You are on page 1of 2

Brain Drain: Mainit na Usapin sa Ekonomiya ng Bansa

Ni Sir Jhomerix D. Gaum

Isa sa mga kinakaharap na isyu ngayon sa lipunan ang “brain drain”. Ano nga ba ang brain drain? Ang
brain drain ay isang phenomena kung saan ang mga Pilipinong propesyonal o mga magagaling na
manggagawa sa isang bansa ay pumupunta sa ibang bansa upang doon magtrabaho o maghanapbuhay.
Ang isyung ito ay kabilang sa mga suliranin ng Pilipinas sapagkat marami ang bilang ng mga Pilipinong
propesyonal na sa ibang bansa nagtatrabaho dahil mas malaki ang sahod doon kumpara dito sa ating
bansa. Hindi naman natin sila masisisi dahil hangad naman ng bawat tao ang magkaroon ng ginhawa sa
buhay para sa pamilya at para sa sarili.

Katulad ng pagbitiw sa trabaho ng ibang mga guro upang doon sa ibang bansa magtrabaho. Mas malaki
ang matatanggap nilang sahod sa ibang bansa kumpara dito sa atin. Kung kaya’t marami ang may
gustong doon na sa ibanag bansa magtuturo para kumita ng mas malaki at masustentuhan ang
pangangailangan ng buong pamilya. Dagdag pa, ay upang mabigyan ng ginhawa ang kanilang buhay.

Ayon sa pahayag ni Ma’am Rachelle Cagang, isang guro sa elementary a ng Assumpta School of Tagum,
Inc. na nagtuturo ng asignaturang science, “Kapag nagkataon at may opportunidad na mag-abroad, why
not? Mas malaki ang kita roon at mabibigyan ko pa ng ginhawa ang pamilya ko. Masusuportahan ko pa
ang mga kapatid ko sa pag-aaral nila. Hindi sapat ang sahod ko sa pagtuturo para tustusan ang
napakaraming bayarin ng aking pamilya.” Kahit sa panig ng ibang mga lisensyadong guro ay may mga
nagnanais din na makapagtrabaho sa ibang bansa dahil naniniwala silang mas madali ang pagginhawa ng
buhay roon kaysa rito sa atin.

Hindi lamang mga propesyonal na guro ang nagasyang magtrabaho sa ibang bansa kundi pati na rin ang
ibang mga doctor, nars, inhinyero, mga piloto mga IT at “software developers” at marami pang iba. An
gating bansa ay unti-unti nang nawawalan ng mga magagaling na manggagawa o propesyonal.

Ang isyung ito ay kailangang pagtuunan ng pansin ng DOLE, DTI, at NEDA. Kung patuloy na mangyayari
ang brain drain sa Pilipinas ay malaki ang magiging epekto nito sa ating bansa. Maaaring magiging
dahilan ito ng mabagal na pagsulong n gating ekonomiya. Paano ang pag-unlad ng ekonomiya kung mag-
aalisan ang magagaling na manggagawa? Nararapat lamang na magkaroon ng aksyon ang pamahalaan
upang palakasin ang ekonomiya para wala nang dahilan sa pangingibang bansa pati na rin sa mga hindi
propesyonal.

You might also like