caprioner. Ang naibibigay na trabaho lamang sa akin ay ang mga sobra at hindi na nila
kayang gawin. Samakatuwid, hindi din stable ang pasok ng income. Mayroon, pero iba iba
ang halaga.
Pangatlo, may mga pagkakataong mabilisan ang proyektong ibinibigay na hindi ko naman
matatanggihan. kaya't kahit may mga nauna ng naka iskedyul na lakarin ay hindi muna
itutuloy at gagawin una ang rush na proyekto.”

6. Alin sa tatlong ito ang pinakamabigat? Bakit?

“Ang pangalawa. Dahil sino ba naman ang hindi magnanais na


mabigyan ng maraming proyekto para mas malaki ang kita.”

7. Bukod sa kasalukuyang trabaho, may iba ka pa bang pinagkukunan ng kita? Kung mayroon ano ito at
bakit ninais na maghanap pa ng ibang mapagkakakitaan o sideline job?

“Oo, ang pagbebenta sa Shopee ng aming mga pinag lumang damit at mga tirang SHEIN products na mayroon ako noong
kasagsagan ng aking mga online store. Nagbabalak mag-prangkisa ng Czyrah's Pizza at magpa"rebrand" ng sandals na galing
marikina upang maibenta sa aking Shopee store, pero hindi pa sa ngayon.”

“Bakit naghahanap ng ibang mapagkakakitaan? Dahil malaki ang gastusin. Nagpapa-aral kami ng isang kolehiyo, 1 high school at
1 elementary. Malaki ang gastusin magpa kolehiyo. Bukod sa matrikula ay napakaraming ibang bayarin at ang baon para sa araw
araw.
Ang akin namang nasa high school bagamat walang matrikula ay may mga bayarin din naman at pang araw-araw na baon.
Ang aking bunso ay matrikula at baon/pagkain sa araw-araw.
May 2 aso din na inaalagaan at kailangang pakainin.

You might also like