You are on page 1of 6

REFLECTION PAPER

Unang Bahagi: Pagbabahagi ng pansariiling pananaw o opinion sa gagampanang gawaing


pangkomunidad.

Pagkasabik ang natatanging ‘kong nararamdaman bago magsimula ang “community


service” o gawaing pangkomunidad. Ako ay nasasabik sa mga bagay na maari kong matutunan sa
gawaing pangkomunidad na ito na maari kong magamit pag ako ay nagsimula nang magtrabaho
lalo pa at sinabing sa Accounting department kami ilalagay. Kaya kahit na ako ay isang
estudyanteng enrolled sa ROTC ay pinilit paring makasama sa gawing pangkomunidad na ito
dahil alam ko sa aking sarili na marami akong mapupulot dito na makakatulong sa akin sa
hinaharap na maari kong maiapply sa loob ng paaralan at sa aking trabaho bilang accountant. Isa
pang bagay na aking kinasasabikan ay ang makatulong sa kooperatibang nakatalaga sa sakin. Ito
ay win-win situation kung saan may natutunan na ako nakatulong pa ako.
Ikalawang Bahagi: Pagbabahagi ng iyong karanasan sa pagganap ng itinakdang gawain.

Ako ay nahihirapan sa pagpasok dahil ito lugar ng kooperaibang nakaatas sa akin ay


malayo kaya minsan ako ay nahuhuli ng dating sa tamang oras ng pagpasok. Kung ang mga
gawain naman sa loob ng kooperatiba ang paguusapan wala akong malaking problemang
naranasan sa pagganap sa itinakdang gawain sa akin. Natatapos ko ang mga inaatas na gawain ng
mabilis at tama. Nakakalungkot dahil hindi namin naranasan magjournalize, magledger- mga
bagay na ginagawa talaga ng isang accountant. Ang tanging ginawa ko lang ay mag ayos ng mga
file at magencode habang ang kasama ko ay nagphophotocopy ng mga papeles. Ngunit kahit na
ganun ay may mga napulot naman akong mga bagay na hindi lamang sa larangan ng accountancy
maiaapply kundi sa ating buhay. Karakter ang higit na dapat nating linangin. Aanohin natin ang
talino kung walang asal ang isang tao. Nakakatuwa ang mga tao sa kooperatiba dahil napakainit
ang pagtanggap nila saamin. Hindi nila kami pinapabayaan at parang pamilya ang turingan ng
bawat isa. Kahit na maraming gawain at marami silang ginagawa hindi mo mapapansin ang inis o
paghihirap sa kanilang mga mukha. Ang atmospera sa opisina ay magaan dahil parati silang
masaya. Ang pinakanahirapan ako ay ang pag uwi dahil hirap sumakay dahil uwian na at punuan
at sobrang traffic na aabutin ng dalawang oras mula sa Makat Ave haggang guadalupe ang byahe.
Sobrang nakakapagod ngunit masaya at makabuluhan ang bawat araw ng aming pagganap namin
sa gawaing pangkomunidad na ito.
Ikatlong Bahagi: Pagninilay sa natapos na gawaing komunidad.

Sa Sarili:

Pagkatapos ng aming "community service" ay natutunan kong makitungo sa ibang tao,


makisama, at maging bukas lalo na at ito ang isang karakter na kaylangan mayroon ang isang
empleyado upang magkaroon ng harmonious na gawain sa isang organisasyon. Natutunan ko na
din ang mga asal at karakter na dapat ngayon ay atin ng tinataglay dahil madadala natin ito sa
ating pag laki kagaya ng pagpasok ng maaga, pagbati sa mga tao kahit pa hindi tayo sigurado sa
kanilang awtoridad at maging episyente sa mga gawaing iniatas.

Sa Komunidad:

Sa palagay ko ang pinakamalaki at pinakamahalagang isyu na natugunan ko sa komunidad


na ito ay ang pagtulong na matapos agad ang fillings at pang encode ng mga datos ng myembro
ng kooperatiba.

Sa Grupo:

Pagtutulungan ang isang bagay na aming ginawa. Tinutulungan namin ang isa't isa kapag
hindi alam ng isa ang gagawin at upang mapabilis din ang paggawa at matapos ng maaga.
Kooperasyon ang susi upang magkaroon ng kaayusan at maging epektibo at episyente ang bawat
gawaing iniatas sa amin.
Ikaapat na Bahagi: Pagbabahagi ng saloobin patungkol sa hinaharap.

Kung mabibigyan muli ako ng pagkakataon na maging isang boluntaryo kahit pa hindi
naman ako dapat kasama ay pinilitin kong maging kabahagi at gugustuhin ko muling maranasan
ito lalo pa at maraming bagay akong natutunan hindi lamang sa larangan ng accountancy kundi
narin sa ating buhay. Kung magkakaroon muli ng gantont aktibidad nanaisin kung mailagak sa
isang kooperatiba kung saan ako ay tuturuan at gagawa ng mga bagay na ginagawa ng isang
accountant. Ako ay sumama sa gawaing pangkomunidad na ito dahil inaasahan kong ako ay
gagawa ng mga bagay na hindi lamang sa paaralan matututunan dahil hindi sapat ang mga theory
kung hindi naman ito maiiaapply sa totoong buhay. Ngayon, ang pinakamahalagang natutunan ko
sa "community service" na ito ay magkaroon ng kumpyansa at tiwala sa sariling kakayahan na
tiyak na madadala at magagamit ko sa ibang larangan ng aking buhay. Batay sa naranasan kong
pakikilahok sa naturang "community service” ay masasabi ko na kabilang ako sa "Personal-
responsible at Participatory citizen" sapagkat buong puso kong ginawa at tinapos ang iniatas na
gawain sa akin nang walang pag-aalinlangan at tumulong ako ng walang anumang hininging
kapalit o kabayaran.
University of Makati
J. P. RizExtension, West Rembo, Makati City

Design Center for Nation Building

A.Y. 2018-2019

TALAAN NG GAWAING PANG-KOMUNIDAD

Ipinasa ni:

Carlos, Mary Daisyrie G. Carlos

ROTC-49

Marso 16, 2019


Documentation

You might also like