You are on page 1of 2

Suliranin sa Yamang-Gubat

(Status Report)

Ang biodiversity ng bansa ay itinuturing na isa sa pinakamayaman sa mundo.


Ngunit ito ay kabilang din sa nanganganib. Ang pilipinas ay nawawalan ng humigit-
kumulang 47,000 ektarya ng kagubatan sa bawat taon, ayon sa datos na ibinigay ng
Forest Management Bureau of the Department of nvironmental and Natural Resources.
Noong 2003, ang kagubatan ng bansa ay binubuo ng 7.2 milyong ektarya. Ngunit noong
2018, ang forest cover ay bumuba ng 8.4 porsiyento o halos 10.8 milyong ektarya.

Ang ating bansa ay sagana sa yamang-gubat. Kasama na rito ang pula puting
bakawan at tangili na itinuturing na pinakamahalagang suplay ng tabla sa bansa. Ang iba
pang biyaya ng kagubatan ay ang apitong, ginagamit bilang pundasyon ng mga bahay
na gawa sa kahoy; yakal, mabisa sa mga istrukturang parating nababasa; ang Narra,
isang kahoy na ginagamt sa paggawa ng mga muwebles at yantok na ginagamit sa
paggawa ng mesa.

Ang patuloy na pagsira ng ating kagubatan ang siyang pinakamalaking suliranin


ng kagubatan natin. Dahil na rin sa sobrang pagunlad ng mga paktorya at mga pagawaan
na yang nagtatapon ng mga kemikal na nakakalason sa mga halaman at puno. Halos
lahat ng mga bagay sa ating kapaligiran ay mula sa yamang gubat. Mula sa mga silya sa
paaralan hanggang sa mga papel at lapis na ginagamit ay mula sa mga puno sa ating
mga gubat. Dahil sa patuloy na illegal logging deforestation at mga paktor na sumisira sa
ating Yamang-Gubat, gumawa ng ilang programa ang ating pamahalan ukol sa mga
nasabing suliranin.

Deforestation ay ang patuloy na pagputol, pagsira at pagtotroso ng mga puno sa


kagubatan. Isa ito sa mga puno sa kagubatan. Isa ito sa mga knikilalang suliranin ng ating
bansa ngayon. Ang illegal na pagtotroso ang siyang pumipigil at sumisira sa ating
kagubatan at sa pag unlad at pagpoprodyus ng mga bagong halaman at yamang likas sa
ating bansa. Dahil sa patuloy na illegal logging deforestation at mga paktor na sumisira
sa ating Yamang-Gubat, gumawa ng ilang programa ang ating pamahalan ukol sa mga
nasabing sulranin iyon ay mga sumusunod:
Log Ban/ Logging Moratorium

Isinasaad nito ang pagbabawal sa pagputol ng puno sa mga lugar na iddineklara


ng pamahalaan ang mga lugar na ito ang mga sumusunod: Samar, Palawan, Bukidnon,
at ibang bayan ng Quirino

Reforestation

hinikayat ng pamahalaan at mga lokal na opisyales ang kanilang mga


nasasakupan at mga mamayang pilipino sa tinatawag na Reforestation kung saan,
nagtatanim ang mga mamamayan ng mga panibagong puno upang mapalitan at maging
simula ito ng panibagon ymang likas sa ating bansa.

Drive against Illegal Logging

Ang pamahalaan ay bumuo ng isang programa o kamppanayang laban sa Illegal


Logging at ito ay sinuportanan ng ating lokal na pamahalaan. Ito ay nakasaad sa Sec. 68
g presidential decree(P.D) 705 at sa ilalim ng Executive order No. 1987 ang pagpapatigil
at paghuli sa mga illegal Loggers na walang pahintulot sa lokal na pamahalaan.

Paubos na ang mga puno at patuloy na bumababa ang numero ng natitirang likas
na yaman sa ating bansa. At ito’y dahilan ng patuloy na pagputol ng mga puno at
pagpatay sa iba’t ibang endangered species na mga hayop at halaman. Ang pamahalaan
man ay mayroong mga hakbang kung paano tugunan ang suliranin na ito ngunit dapat
ang mga kabataan at mga mamamayan rin ay makilahok sapagkat kapag hindi
maagapan ang sunod-sunod na pagkaubos ng mga kagubatan, hayop, at halaman
magbubunga ito ng extiction o pagkawala ng mga halaman at hayop na kung saan tayo’y
nakadepende upang tugunan ang ating pangangailangan sa pang-araw araw lalong-lalo
na sa pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa paggawa ng mga produkto.
Mahalagang makapagtayo ang bansa ng mga gusali kung kaya’t pumuputol tayo ng mga
puno pero ito bay talagang kaylanagan o ito’y lamang para sabihin na ang bansa natin
ay maunlad dahil sa mga gusali at teknolohiya na ating na imbento. Talaga bang
ipagpapalit natin ang kahuli-hulihang yaman ng kagubatan para sa pag-unlad ng ating
bansa? Tanong na masasagot palamang.

You might also like